Course
Mabuti na lang at nadaan ko sa pakiusap si Manong guard kaya pinayagan niya akong lumabas. May tatlong klase pa ako sa hapon pero kayang-kaya ko namang habulin iyon. Ang mahalaga ay makauwi ako agad.
Pinara ko ang jeep na dumaan sa tapat ng campus at agad na sumakay. Habang nasa biyahe ay mas lalo lang akong kinakabahan.
Pagkababa ko pa lang ng ay tinakbo ko agad ang daan papunta sa bahay namin. Mula sa labas ng pinto ay naririnig ko na ang paghagulhol ni mama.
“’Ma? ’Pa? Anong nangyari? Bakit ka umiiyak?" nag-aalalang tanong ko bago umupo sa tabi niya.
Halos hindi na siya makahinga kaiiyak kaya bumaling ako kay Papa. Basang-basa na rin ang kaniyang pisngi sa luha.
“’Pa, ano po bang nangyari?” muli kong tanong.
Bumuntonghininga si papa at sinapo ang kaniyang noo. Mas lalo kong naramdaman ang pagbilis ng tibok ng puso ko nang dahil doon.
“May bumili doon sa lupa na kinatitirikan ng palengke. Biglaan ang lahat, ni hindi man lang kami binigyan ng warning no’ng may-ari. Kaya wala na tayong pagkakakitaan, Dawn.” Maging si papa ay hindi na mapigilang maluha. “Mahirap nang humanap ng puwesto na gano’n kamura ang renta katulad ng puwesto natin.”
Mas lalong napaiyak si mama kaya agad kong hinaplos ang likod niya para pakalmahin siya. Parang dinudurog ang puso ko ngayon.
“Wala na tayong hanapbuhay...paano na ang mga gastusin natin dito sa bahay? Ang mga utang natin...ni hindi pa nga tayo nakakabayad ng renta rito sa bahay,” humahagulhol na sambit ni Mama.
Muling kumirot ang puso ko sa mga narinig mula sa kanila. Hindi ko alam kung paano pagagaanin ang loob nila dahil maski ako ay parang nawawalan ng pag-asa. Ang palengke na lang ang pinagkukuhanan namin ng kita. Bukod doon sa suweldo ko sa bakery na maliit lang.
Suminghap ako. “Huwag po kayong mag-alala. Gagawa ako ng paraan. Kung kailangan kong maghanap ng iba pang trabaho, gagawin ko po.”
Lumingon sa akin si mama kaya nakita ko ang mga mata niyang namumugto na sa kaiiyak.
“Pero nag-aaral ka. Ayaw naman naming pagurin mo nang husto ang sarili mo. Mabuti pa at papasok na muna ako bilang labandera diyan sa kapitbahay natin.”
“Ako naman siguro magtitinda na lang ng balot tuwing gabi. Hindi namin hahayaang ikaw lang ang magtaguyod sa pamilyang ’to.”
Napabuntonghininga na lang ulit ako dahil mukhang desidido na sila. Pero hahanap pa rin ako ng dagdag na trabaho.
Hindi ko alam kung ano pang mga mangyayari sa amin pero kailangan tulungan ko sila sa pagtatrabaho.
Tumango ako at muling kinuha ang aking bag. “Aalis po muna ako. Danico! Laiza!”
Agad na lumapit sa amin ang dalawa kong kapatid. Hinawakan ko sila sa tig-isa nilang balikat at bahagyang yumuko upang magpantay ang paningin ko sa kanila.
“Kayo na muna ang bahala kila Mama at Papa. Huwag kayong pasaway, may pupuntahan lang ako,” bilin ko sa kanila. Agad naman silang tumango kaya binalingan ko naman sila mama.
Hinawakan ni mama ang kamay ko kaya nginitian ko siya.
“Saan ka ba pupunta, Dawn?” tanong niya kaya ngumiti ako para hindi siya mag-alala.
“Hahanap po ng paraan para makatulong,” sagot ko.
Mas lumalim ang gitla sa noo ni Mama kaya pinisil ko ang kamay niya.
“’Ma, magpahinga na lang kayo. Alam kong napagod kayo kaiiyak dahil sa problema. Uuwi rin po ako agad.”
Sumulyap ako kay papa bago tumango. Agad niyang inalalayan si mama papunta sa kuwarto nila. Ginulo ko ang buhok ng dalawa kong kapatid bago ako lumabas ng bahay.
