Share

Kabanata 5

Author: Eternalqueen
last update Last Updated: 2021-10-19 13:53:21

Escape

“Madaling araw ka na laging umuuwi anak, baka naman pinapagod mo nang sobra ang sarili mo?” nag-aalalang tanong ni mama habang naghahain ng almusal.

Kagigising ko lang at pagpunta ko rito sa kusina ay ganiyan agad ang bungad ni mama sa akin. Isang oras nga lang ang tulog ko kagabi at inaantok pa ako ngayon.

"Oo nga naman, Dawn. Ang laki na ng eyebags mo kapupuyat,” sabi naman ni papa pagkatapos humigop ng kape.

Ngumiti ako sa kanilang dalawa. Ilang araw na akong nagtatrabaho hanggang madaling araw pero hindi pa rin sila nasasanay. Ako nga, pakiramdam ko nasasanay na ang katawan ko sa setup ko ngayon. Pero s’yempre nakararamdam pa rin ako ng puyat.

"Hindi naman po nakakapagod ang trabaho ko. Nakakatulog naman ako doon kapag walang customer. Huwag na po kayong mag-alala,” paliwanag ko ngunit hindi man lang nagbago ang emosyon sa mukha nila.

Sa totoo lang, kaya ko naman talaga ang puyat. Pero pagdating sa campus talagang inaatake ako ng antok kaya minsan pinapalabas ako ng masungit kong prof. Sa library tuloy ang diretso ko ’pag pinapalabas ako ng room. Wala naman akong ibang pupuntahan na tahimik na lugar kundi ro’n lang. 

"Miss Celeste, this is the nth time that I caught you sleeping in my class! Sa susunod na tulugan mo ang klase ko, ibabagsak na talaga kita. Get out!"

Sabi ko na nga ba. Mapapalabas na naman ako ng room dahil nakatulog ako. Kahit anong gawin ko kasi, ang boring niya magturo. Mas lalo lang akong inaantok. Buti na lang kayang-kaya ko i-self study ang subject niya kaya nakakasagot pa rin ako tuwing may test.

Nagtungo na ako sa ulit sa library para doon matulog. Tahimik kasi doon dahil bihira lang ang mga estudyanteng nagbabasa ng libro. Kadalasan, sa internet na sila naghahanap ng mga gusto nilang malaman.

"Sa wakas, makakatulog na ako,” bulong ko sa sarili bago nag-set ng alarm. Isang oras lang ako puwedeng matulog dito dahil may next subject pa ako. Wala naman akong planong mag-cutting, 'no!

Nasa kalagitnaan ako ng pagtulog nang may marinig akong kakaiba. Kunot-noo kong nilingon kung saan nanggagaling ang tunog na 'yun at napansin kong nandoon 'yun sa likod ng isang bookshelf. 

Dahandahan akong tumayo at naglakad palapit doon. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang dalawang taong naghahalikan. Agad akong naglakad paalis dahil baka makita pa nila ako.

Pamilyar sa 'kin ang mukha no’ng lalaki. Isa 'yun sa kasama ni Theros noong bumili sila sa bakery, eh. Grabe naman, dito pa sila gumagawa ng kababalaghan. Hindi man lang rumespeto sa natutulog tulad ko! 

"Kung balak pala nilang magtukaan doon sa likod, gawin naman nila nang tahimik. Ito na lang ang oras ng tulog ko naistorbo pa,” bulong ko habang naglalakad patungong canteen.

"Sinong nagtutukaan? May manok pala dito sa school?"

Napaigtad ako nang biglang sumulpot si Ysabel mula sa kung saan. Nanlalaki ang mga mata ko nang lingunin ko siya.

"Ang hilig mo talaga akong gulatin 'no?" singhal ko sa kanya kaya natawa siya.

Nagpatuloy ako sa paglalakad at agad siyang sumabay sa ’kin. 

"Sorry. Pero sino nga 'yung nagtutukaan?"

Napahinga ako nang malalim dahil mukhang hindi niya palalampasin ang narinig niya. Sa ilang linggo naming magkasama, na-realize ko na kapag may gusto siyang malaman, gagawa talaga siya ng paraan para alamin 'yun.

Eh kaya lang, hindi ko puwedeng sabihin sa kanya. Dahil crush niya 'yung nakita kong nakikipaghalikan doon sa library.

Umiling ako. "Wala. Ang sabi ko, kung puwede lang humanap ng manok na tutuka sa ’kin para hindi ako antukin, gagawin ko na,” palusot ko.

