Simula
Palaging may liwanag sa dulo ng madilim na lagusan. Iyon ang palagi kong itinatatak sa puso at isip ko. Sa tuwing nawawalan ako ng pag-asa o kaya naman ay gusto ko nang sumuko, iniisip ko na lang na matatapos din ang lahat. Na balang araw, makakamit ko rin ang inaasam ko sa buhay.
Mabilis kong isinarado ang kalan nang makitang luto na ang almusal na ginawa ko. Sinandok ko iyon sa plato bago ko inilapag sa mesa.
Wala pang ilang segundo ay narinig ko na ang mga yapak ng paa ng pamilya ko. Sunod-sunod silang pumasok sa kusina kung nasaan ako.
Nakangiti ko silang tiningnan. “Magandang umaga!”
Humalik ako sa pisngi nila mama at papa nang makaupo sila sa hapagkainan. Nakangiting pinagmasdan ni mama ang pagkain sa mesa.
“Naku, dapat hindi ka na nagluto ng almusal. Ako dapat ang gumagawa nito,” sabi ni mama.
Natawa naman si papa. "Ano ka ba naman, mahal. Hayaan mo na si Dawn at nagsasanay iyan para maging mabuting may-bahay,” biro ni papa kaya sumimangot ako.
Nagtawanan naman ang dalawa kong nakababatang kapatid. Ang hilig talaga nila akong pagkaisahan. Hindi matatapos ang isang araw nang hindi nila ako inaasar.
Pero kahit ganyan sila, mahal na mahal ko sila. Handa akong gawin ang lahat para sa kanila. Ayos lang kahit asarin nila ako palagi, kung doon sila masaya.
Ngumiti ako. “’Ma, ’Pa, alam ko pong pagod kayo sa trabaho sa palengke kaya ako na ang nagluluto ng almusal. Hindi pa po ako mag-aasawa,” paliwanag ko at naupo na rin sa harap ng hapag.
Hindi mayaman ang pamilya namin. Pero hindi rin naman kami gano’n kahirap. Nagtatrabaho sa palengke sina mama at papa. Sapat lang ang kita nila para sa isang araw naming gastusin. Habang ako naman ay nagta-trabaho bilang tindera sa bakery. Ang kinikita ko ro’n ay ginagamit ko naman sa ibang gastusin ko sa school pati na rin sa mga kapatid ko.
Hindi rin naman gaanong kalakihan ang bahay namin. Isang palapag lang ito at may dalawang kuwarto. Ang isa ay para sa mga magulang ko at ang isa ay para sa aming magkakapatid.
“Ate, susunduin ka ba ulit ni Kuya Allen?” biglaang tanong ni Danico, ang pangalawa sa aming magkakapatid.
Sumulyap ako sa magulang ko na nakangiti sa akin bago ako tumango kay Danico.
“Oo. Baka parating na rin ’yun. Bakit mo naitanong?” tanong ko rin bago nagsimulang kumain.
Umiling siya at ibinalik ang tingin sa kaniyang pagkain. Bahagyang nakabusangot ang kaniyang mukha na para bang hindi niya nagustuhan ang sinabi ko.
Gusto ko sana siyang tanungin kung may problema ba siya kay Allen pero hinayaan ko na lamang dahil nasa harap kami ng hapagkainan.
Bumuntonghininga si mama. “Dawn, anak, ” panimula niya bago hinawakan ang kamay ko. “Suportado namin ang relasyon n’yo ni Allen pero huwag ka munang mag-aasawa, ha?”
Ngumiti ako bago tumango. “Opo, ’ma. Magtatapos pa ako sa pag-aaral at tutulungan ko pa kayo. Marami pa po akong pangarap sa buhay at kasama kayo ro’n.”
“Alam naman namin ng papa mo na hindi mo kami pababayaan. Ikaw talaga ang nagsisilbing liwanag sa pamilya natin.”
Bumuntonghininga ako habang nag-iinit ang sulok ng aking mata.
Palagi nilang sinasabi na nagdudulot daw ako ng liwanag sa taong nakakasalamuha ko. Hindi ko alam na may lahi pala akong flashlight o daig ko pa ang Meralco. Char!
Kung may bitbit nga akong liwanag sa iba, sana makatulong ako para makalabas sila sa dilim na tinatahak nila. Baka iyon talaga ang silbi ko sa mundo. Magbigay ng pag-asa at tumulong sa iba. Magsilbing liwanag sa madilim nilang landas.
“Tama na nga ang drama. Kumain na tayo,” pag-iba ko ng usapan at natawa na lang kaming lahat.
Nang matapos kumain ay inayos ko na ang gamit ko sa bag. Tumunog na ang cellphone ko sa mensahe mula kay Allen. Nasa labas na raw siya.
