Home / Romance / Dawn At Night / Kabanata 10

Share

Kabanata 10

Author: Eternalqueen
last update Last Updated: 2021-12-06 08:44:04

Deal

"Dahil...matagal na akong itinakwil ni Mama bilang anak."

Natigilan ako sa sinabi ni papa. Hindi ako makapaniwala sa narinig ko kaya nilingon ko si mama. Nang tumango siya ay doon ko napagtantong totoo nga.

"I-Itinakwil po kayo ni lola? Pero bakit po? May nagawa po ba kayong kasalanan?" naguguluhang tanong ko.

Wala akong maisip na dahilan para itakwil ni lola si papa. Napakabuting tao ng papa ko at hindi ko maisip na kayang ipagtabuyan ng isang ina ang kaniyang anak. 

Muling huminga nang malalim si papa bago pilit na ngumiti. 

"Simula nang piliin kong makasama kayo ng Mama mo, itinakwil niya na ako,” sabi ni Papa kaya mas lalo akong nagulat.

Si mama naman ngayon ang bumuntonghininga. 

"Hindi kasi tanggap ng lola mo ang relasyon namin ng papa mo. May iba siyang gusto na pakasa

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

  • Dawn At Night   Kabanata 11

    BoyfriendKinabukasan, alas-singko pa lang ng umaga ay nandito na ulit si mama. Kaya naman may oras pa ako para umuwi at makapag-ayos. Gusto ko mang bantayan na lang si Danico ay hindi puwede dahil may klase pa ako."Mag-iingat ka, Dawn," bilin ni Mama.Tumango ako. "Opo, 'Ma. Alis na po ako."Lumabas ako mula sa kuwarto at naglakad patungo sa sakayan ng tricycle. Pag-uwi ko sa bahay ay naabutan ko pa sila Papa at Laiza na kumakain ng almusal kaya sumabay na ako."Anak, pakisabi doon sa kaibigan mo, salamat sa pinahiram niyang pera," sabi ni Papa bago uminom ng tubig.Napahinto ako at bigla kong naisip si Theros. Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin kung siya ba talaga ang nagpahiram sa akin ng pera. Alam ko naman na may tinatago talaga siyang kabaitan pero hindi lang talaga maisip na siya pa ang tutulong sa akin."Sige p

    Last Updated : 2021-12-07
  • Dawn At Night   Kabanata 12

    MessagePabilis nang pabilis ang tibok ng puso ko habang naglalakad ako patungo sa Dean's office. Hindi ko alam kung bakit ako pinapatawag ni Dean pero pakiramdam ko ay may masamang balita akong maririnig."Sige Miss, pasok ka na," sabi ng secretary ni Dean bago binuksan ang pinto para sa akin.Huminga ako nang malalim bago pumasok sa loob. Naabutan ko si Dean na may binabasang papel."Good morning Dean. Pinatatawag n'yo raw po ako?"Mula sa mga papel ay nag-angat siya ng tingin sa akin at ngumiti."Take a seat, Miss Celeste," he said and motioned the seat in front of his desk.Tumango ako at agad na umupo. Mas lalo akong kinakabahan at hindi mapigilang manlamig ng kamay ko. Idagdag pa ang malamig na atmospera ng opisina nang dahil sa aircon."Miss Celeste, naging busy ka ba masiyado nitong mga

    Last Updated : 2021-12-14
  • Dawn At Night   Kabanata 13

    Hidden"Miss Celeste, I'm glad to see you here," Mr. Demeza greeted me as I entered his office.Inilibot ko ang paningin sa paligid at doon ko napansin na malawak itong opisina niya. Walang ibang taong naroon kundi kaming dalawa lang. Ang sekretarya niya kasing naghatid sa akin dito ay iniwan kami agad.Iminuwestra niya ang upuan sa harap ng kaniyang mesa."Have a seat," sabi niya kaya sinunod ko iyon.Habang papaakyat dito kanina ay hindi ko makita kung may iba pa bang model na narito. Parang ang tahimik nga ng buong building at hindi halatang isa itong kompanya ng isang soap brand."Before I let you proceed to the shooting area, you have fill up this paper. It contains your informations para na rin may ideya kami kung sino ka," sabi ni Mr. Demeza.Tumango ako kinuha ang papel na inabot niya sa akin. Sinagutan ko iyon ag

