Impress Mabilis na lumipas ang mga araw simula nang mag-exam ako sa University. Ang sabi sa amin, hintayin na lang daw namin ang admission letter na ipapadala nila at doon daw nakalagay kung nakapasa kami o hindi. Hanggang ngayon ay wala pa rin akong natatanggap kaya naman kinakabahan na ako. Kung sakaling hindi ako makapasa doon, kailangan ko na namang maghanap ng ibang school. Abala ako sa paglalampaso ng sahig nang lumapit sa akin si Laiza, ang bunso kong kapatid. “Ate, malapit na pong magpasukan, bibilhan n’yo po ba ako ng bagong sapatos?” tanong nito habang inosenteng nakatingala sa akin. Nasa palengke pa sila mama at papa kaya kaming tatlo lang ang naiwan dito sa bahay. Day-off ko rin ngayon sa trabaho ko sa bakery kaya sinamantala kong maglinis. Ngumiti ako sa kapatid ko at umupo kami pareho sa silyang kahoy. Sa
Last Updated : 2021-09-29 Read more