All Chapters of Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko: Chapter 2331 - Chapter 2340

3080 Chapters

Kabanata 2331

Lumingon si Joshua at tumingin siya kay Gwen, na siyang nakaupo sa garden, habang nakikipag usap kay Luna. “Hindi nag-ooveracting ang doctor ngayon.” May malaking problema. … “Sinasabi mo bang buntis ka kay Luke?” Suminag ang araw sa gazebo sa hardin kung saan nag uusap sina Luna at Gwen. Habang nakatitig si Luna kay Gwen, lumaki ang mga mata niya sa gulat. “Nagbibiro ka ba? Hindi ba’t sinabi ng doctor sa Sea City na…” “Sinabi ng doctor na mahihirapan na akong mabuntis sa susunod, pero hindi ito imposible.” Uminom si Gwen sa tasa niya at napatingin siya sa sala. Pagkatapos masigurado na hindi nakatitig si Luke sa direksyon nila, huminga siya ng malalim at sinabi niya ng may mahinang boses, “Tulungan mo ako na itago ito mula kay Luke.” “Hindi maganda ang kondisyon ng katawan ko ngayon. Noong nasa Sea City pa rin kami, pumayag siya na palakihin ang anak ng ibang lalaki pagkatapos malaman na nakakasira sa kalusugan ko ang pagpapalaglag.” “Nag aalala ako na kapag natuklasan niy
Read more

Kabanata 2332

Hindi mapigilan ni Luna na masaktan dahil dito. Hinawakan niya ang kamay ni Gwen para pagaanin ang loob nito at sinabi niya, “Gwennie, nakaraan na ang lahat ng iyon.” Ayaw isipin ni Luna ang sakit at pagdurusa na pinagdaanan ni Gwen. Isang himala na nakaligtas si Gwen sa mga madidilim na araw na ‘yun, at hindi maitatanggi na inalagaan siya ng mabuti ni Luke. Huminga siya ng malalim at sinabi niya, “Gwennie, bakit hindi…” Lumingon siya at tumingin siya ng luhaan kay Gwen. “Bakit hindi mo pag isipan na manatili sa tabi ni Luke? Sang ayon ako sayo sa isang bagay. Hindi magiging madali para makakilala ng ibang lalaking tulad niya; ang isang lalaki na mamahalin ka para sa kung sino ka, ang mamahalin ka ng hindi dahil sa itsura o sa pera mo, pero dahil sa kung sino ka.” Tumawa ng mapait si Gwen, puno ng panunuya ang mga labi niya. Lumingon siya para tumitig kay Luna. “Imposible ‘yun. Alam mo ba kung bakit ko iniwan si Luke at naging engaged ako sa ex-fiance ko? Ito ay dahil…” N
Read more

Kabanata 2333

“Kaya naman, pagkatapos isilang ng sanggol, iiwanan ko si Luke at pupunta ako sa lugar kung saan walang makakahanap sa akin, kung saan pwede ako magsimula ng bagong buhay—mag isa at may bagong pagkakakilanlan.” Walang maramdaman si Luna kundi sakit habang nakatitig siya sa maputlang mukha ni Gwen. Kahit na hindi niya maintindihan ang karanasan ni Gwen, naaalala niya kung paano siya nakatanggap ng backlash mula sa media, noong inakusahan siya na pinagsasamantalahan niya ang kayamanan ng pamilya Landry. Kahit na isang araw lang ito tumagal, pakiramdam niya na nakaranas siya ng impyerno. Hindi niya maisip ang mapunta sa lugar ni Gwen. Tutal, sigurado siya na ang mga salita na lumalabas sa bibig ng mga gangster ay hindi mabait. Anong mga masasamang insulto na ba ang narinig ni Gwen sa buong buhay niya? Kahit na mukhang wala siyang pakialam dito, siguradong may isang punto na naging emosyonal siya dahil dito. Habang iniisip ito, huminga ng malalim si Luna at sinabi niya, “Si
Read more