“Ma! Pa! Nasa labas na po si Allen. Alis na po ako!” sigaw ko dahil palabas na ako ng bahay.
Natanaw ko na agad si Allen na nakasandal sa motor niya. Magpapahatid kasi ako sa kanya papunta sa school na pag-aapply-an ko sa college. Incoming freshman na kasi ako sa pasukan at related sa business ang kukunin kong kurso.
May kamahalan ang tuition fee sa school na gusto kong pasukan kaya kailangan ko ring mag-apply para sa scholarship. Sana talaga makapasa ako.
“Hi,” bati ko kay Allen dahil abala siya sa cellphone niya. Agad niya iyong itinago bago nag-angat ng tingin sa akin.
“Hey,” nakangiti niyang bati bago ako hinalikan sa noo. “Halika na. Baka ma-late pa tayo pareho.”
College student na si Allen iyon nga lang sa ibang school siya nag-aaral. Schoolmates kami noong high school kaya kami nagkakilala. Napansin ko na siya agad noong una kaming nagkita dahil sikat siya sa campus dati.
Bukod kasi sa matangkad, guwapo, at matalino siya ay mabait talaga. Palakaibigan din kaya marami siyang ka-close sa school noon.
Hindi ko nga alam na mapapansin niya ako, eh. Basta isang araw, niligawan niya ako at pagkatapos ng tatlong buwan ay sinagot ko siya. Ngayon ay malapit na kaming mag-limang taon.
Inalalayan niya akong sumakay sa motor bago niya binuhay ang makina. Kumapit ako sa beywang niya habang pinapatakbo niya ito.
Sa halos limang taon na relasyon namin ni Allen ay hindi man lang ako nakaramdam ng lungkot o sakit. Siguro dahil hindi naman ako masiyadong nag-de-demand sa kaniya kaya hindi din ako masiyadong na-di-disappoint.
Kalahating oras lang ang tagal ng biyahe papunta sa university. Pagdating doon ay natanaw ko na agad si Chariz sa entrance gate.
“Chariz!” tawag ko sa kaibigan ko at agad siyang napalingon sa akin.
Nanlaki ang mata niya at agad na tumakbo palapit sa akin. Sinalubong ko siya ng yakap. Ngayon lang ulit kami nagkita mula nang magbakasyon dahil abala rin siya sa family business nila. Habang ako nga ay abala sa aking pamilya.
Kumalas siya sa yakap at malapad ang ngiti na hinarap ako.
“Na-miss kita, Dawn! Buti na lang at pareho tayo nang a-apply-an na university. Sana makapasa tayo pareho para mas masaya ang college life natin!” na-e-excite na saad niya at may kasamang pagtaas pa ng kamay.
Ngumiti rin ako. “Sana nga. Buti ka pa hindi mo na kailangang mag-apply for scholarship. Entrance exam na lang ang iintindihin mo.”
May kaya sa buhay sila Chariz kaya naman afford ng pamilya niya ang tuition fee. At saka nag-iisang anak lang siya hindi katulad ko, may dalawa akong nakababatang kapatid.
“Hi, Allen!” bati ni Chariz sa boyfriend ko.
At kagaya ng dati ay tumango lang sa kaniya si Allen bago tumingin sa akin.
“Mauuna na ako, Dawn. Text ka na lang kapag magpapasundo ka,” bilin ni Allen bago pinaandar ang motor at umalis.
Gano’n talaga siya madalas. Parang mailap sa ibang tao at sobrang lamig makitungo. Hindi naman ganiyan dati, sobrang sweet at clingy niya nga noon pero siguro dahil sa tagal na rin namin kaya hindi na kami masiyadong showy sa isa’t isa.
Pinagmasdan ko habang papalayo si Allen bago ko ulit hinarap si Chariz. Napahawak pa siya sa kaniyang dibdib at bahagyang nanlaki ang mata.
Natawa ako. “Ayos ka lang? Nasobrahan ka yata sa kape,” biro ko bago naunang maglakad patungo sa gate.
Agad naman siyang sumunod at umangkla pa sa braso ko.
“Ahm, mahal mo talaga si Allen, ’no?" tanong niya pagkapasok namin.
Tumango ako habang nakakunot ang noo. “Oo naman. Bakit? Halata ba masyado?”
Hindi siya kumibo kaya nilingon ko siya. Diretso ang tingin niya pero halatang malalim ang iniisip. Naalala kong ganyan na ganyan din ang reaksyon ni Danico kanina nang magtanong siya tungkol kay Allen.
Ano bang problema ng mga tao sa paligid ko ngayon? Parang mga wala sa sarili, eh.