Buti na lang at mukhang naniwala siya kaya nakahinga ako nang maluwag. Sabay kaming nagtungo sa canteen dahil nagugutom daw siya. Kaya naisipan ko na lang magbasa-basa para hindi ako antukin.

"Napakasipag mo talaga 'no?" bigla niyang sabi kaya napaangat ako ng tingin sa kanya.

"Hindi naman." 

"Anong hindi? Eh, nagtatrabaho ka magdamag tapos ang sipag mo pang mag-aral. Grabe, hindi ko kaya 'yun." Umiling-iling pa siya bago kumagat sa inorder niyang burger.

Natawa na lang ako sa kakulitan niya. Hindi naman talaga ako masipag. Wala lang talaga akong choice kundi magtrabaho para may panggastos kami. Siguro kung mayaman din kami, baka lumaki rin akong tamad. 

Natapos ko ang natitira kong klase nang hindi napapalabas ng room. Isinara ko na ang aking locker pagkalagay ko ng gamit bago ako nag-unat ng katawan.

Huminga ako nang malalim bago naglakad patungo sa gate. Ngumiti ako kay Manong Guard.

"Uwi na po ako, Manong. Salamat!” sambit ko kaya tumango rin siya.

"Ingat ka, Iha."

Pagkalabas ng campus ay pinara ko na agad ang jeep at sumakay. Sa karinderya ako dumiretso bago ako nagtungo sa bakery pagkatapos kong maghugas ng plato. Umalis na si Aling Mona pagdating ko doon kaya agad kong nilabas ang gamit ko. Gagawin ko na agad ang homework ko tutal wala namang bumibili.

Mabilis na lumipas ang oras at isinara ko na agad ang bakery. Napadaan ako sa isang food stand kaya naisipan kong kumain muna.

"Isang siopao nga po at palamig,” sabi ko sa tindero bago inabot ang bayad.

Ito na ang hapunan ko ngayong araw. Nakalimutan ko kasing kumain kanina sa bakery dahil sa pagsasagot ko ng mga school works. Hindi rin naman ako nakaramdam ng gutom kaya gano’n.

"Hello, Dawn!"

Nilingon ko si Lino nang batiin niya ako pagkalabas ko ng banyo. Kararating niya lang din yata dahil hindi pa siya nakakapagbihis ng uniform. 

"Uy, akala ko hindi ka papasok. Wala ka pagdating ko eh,” sabi ko.

"May pinuntahan pa kasi ako bago dumiretso dito. Bakit? Natakot kang walang manlibre sa 'yo ng kape?"

Napanganga ako bago natawa sa sinabi niya. Oo nga pala, siya ang laging nanlilibre sa akin ng kape. Kaya siguro naging nerbyosa na ako. Mahilig kasi siya sa kape kaya nadamay na rin ako.

"Loko! Hindi naman. Sige punta na ako doon baka may magpakarga na,” paalam ko bago siya iniwan.

Pumunta na ako sa puwesto ko palagi at napahikab na naman ako. Kararating ko lang pero inaantok na ako agad. Hindi kasi ako nakatulog sa campus kanina. Kainis!

Ilang minuto lang ay may itim na kotseng pumarada sa harapan ng station ko. Agad akong tumayo at nilapitan iyon. Nang bumaba ang driver ay halos matulos ako sa kinatatayuan ko.

Pinasadahan ko siya ng tingin at suot niya iyong kadalasan niyang porma araw-araw. Naka-semi formal attire kasi siya palagi na akala mo isa na siyang propesyonal, pero estudiyante pa lang din naman siya.

Nagsalubong ang paningin namin at pansin ko na natigilan din siya saglit. Agad akong tumikhim. 

"F-Full tank po, Sir?" nauutal kong tanong kaya halos masapo ko ang noo ko.

Bakit ba ako kinakabahan? Ano naman kung si Theros Fuentes siya? Hindi naman siguro niya naaalala 'yung nangyari doon sa bakery, 'di ba?

"Yes,” sagot niya sa seryosong boses kaya mas lalo akong nataranta.

Bukod kasi sa nakatitig siya sa bawat kilos ko, nakaka-intimidate ang aura niya. Agad kong kinuha 'yung pump hose bago lumapit sa kotse ni Theros. Pero bago pa ako makalapit ay natapilok ako doon sa gutter at tumalsik sa kotse niya 'yung hawak kong pump hose.

"Oh shit!"