Huminga muna ako nang malalim at kinuha ang cellphone ko sa bag para tingnan ang oras. Malapit nang mag-alas dos ng hapon. Mahaba pa ang oras ko para maghanap ng iba pang part-time jobs.
Buti na lang palagi akong may nakahandang resume sa bag ko in case na kailanganin ko. Katulad na lang ngayon, hindi na ako mag-aabalang magpa-print.
Kahit anong trabaho basta hindi ilegal ay tatanggapin ko na. Kailangan ko talaga ng dagdag na pagkakakitaan dahil mas maliit na ang kikitain nila mama sa magiging trabaho nila.
Una kong pinuntahan ang isang salon. Wala naman akong skills sa paggugupit ng buhok pero puwede naman ako kahit tagalinis lang.
Pagpasok ko sa loob ay agad akong nilingon ng mga kustomer. Napalingon din tuloy sa akin iyong babaeng naggugupit ng buhok ngayon.
“Ahm, miss, baka may bakante kayong trabaho kahit—
“Naku pasensya na. Wala kaming bakante ngayon,” sabi ng babae na hindi man lang ako pinatapos sa pagsasalita.
Marahan akong tumango at ngumiti bago lumabas ng salon nila. Luminga-linga muna ako sa paligid bago tuluyang naglakad paalis.
Mabilis na lumipas ang mga oras. Nakailang tindahan, shop, at kung ano-ano pa ang pinuntahan ko pero lahat ng iyon ay walang bakante. Hindi ko alam na ganito pala talaga kahirap maghanap ng trabaho. Doon kasi sa bakery, si mama ang nag-rekomenda sa akin kaya nakapasok ako agad.
Idagdag pa na hindi pa naman ako tapos sa kolehiyo.
Kumalam na ang sikmura ko kaya napahawak ako rito. Ramdam na ramdam ko ang pagwawala ng tiyan ko dahil sa gutom.
"Naku naman, bakit sumabay ka pa?" bulong ko sa sarili ko.
Nakalimutan kong hindi pa pala ako nagtatanghalian. Tinakasan ko nga pala si Ysabel kanina sa campus. Teka, naku, baka galit na ’yun sa ’kin. Ililibre niya sana ako tapos bigla akong umalis. Parang ang sama ko naman yata.
Biglaan naman kasi lahat. Hindi ko naman alam na mangyayari ’to. ’Di bale, siguro maiintindihan naman niya.
Dahil hindi ko na matiis ang gutom ko ay nagpasya akong kumain muna sa isang karinderia.
“Ate, isang order po rito sa pritong isda,” sabi ko habang itinuturo ang ulam na bibilhin ko.
Umupo na rin ako sa upuan na nasa tapat mismo ng mga paninda. May mahabang lamesa kasi doon kaya puwede kang doon kumain.
“Isay, talaga bang uuwi ka na ng probinsya? Mawawalan kami ng dishwasher niyan,” rinig kong sabi ng isa sa mga tao sa loob ng karinderya.
Sinilip ko iyon at nakita ko ang isang babae na may dalang bagahe. Ang pumipigil sa kanya ay mukhang ang may-ari ng karinderya.
“Auntie, kailangan ko po kasi talagang umuwi. Makakahanap naman kayo ng kapalit ko. Maraming naghahanap ng trabaho ngayon," paliwanag ng babaeng may pangalang Isay.
Bumuntonghininga iyong tinawag nitong auntie at napipilitang tumango.
“O siya, sige. Mukhang hindi na kita mapipigilan.”
Inabot na sa akin ang order ko kaya agad akong nagsimulang kumain. Akalain mo ’yun, parang blessing-in-disguise pa ang pagkain ko rito. Sana tanggapin nila ako bilang dishwasher.
Nang matapos kumain ay nagbayad na ako sa kahera.
“Ah Miss, puwede ko bang makausap ’yung may-ari nitong karinderya?” magalang kong tanong sa babaeng tumangggap ng bayad ko.
Agad naman siyang tumango at tinawag iyong babaeng pumipigil kay Isay kanina. Nakangiti agad siya nang harapin ako kaya pakiramdam ko mabait naman siya.
“Gusto mo raw akong makausap? Bakit, may problema ba sa pagkain?” tanong niya kaya agad akong umiling.
“Wala naman po. Masarap nga po ang pagkain. Gusto ko po sanang magtanong kung tumatanggap po kayo ng dishwasher? Kahit part-time lang po,” nakangiti kong sabi.
