Home / Romance / Dawn At Night / Kabanata 17

Share

Kabanata 17

Author: Eternalqueen
last update Last Updated: 2022-01-10 21:32:27

Liar

Lumabas muna ako ng kuwarto niya para kumuha ng magagamit sa sakit niya. Naalala ko kung paano kami alagaan ni Mama kapag may sakit kaming magkakapatid. Pinupunasan niya kami ng maligamgam na tubig at kailangan daw pagpawisan para bumaba ang lagnat.

Kumuha ako ng maliit na lalagyan ng tubig at bimpo. Bumalik ako sa kuwarto ni Theros at napansin kong mas lalong tumindi ang panginginig niya.

"Ang lamig naman kasi dito sa kuwarto mo," sabi ko bago kinuha ang remote ng aircon at pinahinaan iyon. Buti na lang at alam ko kung paano gamitin iyon kaya hindi ko nasira.

Binasa ko ang bimpo bago ipinunas sa mukha ni Theros pababa sa leeg. Nang hawiin ko ang kumot niya ay natigilan ako. Ngayon ko lang na-realize na kailangan ko nga palang punasan ang buong katawan niya. Ibig sabihin, tatanggalin ko ang damit niya!

"Kainis naman! Bakit ka ba kasi nagkasakit? Tagalinis la

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

  • Dawn At Night   Kabanata 18

    Trust IssuesKung wala lang akong konsensiya, hinayaan ko na si Theros dito sa gilid ng kalsada. Pero dahil naaawa ako sa kaniya ay hindi ko siya matiis.Iniwan ko si Theros doon at pinuntahan ko si Manager Kim para magpaalam."Uuwi ka na, Dawn?" tanong ni Lino nang makitang bitbit ko ang bag ko.Tumango ako at sinulyapan si Theros na nakayuko ro'n."May pasaway pa akong dapat alagaan," sabi ko."Mukhang pinahihirapan ka ng lalaking 'yan. Gumaganti ba siya sa pagkagasgas mo sa kotse niya?"Huminga ako nang malalim bago nagkibit-balikat. Nagpaalam na ako kay Lino bago ako muling lumapit kay Theros."Huy," sabi ko at kinalabit siya. Agad naman niya akong tiningala. Bahagyang namumula ang mga mata niya kaya muli akong napabuntonghininga. "Halika na. Bumalik na tayo sa condo mo."Sagl

    Last Updated : 2022-01-15
  • Dawn At Night   Kabanata 19

    Race"O, nasaan na ang camera n'yo? 'Di ba tumutulong lang kayo para sumikat? Puwes sa inyo na 'yan! Hindi namin 'yan kailangan!"Mas lalo akong napaigtad nang bigla niyang sipain ang iniabot ni Theros. Napadaing ako nang tumama sa paa ko ang isang delata."Manong, hindi po kami nagpapasikat. Gusto lang po—"Umalis na kayo! Alis! Mga plastik!"Nagkatinginan kami ni Theros at umiling siya. Wala kaming nagawa kundi umalis. Baka kasi lalo silang magwala at magkasakitan pa.Nakakalungkot isipin na wala silang tiwala maging sa katulad namin na gusto lang tumulong. Palibhasa kasi ay masiyado silang tini-take advantage ng ibang tao. Ginagamit sila para magpasikat at para magmukhang mababait.Naging tahimik na ulit ang buong biyahe namin. Ni hindi ko magawang tingnan si Theros dahil nahihiya ako. Hindi ko naman

    Last Updated : 2022-01-19
  • Dawn At Night   Kabanata 20

    Property"Hey, you're spacing out."Napakurap-kurap ako nang tumawa si Theros. Nagtataka pa ako kung bakit siya tumatawa."Tinatanong ko kayo kung saan ako hindi magagalit? Ano bang pinag-uusapan n'yo?" tanong niya.Napakamot ako sa noo at nilingon si Cypress."Ano kasi—"Theros, nice round!"Sabay-sabay naming tiningnan si Raven na bagong dating. Nag-fistbump sila ni Theros bago siya bumaling sa amin. Agad na kumunot ang noo ni Raven nang makita si Cypress."What are you doing here? Hindi ba binawalan ka na ni Jarek dito?" tanong agad niya."But I didn't join. Nanood lang naman ako. Palagi naman akong nanonood dito even when I was still a minor tapos ngayong nasa legal age na ako, bawal na?" sagot ni Cypress sa kaniya.Agad akong hinila ni T