Mas lalo akong nataranta nang marinig ko ang pagmumura niya. Agad kong tiningnan kung may gasgas ba ang kotse at kung minamalas nga naman, medyo malaki ang gasgas.

"Lagot na. Paano na 'to?" bulong ko sa sarili at kinakabahang lumingon kay Theros na nasa tabi ko na pala.

Tiningnan niya ang damage ng kotse bago napailing. Yari na talaga ako. Halata pa namang mamahalin ang kotse niya, paniguradong mahal din ang pampagawa niyan.

Tumayo siya nang tuwid at humarap sa akin kaya napayuko ako.

"Where's your manager?" 

Agad kong pinagdaop ang palad ko nang sabihin niya iyon. 

"Please...pasensya na. Hindi ko sinasadyang magasgasan ang kotse mo...babayaran ko na lang. Huwag mo lang akong isumbong sa manager namin," sunod-sunod kong sambit habang nakapikit at magkadaop ang palad.

Narinig ko ang tawa niya kaya napamulat ako. Nakangisi siya pero seryoso ang mga mata kaya napaiwas ako ng tingin. Mukha siyang galit. Nakakatakot.

"Babayaran mo? You think you can afford paying for my car? Kung may gano’n ka naman palang pera, bakit nagtatrabaho ka pa rito?"

Napanganga ako sa sinabi niya. May halong pang-iinsulto 'yun, ah! 

Inis ko siyang binalingan. "Oo, hindi ko kayang bayaran ang pampagawa sa kotse mo pero wala kang karapatang insultuhin ako—

"See? Ikaw na nga ang nakadisgrasya, ikaw pa ang galit. Where's your manager?"

Luminga-linga siya sa paligid at nang matanaw ang office ng manager namin ay maglalakad na sana siya papunta ro’n pero agad akong humarang.

"Pasensya na...huwag mo akong isumbong. Mawawalan ako ng trabaho. Kailangan na kailangan ko itong trabaho ko...pakiusap. Gagawin ko lahat para lang mabayaran ka. Kung gusto mo, gawin mo akong maid tapos huwag mo na akong bayaran. Basta huwag mo akong isumbong."

Tinitigan ko siya sa mga mata niyang kulay abo. Ilang segundo yata kaming nagtitigan bago siya umismid. 

Ang hirap namang pakiusapan ng lalaking 'to! 

"Fine." Nanlaki ang mga mata ko sa pagpayag niya pero alam ko agad na may kondisyon siya. "Papayag akong maging tagalinis ka ng condo ko, pero isusumbong pa rin kita sa manager mo."

Hindi makapaniwalang tiningnan ko si Theros. Sinasabi ko na nga bang hindi siya agad papayag nang basta-basta.

"Bakit? Gagawin mo na nga akong tagalinis nang walang suweldo tapos isusumbong mo pa rin ako."

Tumango siya. "I still have to report you to your manager. Paano kung maulit na naman itong nangyari—

"Ngayon lang naman 'to. Ikaw kasi eh, kung makatingin ka parang may ginawa akong kasalanan sa 'yo,” putol ko sa sinasabi niya.

Tumaas ang kilay niya bago siya nagkibit-balikat.

"Now, you're blaming me. Basta kakausapin ko ang manager mo. Don't worry, sasabihin kong huwag kang tanggalin sa trabaho."

Napangiti ako dahil doon. May mabuti naman pala siyang puso—

"Bawasan na lang ang suweldo mo."

Agad ding naglaho ang ngiti ko sa sinabi niya. Akala ko pa naman may kakaunting kabaitan siya, sagad sa buto na pala ang kasamaan ng lalaking 'to. Matapobre! Mayabang! Makasarili! Lahat na!

"Anong nangyayari rito?"

Nakahinga ako nang maluwag nang marinig ko ang boses ni Lino. Agad ko siyang hinarap.

"Manager Lino, buti nandyan na po kayo. Gusto ka raw po niyang makausap,” sabi ko habang pinanlalakihan siya ng mata para sabihing sumakay siya sa plano ko.

Kumunot ang noo ni Lino bago sumulyap kay Theros. 

"If you're planning to deceive me, do it better. Kilala ko ang manager ng gas station na 'to kaya hindi mo ako maloloko."

Napapikit ako nang mariin dahil doon. Wala pala akong lusot sa lalaking 'to. Mababawasan na nga talaga ang suweldo ko. 

"Ano ba kasing nangyari at nagasgasan mo ang kotse niya?" tanong ni Lino nang pumasok na si Theros sa opisina ng manager namin.