Lumapad din ang ngiti ng ginang. “Naku, hulog ka ng langit. Kaaalis lang ng dishwasher namin kaya nangangailangan talaga kami. Ayos lang kahit part-time may kapalitan ka naman.”
Tumango ako at abot-tainga ang ngiti. “Salamat po. Kailan po ba ako magsisimula?”
“Ngayon din kung puwede sana. Pero pag-usapan muna natin ang magiging schedule mo.”
Pumayag ako sa sinabi niya. Sumunod ako kay Aling Mery sa isang silid na sa tingin ko ay opisina niya. Pinag-usapan namin ang oras ng trabaho ko rito. Pag-uwi ko galing school ay dito ako didiretso hanggang 6:00 ng gabi. Tapos pupunta na ako sa bakery pagkagaling ko rito.
“Ayos ka lang ba riyan, Iha? Marami-rami ang hugasin lalo na kapag Biyernes at weekend,” tanong ni Ate Jessel, ang tagaluto rito.
Tumango ako at ngumiti. “Ayos lang po ako. Kayang-kaya ko po ito.”
Nang pumatak ang ala-sais ng gabi ay halos mangalay ang braso at balakang ko sa dami ng hugasin. Kinailangan ko pang iunat nang husto ang likod ko para lang mawala ang ngalay.
Hinubad ko na ang suot kong apron bago ko kinuha ang aking bag. Ang sabi sa akin ni Aling Mery, daanan ko raw siya sa opisina niya bago ako umalis.
“O, Dawn. Tapos ka na?” bungad niya sa akin nang masulyapan ako sa may pintuan ng opisina niya.
“Opo,” sagot ko.
May inilapag siyang brown na envelope sa mesa kaya kunot-noo ko iyong tiningnan. Ngumiti siya at sinenyasan akong kuhain iyon.
“Suweldo mo ’yan ngayong araw. Ibibigay ko na ngayon dahil tuwing Biyernes talaga ako nagpapasuweldo. Pero kalahati pa lang ito dahil kauumpisa mo pa pang naman,” paliwanag niya.
“Ah, sige po. Salamat po rito,” sabi ko at inilagay na sa bag ang envelope.
Nagpaalam na ako sa kanya na aalis na bago ako lumabas ng kaniyang opisina. Didiretso na ako sa bakery ngayon. Medyo pagod na ako dahil buong araw na akong kumikilos, parang gusto ko na lang humiga sa kama ko.
Pero hindi pa puwede. Bawal mapagod.
“May bago kang trabaho? Baka naman hindi na kayanin ng katawan mo,” sabi ni Aling Mona nang sabihin ko sa kanya ang tungkol sa trabaho ko.
Ipinagpatuloy ko lang ang pagpupunas sa estante ng tinapay bago ko siya nilingon nang nakangiti pero hindi ko nagawa dahil napahikab ako.
“Tingnan mo, inaantok ka na. At halata namang pagod ka na rin. Kailangan na kailangan mo ba ng pera ngayon?” nag-aalalang tanong niya.
Tumawa ako nang bahagya. “Huwag po kayong mag-alala. Malakas yata ako, kaya ko pa nga kahit isa pang trabaho.”
Para sa pamilya ko, kailangan kong maging malakas. Hindi dapat ako panghinaan ng loob. Hindi puwede sa akin ang magmukmok lang sa isang tabi at maghintay ng himala. Kailangan magtrabaho ako.
“Ang suwerte siguro ng mga magulang mo sa ’yo, ’no? Bukod sa maganda ka na, masipag at matalino pa,” puri sa akin ni Aling Mona kaya hindi maiwasang mag-init ng pisngi ko.
Nahihiya ako kapag nakakatanggap ng papuri galing sa iba. Parang bilib na bilib sila sa akin samantalang simple lang ang ginagawa ko. Isa lang akong mabuting anak na gustong unahin ang pamilya niya sa lahat ng oras.
Saktong alas diyes ng gabi ko isinara ang bakery at naisipan kong maghanap ulit ng trabaho. Kahit naman dalawa na ang trabaho ko, parehong part-time jobs pa, hindi pa rin sapat ang kikitain ko doon. Kaya nang makita kong hiring ng gasoline girl/boy sa isang gasolinahan, hindi na ako nagdalawang-isip.
“Madali po akong matuto, Sir. Maaasahan niyo po ako at hindi po ako tutulog-tulog sa trabaho,” nakangiti kong saad habang kausap ang manager ng gasoline station.