    Last Updated : 2022-01-24
  • Dawn At Night   Kabanata 21

    AbsentmindedAraw na naman ng Lunes pero pakiramdam ko ay napapagod na ako agad. Pagkamulat ko pa lang ng mata ay naalala ko na kasi agad ang lalaking 'yon. Nakakapanggigil talaga siya.Kung puwede lang na hindi ko siya makita nang ilang araw pero hindi. Kailangan kong magpunta sa condo niya at maglinis. Sana lang ay hindi ko siya makasalubong dito sa campus para naman medyo umayos ang araw ko."Hi, Dawn!"Napangiti ako nang makita si Ysabel sa harap ng gate."Hello. Sinong hinihintay mo?" tanong ko."Ikaw. Sabay na tayong pumasok," sagot niya bago kumapit sa braso ko.Natawa na lang ako at sabay nga kaming pumasok sa loob ng campus. Marami-rami pang mga estudyante sa labas ng mga building dahil maaga pa naman para sa first class. Habang naglalakad ay bigla na lang napahinto si Ysabel.

    Last Updated : 2022-01-29
  • Dawn At Night   Kabanata 22

    PackagePagdating sa condo ni Theros ay dumiretso siya kaagad sa kuwarto niya. Nagkibit-balikat na lang ako bago nag-umpisang magligpit ng kalat.Kasalukuyan akong nagpupunas ng mesa nang lumabas ulit ng kuwarto si Theros. Nakapambahay na siya ngayon at mukhang bagong ligo. May suot siyang salamin habang may tinitingnan sa bitbit niyang laptop.Naupo siya sa sofa bago nag-angat ng tingin sa akin. Napaiwas tuloy ako bigla."After cleaning the kitchen, kindly clean my room, too."Kunot-noo ko siyang tiningnan ulit. "Lilinisin ko ang kuwarto mo? 'Di ba ayaw mong pumapasok ako ro'n?" tanong ko.Nagpatuloy siya sa ginagawa sa laptop at nagkibit-balikat."I'm busy. I don't have time to clean my room. Wala ka namang makikita ro'n ngayon," sagot niya.Hindi na ako sumagot at nagpatuloy na lang sa ginaga

    Last Updated : 2022-02-02
  • Dawn At Night   Kabanata 23

    ConfessPakiramdam ko kinakapos ako ng hininga. Yakap-yakap ako ni Theros at hindi ko alam kung bakit ang lakas ng kabog ng puso ko. Ano ba 'to?Humiwalay siya sa pagkakayakap sa akin at tinitigan ako."Ayos ka lang ba? Nasaktan ka ba?" nag-aalalang tanong niya.Kumunot ang noo ko bago dahandahang umiling. "H-Hindi naman. Bakit naman ako masasaktan, nandito lang naman ako sa condo mo?" naguguluhang tanong ko.Napapikit siya bago napabuntonghininga. Pagdilat niya ay biglang nagbago ang emosyon niya. Parang bigla siyang nagalit."Bakit ba kasi hindi mo sinasagot ang tawag ko! Kaya ka nga may phone para matanggap ang importanteng tawag."Napakurap ako. "Tumawag ka?"Nasapo niya ang noo niya kaya agad kong kinuha ang phone ko sa bag. Doon ko lang napansin na lowbat na pala ito.

    Last Updated : 2022-02-04
  • Dawn At Night   Kabanata 24

    Worried"Dawn... I like you."Hindi ako nakasagot sa sinabi niya. Napabuntonghininga ako at nag-iwas ng tingin. Unti-unti kong binawi ang kamay kong hawak niya at nagkamot sa noo.Tama nga si Ysabel. Nag-confess si Lino sa akin. Isang bagay na hindi ko ine-expect na gagawin niya ngayong gabi."Alam kong nagulat ka pero naisip ko na kailangan kong sabihin sa 'yo itong feelings ko. Hindi naman kita pini-pressure na magustuhan mo rin ako ang sa akin lang, gusto kong malaman mo na gusto talaga kita," paliwanag niya pa.Mataman ko siyang tinitigan. Kung tutuusin, guwapo naman si Lino. Matangkad, mabait, at gentleman. Sobrang boyfriend material. Pero... kaibigan lang talaga ang tingin ko sa kaniya."Lino...hindi ko alam kung paano sasabihin ito nang hindi ka masiyadong nasasaktan. Magkaibigan tayo, 'di ba? Espesyal ka sa akin bilang k