Kinamot ko ang noo ko. "Kinabahan kasi ako sa tingin niya kaya nataranta ako at natapilok. Alam mo 'yun, ang intimidating niya kasi."

Saglit akong tinitigan ni Lino bago siya humagalpak ng tawa. Mas lalo akong sumimangot nang dahil doon. Nakakatawa ba talaga ang nangyari sa ’kin? 

"Masaya ka niyan?" sarkastikong tanong ko kay Lino kaya pinilit niyang pigilan ang tawa niya.

"Pasensya na. Naimagine ko kasi 'yung itsura mo kanina. Para kang high school student na natulala nang makita ang crush niya. Crush mo ba 'yung lalaking 'yun?"

Ngumiwi ako sa sinabi niya. "Alam mo, nasobrahan ka na yata sa kape. Pati utak mo nagpa-palpitate na kaya hindi ka na makaisip nang maayos."

Hindi na siya nakasagot dahil biglang bumukas ang pinto ng opisina ni manager. Lumabas mula roon sila Theros at Manager Kim.

Napatayo ako nang tuwid nang sabay silang tumingin sa akin. 

"Pasensya ka na talaga Mr. Fuentes sa nagawa ng employee ko,” sabi ni Manager bago sumulyap sa ’kin. "Dawn, masuwerte ka at pinakiusapan niya ako na huwag ka nang tanggalin. Pero kakaltasan ko ang suweldo para ngayong buwan."

Pinakiusapan? Totoo ba 'yun? Marunong makiusap si Theros?

Tumango na lang ako bilang sagot. Ayaw ko na lang magsalita dahil baka mapikon ko na naman si Theros at magbago pa ang isip niya.

Akala ko ay aalis na siya pagkatapos nilang mag-usap ni manager pero sumulyap pa siya sa 'kin at sinenyasan akong sumunod. 

Ano pa bang magagawa ko? S'yempre kailangan kong sumunod sa kanya. 

"Ano 'yun? May dagdag kondisyon ka na naman?" tanong ko sa kanya nang makarating kami sa kotse niya.

May kinuha siya sa wallet niya at inabot sa 'kin 'yon. Nang tingnan ko, calling card pala. 

"Nandiyan na rin ang address ng condo ko. Pumunta ka na lang kung anong oras ka free, pero mas prefer ko kung gabi ka maglilinis."

Tumango ako at napabuntong-hininga na lamang. 

"And let me tell you this, you can't escape from me. Kaya kung nagbabalak kang pagtaguan ako, huwag mo nang subukan."

Related chapters

  • Dawn At Night   Kabanata 6

    Rules"Anak, gising na."Naramdaman ko ang pagyugyog sa balikat ko kaya dahandahan akong nagmulat ng mga mata. Muli rin akong napapikit nang masilaw ako sa sikat ng araw na tumatagos sa bintana ng kuwarto ko."Dawn, gising na. Wala ka bang balak pumasok?" muling tanong ni Mama.Sinubukan ko ulit dumilat pero kumirot ang sentido ko. Ano bang nangyayari sa 'kin? Bakit ang sakit ng ulo ko?Dahandahan akong bumangon habang hinihilot ang aking sentido."Ayos ka lang?" tanong ni Mama kaya tumango ako."Masakit lang po ang ulo ko,” mahina kong sabi."Naku. Baka dahil lagi ka na lang puyat kaya masakit ang ulo mo. Mabuti pa huwag ka nang pumasok—"Hindi po puwede. Kaya ko naman pong pumasok. Ililigo ko lang 'to tapos ayos na ako."Mataman akong tiningnan ni Mama bago siya

    Last Updated : 2021-11-04
  • Dawn At Night   Kabanata 7

    Threat"Hindi ka umuwi kagabi, Dawn?"Napatigil ako sa pagnguya nang biglang magtanong si mama. Akala ko ay hindi nila napansin ang pagdating ko kanina. Dumiretso kasi ako agad sa kuwarto para maiwasan ang pagtatanong nila.Dahandahan akong tumango bago uminom ng tubig. Medyo kinakabahan pa ako at nagdadalawang-isip kung tama bang sabihin ko ang totoo pero sa huli ay umamin na rin ako. Narinig ko ang pagbuntonghininga ni papa."Ibig sabihin magdamag kang nagtrabaho? Wala ka pang tulog niyan?" nag-aalalang tanong ni papa.Agad akong umiling. "Hindi po. Sa totoo nga po niyan, magdamag akong natulog."Tiningnan nila ako nang may pagtataka kaya alanganin akong ngumiti. Totoo namang magdamag akong natulog... sa condo ni Theros."Saan ka ba talaga nanggaling? Huwag mo sabihing sa boyfriend mo at doon ka nakitulog&md

