Lahat ng Kabanata ng Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko: Kabanata 2701 - Kabanata 2710

3080 Kabanata

Kabanata 2701

Naghintay si Theo sa entrance ng airport sa kanyang manipis na damit ng halos kalahating oras. Nang isipin niya na baka mamatay na siya sa lamig, may isang kotse na huminto sa harap niya. Lumabas si Thomas sa kotse, tumingin siya sa lalaking may suot na manipis na trench coat sa klima na ito, at hindi niya mapigilan na ngumisi. “Diyos ko, isa kang sikat na sikat na artist. Bakit ang laki mong tanga?” Tumingin si Theo sa kanya, nakakunot ang noo. Naaalala niya ang taong ito; isa itong celebrity na sabi-sabi ay kasintahan ang isang katulong na nagtatrabaho para kay Luna. Hindi lang ‘yun, nabunyag noong magtagal na isa siyang pinsan ni Joshua. Dumilim ang ekspresyon ni Theo nang mapagtanto niya ito. Dahil si Thomas ang pumunta, ibig sabihin ay nandito rin si Joshua, ngunit hindi naman siya tumawag kay Joshua para sa tulong. Ibig sabihin ay si Luna ang nagpadala sa kanya. Ang rason kung bakit humingi ng tulong si Luna sa kanila ay… hindi niya nabago ang isip ni Rachel tungk
Magbasa pa

Kabanata 2702

Bumuka ang sugat na gustong iwasan ni Theo dahil sa sinabi ni Joshua. Dumilim ang ekspresyon, at lumingon siya para tumitig sa bintana, umiwas siya sa tingin ni Joshua. “Pareho.” Lumingon si Thomas para tumingin kay Joshua. “Bakit mo kailangan patamaan ang sugat niya ng ganun?” Pagkatapos, tumingin siya kay Theo ng naaawa at sinabi niya, “‘Wag kang mag alala. Kailangan ng oras at pasensya para hintayin na magbago ang isip ng babaeng mahal mo.” Ngumisi si Joshua at tumaas ang kilay niya kay Thomas. “Nagulat ako at ikaw ang nagsabi niyan.” Sinabi ni Thomas na kailangan maghintay para magbago ang isip ng isang babae, ngunit hindi siya nagpakita ng kahit anong senyales ng pasensya sa paghuli sa puso ni Yannie. Umikot ang mga mata ni Thomas kay Joshua, ngunit hindi siya sumagot. Si Lucas, na siyang nakaupo sa driver seat, ay tumawa dahil dito. “Ito po ang unang beses na nakita ko na nagbiruan kayo ni Mr. Howard, Sir.” Sina Joshua at Thomas ay naging busy sa trabaho nila simula
Magbasa pa

Kabanata 2703

Nakatayo si Gwen sa harap ng pinto ni Rachel, hawak niya ang isang tray ng muffins na binake niya. Ngumiti siya kay Rachel at sinabi niya, “Dr. Rachel, six-thirty na ng umaga ngayon. Sinabi sa akin ni Luna na maaga kang gumigising, kaya naisip ko na gising ka na ngayon.” Binigyan niya ng muffin si Rachel at sinabi niya, “Hindi ko alam kung ano ang gusto mo, kaya nagdesisyon ako na gawin na lang ito. Sana ay sapat na ito!” Tinikom ni Rachel ang mga labi niya dahil dito. “Gwen, kaibigan ka nila Luna at Theo, ibig sabihin ay kaibigan din kita.” “Ang rason kung bakit pumunta ako sa Saigen City ay dahil napansin ko na kamukha si Steven ni Luke sa litrato na nakalagay sa file niya. Ito ang rason kung bakit lumipad ako papunta dito para makita kung ano ang nangyayari.” Kinuha niya ang muffin mula kay Gwen at nagpaliwanag siya, “Hindi mo kailangan maging magalang sa akin, at hindi mo ako kailangan pasalamatan ng ganito. Ito ang ginagawa dapat ng isang kaibigan—at isang doctor.” Pagka
Magbasa pa