    Last Updated : 2022-02-09
  • Dawn At Night   Kabanata 25

    Gone"Dawn, matamlay ka yata."Tumingin ako kay mama nang sabihin niya iyon. Pilit akong ngumiti bago uminom ng tubig."Medyo masama lang po ang pakiramdam ko," sagot ko.Kaninang paggising ko halos hindi ako makabangon dahil parang ang bigat ng katawan ko. Akala ko ay mawawala ito pagkatapos kong maligo pero hindi naman."Uminom ka muna ng gamot bago ka pumasok. Oo nga pala, maaga kang umuwi kagabi. Hindi ka pumasok sa gas station?" tanong ulit ni mama.Tumango ako. "Opo. May emergency po kasi na nangyari sa kaibigan ko. Nag-stay lang po ako saglit sa ospital.""Kaibigan mo? Iyong naghahatid sa 'yo rito?" tanong naman ni papa.Ngayon ko lang naisip na hindi pa pala nagme-meet si Theros at ang mga magulang ko. Sa laki ng naitulong niya sa amin, siguro dapat lang na makilala nila siya. Pero mukhang hin

    Last Updated : 2022-02-12

Latest chapter

  • Dawn At Night   Kabanata 35 PART 2

    Continuation“Half-brother?” gulat kong tanong. Magkapatid sila? Pero...paano naman nangyari ‘yon? Kung magkapatid sila, bakit ang laki ng galit ni Lino kay Theros? At kung magkapatid nga sila, bakit ipapahuli ni Theros si Lino sa mga tauhan niya?Muling natawa si Lino pero saglit lang iyon. “Mukhang napaimbestigahan mo na ang pagkatao ko. Ano pa ang mga nalaman mo? Nalaman mo ba na kabit lang ng ama ko ang nanay mo? Na nauna kaming naging pamilya bago sinira ng nanay mo ang buhay namin? At sa huli, ang nanay mo ang pinakasalan ng walang k’wenta kong ama!”“Kaya ka nagagalit at naghihiganti ngayon nang dahil lang sa pinakasalan ni dad si mommy. Hindi mo ba naisip na baka may dahilan si dad kaya gano’n ang ginawa niya?” tanong ni Theros.Pagak na natawa ulit si Lino. “Lang? At anong dahilan? May tama bang dahilan para abandonahin niya kami ng nanay ko! Na kahit nagmamakaawa ako no’n na tulungan niya kami dahil may sakit si

  • Dawn At Night   Kabanata 35 PART 1

    HALF-BROTHERHindi maalis ang tingin ko kay Lino habang naghahain siya ng pagkain sa mesa. Mas kalmado na ang itsura niya ngayon kumpara kanina pero mapapansin pa rin na may malalim siyang iniisip. Nang mailapag niya ang tubig sa mesa ay tumingin siya sa akin. “Let’s eat,” sabi niya bago naupo sa katapat kong upuan. Tumango lang ako at nagsimula na ring kumain. Iyon nga lang, halos hindi ko magawang lunukin ang pagkain dahil masiyadong naglalakbay ang isip ko.Si Lino, nagkakilala lang kami sa gas station. Naging malapit agad kami sa isa’t isa dahil pareho kami ng estado sa buhay. Parehong nagsisikap para makaahon sa kahirapan. Mabait siya. Mabait naman talaga siya bilang kaibigan. Iyon nga lang, napansin ko ang pagbabago sa ugali niya sa tuwing may kinalaman kay Theros ang pinag-uusapan namin.Hindi ko tuloy maiwasang maisip kung bakit gano’n na lang katindi ang tensyon sa pagitan nilang dalawa. Para bang may mas malalim pang dahilan. Bahagya akong nagulat nang tumunog ang doorbe