    Last Updated : 2021-11-23
  • Dawn At Night   Kabanata 8

    Cousin"A-Anong kailangan n'yo sa 'kin?" nauutal kong tanong habang palipat-lipat ang tingin sa dalawang lalaking nasa harapan ko.Ngumisi si Raven kaya napaiwas ako ng tingin. Hindi ko gusto ang klase ng ngisi niya. Para bang may iniisip siyang masama."I'm just curious, why would you go to Theros's condo? Anong gagawin mo roon?" tanong niya kaya bumalik ang tingin ko sa kaniya.Nag-isip ako saglit dahil hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin. Aaminin ko ba na tagalinis ako sa condo ni Theros dahil may utang akong binabayaran? O magsisinungaling na lang ako? Kahit ano namang idahilan ko, dapat wala na siyang pakealam doon."Miss, you don't have to lie. I just want to know why," Raven said.Bigla namang humagalpak ng tawa si Phoenix kaya napatingin kami sa kanya.Itinuro niya si Raven. "Marunong ka

    Last Updated : 2021-11-26
  • Dawn At Night   Kabanata 9

    Wish"Hindi ko sinasabi ito para kaawaan mo siya. I just want to inform you so that you would avoid topics about his parents."Naalala ko tuloy noong tinitingnan ko ang family picture nila Theros, parang nag-iba bigla ang aura niya. Bigla siyang nagalit at ngayon ay mukhang naiintindihan ko na. Siguro dahil ayaw niya talagang pag-usapan ang tungkol sa kanila.Kahit ako ay hindi magawang maisip kung gaano kahirap para kay Theros ang mawalan ng magulang. Pero rason ba 'yun para lumaki siyang kulang sa pangaral? Puwede na bang gamiting excuse 'yun para hindi siya maging mabuti sa kapwa niya?"Hindi mo naman kailangang humingi ng pabor sa 'kin. Saglit lang naman akong magiging tagalinis sa condo niya," sabi ko."You wouldn't know what will happen next. So please, Theros only needs love and care from someone. Can you do it?"Bumuntongh

    Last Updated : 2021-12-05
  • Dawn At Night   Kabanata 10

    Deal"Dahil...matagal na akong itinakwil ni Mama bilang anak."Natigilan ako sa sinabi ni papa. Hindi ako makapaniwala sa narinig ko kaya nilingon ko si mama. Nang tumango siya ay doon ko napagtantong totoo nga."I-Itinakwil po kayo ni lola? Pero bakit po? May nagawa po ba kayong kasalanan?" naguguluhang tanong ko.Wala akong maisip na dahilan para itakwil ni lola si papa. Napakabuting tao ng papa ko at hindi ko maisip na kayang ipagtabuyan ng isang ina ang kaniyang anak.Muling huminga nang malalim si papa bago pilit na ngumiti."Simula nang piliin kong makasama kayo ng Mama mo, itinakwil niya na ako,” sabi ni Papa kaya mas lalo akong nagulat.Si mama naman ngayon ang bumuntonghininga."Hindi kasi tanggap ng lola mo ang relasyon namin ng papa mo. May iba siyang gusto na pakasa

    Last Updated : 2021-12-06
  • Dawn At Night   Kabanata 11

    BoyfriendKinabukasan, alas-singko pa lang ng umaga ay nandito na ulit si mama. Kaya naman may oras pa ako para umuwi at makapag-ayos. Gusto ko mang bantayan na lang si Danico ay hindi puwede dahil may klase pa ako."Mag-iingat ka, Dawn," bilin ni Mama.Tumango ako. "Opo, 'Ma. Alis na po ako."Lumabas ako mula sa kuwarto at naglakad patungo sa sakayan ng tricycle. Pag-uwi ko sa bahay ay naabutan ko pa sila Papa at Laiza na kumakain ng almusal kaya sumabay na ako."Anak, pakisabi doon sa kaibigan mo, salamat sa pinahiram niyang pera," sabi ni Papa bago uminom ng tubig.Napahinto ako at bigla kong naisip si Theros. Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin kung siya ba talaga ang nagpahiram sa akin ng pera. Alam ko naman na may tinatago talaga siyang kabaitan pero hindi lang talaga maisip na siya pa ang tutulong sa akin."Sige p

