Share

Chapter 64

Leana’s POV

“I’m sorry for your loss.”

Hindi ito totoo…

Hindi totoo na wala na ang kapatid ko. Hindi totoo ang nangyari kanina. Baka nasa loob lang ako ng bangungot. Baka magigising na ako mula sa panaginip na ito maya-maya lang. May posibilidad na lucid dreaming lang ‘to.

Pero totoong-totoo ang mga emosyon na nararamdaman ko para maging panaginip lamang ito.

Imposibleng mangyari ‘to. Okay pa ‘yung kapatid ko kaninang umaga. Kahapon ay nagtatawanan pa kami. Kanina nga lang umaga ay nagagawa pa naming irapan ang isa’t-isa. Kanina ay nagawa ko pang makita ang mga ngiti niya at para sa amin ni Nico iyon. Ang ngiti niyang iyon ay para sa amin, sa akin.

Ang ngiti niyang naghuhudyat na masaya siya na makita ako. Na para siyang isang bata na excited na makita ang mahal niya sa buhay.

Hindi pwedeng iyon na ang huling beses na makakangiti siya. Hindi pwedeng iyon na ang huling beses na makikita ko siyang humihinga.

Ni hindi siya nakapag-paalam sa akin. Ni hindi ko narinig ang boses niya
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status