Home / YA / TEEN / Loving the Opposite / Chapter 61 - Chapter 70

All Chapters of Loving the Opposite: Chapter 61 - Chapter 70

76 Chapters

Chapter 60

Chance’s POV Sabi ko noon ay pangarap kong magkaroon ng sariling pamilya kapag nasa tamang edad at kaya ko na. Pero hindi na ata mangyayari iyon. Nasira na ang imahe ng pagmamahal sa paningin ko dahil sa nangyari sa pamilya namin. Sino ba naman kasi ang mag-aakala na masisira ang tila napakasaya at mapagmahal na pamilya namin? Hindi lang isa ang nagloko kundi dalawa. Silang dalawa at halos nagsabay pa. Wala na atang mas masakit pa kaysa sa makita ang pamilya mong masisira na. Noong gabi na tuluyang umalis si papa mula sa amin, tila isang parte mula sa pagkatao ko ang nawala at namatay. Masakit para sa akin na nandon ako at pinapanood lang ang mga pangyayari dahil wala akong magawa. Pamilya ang kahinaan ko sa lahat kaya bakit ito pa ang nangyari? Mas matatanggap ko na lang na lagi silang mag-away ngunit hindi totoo ang mga hinala nila kaysa iyong ginawa nila na umastang parang mahal na mahal ang isa’t-isa pero nagloloko pala. Hindi na tulad ng dati ang bahay na kinaroroonan ko. Hi
last updateLast Updated : 2022-04-12
Read more

Chapter 61

Leana’s POV Sa eskwelahan ay medyo okay naman ang pakiramdam ko. Hindi tulad kapag nasa bahay ako na para bang namamanhid ang dibdib ko. Nakakangiti pa naman ako kapag pumapasok. Dahil ba kasama ko si Nico? Dahil ba kapag kasama ko siya ay nadi-distract ako mula sa sakit na nararamdaman ko? Nakaka-guilty. Bakit sa bahay na nandoon ang kapatid ko ay hindi ako makaramdam ng saya? Hindi pwede iyong ganito. Kailangan kong samahan ang kapatid ko. Tsaka ano pa bang silbi ng pagpasok ko? Ayaw ko naman ang strand na pinasukan ko. Ayoko naman ‘yung kursong kukunin ko. Tsaka hindi ko pa alam kung makakapag-aral pa ba ako sa kolehiyo dahil mag-isa na lang si mama na nagtataguyod sa aming magkapatid. Baka ibigay ko na lang sa kapatid ko ang tyansa na makapag-aral. Tutal, unti-unti naman nang nawawala ang mga pangarap ko. Para silang nawawala ng parang bula. Isang bagay na hindi ko kailanman naisip na mangyayari sa akin. Nawawalan ako ng pangarap. Kilala ko ang sarili ko. Alam ko na ako ‘yung
last updateLast Updated : 2022-04-19
Read more

Chapter 62

Leana’s POV Pinanood namin kung paano halos umusok ang ilong at tenga ni mama dahil sa galit. Nakakatawa lang na sabay pa siyang tinawag ng mga advisers namin para kausapin kung ano ang dahilan kung bakit hindi kami pumapasok. Alam kong hindi siya makapaniwala dahil hindi naman kami kailanman naging ganito. Lalo na si Chance na halos ilang linggo na hindi pumasok. Pumapasok pa naman ako. Tatlo o dalawang beses nga lang sa isang linggo. Hindi ko na nga alam kung ano pa ang silbi ng pagpasok ko sa mga araw na iyon dahil wala rin naman akong natututunan. Hirap na hirap na akong humabol sa mga lectures nila kaya wala akong maintindihan. At kung wala akong maintindihan, sasama lang ang loob ko at mas pipiliing tumulala sa teacher kahit pa hindi naman talaga ako nakikinig. Nakaka guilty na rin dahil ginagawa lahat ni Nico para bumalik ulit ang motivation ko para mag-aral. Pinapahiram niya sa akin ang notes niya at minsan pang sinabi na willing niya akong samahan mag-aral kung gusto ko ng
last updateLast Updated : 2022-04-27
Read more