Kinuha niya ang resume ko at binasa iyon. “Working student?” Tumango ako. “So it means, night shift ka lang puwede. Mula alas dose hanggang alas kuwatro ng madaling araw, kaya?”
Nag-isip ako saglit. Aalis ako sa bakery ng alas diyes so may dalawang oras pa ako para gumawa ng homeworks o kaya umidlip saglit. Tapos alas kuwatro naman ang uwi kaya makakatulog pa ako ulit sa bahay.
Tumango ako. “Opo, kaya ko po.”
“Baka naman may sakit ka? Tapos himatayin ka dahil sa puyat. Puwede kang matulog kapag walang customer.”
“Wala po akong sakit. Tanggap na po ba ako?” tanong ko at nang tumango siya ay halos tumalon ako sa tuwa.
Mas malaki nang hindi hamak ang suweldo ko rito kaya malaking tulong na sa pamilya ko iyon. Iyon nga lang, mukhang kailangan kong tiisin ang bawat gabi na saglit lang ang tulog. Puwede naman akong matulog sa school tuwing break time.
“Puwede ka na ring magsimula ngayon o kung gusto mo bukas na lang—
“Ngayon na po ako magsisimula. Magbibihis lang po ako ng uniform,” sabi ko bago nagtungo sa restroom nila.
Agad din kasing ibinigay sa akin ang uniform na isusuot ko rito sa gasoline station. Buti na lang may kasya sa akin kaya hindi masyadong malaki ang suot ko.
Habang wala pang nagpapa-gas ay naupo muna ako sa isang silya at nagbasa-basa sa notes ko. Para hindi ako antukin at s’yempre para may maisagot ako bukas kung sakaling magpa-test ’yung mga prof.
Nasa kalagitnaan ako ng pagbabasa nang may mag-abot sa akin ng isang baso na may lamang kape.
Naamoy ko agad ang mabangong aroma ng kape kaya napangiti ako. Nag-angat ako ng tingin sa taong nag-abot sa akin niyon. Isa pala sa mga gasoline boy dito.
“Naisip ko na baka inaantok ka. Kaya dinalhan kita ng kape,” sabi niya kahit hindi pa naman ako nagtatanong.
Ngumiti na lang ako at tinanggap ang kape.
“Salamat,” sabi ko.
Ngumiti rin siya kaya mas lalong sumingkit ang mga mata niya. Hindi pa naman siya mukhang matanda kaya siguro hindi gaanong nagkakalayo ang edad namin.
“Ako nga pala si Lino. Part-time student din ako dito,” pagpapakilala niya bago umupo sa katabi kong upuan.
Tumango ako. Sabi ko na nga ba. Buti na lang may kasama akong part-timer dito kaya hindi ako maiilang. Nahihiya kasi akong makipag-usap doon sa mga regular na empleyado.
“Ako naman si Dawn,” tanging sagot ko sa kanya.
Isinara ko na ang notes ko dahil parang nakakabastos naman na nagbabasa ako habang kinakausap siya. Sigurado naman akong hindi na ako aantukin dahil sa kape.
“College student ka?” tanong niya at tumango ako. "Anong course? Baka magkapareho tayo, puwede tayong magtulungan."
Bahagya akong natawa dahil doon. "Business Administration major in Marketing management,” sagot ko.
Bigla siyang sumimangot na parang batang inagawan ng laruan kaya mas lalo akong natawa.
"Magkaiba tayo ng course. Architecture kasi sa ’kin."
Nanlaki ang mata ko dahil sa pagkamangha. "Wow Architecture. Hello, Architect Lino."
Sabay kaming natawa nang dahil doon. Nagkuwentuhan pa kami tungkol sa isa't isa at tumitigil lang kapag may dumarating para magpakarga ng gas. Buti na lang talaga nandiyan si Lino, magiging madali na sa akin ang pagpupuyat magdamag.