    Last Updated : 2021-12-23
  • Dawn At Night   Kabanata 14

    DateWalang nagsasalita sa amin ni Theros habang nasa sasakyan. Nakatingin lang ako sa labas habang yakap ang sarili ko. Hindi ko siya kayang tingnan dahil nahihiya ako. At mas lalo akong nahihiya sa suot ko.Kahit pa nakasuot pa sa akin ang suit niya ay pakiramdam ko kulang pa rin ito. Iniisip siguro ni Theros na gano'n na ako kadesperada sa pera. Pero totoo naman. At kung gano'n nga ang iniisip niya sa 'kin, bakit bumibigat ang puso ko?Huminga ako nang malalim bago siya nilingon. Seryoso siyang nakatingin sa kalsada habang nagmamaneho."S-Salamat. Hindi ko alam kung anong pinunta mo ro'n pero salamat dahil... isinama mo ako," mahinang saad ko.Gusto ko siyang pasalamatan kahit hindi ko alam kung ako ba talaga ang dahilan ng pagpunta o baka tungkol sa negosyo iyon. Nadagdagan ulit ang utang ko sa lalaking 'to."You went

    Last Updated : 2021-12-29
  • Dawn At Night   Kabanata 15

    Selfish"I told you, staring is rude."Nalunok ko agad ang pagkaing isinubo ko kaya ako nasamid. Si Theros kasi bigla na lang bumulong sa tainga ko."O, dahandahan lang Dawn. Drink first." Inabot sa akin ni Phoenix ang isang basong tubig at agad kong ininuman iyon.Nang mahimasmasan ako ay pinukol ko nang masamang tingin si Theros. Mapapahiya pa ako nang dahil sa kagagawan niya. Baka akalain nila patay-gutom ako kaya halos mabulunan na ako rito.Mayamaya lang ay may lumapit na staff kay Jarek kaya lahat kami sa table ay napatingin."Sir Jarek, si Miss Cypress po ayaw nang lumabas ng kuwarto niya. Ang sabi niya po tapusin na raw ang party," sabi nito kaya maging ako ay nagulat."What? Bakit naman niya tatapusin ang party niya?" naguguluhang tanong ni Jarek."Ikaw na rin ang may sabi, your sister's mind

    Last Updated : 2022-01-04
  • Dawn At Night   Kabanata 16

    TrainingPag-uwi ko sa bahay ay naabutan kong gising pa si mama. Nasa kusina siya at may sinusulat sa notebook."'Ma, alas-singko na po ng madaling-araw. Bakit gising pa po kayo?" tanong ko bago naupo sa katapat niyang upuan."Natulog naman na ako. Nagising lang ako kanina kaya naisipan kong kuwentahin ang utang natin."Pinagmasdan ko si nama at doon napansin na parang tumanda siya ng ilang taon. Dahil na rin siguro sa stress nitong mga nakaraang linggo. Dumami na ang kaniyang puting buhok at mas halata na ngayon ang kulubot sa kaniyang mukha."'Ma, wala na po ba talagang pag-asa na makabalik kayo sa palengke?" tanong ko.Bumuntonghininga si Mama at pilit na ngumiti."Hindi ko rin alam, Dawn. Pasensiya ka na, ha? Alam kong nahihirapan ka na sa pagtatrabaho. Kung may magagawa lang sana ako, hindi mo na sana k

    Last Updated : 2022-01-09
  • Dawn At Night   Kabanata 17

    LiarLumabas muna ako ng kuwarto niya para kumuha ng magagamit sa sakit niya. Naalala ko kung paano kami alagaan ni Mama kapag may sakit kaming magkakapatid. Pinupunasan niya kami ng maligamgam na tubig at kailangan daw pagpawisan para bumaba ang lagnat.Kumuha ako ng maliit na lalagyan ng tubig at bimpo. Bumalik ako sa kuwarto ni Theros at napansin kong mas lalong tumindi ang panginginig niya."Ang lamig naman kasi dito sa kuwarto mo," sabi ko bago kinuha ang remote ng aircon at pinahinaan iyon. Buti na lang at alam ko kung paano gamitin iyon kaya hindi ko nasira.Binasa ko ang bimpo bago ipinunas sa mukha ni Theros pababa sa leeg. Nang hawiin ko ang kumot niya ay natigilan ako. Ngayon ko lang na-realize na kailangan ko nga palang punasan ang buong katawan niya. Ibig sabihin, tatanggalin ko ang damit niya!"Kainis naman! Bakit ka ba kasi nagkasakit? Tagalinis la