Chapter 63

Leana’s POV Masaya na ba ako? Pinikit ko ang aking mga mata at pinakiramdaman ang malakas na simoy ng hangin na tumama at gumugulo sa buhok ko. Hinayaan kong lamunin ako ng mga iniisip ko dahil magandang gawin na pakinggan ko rin naman ang sarili ko kahit minsan lang. Gusto kong malaman kung ano ba talaga ang nararamdaman ko. Nagbago ang buhay ko dahil sa paghihiwalay ng mga magulang namin. Parang bumaliktad ang mundo. Hindi ko alam kung kaya ko pa bang magpatuloy. Nahihiya ako sa nangyayari sa akin. Nagagalit ako sa sarili ko ng sobra dahil bakit ba hindi ko na magawang pilitin ang sarili ko? Noon, kahit pagod na pagod ako mentally ay hindi iyon sapat para tumigil ako na gawin ang best ko. Pero ngayon, napabayaan ko na ata ang sarili ko lalo na ang pag-aaral. Recognition kahapon. At sa kauna-unahang beses ay hindi ako nakaabot sa honors. Hindi na ako nagtaka pero nakaramdam pa rin ako ng matinding kirot sa dibdib ko. Habang pinapanood ko ‘yung ibang mga estudyante na umaakyat sa
last updateLast Updated : 2022-05-13
Read more

Chapter 64

Leana’s POV “I’m sorry for your loss.” Hindi ito totoo… Hindi totoo na wala na ang kapatid ko. Hindi totoo ang nangyari kanina. Baka nasa loob lang ako ng bangungot. Baka magigising na ako mula sa panaginip na ito maya-maya lang. May posibilidad na lucid dreaming lang ‘to. Pero totoong-totoo ang mga emosyon na nararamdaman ko para maging panaginip lamang ito. Imposibleng mangyari ‘to. Okay pa ‘yung kapatid ko kaninang umaga. Kahapon ay nagtatawanan pa kami. Kanina nga lang umaga ay nagagawa pa naming irapan ang isa’t-isa. Kanina ay nagawa ko pang makita ang mga ngiti niya at para sa amin ni Nico iyon. Ang ngiti niyang iyon ay para sa amin, sa akin. Ang ngiti niyang naghuhudyat na masaya siya na makita ako. Na para siyang isang bata na excited na makita ang mahal niya sa buhay. Hindi pwedeng iyon na ang huling beses na makakangiti siya. Hindi pwedeng iyon na ang huling beses na makikita ko siyang humihinga. Ni hindi siya nakapag-paalam sa akin. Ni hindi ko narinig ang boses niya
last updateLast Updated : 2022-05-16
Read more

Chapter 65

Leana’s POV DAY 1 “Mama, huwag mong ililigpit ang mga gamit ni Chance,” saad ko nang bigla siyang pumasok na may hawak na malaking box. Natigilan siya at napatingin sa akin. “Sigurado ka?” tanong niya at tumango ako. “Huwag po kayong mag-aalala. Lilinisin ko ‘to para bawas trabaho niyo. Gusto ko rin kasing nakikita na kung paano niya inayos at iniwan ay ganon pa rin. Ayokong maitago at maitambak sa kung saan.” Mas masakit para sa akin na makitang unti-unting nawawala ang mga gamit ng kapatid ko sa kwarto namin dahil mas ipinamumukha lang nun sa akin na wala na siya. Lumaki kaming dalawa sa kwartong ito. Nasanay ako na dalawa ang halos lahat ng mga gamit kaya hindi ko matatanggap na pagkatapos nito ay matatanggal ang lahat at ako na lang mag-isa ang gagamit nito. “Sige, anak.” Nilapitan niya ako at hinaplos ng marahan ang mga pisngi ko. “Ikaw na lang ang natitira sa akin, anak. Susubukan kong protektahan ka dahil nabigo ako sa kapatid mo.” Napakagat ako sa mga labi at napaiwas
last updateLast Updated : 2022-05-21
Read more

Chapter 66

Nico’s POV “You’re doing well.” Napalingon siya sa akin dahil sa sinabi kong iyon. Napatitig siya sa mukha ko at nagtaka naman ako dahil parang isinasaulo niya ang itsura ko. Ramdam ko ang dahan-dahang panlalaki ng mga mata ko dahil doon. “Did I say something wrong?” I stuttered. “Talaga?” She looked at her paper with a perfect score on it. It was our midterms exam. She was the only one who got a perfect score among the thirty-two students inside our classroom. “Hindi ba obvious?” sininghalan ko siya at agad ding natawa dahil sa itsura niyang nagpipigil ng ngiti. “Woah. You’re really good. What did you do?” She let me borrow her test paper and I’m still here, busy admiring the very eye-pleasing perfect score written just above her name. “Nag-aral malamang. Tsaka ikaw din naman ah. Dalawang mistakes lang.” I sighed and leaned back on the sofa feeling satisfied with my score. Why would I feel bad about it? I know that I worked hard for it. Pasimple kong tinignan kung ano ang
last updateLast Updated : 2022-05-27
Read more