    Last Updated : 2021-12-07
  • Dawn At Night   Kabanata 12

    MessagePabilis nang pabilis ang tibok ng puso ko habang naglalakad ako patungo sa Dean's office. Hindi ko alam kung bakit ako pinapatawag ni Dean pero pakiramdam ko ay may masamang balita akong maririnig."Sige Miss, pasok ka na," sabi ng secretary ni Dean bago binuksan ang pinto para sa akin.Huminga ako nang malalim bago pumasok sa loob. Naabutan ko si Dean na may binabasang papel."Good morning Dean. Pinatatawag n'yo raw po ako?"Mula sa mga papel ay nag-angat siya ng tingin sa akin at ngumiti."Take a seat, Miss Celeste," he said and motioned the seat in front of his desk.Tumango ako at agad na umupo. Mas lalo akong kinakabahan at hindi mapigilang manlamig ng kamay ko. Idagdag pa ang malamig na atmospera ng opisina nang dahil sa aircon."Miss Celeste, naging busy ka ba masiyado nitong mga

    Last Updated : 2021-12-14
  • Dawn At Night   Kabanata 13

    Hidden"Miss Celeste, I'm glad to see you here," Mr. Demeza greeted me as I entered his office.Inilibot ko ang paningin sa paligid at doon ko napansin na malawak itong opisina niya. Walang ibang taong naroon kundi kaming dalawa lang. Ang sekretarya niya kasing naghatid sa akin dito ay iniwan kami agad.Iminuwestra niya ang upuan sa harap ng kaniyang mesa."Have a seat," sabi niya kaya sinunod ko iyon.Habang papaakyat dito kanina ay hindi ko makita kung may iba pa bang model na narito. Parang ang tahimik nga ng buong building at hindi halatang isa itong kompanya ng isang soap brand."Before I let you proceed to the shooting area, you have fill up this paper. It contains your informations para na rin may ideya kami kung sino ka," sabi ni Mr. Demeza.Tumango ako kinuha ang papel na inabot niya sa akin. Sinagutan ko iyon ag

    Last Updated : 2021-12-23

Latest chapter

  • Dawn At Night   Kabanata 35 PART 2

    Continuation“Half-brother?” gulat kong tanong. Magkapatid sila? Pero...paano naman nangyari ‘yon? Kung magkapatid sila, bakit ang laki ng galit ni Lino kay Theros? At kung magkapatid nga sila, bakit ipapahuli ni Theros si Lino sa mga tauhan niya?Muling natawa si Lino pero saglit lang iyon. “Mukhang napaimbestigahan mo na ang pagkatao ko. Ano pa ang mga nalaman mo? Nalaman mo ba na kabit lang ng ama ko ang nanay mo? Na nauna kaming naging pamilya bago sinira ng nanay mo ang buhay namin? At sa huli, ang nanay mo ang pinakasalan ng walang k’wenta kong ama!”“Kaya ka nagagalit at naghihiganti ngayon nang dahil lang sa pinakasalan ni dad si mommy. Hindi mo ba naisip na baka may dahilan si dad kaya gano’n ang ginawa niya?” tanong ni Theros.Pagak na natawa ulit si Lino. “Lang? At anong dahilan? May tama bang dahilan para abandonahin niya kami ng nanay ko! Na kahit nagmamakaawa ako no’n na tulungan niya kami dahil may sakit si

  • Dawn At Night   Kabanata 35 PART 1

    HALF-BROTHERHindi maalis ang tingin ko kay Lino habang naghahain siya ng pagkain sa mesa. Mas kalmado na ang itsura niya ngayon kumpara kanina pero mapapansin pa rin na may malalim siyang iniisip. Nang mailapag niya ang tubig sa mesa ay tumingin siya sa akin. “Let’s eat,” sabi niya bago naupo sa katapat kong upuan. Tumango lang ako at nagsimula na ring kumain. Iyon nga lang, halos hindi ko magawang lunukin ang pagkain dahil masiyadong naglalakbay ang isip ko.Si Lino, nagkakilala lang kami sa gas station. Naging malapit agad kami sa isa’t isa dahil pareho kami ng estado sa buhay. Parehong nagsisikap para makaahon sa kahirapan. Mabait siya. Mabait naman talaga siya bilang kaibigan. Iyon nga lang, napansin ko ang pagbabago sa ugali niya sa tuwing may kinalaman kay Theros ang pinag-uusapan namin.Hindi ko tuloy maiwasang maisip kung bakit gano’n na lang katindi ang tensyon sa pagitan nilang dalawa. Para bang may mas malalim pang dahilan. Bahagya akong nagulat nang tumunog ang doorbe