Escape“Madaling araw ka na laging umuuwi anak, baka naman pinapagod mo nang sobra ang sarili mo?” nag-aalalang tanong ni mama habang naghahain ng almusal.Kagigising ko lang at pagpunta ko rito sa kusina ay ganiyan agad ang bungad ni mama sa akin. Isang oras nga lang ang tulog ko kagabi at inaantok pa ako ngayon."Oo nga naman, Dawn. Ang laki na ng eyebags mo kapupuyat,” sabi naman ni papa pagkatapos humigop ng kape.Ngumiti ako sa kanilang dalawa. Ilang araw na akong nagtatrabaho hanggang madaling araw pero hindi pa rin sila nasasanay. Ako nga, pakiramdam ko nasasanay na ang katawan ko sa setup ko ngayon. Pero s’yempre nakararamdam pa rin ako ng puyat."Hindi naman po nakakapagod ang trabaho ko. Nakakatulog naman ako doon kapag walang customer. Huwag na po kayong mag-alala,” paliwanag ko ngunit hindi man lang nagbago
Rules"Anak, gising na."Naramdaman ko ang pagyugyog sa balikat ko kaya dahandahan akong nagmulat ng mga mata. Muli rin akong napapikit nang masilaw ako sa sikat ng araw na tumatagos sa bintana ng kuwarto ko."Dawn, gising na. Wala ka bang balak pumasok?" muling tanong ni Mama.Sinubukan ko ulit dumilat pero kumirot ang sentido ko. Ano bang nangyayari sa 'kin? Bakit ang sakit ng ulo ko?Dahandahan akong bumangon habang hinihilot ang aking sentido."Ayos ka lang?" tanong ni Mama kaya tumango ako."Masakit lang po ang ulo ko,” mahina kong sabi."Naku. Baka dahil lagi ka na lang puyat kaya masakit ang ulo mo. Mabuti pa huwag ka nang pumasok—"Hindi po puwede. Kaya ko naman pong pumasok. Ililigo ko lang 'to tapos ayos na ako."Mataman akong tiningnan ni Mama bago siya
Threat"Hindi ka umuwi kagabi, Dawn?"Napatigil ako sa pagnguya nang biglang magtanong si mama. Akala ko ay hindi nila napansin ang pagdating ko kanina. Dumiretso kasi ako agad sa kuwarto para maiwasan ang pagtatanong nila.Dahandahan akong tumango bago uminom ng tubig. Medyo kinakabahan pa ako at nagdadalawang-isip kung tama bang sabihin ko ang totoo pero sa huli ay umamin na rin ako. Narinig ko ang pagbuntonghininga ni papa."Ibig sabihin magdamag kang nagtrabaho? Wala ka pang tulog niyan?" nag-aalalang tanong ni papa.Agad akong umiling. "Hindi po. Sa totoo nga po niyan, magdamag akong natulog."Tiningnan nila ako nang may pagtataka kaya alanganin akong ngumiti. Totoo namang magdamag akong natulog... sa condo ni Theros."Saan ka ba talaga nanggaling? Huwag mo sabihing sa boyfriend mo at doon ka nakitulog&md
Cousin"A-Anong kailangan n'yo sa 'kin?" nauutal kong tanong habang palipat-lipat ang tingin sa dalawang lalaking nasa harapan ko.Ngumisi si Raven kaya napaiwas ako ng tingin. Hindi ko gusto ang klase ng ngisi niya. Para bang may iniisip siyang masama."I'm just curious, why would you go to Theros's condo? Anong gagawin mo roon?" tanong niya kaya bumalik ang tingin ko sa kaniya.Nag-isip ako saglit dahil hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin. Aaminin ko ba na tagalinis ako sa condo ni Theros dahil may utang akong binabayaran? O magsisinungaling na lang ako? Kahit ano namang idahilan ko, dapat wala na siyang pakealam doon."Miss, you don't have to lie. I just want to know why," Raven said.Bigla namang humagalpak ng tawa si Phoenix kaya napatingin kami sa kanya.Itinuro niya si Raven. "Marunong ka
Wish"Hindi ko sinasabi ito para kaawaan mo siya. I just want to inform you so that you would avoid topics about his parents."Naalala ko tuloy noong tinitingnan ko ang family picture nila Theros, parang nag-iba bigla ang aura niya. Bigla siyang nagalit at ngayon ay mukhang naiintindihan ko na. Siguro dahil ayaw niya talagang pag-usapan ang tungkol sa kanila.Kahit ako ay hindi magawang maisip kung gaano kahirap para kay Theros ang mawalan ng magulang. Pero rason ba 'yun para lumaki siyang kulang sa pangaral? Puwede na bang gamiting excuse 'yun para hindi siya maging mabuti sa kapwa niya?"Hindi mo naman kailangang humingi ng pabor sa 'kin. Saglit lang naman akong magiging tagalinis sa condo niya," sabi ko."You wouldn't know what will happen next. So please, Theros only needs love and care from someone. Can you do it?"Bumuntongh