  • Dawn At Night   Kabanata 34

    Give Up ||Bawat taong dumarating sa buhay natin ay may kaniya-kaniyang misyon. Mayroong nandiyan para gabayan ka sa bawat desisyong gagawin mo. Iyong iba, dumarating para pasayahin ka kahit sa maikling panahon lang. At mayroon din namang dumarating sa buhay mo para magbigay ng pagmamahal at sa huli...bibigyan ka ng sakit at luha.Pero hindi ka dapat malungkot dahil doon. Bawat luha na pumapatak sa mga mata ay may katumbas na aral sa buhay.Nagising ako isang umaga pero hindi ko kaagad naimulat ang mga mata ko. Sinubukan kong bumangon pero parang ang bigat ng katawan ko. May sakit na naman ba ako? Kinapa ko ang sarili ko pero hindi ko naman maramdaman kung mainit ba ako o hindi. "Dawn, ayos ka lang ba talaga? Parang ilang araw ka nang hindi natutulog ah," nag-aalalang tanong ni Ysabel.Bahagya akong natawa bago ko kinuha ang bag ko mula sa upuan. Tapos na ang klase namin sa araw na ‘to at didiretso na ako sa karinderya. "Ayos lang ako, Ysabel. Ikaw yata ang hindi okay diyan, e.

  • Dawn At Night   Chapter 33 PART 2

    ContinuationNapayuko ako sa naisip ko. Unti-unting lumalabo ang paningin ko sa pangingilid ng luha pero pinunasan ko ito kaagad. Ayaw kong umiyak sa harapan nila. Ayaw kong magmukhang mahina. "Why? Is there something wrong?" tanong ni Yvonne at nang mag-angat ulit ako ng tingin ay napatingin din siya sa akin. Bahagyang kumunot ang noo niya. "Wait...I know you. We bumped to each other at the elevator last night. You remember me?"Hindi ako nakasagot agad dahil iniisip ko pa ang sinabi niya. Naalala kong may nakabungguan nga akong babae sa elevator sa condo ni Theros. Siya pala 'yon. Nakakatawa. Sobrang liit talaga ng mundo. O sadyang napagkakaisahan lang ako."You don't remember me?" tanong niya ulit. "Last night kasi pumunta ako sa condo ni Theros. I wanted to surprise you but it turns out na nandoon ka na pala sa condo ko." Hindi ko na kaya. Masiyado nang kumikirot ang puso ko dito. Kailangan ko nang umalis. Kailangan ko nang makalayo bago pa ako tuluyang bumigay. Bago ko pa pagmu

  • Dawn At Night   Chapter 33 PART 1

    Engaged"Pagkatapos po ng klase ko, didiretso na ako sa ospital," sabi ko kay mama pagkatapos naming mag-almusal.Tumango si mama at bahagyang ngumiti. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang lungkot at pagod. Mukhang hindi rin siya nakatulog kagabi sa pag-aalala. Kahit ako, hindi ko magawang pumikit man lang. "Sige, Dawn. Mag-iingat ka sa biyahe," bilin ni mama.Binalingan ko ng tingin ang dalawa kong kapatid. Alam na nila ang nangyari kay papa at alam kong nalulungkot din sila. Pero hindi pa sila puwedeng sumama sa ospital. Masiyado pa silang bata at may pasok din sila sa school."Danico, Laiza, mag-aaral kayo nang mabuti, ha? Huwag magpapasaway," sabi ko sa kanilang dalawa.Sabay naman silang tumango. "Opo, ate."Nang makapagpaalam ay kinuha ko na ang bag ko at pumasok na sa school. Habang naglalakad papasok ng gate ay napansin ko na parang may kakaiba sa mga estudyante ngayon. Parang mayroon silang pinag-uusapan at mukha rin silang excited. Ipinagkibit-balikat ko na lang 'yon at dum

