Dawn At Night

Dawn At Night

last updateLast Updated : 2023-06-03
By:   Eternalqueen  Ongoing
Language: English
goodnovel16goodnovel
Not enough ratings
39Chapters
4.0Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

When her parents lost their jobs, Dawn Talia Celeste became the breadwinner of the family while studying. Then she met Theros Skye Fuentes, the cold-hearted, distant, and arrogant man who only thinks about himself. His life is full of darkness but when she came, everything went bright. They are totally opposite and that's what attracts them to each other. Theros will do everything for his company while Dawn is willing to give up everything for him. Until when will she be able to stay with a selfish man? Until when will she sacrifice just to change him? Will she succeed or she will get tired and leave?

View More

Latest chapter

Free Preview

Simula

SimulaPalaging may liwanag sa dulo ng madilim na lagusan. Iyon ang palagi kong itinatatak sa puso at isip ko. Sa tuwing nawawalan ako ng pag-asa o kaya naman ay gusto ko nang sumuko, iniisip ko na lang na matatapos din ang lahat. Na balang araw, makakamit ko rin ang inaasam ko sa buhay.Mabilis kong isinarado ang kalan nang makitang luto na ang almusal na ginawa ko. Sinandok ko iyon sa plato bago ko inilapag sa mesa.Wala pang ilang segundo ay narinig ko na ang mga yapak ng paa ng pamilya ko. Sunod-sunod silang pumasok sa kusina kung nasaan ako.Nakangiti ko silang tiningnan. “Magandang umaga!”Humalik ako sa pisngi nila mama at papa nang makaupo sila sa hapagkainan. Nakangiting pinagmasdan ni mama ang pagkain sa mesa.“Naku, dapat hindi ka na nagluto ng almusal. Ako dapat ang gumagawa nito,” sabi ni mama....

Interesting books of the same period

To Readers

Welcome to GoodNovel world of fiction. If you like this novel, or you are an idealist hoping to explore a perfect world, and also want to become an original novel author online to increase income, you can join our family to read or create various types of books, such as romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel and so on. If you are a reader, high quality novels can be selected here. If you are an author, you can obtain more inspiration from others to create more brilliant works, what's more, your works on our platform will catch more attention and win more admiration from readers.