    Last Updated : 2022-01-10
  • Dawn At Night   Kabanata 18

    Trust IssuesKung wala lang akong konsensiya, hinayaan ko na si Theros dito sa gilid ng kalsada. Pero dahil naaawa ako sa kaniya ay hindi ko siya matiis.Iniwan ko si Theros doon at pinuntahan ko si Manager Kim para magpaalam."Uuwi ka na, Dawn?" tanong ni Lino nang makitang bitbit ko ang bag ko.Tumango ako at sinulyapan si Theros na nakayuko ro'n."May pasaway pa akong dapat alagaan," sabi ko."Mukhang pinahihirapan ka ng lalaking 'yan. Gumaganti ba siya sa pagkagasgas mo sa kotse niya?"Huminga ako nang malalim bago nagkibit-balikat. Nagpaalam na ako kay Lino bago ako muling lumapit kay Theros."Huy," sabi ko at kinalabit siya. Agad naman niya akong tiningala. Bahagyang namumula ang mga mata niya kaya muli akong napabuntonghininga. "Halika na. Bumalik na tayo sa condo mo."Sagl

    Last Updated : 2022-01-15

Latest chapter

  • Dawn At Night   Kabanata 35 PART 2

    Continuation“Half-brother?” gulat kong tanong. Magkapatid sila? Pero...paano naman nangyari ‘yon? Kung magkapatid sila, bakit ang laki ng galit ni Lino kay Theros? At kung magkapatid nga sila, bakit ipapahuli ni Theros si Lino sa mga tauhan niya?Muling natawa si Lino pero saglit lang iyon. “Mukhang napaimbestigahan mo na ang pagkatao ko. Ano pa ang mga nalaman mo? Nalaman mo ba na kabit lang ng ama ko ang nanay mo? Na nauna kaming naging pamilya bago sinira ng nanay mo ang buhay namin? At sa huli, ang nanay mo ang pinakasalan ng walang k’wenta kong ama!”“Kaya ka nagagalit at naghihiganti ngayon nang dahil lang sa pinakasalan ni dad si mommy. Hindi mo ba naisip na baka may dahilan si dad kaya gano’n ang ginawa niya?” tanong ni Theros.Pagak na natawa ulit si Lino. “Lang? At anong dahilan? May tama bang dahilan para abandonahin niya kami ng nanay ko! Na kahit nagmamakaawa ako no’n na tulungan niya kami dahil may sakit si

  • Dawn At Night   Kabanata 35 PART 1

    HALF-BROTHERHindi maalis ang tingin ko kay Lino habang naghahain siya ng pagkain sa mesa. Mas kalmado na ang itsura niya ngayon kumpara kanina pero mapapansin pa rin na may malalim siyang iniisip. Nang mailapag niya ang tubig sa mesa ay tumingin siya sa akin. “Let’s eat,” sabi niya bago naupo sa katapat kong upuan. Tumango lang ako at nagsimula na ring kumain. Iyon nga lang, halos hindi ko magawang lunukin ang pagkain dahil masiyadong naglalakbay ang isip ko.Si Lino, nagkakilala lang kami sa gas station. Naging malapit agad kami sa isa’t isa dahil pareho kami ng estado sa buhay. Parehong nagsisikap para makaahon sa kahirapan. Mabait siya. Mabait naman talaga siya bilang kaibigan. Iyon nga lang, napansin ko ang pagbabago sa ugali niya sa tuwing may kinalaman kay Theros ang pinag-uusapan namin.Hindi ko tuloy maiwasang maisip kung bakit gano’n na lang katindi ang tensyon sa pagitan nilang dalawa. Para bang may mas malalim pang dahilan. Bahagya akong nagulat nang tumunog ang doorbe