Chapter 67

Leana’s POV Bakit pakiramdam ko ‘yung mga tao sa paligid ko ay nagpatuloy na sa buhay samantalang ako ay nandito pa rin at hindi alam kung paano makipagsabayan ulit. Pakiramdam ko ay patuloy pa rin ang pag-ikot ng mundo para sa iba ngunit sa akin ay tumigil na. Para sa akin ay tumigil na ang mundo ko simula nung nawala sa amin si Chance. Hindi ko maintindihan kung saan pa ako kumakapit. Hindi ko maintindihan kung bakit ayaw ko pang tanggapin na wala na talaga siya at kailangan kong magpatuloy sa buhay. Kahit gusto kong itigil na lang ang lahat at huwag nang gumalaw pa, hindi ko magawa dahil buhay pa ako at mayroong nakakakita sa akin. At kapag ginawa ko ang nais ko, mag-aalala sila. Masasaktan ko na naman sila kaya wala akong choice kundi panoorin sila at gayahin kung paano sila umasta. Para na lang akong nagpapaanod sa agos ng buhay. Hindi ko alam kung anong gusto kong gawin. Hindi ko alam kung paano ako makakaahon mula sa pagkakadapang ito. At ayokong idamay ang mga tao sa palig
last updateLast Updated : 2022-06-07
Read more

Chapter 68

Leana’s POV “Leana-” “Papasok na po ako.” Tinalikuran ko si mama at dere-deretsong naglakad palabas ng bahay. Natigilan ako sa paglalakad at hindi ko inaasahang nandon na ang sasakyan at bukas na rin ang pintuan. Bumungad sa paningin ko sina Michael at Rose na prenteng nakaupo sa loob. Muli akong tumingin sa likuran ko at nandon si mama at binibigyan ako ng hindi makapaniwalang tingin. Masama ang loob na pumasok ako sa sasakyan at agad na isinara ang pinto upang sa ganon ay hindi na niya ako makita. “Wala kang naiwan sa loob Leana?” “Wala po tito.” Nakita ko ang pagtango niya bago tuluyang pinaandar ang sasakyan. “Saan kayo pupunta?” tanong ko sa magkapatid. “Wala lang. Gusto lang namin makita school mo.” Nakangiting saad ni Rose. Napangiti ako at tumango na lamang bago sumandal sa upuan at idinapo ang paningin sa labas. Ayoko sanang mag-away na naman kami ni mama. Ngayong nakaraang buwan na nga lang kami hindi nag-aaway tapos ngayon ay hindi ko pa siya pinatapos sa sasabih
last updateLast Updated : 2022-06-13
Read more

Chapter 69

Leana’s POV “Rose dali! Pumwesto ka na!” Napailing na lang kami dahil sa malakas na sigaw na iyon ni Michael sa kapatid niya. “Teka lang kuya!” Nilingon ako ni Michael at binigyan ng nagpapaumanhin na tingin kaya nginitian ko siya at tinanguan. Okay lang naman sa akin na magtagal dito sa kinatatayuan ko habang hinihintay si Rose. “Hindi ka nangangalay dyan ate?” “Bakit naman ako mangangalay? Nakatayo lang naman ako tapos may hawak na camera.” Natatawang saad ko. Napalingon ako kay mama at tito na tahimik lang na pinapanood kami mula sa kinatatayuan nila. Nakasuot si mama ng dress at si tito naman ay suot suot pa ang suit niya na ginamit niya mula sa trabaho. Si Michael naman as usual ay nakasukbit na naman sa leeg niya ang headphones niya. Hindi niya ito mabitawan at laging sinasabi na parte raw ng pagkatao niya ‘yun. “I’m done!” Napalingon kaming lahat sa hagdan dahil sa sigaw na iyon ni Rose. Mas lumapad ang ngiti ko nang makita ko siya na naka dress at ang cute cute niya!
last updateLast Updated : 2022-06-19
Read more
PREV
1
...
345678
DMCA.com Protection Status