Kabanata 2704

Dahil alam niya na na ang DNA Diagnostic Center ang tumatawag, sinagot ni Rachel ang phone call at nilagay niya ito sa speaker para marinig din ito ni Gwen. Tumunog ang boses ng operator na parang robot, “Nagsend na kami ng digital copy ng DNA report sa inyong email, pero kung kailangan niyo ang orihinal na dokumento, pwede kayong pumunta sa center namin para kunin ito.” “Salamat,” Ang sagot ni Rachel bago niya ibinaba ang phone. Habang ginagawa niya ito, napatingin siya kay Gwen. Ang mukha ni Gwen ay namula sa pagkasabik at paghihintay, ngunit hindi siya kumilos para pumasok sa kwarto ni Rachel. Kahit na sabik siya, maingat pa rin si Gwen para hindi sumobra sa kilos niya. Paano magagawa ng isang tao na saktan ang isang mahinang babae? Nagbuntong hininga si Rachel, hinawakan niya ang kamay ni Gwen, at hinila niya ito papasok sa kwarto. Pagkatapos, binuksan niya ang kanyang laptop. Umupo si Gwen sa upuan, direcho ang kanyang likod, at sa sobrang paghihintay niya ay hindi
Magbasa pa

Kabanata 2705

Tumigas ang buong katawan ni Gwen nang marinig niya ito. Lumingon siya para tumitig ng tulala kay Luna, pagkatapos ay tumingin siya kay Rachel. Sa huli, kinagat niya ang labi niya at umupo siya sa dulo ng kama ni Rachel. “Hindi ko kaya." Kung hindi niya nalaman ang tungkol sa nangyari kay Luke at Steven, tatratuhin niya na si Steven ay si Luke at susubukan niyang ibalik ang mga ‘alaala’ ni Luke tungkol sa kanya. Gayunpaman, nang malaman niya ang katotohanan, hindi niya na ito magagawa. Habang iniisip na si Steven ay gamit ang katawan ni Luke ng walang permiso at nawala na ang kabuuan ni Luke… nasuklam siya sa punto na hindi niya na kayang tingnan si Steven ng tulad ng dati. Kung si Steven ay dumating sa harap niya, baka patayin niya ito. Sa sitwasyon na ito, hindi niya magawa na magpanggap na si Steven ay si Luke na para bang walang nangyari. Hindi niya ito magagawa! “Gwen…” Kinagat ni Luna ang labi niya at hinawakan niya ang braso ni Gwen, may balak siyang sabihin, ngu
Magbasa pa

Kabanata 2706

“Steven?” Akala ni Gwen ay guniguni niya lang ang marinig ang boses ni Steven mula sa phone call. Mahigpit niyang hinawakan ang phone niya at kinagat niya ang labi niya. “Bakit mo… ako hinahanap?” “Gusto kong kausapin ka tungkol kay Luke.” Ang lalaking nasa kabilang linya ay hindi na nagsalita pa ng iba. Sa huli, huminga siya ng malalim at sinabi niya, “Kausap ko si Kate ng buong gabi, at alam ko na ang lahat ngayon. Gusto kong makipagkita sayo at mag usap tayo. Hindi ito maganda para sa kahit sino kung nagpatuloy tayo sa hindi pagkakaunawaan na ito.” Napahinto si Gwen dahil sa sinabi ni Steven. Kinagat niya ang labi niya at hindi na siya sumagot. Sa huli, tumango siya. “Saan tayo magkikita?” “Nasa cafe ako malapit sa hotel mo.” Tila gumaan ang loob ni Steven nang pumayag si Gwen na makipagkita sa kanya. “Ito ang contact number ko. Ipapadala ko sayo ang lokasyon.” “Sige.” Huminga ng malalim si Gwen at ibinaba niya ang phone. Nang lumingon siya, nakita niya sina Luna at Rach
Magbasa pa

Kabanata 2707

Boom! May malakas na pagsabog mula sa intersection, nagulat si Gwen habang tumatawid siya sa kalsada. Lumingon siya at napansin niya na may aksidente na nangyari. May silver na SUV car na bumangga sa truck, at base sa itsura nito, halata na ang SUV ay ang lumabag sa traffic rules at dumiretso ito sa truck. “Paanong bumangga ang SUV sa truck sa ganito kalaki na intersection?” Sa mga sandaling ito, maraming mga manonood ang nag uusap tungkol sa aksidente na nangyari. “Nakita ko na direchong patungo ang SUV sa truck. Sa tingin ko ay sinasadya ito ng driver!” “Sinasadya? Tingnan mo kung gaano kaliit ang SUV kumpara sa truck. Balak niya ba gumawa ng gulo?!” “Baka may problema siya sa truck driver. Bukod pa dito, walang may gagawa nito ng sadya!” Kumunot ang noo ni Gwen at tumingin siya sa direksyon ng aksidente, at nabigla siya sa nakita niya nang makilala niya kung sino ito. Hindi siya makapaniwala sa nakita niya. Ang taong nagmamaneho ng SUV ay walang iba kundi si Steven,
Magbasa pa