Kabanata 2334

Ang unang bagay na dumating sa isip ni Gwen ay ang sanggol sa sinapupunan niya. Natuklasan na kaya ni Luke ang tungkol sa sanggol at dadalhin siya nito sa hospital para magpalaglag? Sa sandali na naisip niya ito, agad itong pinigilan ni Gwen. Hindi, imposible ito; hindi malalaman ni Luke ang tungkol sa sanggol niya. Dalawang linggo na ang nakalipas, noong natuklasan niya ang tungkol sa pagbubuntis niya habang nasa isang checkup, ginamit niya ang lahat ng savings niya para suhulan ang doctor na ‘wag sabihin sa kahit sino ang tungkol sa sanggol. Gayunpaman, balisa pa rin siya, dahil hindi siya sigurado na ang doctor na binigay sa kanya ni Luke, ay matagumpay na nasuhulan dahil sa ‘regalo’ niya. Tutal, ang mga tao na binabayaran ni Luke, maging ang mga bodyguard, katulong, o pulis, ay mataas ang respeto kay Luke at hindi sila susuway kay Luke. Sa mga panahong ‘yun, takot na namumuhay si Gwen, takot na pipilitin siya ni Luke na magpalaglag pagkatapos malaman ang katotohanan.
Read more

Kabanata 2335

Ang tingin sa mga mata ni Luke, pati na rin ang tono ng boses niya, ay tila nagpapahiwatig kay Gwen. Sa mga sandaling ito, pakiramdam ni Gwen na natuklasan na ni Luke ang lihim na pagbubuntis niya, at sinasabi nito na maging tapat siya kay Luke! Gayunpaman… ayaw niya itong gawin. Hindi niya mapigilan na kumapit sa huling natitirang pagasa. Paano kung sinusubukan lang siya ni Luke? Paano kung wala siyang ideya dito? Kapag nahulog siya sa mga pakana ni Luke at aksidente niyang nabunyag ang sikreto niya, magiging isang malaking tanga siya! Habang iniisip ito, tinikom niya ang labi niya at agad niyang sinara ang bibig niya. Dumilim ang ekspresyon ni Luke nang makita niya na tumanggi si Gwen na magsalita pa. Humigpit ang hawak niya sa kamay ni Gwen at hinila niya ito sa direksyon ng hapagkainan. “Ang cute po na magkasama ni ninang at Uncle Luke!” Ngumiti si Nellie sa kanila, pumapalakpak siya ng sabik habang sinabi niya, “Sana po ay balang araw, pwede ko ring tawagin na ni
Read more

Kabanata 2336

Agad na tumalikod si Luna. Sa likod niya, nakatayo si Joshua sa tabi ng pinto ng kusina, nakangiti sa kanya habang suot ang asul na apron na may bahid ng harina. Huminto ng ilang sandali si Luna, tumitig siya kay Joshua na para bang hindi siya makapaniwala. Si Joshua ay laging malamig ang ugali, at hindi pa nakita ni Luna si Joshua na ganitong komportable, may suot na apron sa ibabaw ng puting shirt. Bukod pa dito… Kung tama ang pagkakaalala ni Luna, hindi pa pumasok si Joshua ng kusina ng buong buhay nito. Higit sa isang taon na ang nakalipas, noong bumalik si Nellie sa tabi ni Joshua, nirecord ni Nellie ang isang video ni Joshua na gumagawa ng pagkain para kay Nellie sa Blue Bay Villa. Ngayong araw, ang lalaking ito ay nakatayo sa harap niya na may suot na apron na para bang nagluluto siya kanina. Ngumiti si Joshua na para bang nakita niya ang pagkagulat ni Luna. Walang bahid ng pagkahiya sa mga mata niya, at sa halip, kalmado at medyo mapagmalaki pa ito. “Gumaling na
Read more

Kabanata 2337

“Tama ka. Masarap ito, pero pwede ka pang gumaling.” Ngumiti si Joshua, tumitig siya sa babaeng matigas na ulo na nasa harap niya, pagkatapos ay niyakap niya ito at nilagay niya ang baba niya sa balikat nito. Ang mainit niyang paghinga at mahimig niyang boses ay dumaan sa tainga ni Luna. “Galit ka pa rin ba sa akin?” Huminto si Luna nang marinig niya ito. Lumingon siya at tumitig siya kay Joshua na para bang hindi siya makapaniwala. “Ginawa mo ang lahat ng ito… para makipagbati sa akin?” “Bakit ko pa ba gagawin ito?” Ngumiti si Joshua at hinalikan niya si Luna sa tainga. “Bakit mo naman naisip na hindi ako makikipagbati sayo, kahit na alam ko na galit ka sa akin? Kahit na ang cookies ay hindi kasing sarap ng gusto ko, naisip ko na baka maging masaya ka, kaya tinanong kita kung galit ka pa rin sa akin…”Tinikom ni Luna ang labi niya, biglang hindi niya siguardo ang sasabihin niya. Nang dumating sina Gwen at Luke nitong umaga, galit nga talaga siya kay Joshua. Galit si Lun
Read more