“Huy! Natulala ka na diyan.” Binangga ko ang balikat niya kaya bumalik siya sa reyalidad.
Ngumiti siya pero alam kong pilit iyon.
“S-Sorry. May iniisip lang ako,” nauutal niyang palusot.
Mataman ko siyang tinitigan habang pinag-aaralan ang reaksyon niya. Hindi magaling magtago ng sikreto si Chariz. Sa tagal na naming magkaibigan, halos alam ko na kung paano mag-isip ang babaeng ’to.
“Bakit ganiyan ka makatingin?” tanong niya at nagkibit-balikat lang ako. “Tara na nga! Baka mahaba na ang pila.”
Pagkasabi n’on ay agad niya akong hinila patungo sa isang building.
Naguguluhan man ako sa ikinikilos niya ay hindi na ako nag-usisa pa. Baka kinakabahan lang siya para sa entrance exam.
“Dawn Talia Celeste.”
Nagtaas ako ng kamay nang marinig ko ang pangalan ko. Nasa loob na kami ng room kung saan kami mag-e-exam at tinatawag isa-isa ang mga estudyante para masigurong nandito na lahat. One-seat apart din ang mga upuan para masigurong walang kopyahan na magaganap. Gano’n kahigpit ang university na ’to.
Alphabetical letter ang arrangement ng mga applicants sa bawat room kaya hindi kami magkasama ni Chariz. Rivero kasi ang apelyido ng kaibigan ko at mukhang malayo ang room niya rito. Bukod pa roon, may dagdag na exam para sa aming mag-t-take ng scholarship.
“You may now start answering. Goodluck.”
Agad kong binuklat ang answer sheet at questionnaire nang payagan kami ng proctor. Sa isip ko ay hinihiling ko na sana ay masagutan ko nang tama ang mga tanong dito.
Ilang oras din ang itinagal nang exam namin kaya paglabas ay halos gutom na ako. Buti na lang at natanaw ko na agad si Chariz sa waiting area ng campus.
Hinihimas niya ang tiyan habang papalapit sa ’kin. “Gutom na ako. Kain muna tayo,” sabi niya.
Sumulyap muna ako sa cellphone ko para tingnan ang oras. May trabaho pa kasi ako sa bakery ngayong hapon. Hindi ako pumasok kaninang umaga dahil nandito ako sa campus kaya ngayong hapon ay didiretso na ako ro’n.
“Sige. Tara na para makapunta na rin ako sa bakery,” sabi ko.
Nagtungo kami sa karinderya na katapat lang ng university. Buti na lang at may dala akong extra-budget kaya may pambili ako ng pagkain.
“Dalawang order nga po ng adobo at kanin,” sabi ni Chariz doon sa tindera.
Habang hinahanda ang order namin ay nakapangalumbabang humarap sa akin si Chariz.
“Dawn, itong itatanong ko sa ’yo general question lang ah.” Umayos ako nang pagkakaupo at tumango sa kanya. “Paano kung may ibang babae si Allen?”
Hindi ako nakasagot agad dahil inilapag na sa harap namin ang order namin. Hinintay ko munang umalis ang babae bago ako ulit humarap kay Chariz.
“Ano ba namang tanong ’yan?” natatawa kong sambit bago sumubo sa pagkain ko.
Ngumuso siya. “General question nga lang. Sagutin mo na kasi.”
This time, napaisip na ako sa tanong niya. Paano kung may babae ang boyfriend ko? Kahit kailan hindi sumagi sa isip ko ang ganoong bagay. Malaki ang tiwala ko kay Allen at wala naman siyang ginawang bagay na talagang pagdududahan ko.
Nagkibit-balikat ako. “Hindi ko alam. May tiwala ako sa kanya at kung may babae nga siya, siguro masasaktan ako pero maiintindihan ko rin. I mean, alam kong marami akong pagkukulang. At kung mahanap niya sa iba ang pagkukulang ko, ayos lang. Tatanggapin ko.”
Kumirot ang puso ko sa isiping iyon. Kung ayaw na sa akin ni Allen, palalayain ko siya. Hindi ko siya ikukulong sa relasyon namin. Kung hindi na siya masaya sa ’kin, hahayaan ko siyang sumaya sa iba.
“Bakit ka ba ganyan, Dawn? Gano’n na lang? Pakakawalan mo siya agad? Kahit na masasaktan ka?”
Kumunot ang noo ko bago ngumiti. “Chariz, mahal ko si Allen. Gusto kong maging masaya siya kaya kung hindi na siya masaya sa ’kin, pakakawalan ko siya.”