Deal"Dahil...matagal na akong itinakwil ni Mama bilang anak."Natigilan ako sa sinabi ni papa. Hindi ako makapaniwala sa narinig ko kaya nilingon ko si mama. Nang tumango siya ay doon ko napagtantong totoo nga."I-Itinakwil po kayo ni lola? Pero bakit po? May nagawa po ba kayong kasalanan?" naguguluhang tanong ko.Wala akong maisip na dahilan para itakwil ni lola si papa. Napakabuting tao ng papa ko at hindi ko maisip na kayang ipagtabuyan ng isang ina ang kaniyang anak.Muling huminga nang malalim si papa bago pilit na ngumiti."Simula nang piliin kong makasama kayo ng Mama mo, itinakwil niya na ako,” sabi ni Papa kaya mas lalo akong nagulat.Si mama naman ngayon ang bumuntonghininga."Hindi kasi tanggap ng lola mo ang relasyon namin ng papa mo. May iba siyang gusto na pakasa
BoyfriendKinabukasan, alas-singko pa lang ng umaga ay nandito na ulit si mama. Kaya naman may oras pa ako para umuwi at makapag-ayos. Gusto ko mang bantayan na lang si Danico ay hindi puwede dahil may klase pa ako."Mag-iingat ka, Dawn," bilin ni Mama.Tumango ako. "Opo, 'Ma. Alis na po ako."Lumabas ako mula sa kuwarto at naglakad patungo sa sakayan ng tricycle. Pag-uwi ko sa bahay ay naabutan ko pa sila Papa at Laiza na kumakain ng almusal kaya sumabay na ako."Anak, pakisabi doon sa kaibigan mo, salamat sa pinahiram niyang pera," sabi ni Papa bago uminom ng tubig.Napahinto ako at bigla kong naisip si Theros. Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin kung siya ba talaga ang nagpahiram sa akin ng pera. Alam ko naman na may tinatago talaga siyang kabaitan pero hindi lang talaga maisip na siya pa ang tutulong sa akin."Sige p
MessagePabilis nang pabilis ang tibok ng puso ko habang naglalakad ako patungo sa Dean's office. Hindi ko alam kung bakit ako pinapatawag ni Dean pero pakiramdam ko ay may masamang balita akong maririnig."Sige Miss, pasok ka na," sabi ng secretary ni Dean bago binuksan ang pinto para sa akin.Huminga ako nang malalim bago pumasok sa loob. Naabutan ko si Dean na may binabasang papel."Good morning Dean. Pinatatawag n'yo raw po ako?"Mula sa mga papel ay nag-angat siya ng tingin sa akin at ngumiti."Take a seat, Miss Celeste," he said and motioned the seat in front of his desk.Tumango ako at agad na umupo. Mas lalo akong kinakabahan at hindi mapigilang manlamig ng kamay ko. Idagdag pa ang malamig na atmospera ng opisina nang dahil sa aircon."Miss Celeste, naging busy ka ba masiyado nitong mga
Continuation“Half-brother?” gulat kong tanong. Magkapatid sila? Pero...paano naman nangyari ‘yon? Kung magkapatid sila, bakit ang laki ng galit ni Lino kay Theros? At kung magkapatid nga sila, bakit ipapahuli ni Theros si Lino sa mga tauhan niya?Muling natawa si Lino pero saglit lang iyon. “Mukhang napaimbestigahan mo na ang pagkatao ko. Ano pa ang mga nalaman mo? Nalaman mo ba na kabit lang ng ama ko ang nanay mo? Na nauna kaming naging pamilya bago sinira ng nanay mo ang buhay namin? At sa huli, ang nanay mo ang pinakasalan ng walang k’wenta kong ama!”“Kaya ka nagagalit at naghihiganti ngayon nang dahil lang sa pinakasalan ni dad si mommy. Hindi mo ba naisip na baka may dahilan si dad kaya gano’n ang ginawa niya?” tanong ni Theros.Pagak na natawa ulit si Lino. “Lang? At anong dahilan? May tama bang dahilan para abandonahin niya kami ng nanay ko! Na kahit nagmamakaawa ako no’n na tulungan niya kami dahil may sakit si