  • Dawn At Night   Kabanata 34

    Give Up ||Bawat taong dumarating sa buhay natin ay may kaniya-kaniyang misyon. Mayroong nandiyan para gabayan ka sa bawat desisyong gagawin mo. Iyong iba, dumarating para pasayahin ka kahit sa maikling panahon lang. At mayroon din namang dumarating sa buhay mo para magbigay ng pagmamahal at sa huli...bibigyan ka ng sakit at luha.Pero hindi ka dapat malungkot dahil doon. Bawat luha na pumapatak sa mga mata ay may katumbas na aral sa buhay.Nagising ako isang umaga pero hindi ko kaagad naimulat ang mga mata ko. Sinubukan kong bumangon pero parang ang bigat ng katawan ko. May sakit na naman ba ako? Kinapa ko ang sarili ko pero hindi ko naman maramdaman kung mainit ba ako o hindi. "Dawn, ayos ka lang ba talaga? Parang ilang araw ka nang hindi natutulog ah," nag-aalalang tanong ni Ysabel.Bahagya akong natawa bago ko kinuha ang bag ko mula sa upuan. Tapos na ang klase namin sa araw na ‘to at didiretso na ako sa karinderya. "Ayos lang ako, Ysabel. Ikaw yata ang hindi okay diyan, e.

  • Dawn At Night   Chapter 33 PART 2

    ContinuationNapayuko ako sa naisip ko. Unti-unting lumalabo ang paningin ko sa pangingilid ng luha pero pinunasan ko ito kaagad. Ayaw kong umiyak sa harapan nila. Ayaw kong magmukhang mahina. "Why? Is there something wrong?" tanong ni Yvonne at nang mag-angat ulit ako ng tingin ay napatingin din siya sa akin. Bahagyang kumunot ang noo niya. "Wait...I know you. We bumped to each other at the elevator last night. You remember me?"Hindi ako nakasagot agad dahil iniisip ko pa ang sinabi niya. Naalala kong may nakabungguan nga akong babae sa elevator sa condo ni Theros. Siya pala 'yon. Nakakatawa. Sobrang liit talaga ng mundo. O sadyang napagkakaisahan lang ako."You don't remember me?" tanong niya ulit. "Last night kasi pumunta ako sa condo ni Theros. I wanted to surprise you but it turns out na nandoon ka na pala sa condo ko." Hindi ko na kaya. Masiyado nang kumikirot ang puso ko dito. Kailangan ko nang umalis. Kailangan ko nang makalayo bago pa ako tuluyang bumigay. Bago ko pa pagmu

  • Dawn At Night   Chapter 33 PART 1

    Engaged"Pagkatapos po ng klase ko, didiretso na ako sa ospital," sabi ko kay mama pagkatapos naming mag-almusal.Tumango si mama at bahagyang ngumiti. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang lungkot at pagod. Mukhang hindi rin siya nakatulog kagabi sa pag-aalala. Kahit ako, hindi ko magawang pumikit man lang. "Sige, Dawn. Mag-iingat ka sa biyahe," bilin ni mama.Binalingan ko ng tingin ang dalawa kong kapatid. Alam na nila ang nangyari kay papa at alam kong nalulungkot din sila. Pero hindi pa sila puwedeng sumama sa ospital. Masiyado pa silang bata at may pasok din sila sa school."Danico, Laiza, mag-aaral kayo nang mabuti, ha? Huwag magpapasaway," sabi ko sa kanilang dalawa.Sabay naman silang tumango. "Opo, ate."Nang makapagpaalam ay kinuha ko na ang bag ko at pumasok na sa school. Habang naglalakad papasok ng gate ay napansin ko na parang may kakaiba sa mga estudyante ngayon. Parang mayroon silang pinag-uusapan at mukha rin silang excited. Ipinagkibit-balikat ko na lang 'yon at dum