  • Dawn At Night   Kabanata 34

    Give Up ||Bawat taong dumarating sa buhay natin ay may kaniya-kaniyang misyon. Mayroong nandiyan para gabayan ka sa bawat desisyong gagawin mo. Iyong iba, dumarating para pasayahin ka kahit sa maikling panahon lang. At mayroon din namang dumarating sa buhay mo para magbigay ng pagmamahal at sa huli...bibigyan ka ng sakit at luha.Pero hindi ka dapat malungkot dahil doon. Bawat luha na pumapatak sa mga mata ay may katumbas na aral sa buhay.Nagising ako isang umaga pero hindi ko kaagad naimulat ang mga mata ko. Sinubukan kong bumangon pero parang ang bigat ng katawan ko. May sakit na naman ba ako? Kinapa ko ang sarili ko pero hindi ko naman maramdaman kung mainit ba ako o hindi. "Dawn, ayos ka lang ba talaga? Parang ilang araw ka nang hindi natutulog ah," nag-aalalang tanong ni Ysabel.Bahagya akong natawa bago ko kinuha ang bag ko mula sa upuan. Tapos na ang klase namin sa araw na ‘to at didiretso na ako sa karinderya. "Ayos lang ako, Ysabel. Ikaw yata ang hindi okay diyan, e.

  • Dawn At Night   Chapter 33 PART 2

    ContinuationNapayuko ako sa naisip ko. Unti-unting lumalabo ang paningin ko sa pangingilid ng luha pero pinunasan ko ito kaagad. Ayaw kong umiyak sa harapan nila. Ayaw kong magmukhang mahina. "Why? Is there something wrong?" tanong ni Yvonne at nang mag-angat ulit ako ng tingin ay napatingin din siya sa akin. Bahagyang kumunot ang noo niya. "Wait...I know you. We bumped to each other at the elevator last night. You remember me?"Hindi ako nakasagot agad dahil iniisip ko pa ang sinabi niya. Naalala kong may nakabungguan nga akong babae sa elevator sa condo ni Theros. Siya pala 'yon. Nakakatawa. Sobrang liit talaga ng mundo. O sadyang napagkakaisahan lang ako."You don't remember me?" tanong niya ulit. "Last night kasi pumunta ako sa condo ni Theros. I wanted to surprise you but it turns out na nandoon ka na pala sa condo ko." Hindi ko na kaya. Masiyado nang kumikirot ang puso ko dito. Kailangan ko nang umalis. Kailangan ko nang makalayo bago pa ako tuluyang bumigay. Bago ko pa pagmu

  • Dawn At Night   Chapter 33 PART 1

    Engaged"Pagkatapos po ng klase ko, didiretso na ako sa ospital," sabi ko kay mama pagkatapos naming mag-almusal.Tumango si mama at bahagyang ngumiti. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang lungkot at pagod. Mukhang hindi rin siya nakatulog kagabi sa pag-aalala. Kahit ako, hindi ko magawang pumikit man lang. "Sige, Dawn. Mag-iingat ka sa biyahe," bilin ni mama.Binalingan ko ng tingin ang dalawa kong kapatid. Alam na nila ang nangyari kay papa at alam kong nalulungkot din sila. Pero hindi pa sila puwedeng sumama sa ospital. Masiyado pa silang bata at may pasok din sila sa school."Danico, Laiza, mag-aaral kayo nang mabuti, ha? Huwag magpapasaway," sabi ko sa kanilang dalawa.Sabay naman silang tumango. "Opo, ate."Nang makapagpaalam ay kinuha ko na ang bag ko at pumasok na sa school. Habang naglalakad papasok ng gate ay napansin ko na parang may kakaiba sa mga estudyante ngayon. Parang mayroon silang pinag-uusapan at mukha rin silang excited. Ipinagkibit-balikat ko na lang 'yon at dum