HALF-BROTHERHindi maalis ang tingin ko kay Lino habang naghahain siya ng pagkain sa mesa. Mas kalmado na ang itsura niya ngayon kumpara kanina pero mapapansin pa rin na may malalim siyang iniisip. Nang mailapag niya ang tubig sa mesa ay tumingin siya sa akin. “Let’s eat,” sabi niya bago naupo sa katapat kong upuan. Tumango lang ako at nagsimula na ring kumain. Iyon nga lang, halos hindi ko magawang lunukin ang pagkain dahil masiyadong naglalakbay ang isip ko.Si Lino, nagkakilala lang kami sa gas station. Naging malapit agad kami sa isa’t isa dahil pareho kami ng estado sa buhay. Parehong nagsisikap para makaahon sa kahirapan. Mabait siya. Mabait naman talaga siya bilang kaibigan. Iyon nga lang, napansin ko ang pagbabago sa ugali niya sa tuwing may kinalaman kay Theros ang pinag-uusapan namin.Hindi ko tuloy maiwasang maisip kung bakit gano’n na lang katindi ang tensyon sa pagitan nilang dalawa. Para bang may mas malalim pang dahilan. Bahagya akong nagulat nang tumunog ang doorbe
Give Up ||Bawat taong dumarating sa buhay natin ay may kaniya-kaniyang misyon. Mayroong nandiyan para gabayan ka sa bawat desisyong gagawin mo. Iyong iba, dumarating para pasayahin ka kahit sa maikling panahon lang. At mayroon din namang dumarating sa buhay mo para magbigay ng pagmamahal at sa huli...bibigyan ka ng sakit at luha.Pero hindi ka dapat malungkot dahil doon. Bawat luha na pumapatak sa mga mata ay may katumbas na aral sa buhay.Nagising ako isang umaga pero hindi ko kaagad naimulat ang mga mata ko. Sinubukan kong bumangon pero parang ang bigat ng katawan ko. May sakit na naman ba ako? Kinapa ko ang sarili ko pero hindi ko naman maramdaman kung mainit ba ako o hindi. "Dawn, ayos ka lang ba talaga? Parang ilang araw ka nang hindi natutulog ah," nag-aalalang tanong ni Ysabel.Bahagya akong natawa bago ko kinuha ang bag ko mula sa upuan. Tapos na ang klase namin sa araw na ‘to at didiretso na ako sa karinderya. "Ayos lang ako, Ysabel. Ikaw yata ang hindi okay diyan, e.
ContinuationNapayuko ako sa naisip ko. Unti-unting lumalabo ang paningin ko sa pangingilid ng luha pero pinunasan ko ito kaagad. Ayaw kong umiyak sa harapan nila. Ayaw kong magmukhang mahina. "Why? Is there something wrong?" tanong ni Yvonne at nang mag-angat ulit ako ng tingin ay napatingin din siya sa akin. Bahagyang kumunot ang noo niya. "Wait...I know you. We bumped to each other at the elevator last night. You remember me?"Hindi ako nakasagot agad dahil iniisip ko pa ang sinabi niya. Naalala kong may nakabungguan nga akong babae sa elevator sa condo ni Theros. Siya pala 'yon. Nakakatawa. Sobrang liit talaga ng mundo. O sadyang napagkakaisahan lang ako."You don't remember me?" tanong niya ulit. "Last night kasi pumunta ako sa condo ni Theros. I wanted to surprise you but it turns out na nandoon ka na pala sa condo ko." Hindi ko na kaya. Masiyado nang kumikirot ang puso ko dito. Kailangan ko nang umalis. Kailangan ko nang makalayo bago pa ako tuluyang bumigay. Bago ko pa pagmu
Engaged"Pagkatapos po ng klase ko, didiretso na ako sa ospital," sabi ko kay mama pagkatapos naming mag-almusal.Tumango si mama at bahagyang ngumiti. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang lungkot at pagod. Mukhang hindi rin siya nakatulog kagabi sa pag-aalala. Kahit ako, hindi ko magawang pumikit man lang. "Sige, Dawn. Mag-iingat ka sa biyahe," bilin ni mama.Binalingan ko ng tingin ang dalawa kong kapatid. Alam na nila ang nangyari kay papa at alam kong nalulungkot din sila. Pero hindi pa sila puwedeng sumama sa ospital. Masiyado pa silang bata at may pasok din sila sa school."Danico, Laiza, mag-aaral kayo nang mabuti, ha? Huwag magpapasaway," sabi ko sa kanilang dalawa.Sabay naman silang tumango. "Opo, ate."Nang makapagpaalam ay kinuha ko na ang bag ko at pumasok na sa school. Habang naglalakad papasok ng gate ay napansin ko na parang may kakaiba sa mga estudyante ngayon. Parang mayroon silang pinag-uusapan at mukha rin silang excited. Ipinagkibit-balikat ko na lang 'yon at dum