Kabanata 2708

Nagbuntong hininga si Mrs. Miller nang makita niya na mapilit si Kate sa kanyang desisyon. Tinaas niya ang kamay niya para hawakan ang ulo ng anak niya. “Kate, ilang beses ko na ba sinabi sayo na maraming bagay na hindi mo pwedeng pilitin? Kapalaran ni Steven kung hindi siya gigising, at nakatadhana din na hindi mo makakasama si Steven o si Luke. Bakit ba hindi ka makinig sa akin, bitawan mo na ang lahat ng obsession mo, at maghanap ka ng ibang papakasalan!” Mabilis na umiwas si Kate sa kamay ni Mrs. Miller. “‘Wag mo na akong kumbinsihin, Mom. Kung nakinig ako sa inyo, magpapakasal na ako sa ibang tao noong nasa coma si Steven noong nakalipas na limang taon. Matagal na akong nagtitiis, at sinasabi mo na sumuko ako at magpakasal na lang ako sa iba? Sa tingin niyo ba ay posible ‘yun?” Nagbuntong hininga si Mrs. Miller. Tumingin siya ng malalim kay Kate at galit niyang sinabi, “Kate, ‘wag mong kalimutan na ginagamit ni Steven ang katawan ni Luke, at ang lalaking ‘yun ay isang notori
Magbasa pa

Kabanata 2709

Habang nakatingin sa consent letter, nagdalawang isip si Gwen. Tinikom niya ang mga labi niya at tumingin siya sa emergency room. Mula sa butas sa pinto, nakita niya si Steven na nakahiga sa kama at ang kamay nito ay nakatakip sa baywang nito. Walang ekspresyon sa mukha ni Steven, at mukha siyang tulala habang nakatingin sa kisame. Gayunpaman, naramdaman ni Gwen na parang may problema si Steven. Hindi niya alam kung ano ang iniisip ni Steven, pero… Huminga ng malalim si Gwen at tinanggap niya ang consent letter mula sa doctor. Pagkatapos, nakahanap siya ng isang lugar kung saan siya pwede umupo habang hawak ang pen. Bago niya pirmahan ang pangalan niya, tumingin siya sa doctor. “Siya… Magkakaroon ba ng problema kapag gumaling na ang sugat niya?” Ngumiti ang doctor. “Hindi, walang magiging problema. Pero, bilang girlfriend niya, dapat mo siyang alagaan at hindi mo siya pwedeng hayaan na masaktan ulit.” Namutla ang mukha ni Gwen. Kinagat niya ang labi niya at yumuko siya. Nang
Magbasa pa

Kabanata 2710

Tumahimik ang buong kapaligiran. Nabigla ang doctor na nagbigay ng consent letter kay Gwen. Kumunot ang noo niya at tumingin siya kay Gwen. “Hindi ikaw ang girlfriend ni Steven Hughes?” Kinagat niya ang labi niya at sinubukan niyang magsalita. Bumukas ang bibig niya, ngunit hindi niya magawang magsalita. Sa huli, yumuko siya. Tama si Kate. Hindi naman siya ang girlfriend ni Steven. Siya ay… ang babaeng gusto ng katawan ni Steven bago ang katawan na ito ay naging katawan ni Steven. Alam niya na si Steven ay si Luke, ngunit wala siyang masabi na kahit ano sa pagitan nila ni Steven. Paano siya makakapag paliwanag? Si Luke ay… wala na sa mundong ito. “Hindi, hindi siya ang boyfriend ni Steven,” Ngumisi si Kate at tumingin siya kay Gwen mula sa isang mapanglait na anggulo. Tumingala siya na para siyang isang mapagmalaki na reyna at tumingin siya sa doctor. “Baka masyado kang busy para magbasa ng balita sa bayan na ito. Kung alam mo lang ang mga balita, madalas mong makikita ang ba
Magbasa pa
PREV
1
...
269270271272273
...
308
DMCA.com Protection Status