Hindi dapat makasarili ang pagmamahal. Dapat hangad mo lagi ang kasiyahan ng taong mahal mo. At kaakibat ng pagmamahal ang masaktan. Handa akong masaktan basta ba magiging masaya siya.
Pagkatapos naming kumain ay naghiwalay na kami ni Chariz. May lakad pa raw kasi siya habang ako ay sumakay na ng jeep papunta sa bakery na pinapasukan ko.
“O Dawn, kumusta ang exam? Akala ko ay aabutin ka ng gabi roon,” bungad sa akin ni Aling Mona, ang may-ari ng bakery.
Inilapag ko ang bag ko sa mesa bago siya pinalitan sa kaha.
“Ayos lang naman po. Medyo mahirap nga lang pero kaya naman,” sagot ko.
Nagpaypay siya gamit ang kaniyang abaniko bago umupo sa isang silya.
May edad na si Aling Mona ngunit malakas pa. Kitang-kita na ang mga puting buhok sa kaniyang ulo maging ang nangungulubot ng balat sa kaniyang mukha.
Isang taon na rin ako rito sa bakery niya dahil bukod sa mabait siya bilang amo, nakatutuwa pa siyang kausap.
Itiniklop niya ang hawak na abaniko. “Naku, alam kong makakakapasa ka doon. Ikaw pa, eh matalino ka kaya at maganda pa.”
Natawa ako sa papuri niya sa akin. Wala kasi siyang anak na babae kaya anak na rin ang turing niya sa akin. Para ko na rin naman siyang pangalawang ina. Nagsasabi ako sa kaniya ng problema minsan lalo na kapag alam kong abala sila mama.
“Pabili nga!”
Agad akong tumayo nang may dumating na kustomer. Namumukhaan ko ang lalaki, siya iyong tambay doon sa may kanto. Madalas siyang bumili rito lalo na kung ako ang tindera.
“Ano po ’yun?” tanong ko.
Ngumisi siya kaya halos kilabutan ako. Bukod kasi sa namumula niyang mga mata, nangingitim pa ang kanyang labi dahil siguro sa sigarilyo.
“Bente piraso ngang kababayan,” sabi niya at ibinalot ko agad ang kaniyang bibilhin.
Nang iabot ko iyon sa kanya ay pansin ko ang sadya niyang paghaplos sa kamay ko. Agad kong binawi ang aking kamay at kinuha ang bayad niya.
Buti na lang at hindi ko na siya kailangang suklian. Umalis din naman siya agad pagkatapos no’n. Nakahinga naman ako nang maluwag.
“Ikaw ba Iha ay may nobyo?” biglang tanong ni Aling Mona kaya nilingon ko siya.
Tumango ako. “Opo. Iyon pong naghahatid sa akin dito minsan,” sagot ko.
Ngumiwi siya kaya nagtaka ako. Mukhang pati si Aling Mona ay may isyu sa boyfriend ko.
“Iyong guwapo?” Tumango ako nang dahandahan. “Naku, mukhang hindi gagawa nang mabuti iyon. Teka, parang nakita ko nga siya noong nakaraan. May kasama siyang babae, hindi ako sigurado.”
Nanlumo ako sa narinig pero nanatili akong nakangiti. Baka naman kaklase niya ’yun o kaibigan. Saka sabi naman ni Aling Mona, hindi siya sigurado. Kaya baka hindi rin iyon totoo.
“O siya, ikaw na ang bahala rito sa bakery at ako’y uuwi na,” paalam niya sa akin kaya inalalayan ko siyang lumabas.
“Ingat po kayo,” sabi ko habang nakatanaw sa kanya.
Bumuntong-hininga ako habang iniisip ang sinabi ni Aling Mona. Naalala ko rin ang tanong ni Chariz kanina. Alam kong hindi nagkataon ang mga iyon.
Paniguradong may nangyayaring hindi ko nalalaman. At mukhang hindi ko na rin gustong malaman iyon.
May babae ba si Allen? Magagawa niya ba ’yun?
Tumunog ang cellphone ko at nakitang nag-text si Allen. Agad ko iyong binasa.
From: Allen
Hindi muna kita masusundo ngayon. Nagkayayaan ang tropa. Ingat ka sa pag-uwi. I love you.
Napabuntonghininga ako at tumingin sa labas. Hindi makabubuti kung pag-iisipan ko siya nang masama.
Tiwala. Kailangan ng tiwala sa isang relasyon. At may tiwala ako kay Allen. Hindi ako maniniwala hangga't hindi ko mismo nakikita sa sarili kong mga mata.