Comments

No Comments
39 Chapters
Simula
Simula Palaging may liwanag sa dulo ng madilim na lagusan. Iyon ang palagi kong itinatatak sa puso at isip ko. Sa tuwing nawawalan ako ng pag-asa o kaya naman ay gusto ko nang sumuko, iniisip ko na lang na matatapos din ang lahat. Na balang araw, makakamit ko rin ang inaasam ko sa buhay. Mabilis kong isinarado ang kalan nang makitang luto na ang almusal na ginawa ko. Sinandok ko iyon sa plato bago ko inilapag sa mesa. Wala pang ilang segundo ay narinig ko na ang mga yapak ng paa ng pamilya ko. Sunod-sunod silang pumasok sa kusina kung nasaan ako. Nakangiti ko silang tiningnan. “Magandang umaga!” Humalik ako sa pisngi nila mama at papa nang makaupo sila sa hapagkainan. Nakangiting pinagmasdan ni mama ang pagkain sa mesa. “Naku, dapat hindi ka na nagluto ng almusal. Ako dapat ang gumagawa nito,” sabi ni mama. 
last updateLast Updated : 2021-09-29
Read more
Kabanata 1
Impress Mabilis na lumipas ang mga araw simula nang mag-exam ako sa University. Ang sabi sa amin, hintayin na lang daw namin ang admission letter na ipapadala nila at doon daw nakalagay kung nakapasa kami o hindi. Hanggang ngayon ay wala pa rin akong natatanggap kaya naman kinakabahan na ako. Kung sakaling hindi ako makapasa doon, kailangan ko na namang maghanap ng ibang school. Abala ako sa paglalampaso ng sahig nang lumapit sa akin si Laiza, ang bunso kong kapatid. “Ate, malapit na pong magpasukan, bibilhan n’yo po ba ako ng bagong sapatos?” tanong nito habang inosenteng nakatingala sa akin.  Nasa palengke pa sila mama at papa kaya kaming tatlo lang ang naiwan dito sa bahay. Day-off ko rin ngayon sa trabaho ko sa bakery kaya sinamantala kong maglinis. Ngumiti ako sa kapatid ko at umupo kami pareho sa silyang kahoy. Sa
last updateLast Updated : 2021-09-29
Read more
Kabanata 2
Want Hindi ko talaga maintindihan kung bakit may mga mayayamang grabe kung gumastos ng pera. I mean, wala naman akong karapatang pakialaman sila dahil pera naman nila ’yon. Pero nasasayangan lang ako sa mga ginagastos nila sa hindi naman importanteng bagay. Buti na lang at hindi bumaba ng kotse iyong si Theros para ipilit sa akin iyong pera. Ilang minuto pa ang lumipas ay natanaw ko silang sunod-sunod na umalis.  Napailing na lang ako bago umupo sa harap ng kaha. Alas-syete pa lang ng gabi kaya may tatlong oras pa akong hihintayin bago umuwi. Tumunog ang cellphone ko hudyat na may natanggap akong mensahe. From: AllenKita tayo mamaya. Hintayin mo ako sa park.  Nagtataka man ay pumayag pa rin ako. Ang sabi niya kanina nagkayayaan sila ng tropa niya, eh bakit makikipagkita pa siya sa ’kin? Ayos lang naman kahit umuwi na siya sa kanila.
last updateLast Updated : 2021-10-03
Read more
Kabanata 3
Friend Pinag-isipan ko nang mabuti ang sinabi ni Aling Mona sa akin. Ang pusong madalas makaranas ng sakit ay nawawalan ng pakiramdam. Ayaw kong maging manhid ang puso ko at tuluyan akong mawalan ng pakialam sa paligid kaya mas mabuting tapusin ko na ang ugat nito habang maaga pa. Kinuha ko ang cellphone ko at nagpadala ng mensahe kay Allen na makikipagkita ako sa kanya. Nakapagpaalam na ako kay Aling Mona na maaga kong isasara ang bakery dahil may gagawin pa ako. Mabuti na lang at pumayag siya. Sa park ulit ako nakipagkita kay Allen. At kagaya nang dati, huli na naman siya sa oras ng usapan namin. Ganiyan ba ang babawi? Nangako pa nga siya na hindi na mali-late sa usapan namin pero napako lang ulit ’yon. Isang oras ang lumipas bago ko natanaw si Allen na paparating. Halatang nagmadali siya dahil hinihingal pa siya at tagaktak ang pawis. “Dawn, sorry
last updateLast Updated : 2021-10-04
Read more
Kabanata 4
Course Mabuti na lang at nadaan ko sa pakiusap si Manong guard kaya pinayagan niya akong lumabas. May tatlong klase pa ako sa hapon pero kayang-kaya ko namang habulin iyon. Ang mahalaga ay makauwi ako agad. Pinara ko ang jeep na dumaan sa tapat ng campus at agad na sumakay. Habang nasa biyahe ay mas lalo lang akong kinakabahan. Pagkababa ko pa lang ng ay tinakbo ko agad ang daan papunta sa bahay namin. Mula sa labas ng pinto ay naririnig ko na ang paghagulhol ni mama. “’Ma? ’Pa? Anong nangyari? Bakit ka umiiyak?" nag-aalalang tanong ko bago umupo sa tabi niya. Halos hindi na siya makahinga kaiiyak kaya bumaling ako kay Papa. Basang-basa na rin ang kaniyang pisngi sa luha. “’Pa, ano po bang nangyari?” muli kong tanong. Bumuntonghininga si papa at sinapo ang kaniyang noo. Mas lalo kong na
last updateLast Updated : 2021-10-14