Kabanata 2338

Suminag ang araw sa bintana ng hapagkainan. Ang mukha ni Gwen na puno ng pag asa ay mas cute sa ilalim ng ilaw. Tumalikod si Luke, ngunit nang makaharap ang mukha ni Gwen na puno ng pag asa, ang mga salitang ‘managinio ka’ ay naipit sa lalamunan niya, at hindi niya ito nasabi. Napahinto siya ng ilang sandali bago niya tinanong, “Ano… ang gusto mong kainin?” Sa katotohanan, sa simula na siya ang naging pinuno ng Sea City, nangako siya na hindi na siya aapak ulit sa kusina. Ito ay hindi dahil ayaw niya sa pagluluto, ito ay dahil… ang tanging rason kung bakit natuto siya ng pagluluto ay para pasayahin ang mga lalaki na akala niya ay kaibigan niya. Noong unang beses niyang sumama sa gang, trinato niya ang lahat na parang kaibigan niya at lagi niyang pinag luluto ang mga ito, ngunit ano ang nangyari pagkatapos? Noong inaapi siya dahil sa laki niya, ang mga ‘kaibigan’ niya ay sinabi sa lahat na isa lang siyang utusan para sa kanila. Kahit na galit na galit siya, alam ni Luke na
Read more

Kabanata 2339

Basta’t naaalala ito ni Bonnie, bilang pa rin ang mga masasayang alaala, hindi ba? Kung posible lang, nangangarap si Gwen na silang dalawa ni Luke ang mapunta sa lugar nila Bonnie at Jim. Wala siyang pakialam kung naaalala pa rin siya ni Luke, at kung siya ang bahala, mas gugustuhin niyang mabura ang mga alaala ni Luke. Wala siyang pakialam kung mahal siya ni Luke o hindi, at kung siya ang pipili, mas gugustuhin niya na hindi na bumalik kay Luke ang mga alaala nito sa kanya. Mas mabuti nang mabuhay silang dalawa ng hiwalay, na parang dalawang parallel na linya na hindi na ulit mag sasalubong. “Tama.” Habang malayo ang iisip ni Gwen, bumalik siya sa katotohanan dahil sa mababang boses ni Luke. Tumitig siya sa maliit na mukha ni Gwen at nagpatuloy siya, “Pwede kang gumawa ng listahan bukas, at ipagluluto kita bukas ng umaga. Pagkatapos, pwede tayong pumunta ng hospital ng magkasama.” Kumunot ang noo ni Gwen nang marinig niya ito. Hindi niya mapigilan na ulitin ang tanong ni
Read more

Kabanata 2340

Nagalit si Luna sa sagot ni Luke. Kahit na ayaw talaga ni Luke sa mga bata, at gusto lang gumawa ni Gwen ng kaswal na komento na walang ibig sabihin, hindi ba pwedeng respetuhin niya ang mga damdamin ni Gwen tungkol dito? Sinasabi niya na mahal niya si Gwen ng higit sa kahit ano, ngunit hindi man lang siya nagpapakita ng respeto kay Gwen sa harap ng ibang tao. Hindi lang ‘yun, buntis pa si Gwen kay Luke! Ito ba ay isang tamang komento na sabihin sa ganitong sitwasyon? “Sige na, sige na, kumain na tayo.” Nararamdaman ni Joshua ang galit ni Luna, kaya’t tinapik niya ng mahina ang balikat ni Luna, sumensyas siya na ‘wag magsalita ng basta basta.” Kinagat ni Luna ang labi niya, at kahit na galit siya, alam niya na hindi dapat siya magsalita ng nakakasira sa mood. Gayunpaman, habang kumakain, sinasadya niyang patunugin ang mga kutsara at tinidor niya sa plato para ipakita ang galit niya. Kinagat ni Gwen ang labi niya at tumingin muna siya kay Luna, pagkatapos ay tumingin siy
Read more
PREV
1
...
232233234235236
...
308
DMCA.com Protection Status