ImpressMabilis na lumipas ang mga araw simula nang mag-exam ako sa University. Ang sabi sa amin, hintayin na lang daw namin ang admission letter na ipapadala nila at doon daw nakalagay kung nakapasa kami o hindi.Hanggang ngayon ay wala pa rin akong natatanggap kaya naman kinakabahan na ako. Kung sakaling hindi ako makapasa doon, kailangan ko na namang maghanap ng ibang school.Abala ako sa paglalampaso ng sahig nang lumapit sa akin si Laiza, ang bunso kong kapatid.“Ate, malapit na pong magpasukan, bibilhan n’yo po ba ako ng bagong sapatos?” tanong nito habang inosenteng nakatingala sa akin.Nasa palengke pa sila mama at papa kaya kaming tatlo lang ang naiwan dito sa bahay. Day-off ko rin ngayon sa trabaho ko sa bakery kaya sinamantala kong maglinis.Ngumiti ako sa kapatid ko at umupo kami pareho sa silyang kahoy. Sa
WantHindi ko talaga maintindihan kung bakit may mga mayayamang grabe kung gumastos ng pera. I mean, wala naman akong karapatang pakialaman sila dahil pera naman nila ’yon. Pero nasasayangan lang ako sa mga ginagastos nila sa hindi naman importanteng bagay.Buti na lang at hindi bumaba ng kotse iyong si Theros para ipilit sa akin iyong pera. Ilang minuto pa ang lumipas ay natanaw ko silang sunod-sunod na umalis.Napailing na lang ako bago umupo sa harap ng kaha. Alas-syete pa lang ng gabi kaya may tatlong oras pa akong hihintayin bago umuwi. Tumunog ang cellphone ko hudyat na may natanggap akong mensahe.From: AllenKita tayo mamaya. Hintayin mo ako sa park.Nagtataka man ay pumayag pa rin ako. Ang sabi niya kanina nagkayayaan sila ng tropa niya, eh bakit makikipagkita pa siya sa ’kin? Ayos lang naman kahit umuwi na siya sa kanila.
FriendPinag-isipan ko nang mabuti ang sinabi ni Aling Mona sa akin. Ang pusong madalas makaranas ng sakit ay nawawalan ng pakiramdam. Ayaw kong maging manhid ang puso ko at tuluyan akong mawalan ng pakialam sa paligid kaya mas mabuting tapusin ko na ang ugat nito habang maaga pa.Kinuha ko ang cellphone ko at nagpadala ng mensahe kay Allen na makikipagkita ako sa kanya. Nakapagpaalam na ako kay Aling Mona na maaga kong isasara ang bakery dahil may gagawin pa ako. Mabuti na lang at pumayag siya.Sa park ulit ako nakipagkita kay Allen. At kagaya nang dati, huli na naman siya sa oras ng usapan namin. Ganiyan ba ang babawi? Nangako pa nga siya na hindi na mali-late sa usapan namin pero napako lang ulit ’yon.Isang oras ang lumipas bago ko natanaw si Allen na paparating. Halatang nagmadali siya dahil hinihingal pa siya at tagaktak ang pawis.“Dawn, sorry
CourseMabuti na lang at nadaan ko sa pakiusap si Manong guard kaya pinayagan niya akong lumabas. May tatlong klase pa ako sa hapon pero kayang-kaya ko namang habulin iyon. Ang mahalaga ay makauwi ako agad.Pinara ko ang jeep na dumaan sa tapat ng campus at agad na sumakay. Habang nasa biyahe ay mas lalo lang akong kinakabahan.Pagkababa ko pa lang ng ay tinakbo ko agad ang daan papunta sa bahay namin. Mula sa labas ng pinto ay naririnig ko na ang paghagulhol ni mama.“’Ma? ’Pa? Anong nangyari? Bakit ka umiiyak?" nag-aalalang tanong ko bago umupo sa tabi niya.Halos hindi na siya makahinga kaiiyak kaya bumaling ako kay Papa. Basang-basa na rin ang kaniyang pisngi sa luha.“’Pa, ano po bang nangyari?” muli kong tanong.Bumuntonghininga si papa at sinapo ang kaniyang noo. Mas lalo kong na
Escape“Madaling araw ka na laging umuuwi anak, baka naman pinapagod mo nang sobra ang sarili mo?” nag-aalalang tanong ni mama habang naghahain ng almusal.Kagigising ko lang at pagpunta ko rito sa kusina ay ganiyan agad ang bungad ni mama sa akin. Isang oras nga lang ang tulog ko kagabi at inaantok pa ako ngayon."Oo nga naman, Dawn. Ang laki na ng eyebags mo kapupuyat,” sabi naman ni papa pagkatapos humigop ng kape.Ngumiti ako sa kanilang dalawa. Ilang araw na akong nagtatrabaho hanggang madaling araw pero hindi pa rin sila nasasanay. Ako nga, pakiramdam ko nasasanay na ang katawan ko sa setup ko ngayon. Pero s’yempre nakararamdam pa rin ako ng puyat."Hindi naman po nakakapagod ang trabaho ko. Nakakatulog naman ako doon kapag walang customer. Huwag na po kayong mag-alala,” paliwanag ko ngunit hindi man lang nagbago