Read more
Kabanata 5
Escape  “Madaling araw ka na laging umuuwi anak, baka naman pinapagod mo nang sobra ang sarili mo?” nag-aalalang tanong ni mama habang naghahain ng almusal. Kagigising ko lang at pagpunta ko rito sa kusina ay ganiyan agad ang bungad ni mama sa akin. Isang oras nga lang ang tulog ko kagabi at inaantok pa ako ngayon. "Oo nga naman, Dawn. Ang laki na ng eyebags mo kapupuyat,” sabi naman ni papa pagkatapos humigop ng kape. Ngumiti ako sa kanilang dalawa. Ilang araw na akong nagtatrabaho hanggang madaling araw pero hindi pa rin sila nasasanay. Ako nga, pakiramdam ko nasasanay na ang katawan ko sa setup ko ngayon. Pero s’yempre nakararamdam pa rin ako ng puyat. "Hindi naman po nakakapagod ang trabaho ko. Nakakatulog naman ako doon kapag walang customer. Huwag na po kayong mag-alala,” paliwanag ko ngunit hindi man lang nagbago
last updateLast Updated : 2021-10-19
Read more
Kabanata 6
Rules "Anak, gising na." Naramdaman ko ang pagyugyog sa balikat ko kaya dahandahan akong nagmulat ng mga mata. Muli rin akong napapikit nang masilaw ako sa sikat ng araw na tumatagos sa bintana ng kuwarto ko. "Dawn, gising na. Wala ka bang balak pumasok?" muling tanong ni Mama. Sinubukan ko ulit dumilat pero kumirot ang sentido ko. Ano bang nangyayari sa 'kin? Bakit ang sakit ng ulo ko? Dahandahan akong bumangon habang hinihilot ang aking sentido. "Ayos ka lang?" tanong ni Mama kaya tumango ako. "Masakit lang po ang ulo ko,” mahina kong sabi. "Naku. Baka dahil lagi ka na lang puyat kaya masakit ang ulo mo. Mabuti pa huwag ka nang pumasok— "Hindi po puwede. Kaya ko naman pong pumasok. Ililigo ko lang 'to tapos ayos na ako." Mataman akong tiningnan ni Mama bago siya
last updateLast Updated : 2021-11-04
Read more
Kabanata 7
Threat "Hindi ka umuwi kagabi, Dawn?"  Napatigil ako sa pagnguya nang biglang magtanong si mama. Akala ko ay hindi nila napansin ang pagdating ko kanina. Dumiretso kasi ako agad sa kuwarto para maiwasan ang pagtatanong nila.  Dahandahan akong tumango bago uminom ng tubig. Medyo kinakabahan pa ako at nagdadalawang-isip kung tama bang sabihin ko ang totoo pero sa huli ay umamin na rin ako. Narinig ko ang pagbuntonghininga ni papa. "Ibig sabihin magdamag kang nagtrabaho? Wala ka pang tulog niyan?" nag-aalalang tanong ni papa. Agad akong umiling. "Hindi po. Sa totoo nga po niyan, magdamag akong natulog." Tiningnan nila ako nang may pagtataka kaya alanganin akong ngumiti. Totoo namang magdamag akong natulog... sa condo ni Theros. "Saan ka ba talaga nanggaling? Huwag mo sabihing sa boyfriend mo at doon ka nakitulog&md
last updateLast Updated : 2021-11-23
Read more
Kabanata 8
Cousin "A-Anong kailangan n'yo sa 'kin?" nauutal kong tanong habang palipat-lipat ang tingin sa dalawang lalaking nasa harapan ko. Ngumisi si Raven kaya napaiwas ako ng tingin. Hindi ko gusto ang klase ng ngisi niya. Para bang may iniisip siyang masama. "I'm just curious, why would you go to Theros's condo? Anong gagawin mo roon?" tanong niya kaya bumalik ang tingin ko sa kaniya.  Nag-isip ako saglit dahil hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin. Aaminin ko ba na tagalinis ako sa condo ni Theros dahil may utang akong binabayaran? O magsisinungaling na lang ako? Kahit ano namang idahilan ko, dapat wala na siyang pakealam doon.  "Miss, you don't have to lie. I just want to know why," Raven said. Bigla namang humagalpak ng tawa si Phoenix kaya napatingin kami sa kanya.  Itinuro niya si Raven. "Marunong ka
last updateLast Updated : 2021-11-26
Read more
Kabanata 9
Wish "Hindi ko sinasabi ito para kaawaan mo siya. I just want to inform you so that you would avoid topics about his parents."  Naalala ko tuloy noong tinitingnan ko ang family picture nila Theros, parang nag-iba bigla ang aura niya. Bigla siyang nagalit at ngayon ay mukhang naiintindihan ko na. Siguro dahil ayaw niya talagang pag-usapan ang tungkol sa kanila.  Kahit ako ay hindi magawang maisip kung gaano kahirap para kay Theros ang mawalan ng magulang. Pero rason ba 'yun para lumaki siyang kulang sa pangaral? Puwede na bang gamiting excuse 'yun para hindi siya maging mabuti sa kapwa niya? "Hindi mo naman kailangang humingi ng pabor sa 'kin. Saglit lang naman akong magiging tagalinis sa condo niya," sabi ko. "You wouldn't know what will happen next. So please, Theros only needs love and care from someone. Can you do it?" Bumuntongh
last updateLast Updated : 2021-12-05
Read more
DMCA.com Protection Status