Boyfriend Kinabukasan, alas-singko pa lang ng umaga ay nandito na ulit si mama. Kaya naman may oras pa ako para umuwi at makapag-ayos. Gusto ko mang bantayan na lang si Danico ay hindi puwede dahil may klase pa ako. "Mag-iingat ka, Dawn," bilin ni Mama. Tumango ako. "Opo, 'Ma. Alis na po ako." Lumabas ako mula sa kuwarto at naglakad patungo sa sakayan ng tricycle. Pag-uwi ko sa bahay ay naabutan ko pa sila Papa at Laiza na kumakain ng almusal kaya sumabay na ako. "Anak, pakisabi doon sa kaibigan mo, salamat sa pinahiram niyang pera," sabi ni Papa bago uminom ng tubig. Napahinto ako at bigla kong naisip si Theros. Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin kung siya ba talaga ang nagpahiram sa akin ng pera. Alam ko naman na may tinatago talaga siyang kabaitan pero hindi lang talaga maisip na siya pa ang tutulong sa akin. "Sige p
Last Updated : 2021-12-07 Read more