Rules"Anak, gising na."Naramdaman ko ang pagyugyog sa balikat ko kaya dahandahan akong nagmulat ng mga mata. Muli rin akong napapikit nang masilaw ako sa sikat ng araw na tumatagos sa bintana ng kuwarto ko."Dawn, gising na. Wala ka bang balak pumasok?" muling tanong ni Mama.Sinubukan ko ulit dumilat pero kumirot ang sentido ko. Ano bang nangyayari sa 'kin? Bakit ang sakit ng ulo ko?Dahandahan akong bumangon habang hinihilot ang aking sentido."Ayos ka lang?" tanong ni Mama kaya tumango ako."Masakit lang po ang ulo ko,” mahina kong sabi."Naku. Baka dahil lagi ka na lang puyat kaya masakit ang ulo mo. Mabuti pa huwag ka nang pumasok—"Hindi po puwede. Kaya ko naman pong pumasok. Ililigo ko lang 'to tapos ayos na ako."Mataman akong tiningnan ni Mama bago siya
Threat"Hindi ka umuwi kagabi, Dawn?"Napatigil ako sa pagnguya nang biglang magtanong si mama. Akala ko ay hindi nila napansin ang pagdating ko kanina. Dumiretso kasi ako agad sa kuwarto para maiwasan ang pagtatanong nila.Dahandahan akong tumango bago uminom ng tubig. Medyo kinakabahan pa ako at nagdadalawang-isip kung tama bang sabihin ko ang totoo pero sa huli ay umamin na rin ako. Narinig ko ang pagbuntonghininga ni papa."Ibig sabihin magdamag kang nagtrabaho? Wala ka pang tulog niyan?" nag-aalalang tanong ni papa.Agad akong umiling. "Hindi po. Sa totoo nga po niyan, magdamag akong natulog."Tiningnan nila ako nang may pagtataka kaya alanganin akong ngumiti. Totoo namang magdamag akong natulog... sa condo ni Theros."Saan ka ba talaga nanggaling? Huwag mo sabihing sa boyfriend mo at doon ka nakitulog&md
Cousin"A-Anong kailangan n'yo sa 'kin?" nauutal kong tanong habang palipat-lipat ang tingin sa dalawang lalaking nasa harapan ko.Ngumisi si Raven kaya napaiwas ako ng tingin. Hindi ko gusto ang klase ng ngisi niya. Para bang may iniisip siyang masama."I'm just curious, why would you go to Theros's condo? Anong gagawin mo roon?" tanong niya kaya bumalik ang tingin ko sa kaniya.Nag-isip ako saglit dahil hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin. Aaminin ko ba na tagalinis ako sa condo ni Theros dahil may utang akong binabayaran? O magsisinungaling na lang ako? Kahit ano namang idahilan ko, dapat wala na siyang pakealam doon."Miss, you don't have to lie. I just want to know why," Raven said.Bigla namang humagalpak ng tawa si Phoenix kaya napatingin kami sa kanya.Itinuro niya si Raven. "Marunong ka
Continuation“Half-brother?” gulat kong tanong. Magkapatid sila? Pero...paano naman nangyari ‘yon? Kung magkapatid sila, bakit ang laki ng galit ni Lino kay Theros? At kung magkapatid nga sila, bakit ipapahuli ni Theros si Lino sa mga tauhan niya?Muling natawa si Lino pero saglit lang iyon. “Mukhang napaimbestigahan mo na ang pagkatao ko. Ano pa ang mga nalaman mo? Nalaman mo ba na kabit lang ng ama ko ang nanay mo? Na nauna kaming naging pamilya bago sinira ng nanay mo ang buhay namin? At sa huli, ang nanay mo ang pinakasalan ng walang k’wenta kong ama!”“Kaya ka nagagalit at naghihiganti ngayon nang dahil lang sa pinakasalan ni dad si mommy. Hindi mo ba naisip na baka may dahilan si dad kaya gano’n ang ginawa niya?” tanong ni Theros.Pagak na natawa ulit si Lino. “Lang? At anong dahilan? May tama bang dahilan para abandonahin niya kami ng nanay ko! Na kahit nagmamakaawa ako no’n na tulungan niya kami dahil may sakit si