  • Dawn At Night   Chapter 32 PART 2

    CONTINUATIONHindi ko na siya kinibo pa. Inalalayan ko si mama paupo para hindi siya masiyadong mapagod. Mayamaya lang ay lumabas na ang doktor mula sa ER at agad kaming nilapitan."Doc, kumusta po ang asawa ko?" nag-aalalang tanong ni mama."Ligtas na sa panganib ang pasyente pero kailangan pa rin siyang maobserbahan hanggang sa magising siya. Ililipat namin siya sa ICU para mas mabantayan ang lagay niya," sagot ng doktor.Bahagyang nakahinga nang maluwag si mama pero alam kong nag-aalala pa rin siya. Gano'n din naman ako. Hangga't hindi nagigising si papa, patuloy pa rin ang pag-aalala ko."Salamat, doc."Umalis na ang doktor at naiwan ulit kami. Ligtas na sa panganib si papa at ang sunod naman naming poproblemahin ay ang pambayad sa hospital bills. Hindi ko pa nga nababayaran ang utang ko kay Theros noong naospital si Danico. Kailan ba matatapos ang lahat ng 'to?Pakiramdam ko, padagdag na lang nang padagdag ang problema ko. Hindi ko na alam kung

  • Dawn At Night   Chapter 32 PART 1

    Disguise"Anong balita? Hindi mo pa rin nakikita si Theros?"Bumuntonghininga ako at hindi ko mabilang kung pang-ilang buntonghininga ko na ba ‘to ngayong araw. Kasalukuyan kaming nasa canteen ni Ysabel para mananghalian at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung nasaan si Theros."Hindi pa nga, e. Hindi niya rin sinasagot ang tawag at text ko. Baka may importante lang siyang inaasikaso."Umupo sa harapan ko si Ysabel at nagpangalumbaba. "Why don't you ask his friends? Imposible namang hindi nila alam kung nasaan si Theros."Pagkasabi niya no'n ay saktong pumasok sa canteen sila Raven at Phoenix. Malapit kami sa may pintuan kaya naman nakita nila kaagad kami. Ngumiti sa akin si Phoenix habang wala namang emosyon ang mukha ni Raven. May sinabi si Phoenix sa kaniya bago ito lumapit sa mesa namin."Hi, Dawn. Hi," pagbati niya sa amin ni Ysabel.Tinanguan lang siya ni Ysabel habang ako ay sinundan ng tingin si Raven na nagtungo sa hilera ng pagkain. Huminga ako nang malalim bago buma

  • Dawn At Night   Kabanata 31

    Injury"This is it girls! Whatever the result, always know that I'm proud of you all. I-enjoy lang natin ang laro," sabi ni Abigail.She put her palm on the center and we put our hands on top of it before we shouted the name of our team."Fight!"Today is the intramurals day. Ito na ang araw na pinaghandaan namin. Sana ay walang mangyaring problema mamaya. Scholarship namin ang nakasalalay rito kaya dapat lang na galingan namin.Huminga ako nang malalim at inayos na muna ang pagkakatali ng sintas ko. May isang pares ng mga paa na huminto sa harapan ko kaya napatingala ako."Lino." Tumayo ako at kunot-noo siyang tiningnan. Mula nang araw na niyakap niya ako sa garden, ngayon na lang ulit siya lumapit sa akin."Goodluck sa game. Break a leg!" he said and I smiled slightly. "S-Salamat," sagot ko. Hindi ko alam kung paano siya pakikitunguhan. Alam ko namang nagawa niya lang 'yon dahil nasaktan ko siya.

  • Dawn At Night   Kabanata 30

    ManipulateKinabukasan ay nagising ako at bumungad sa akin ang mukha ni Theros. Napabalikwas ako ng bangon sa gulat."Good morning," he greeted while smiling from ear to ear.Hindi ko siya sinagot at basta na lang akong tumakbo papunta sa banyo. Pinagmasdan ko kung may dumi ba ang mukha ko at nasapo ko na lang ang aking noo."Ang gulo ng buhok ko. Nakakahiya sa kaniya. Bakit ba kasi niya ako tinititigan habang tulog? Baka mamaya naghilik ako o kung ano pang nasabi ko."Pagkatapos kong pakalmahin ang sarili ay naghilamos na ako at inayos ang aking buhok. Lumabas ako ng banyo at naabutan si Theros na nakasandal sa may pinto. "A-Ano bang ginagawa mo dito?" nahihiyang tanong ko.Ngumisi siya. "I cooked breakfast for us. Let's go?"Hindi pa man ako nakakasagot ay hinawakan niya na ang kamay ko at hinila palabas ng kuwarto. Nagtungo kami sa dining room kung nasaan nakahain ang mga pagkain. Biglang

DMCA.com Protection Status