  • Dawn At Night   Chapter 32 PART 2

    CONTINUATIONHindi ko na siya kinibo pa. Inalalayan ko si mama paupo para hindi siya masiyadong mapagod. Mayamaya lang ay lumabas na ang doktor mula sa ER at agad kaming nilapitan."Doc, kumusta po ang asawa ko?" nag-aalalang tanong ni mama."Ligtas na sa panganib ang pasyente pero kailangan pa rin siyang maobserbahan hanggang sa magising siya. Ililipat namin siya sa ICU para mas mabantayan ang lagay niya," sagot ng doktor.Bahagyang nakahinga nang maluwag si mama pero alam kong nag-aalala pa rin siya. Gano'n din naman ako. Hangga't hindi nagigising si papa, patuloy pa rin ang pag-aalala ko."Salamat, doc."Umalis na ang doktor at naiwan ulit kami. Ligtas na sa panganib si papa at ang sunod naman naming poproblemahin ay ang pambayad sa hospital bills. Hindi ko pa nga nababayaran ang utang ko kay Theros noong naospital si Danico. Kailan ba matatapos ang lahat ng 'to?Pakiramdam ko, padagdag na lang nang padagdag ang problema ko. Hindi ko na alam kung

  • Dawn At Night   Chapter 32 PART 1

    Disguise"Anong balita? Hindi mo pa rin nakikita si Theros?"Bumuntonghininga ako at hindi ko mabilang kung pang-ilang buntonghininga ko na ba ‘to ngayong araw. Kasalukuyan kaming nasa canteen ni Ysabel para mananghalian at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung nasaan si Theros."Hindi pa nga, e. Hindi niya rin sinasagot ang tawag at text ko. Baka may importante lang siyang inaasikaso."Umupo sa harapan ko si Ysabel at nagpangalumbaba. "Why don't you ask his friends? Imposible namang hindi nila alam kung nasaan si Theros."Pagkasabi niya no'n ay saktong pumasok sa canteen sila Raven at Phoenix. Malapit kami sa may pintuan kaya naman nakita nila kaagad kami. Ngumiti sa akin si Phoenix habang wala namang emosyon ang mukha ni Raven. May sinabi si Phoenix sa kaniya bago ito lumapit sa mesa namin."Hi, Dawn. Hi," pagbati niya sa amin ni Ysabel.Tinanguan lang siya ni Ysabel habang ako ay sinundan ng tingin si Raven na nagtungo sa hilera ng pagkain. Huminga ako nang malalim bago buma

  • Dawn At Night   Kabanata 31

    Injury"This is it girls! Whatever the result, always know that I'm proud of you all. I-enjoy lang natin ang laro," sabi ni Abigail.She put her palm on the center and we put our hands on top of it before we shouted the name of our team."Fight!"Today is the intramurals day. Ito na ang araw na pinaghandaan namin. Sana ay walang mangyaring problema mamaya. Scholarship namin ang nakasalalay rito kaya dapat lang na galingan namin.Huminga ako nang malalim at inayos na muna ang pagkakatali ng sintas ko. May isang pares ng mga paa na huminto sa harapan ko kaya napatingala ako."Lino." Tumayo ako at kunot-noo siyang tiningnan. Mula nang araw na niyakap niya ako sa garden, ngayon na lang ulit siya lumapit sa akin."Goodluck sa game. Break a leg!" he said and I smiled slightly. "S-Salamat," sagot ko. Hindi ko alam kung paano siya pakikitunguhan. Alam ko namang nagawa niya lang 'yon dahil nasaktan ko siya.

  • Dawn At Night   Kabanata 30

    ManipulateKinabukasan ay nagising ako at bumungad sa akin ang mukha ni Theros. Napabalikwas ako ng bangon sa gulat."Good morning," he greeted while smiling from ear to ear.Hindi ko siya sinagot at basta na lang akong tumakbo papunta sa banyo. Pinagmasdan ko kung may dumi ba ang mukha ko at nasapo ko na lang ang aking noo."Ang gulo ng buhok ko. Nakakahiya sa kaniya. Bakit ba kasi niya ako tinititigan habang tulog? Baka mamaya naghilik ako o kung ano pang nasabi ko."Pagkatapos kong pakalmahin ang sarili ay naghilamos na ako at inayos ang aking buhok. Lumabas ako ng banyo at naabutan si Theros na nakasandal sa may pinto. "A-Ano bang ginagawa mo dito?" nahihiyang tanong ko.Ngumisi siya. "I cooked breakfast for us. Let's go?"Hindi pa man ako nakakasagot ay hinawakan niya na ang kamay ko at hinila palabas ng kuwarto. Nagtungo kami sa dining room kung nasaan nakahain ang mga pagkain. Biglang

DMCA.com Protection Status