HALF-BROTHERHindi maalis ang tingin ko kay Lino habang naghahain siya ng pagkain sa mesa. Mas kalmado na ang itsura niya ngayon kumpara kanina pero mapapansin pa rin na may malalim siyang iniisip. Nang mailapag niya ang tubig sa mesa ay tumingin siya sa akin. “Let’s eat,” sabi niya bago naupo sa katapat kong upuan. Tumango lang ako at nagsimula na ring kumain. Iyon nga lang, halos hindi ko magawang lunukin ang pagkain dahil masiyadong naglalakbay ang isip ko.Si Lino, nagkakilala lang kami sa gas station. Naging malapit agad kami sa isa’t isa dahil pareho kami ng estado sa buhay. Parehong nagsisikap para makaahon sa kahirapan. Mabait siya. Mabait naman talaga siya bilang kaibigan. Iyon nga lang, napansin ko ang pagbabago sa ugali niya sa tuwing may kinalaman kay Theros ang pinag-uusapan namin.Hindi ko tuloy maiwasang maisip kung bakit gano’n na lang katindi ang tensyon sa pagitan nilang dalawa. Para bang may mas malalim pang dahilan. Bahagya akong nagulat nang tumunog ang doorbe
Give Up ||Bawat taong dumarating sa buhay natin ay may kaniya-kaniyang misyon. Mayroong nandiyan para gabayan ka sa bawat desisyong gagawin mo. Iyong iba, dumarating para pasayahin ka kahit sa maikling panahon lang. At mayroon din namang dumarating sa buhay mo para magbigay ng pagmamahal at sa huli...bibigyan ka ng sakit at luha.Pero hindi ka dapat malungkot dahil doon. Bawat luha na pumapatak sa mga mata ay may katumbas na aral sa buhay.Nagising ako isang umaga pero hindi ko kaagad naimulat ang mga mata ko. Sinubukan kong bumangon pero parang ang bigat ng katawan ko. May sakit na naman ba ako? Kinapa ko ang sarili ko pero hindi ko naman maramdaman kung mainit ba ako o hindi. "Dawn, ayos ka lang ba talaga? Parang ilang araw ka nang hindi natutulog ah," nag-aalalang tanong ni Ysabel.Bahagya akong natawa bago ko kinuha ang bag ko mula sa upuan. Tapos na ang klase namin sa araw na ‘to at didiretso na ako sa karinderya. "Ayos lang ako, Ysabel. Ikaw yata ang hindi okay diyan, e.
ContinuationNapayuko ako sa naisip ko. Unti-unting lumalabo ang paningin ko sa pangingilid ng luha pero pinunasan ko ito kaagad. Ayaw kong umiyak sa harapan nila. Ayaw kong magmukhang mahina. "Why? Is there something wrong?" tanong ni Yvonne at nang mag-angat ulit ako ng tingin ay napatingin din siya sa akin. Bahagyang kumunot ang noo niya. "Wait...I know you. We bumped to each other at the elevator last night. You remember me?"Hindi ako nakasagot agad dahil iniisip ko pa ang sinabi niya. Naalala kong may nakabungguan nga akong babae sa elevator sa condo ni Theros. Siya pala 'yon. Nakakatawa. Sobrang liit talaga ng mundo. O sadyang napagkakaisahan lang ako."You don't remember me?" tanong niya ulit. "Last night kasi pumunta ako sa condo ni Theros. I wanted to surprise you but it turns out na nandoon ka na pala sa condo ko." Hindi ko na kaya. Masiyado nang kumikirot ang puso ko dito. Kailangan ko nang umalis. Kailangan ko nang makalayo bago pa ako tuluyang bumigay. Bago ko pa pagmu
Engaged"Pagkatapos po ng klase ko, didiretso na ako sa ospital," sabi ko kay mama pagkatapos naming mag-almusal.Tumango si mama at bahagyang ngumiti. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang lungkot at pagod. Mukhang hindi rin siya nakatulog kagabi sa pag-aalala. Kahit ako, hindi ko magawang pumikit man lang. "Sige, Dawn. Mag-iingat ka sa biyahe," bilin ni mama.Binalingan ko ng tingin ang dalawa kong kapatid. Alam na nila ang nangyari kay papa at alam kong nalulungkot din sila. Pero hindi pa sila puwedeng sumama sa ospital. Masiyado pa silang bata at may pasok din sila sa school."Danico, Laiza, mag-aaral kayo nang mabuti, ha? Huwag magpapasaway," sabi ko sa kanilang dalawa.Sabay naman silang tumango. "Opo, ate."Nang makapagpaalam ay kinuha ko na ang bag ko at pumasok na sa school. Habang naglalakad papasok ng gate ay napansin ko na parang may kakaiba sa mga estudyante ngayon. Parang mayroon silang pinag-uusapan at mukha rin silang excited. Ipinagkibit-balikat ko na lang 'yon at dum