  • Dawn At Night   Chapter 32 PART 2

    CONTINUATIONHindi ko na siya kinibo pa. Inalalayan ko si mama paupo para hindi siya masiyadong mapagod. Mayamaya lang ay lumabas na ang doktor mula sa ER at agad kaming nilapitan."Doc, kumusta po ang asawa ko?" nag-aalalang tanong ni mama."Ligtas na sa panganib ang pasyente pero kailangan pa rin siyang maobserbahan hanggang sa magising siya. Ililipat namin siya sa ICU para mas mabantayan ang lagay niya," sagot ng doktor.Bahagyang nakahinga nang maluwag si mama pero alam kong nag-aalala pa rin siya. Gano'n din naman ako. Hangga't hindi nagigising si papa, patuloy pa rin ang pag-aalala ko."Salamat, doc."Umalis na ang doktor at naiwan ulit kami. Ligtas na sa panganib si papa at ang sunod naman naming poproblemahin ay ang pambayad sa hospital bills. Hindi ko pa nga nababayaran ang utang ko kay Theros noong naospital si Danico. Kailan ba matatapos ang lahat ng 'to?Pakiramdam ko, padagdag na lang nang padagdag ang problema ko. Hindi ko na alam kung

  • Dawn At Night   Chapter 32 PART 1

    Disguise"Anong balita? Hindi mo pa rin nakikita si Theros?"Bumuntonghininga ako at hindi ko mabilang kung pang-ilang buntonghininga ko na ba ‘to ngayong araw. Kasalukuyan kaming nasa canteen ni Ysabel para mananghalian at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung nasaan si Theros."Hindi pa nga, e. Hindi niya rin sinasagot ang tawag at text ko. Baka may importante lang siyang inaasikaso."Umupo sa harapan ko si Ysabel at nagpangalumbaba. "Why don't you ask his friends? Imposible namang hindi nila alam kung nasaan si Theros."Pagkasabi niya no'n ay saktong pumasok sa canteen sila Raven at Phoenix. Malapit kami sa may pintuan kaya naman nakita nila kaagad kami. Ngumiti sa akin si Phoenix habang wala namang emosyon ang mukha ni Raven. May sinabi si Phoenix sa kaniya bago ito lumapit sa mesa namin."Hi, Dawn. Hi," pagbati niya sa amin ni Ysabel.Tinanguan lang siya ni Ysabel habang ako ay sinundan ng tingin si Raven na nagtungo sa hilera ng pagkain. Huminga ako nang malalim bago buma

  • Dawn At Night   Kabanata 31

    Injury"This is it girls! Whatever the result, always know that I'm proud of you all. I-enjoy lang natin ang laro," sabi ni Abigail.She put her palm on the center and we put our hands on top of it before we shouted the name of our team."Fight!"Today is the intramurals day. Ito na ang araw na pinaghandaan namin. Sana ay walang mangyaring problema mamaya. Scholarship namin ang nakasalalay rito kaya dapat lang na galingan namin.Huminga ako nang malalim at inayos na muna ang pagkakatali ng sintas ko. May isang pares ng mga paa na huminto sa harapan ko kaya napatingala ako."Lino." Tumayo ako at kunot-noo siyang tiningnan. Mula nang araw na niyakap niya ako sa garden, ngayon na lang ulit siya lumapit sa akin."Goodluck sa game. Break a leg!" he said and I smiled slightly. "S-Salamat," sagot ko. Hindi ko alam kung paano siya pakikitunguhan. Alam ko namang nagawa niya lang 'yon dahil nasaktan ko siya.

  • Dawn At Night   Kabanata 30

    ManipulateKinabukasan ay nagising ako at bumungad sa akin ang mukha ni Theros. Napabalikwas ako ng bangon sa gulat."Good morning," he greeted while smiling from ear to ear.Hindi ko siya sinagot at basta na lang akong tumakbo papunta sa banyo. Pinagmasdan ko kung may dumi ba ang mukha ko at nasapo ko na lang ang aking noo."Ang gulo ng buhok ko. Nakakahiya sa kaniya. Bakit ba kasi niya ako tinititigan habang tulog? Baka mamaya naghilik ako o kung ano pang nasabi ko."Pagkatapos kong pakalmahin ang sarili ay naghilamos na ako at inayos ang aking buhok. Lumabas ako ng banyo at naabutan si Theros na nakasandal sa may pinto. "A-Ano bang ginagawa mo dito?" nahihiyang tanong ko.Ngumisi siya. "I cooked breakfast for us. Let's go?"Hindi pa man ako nakakasagot ay hinawakan niya na ang kamay ko at hinila palabas ng kuwarto. Nagtungo kami sa dining room kung nasaan nakahain ang mga pagkain. Biglang

DMCA.com Protection Status