CONTINUATIONHindi ko na siya kinibo pa. Inalalayan ko si mama paupo para hindi siya masiyadong mapagod. Mayamaya lang ay lumabas na ang doktor mula sa ER at agad kaming nilapitan."Doc, kumusta po ang asawa ko?" nag-aalalang tanong ni mama."Ligtas na sa panganib ang pasyente pero kailangan pa rin siyang maobserbahan hanggang sa magising siya. Ililipat namin siya sa ICU para mas mabantayan ang lagay niya," sagot ng doktor.Bahagyang nakahinga nang maluwag si mama pero alam kong nag-aalala pa rin siya. Gano'n din naman ako. Hangga't hindi nagigising si papa, patuloy pa rin ang pag-aalala ko."Salamat, doc."Umalis na ang doktor at naiwan ulit kami. Ligtas na sa panganib si papa at ang sunod naman naming poproblemahin ay ang pambayad sa hospital bills. Hindi ko pa nga nababayaran ang utang ko kay Theros noong naospital si Danico. Kailan ba matatapos ang lahat ng 'to?Pakiramdam ko, padagdag na lang nang padagdag ang problema ko. Hindi ko na alam kung
Disguise"Anong balita? Hindi mo pa rin nakikita si Theros?"Bumuntonghininga ako at hindi ko mabilang kung pang-ilang buntonghininga ko na ba ‘to ngayong araw. Kasalukuyan kaming nasa canteen ni Ysabel para mananghalian at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung nasaan si Theros."Hindi pa nga, e. Hindi niya rin sinasagot ang tawag at text ko. Baka may importante lang siyang inaasikaso."Umupo sa harapan ko si Ysabel at nagpangalumbaba. "Why don't you ask his friends? Imposible namang hindi nila alam kung nasaan si Theros."Pagkasabi niya no'n ay saktong pumasok sa canteen sila Raven at Phoenix. Malapit kami sa may pintuan kaya naman nakita nila kaagad kami. Ngumiti sa akin si Phoenix habang wala namang emosyon ang mukha ni Raven. May sinabi si Phoenix sa kaniya bago ito lumapit sa mesa namin."Hi, Dawn. Hi," pagbati niya sa amin ni Ysabel.Tinanguan lang siya ni Ysabel habang ako ay sinundan ng tingin si Raven na nagtungo sa hilera ng pagkain. Huminga ako nang malalim bago buma
Injury"This is it girls! Whatever the result, always know that I'm proud of you all. I-enjoy lang natin ang laro," sabi ni Abigail.She put her palm on the center and we put our hands on top of it before we shouted the name of our team."Fight!"Today is the intramurals day. Ito na ang araw na pinaghandaan namin. Sana ay walang mangyaring problema mamaya. Scholarship namin ang nakasalalay rito kaya dapat lang na galingan namin.Huminga ako nang malalim at inayos na muna ang pagkakatali ng sintas ko. May isang pares ng mga paa na huminto sa harapan ko kaya napatingala ako."Lino." Tumayo ako at kunot-noo siyang tiningnan. Mula nang araw na niyakap niya ako sa garden, ngayon na lang ulit siya lumapit sa akin."Goodluck sa game. Break a leg!" he said and I smiled slightly. "S-Salamat," sagot ko. Hindi ko alam kung paano siya pakikitunguhan. Alam ko namang nagawa niya lang 'yon dahil nasaktan ko siya.
ManipulateKinabukasan ay nagising ako at bumungad sa akin ang mukha ni Theros. Napabalikwas ako ng bangon sa gulat."Good morning," he greeted while smiling from ear to ear.Hindi ko siya sinagot at basta na lang akong tumakbo papunta sa banyo. Pinagmasdan ko kung may dumi ba ang mukha ko at nasapo ko na lang ang aking noo."Ang gulo ng buhok ko. Nakakahiya sa kaniya. Bakit ba kasi niya ako tinititigan habang tulog? Baka mamaya naghilik ako o kung ano pang nasabi ko."Pagkatapos kong pakalmahin ang sarili ay naghilamos na ako at inayos ang aking buhok. Lumabas ako ng banyo at naabutan si Theros na nakasandal sa may pinto. "A-Ano bang ginagawa mo dito?" nahihiyang tanong ko.Ngumisi siya. "I cooked breakfast for us. Let's go?"Hindi pa man ako nakakasagot ay hinawakan niya na ang kamay ko at hinila palabas ng kuwarto. Nagtungo kami sa dining room kung nasaan nakahain ang mga pagkain. Biglang