CONTINUATIONHindi ko na siya kinibo pa. Inalalayan ko si mama paupo para hindi siya masiyadong mapagod. Mayamaya lang ay lumabas na ang doktor mula sa ER at agad kaming nilapitan."Doc, kumusta po ang asawa ko?" nag-aalalang tanong ni mama."Ligtas na sa panganib ang pasyente pero kailangan pa rin siyang maobserbahan hanggang sa magising siya. Ililipat namin siya sa ICU para mas mabantayan ang lagay niya," sagot ng doktor.Bahagyang nakahinga nang maluwag si mama pero alam kong nag-aalala pa rin siya. Gano'n din naman ako. Hangga't hindi nagigising si papa, patuloy pa rin ang pag-aalala ko."Salamat, doc."Umalis na ang doktor at naiwan ulit kami. Ligtas na sa panganib si papa at ang sunod naman naming poproblemahin ay ang pambayad sa hospital bills. Hindi ko pa nga nababayaran ang utang ko kay Theros noong naospital si Danico. Kailan ba matatapos ang lahat ng 'to?Pakiramdam ko, padagdag na lang nang padagdag ang problema ko. Hindi ko na alam kung
Disguise"Anong balita? Hindi mo pa rin nakikita si Theros?"Bumuntonghininga ako at hindi ko mabilang kung pang-ilang buntonghininga ko na ba ‘to ngayong araw. Kasalukuyan kaming nasa canteen ni Ysabel para mananghalian at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung nasaan si Theros."Hindi pa nga, e. Hindi niya rin sinasagot ang tawag at text ko. Baka may importante lang siyang inaasikaso."Umupo sa harapan ko si Ysabel at nagpangalumbaba. "Why don't you ask his friends? Imposible namang hindi nila alam kung nasaan si Theros."Pagkasabi niya no'n ay saktong pumasok sa canteen sila Raven at Phoenix. Malapit kami sa may pintuan kaya naman nakita nila kaagad kami. Ngumiti sa akin si Phoenix habang wala namang emosyon ang mukha ni Raven. May sinabi si Phoenix sa kaniya bago ito lumapit sa mesa namin."Hi, Dawn. Hi," pagbati niya sa amin ni Ysabel.Tinanguan lang siya ni Ysabel habang ako ay sinundan ng tingin si Raven na nagtungo sa hilera ng pagkain. Huminga ako nang malalim bago buma
Injury"This is it girls! Whatever the result, always know that I'm proud of you all. I-enjoy lang natin ang laro," sabi ni Abigail.She put her palm on the center and we put our hands on top of it before we shouted the name of our team."Fight!"Today is the intramurals day. Ito na ang araw na pinaghandaan namin. Sana ay walang mangyaring problema mamaya. Scholarship namin ang nakasalalay rito kaya dapat lang na galingan namin.Huminga ako nang malalim at inayos na muna ang pagkakatali ng sintas ko. May isang pares ng mga paa na huminto sa harapan ko kaya napatingala ako."Lino." Tumayo ako at kunot-noo siyang tiningnan. Mula nang araw na niyakap niya ako sa garden, ngayon na lang ulit siya lumapit sa akin."Goodluck sa game. Break a leg!" he said and I smiled slightly. "S-Salamat," sagot ko. Hindi ko alam kung paano siya pakikitunguhan. Alam ko namang nagawa niya lang 'yon dahil nasaktan ko siya.
ManipulateKinabukasan ay nagising ako at bumungad sa akin ang mukha ni Theros. Napabalikwas ako ng bangon sa gulat."Good morning," he greeted while smiling from ear to ear.Hindi ko siya sinagot at basta na lang akong tumakbo papunta sa banyo. Pinagmasdan ko kung may dumi ba ang mukha ko at nasapo ko na lang ang aking noo."Ang gulo ng buhok ko. Nakakahiya sa kaniya. Bakit ba kasi niya ako tinititigan habang tulog? Baka mamaya naghilik ako o kung ano pang nasabi ko."Pagkatapos kong pakalmahin ang sarili ay naghilamos na ako at inayos ang aking buhok. Lumabas ako ng banyo at naabutan si Theros na nakasandal sa may pinto. "A-Ano bang ginagawa mo dito?" nahihiyang tanong ko.Ngumisi siya. "I cooked breakfast for us. Let's go?"Hindi pa man ako nakakasagot ay hinawakan niya na ang kamay ko at hinila palabas ng kuwarto. Nagtungo kami sa dining room kung nasaan nakahain ang mga pagkain. Biglang