Hindi mapigilan ni Luna na masaktan dahil dito. Hinawakan niya ang kamay ni Gwen para pagaanin ang loob nito at sinabi niya, โGwennie, nakaraan na ang lahat ng iyon.โ Ayaw isipin ni Luna ang sakit at pagdurusa na pinagdaanan ni Gwen. Isang himala na nakaligtas si Gwen sa mga madidilim na araw na โyun, at hindi maitatanggi na inalagaan siya ng mabuti ni Luke. Huminga siya ng malalim at sinabi niya, โGwennie, bakit hindiโฆโ Lumingon siya at tumingin siya ng luhaan kay Gwen. โBakit hindi mo pag isipan na manatili sa tabi ni Luke? Sang ayon ako sayo sa isang bagay. Hindi magiging madali para makakilala ng ibang lalaking tulad niya; ang isang lalaki na mamahalin ka para sa kung sino ka, ang mamahalin ka ng hindi dahil sa itsura o sa pera mo, pero dahil sa kung sino ka.โ Tumawa ng mapait si Gwen, puno ng panunuya ang mga labi niya. Lumingon siya para tumitig kay Luna. โImposible โyun. Alam mo ba kung bakit ko iniwan si Luke at naging engaged ako sa ex-fiance ko? Ito ay dahilโฆโ N
โKaya naman, pagkatapos isilang ng sanggol, iiwanan ko si Luke at pupunta ako sa lugar kung saan walang makakahanap sa akin, kung saan pwede ako magsimula ng bagong buhayโmag isa at may bagong pagkakakilanlan.โ Walang maramdaman si Luna kundi sakit habang nakatitig siya sa maputlang mukha ni Gwen. Kahit na hindi niya maintindihan ang karanasan ni Gwen, naaalala niya kung paano siya nakatanggap ng backlash mula sa media, noong inakusahan siya na pinagsasamantalahan niya ang kayamanan ng pamilya Landry. Kahit na isang araw lang ito tumagal, pakiramdam niya na nakaranas siya ng impyerno. Hindi niya maisip ang mapunta sa lugar ni Gwen. Tutal, sigurado siya na ang mga salita na lumalabas sa bibig ng mga gangster ay hindi mabait. Anong mga masasamang insulto na ba ang narinig ni Gwen sa buong buhay niya? Kahit na mukhang wala siyang pakialam dito, siguradong may isang punto na naging emosyonal siya dahil dito. Habang iniisip ito, huminga ng malalim si Luna at sinabi niya, โSi
Ang unang bagay na dumating sa isip ni Gwen ay ang sanggol sa sinapupunan niya. Natuklasan na kaya ni Luke ang tungkol sa sanggol at dadalhin siya nito sa hospital para magpalaglag? Sa sandali na naisip niya ito, agad itong pinigilan ni Gwen. Hindi, imposible ito; hindi malalaman ni Luke ang tungkol sa sanggol niya. Dalawang linggo na ang nakalipas, noong natuklasan niya ang tungkol sa pagbubuntis niya habang nasa isang checkup, ginamit niya ang lahat ng savings niya para suhulan ang doctor na โwag sabihin sa kahit sino ang tungkol sa sanggol. Gayunpaman, balisa pa rin siya, dahil hindi siya sigurado na ang doctor na binigay sa kanya ni Luke, ay matagumpay na nasuhulan dahil sa โregaloโ niya. Tutal, ang mga tao na binabayaran ni Luke, maging ang mga bodyguard, katulong, o pulis, ay mataas ang respeto kay Luke at hindi sila susuway kay Luke. Sa mga panahong โyun, takot na namumuhay si Gwen, takot na pipilitin siya ni Luke na magpalaglag pagkatapos malaman ang katotohanan.
Ang tingin sa mga mata ni Luke, pati na rin ang tono ng boses niya, ay tila nagpapahiwatig kay Gwen. Sa mga sandaling ito, pakiramdam ni Gwen na natuklasan na ni Luke ang lihim na pagbubuntis niya, at sinasabi nito na maging tapat siya kay Luke! Gayunpamanโฆ ayaw niya itong gawin. Hindi niya mapigilan na kumapit sa huling natitirang pagasa. Paano kung sinusubukan lang siya ni Luke? Paano kung wala siyang ideya dito? Kapag nahulog siya sa mga pakana ni Luke at aksidente niyang nabunyag ang sikreto niya, magiging isang malaking tanga siya! Habang iniisip ito, tinikom niya ang labi niya at agad niyang sinara ang bibig niya. Dumilim ang ekspresyon ni Luke nang makita niya na tumanggi si Gwen na magsalita pa. Humigpit ang hawak niya sa kamay ni Gwen at hinila niya ito sa direksyon ng hapagkainan. โAng cute po na magkasama ni ninang at Uncle Luke!โ Ngumiti si Nellie sa kanila, pumapalakpak siya ng sabik habang sinabi niya, โSana po ay balang araw, pwede ko ring tawagin na ni
Agad na tumalikod si Luna. Sa likod niya, nakatayo si Joshua sa tabi ng pinto ng kusina, nakangiti sa kanya habang suot ang asul na apron na may bahid ng harina. Huminto ng ilang sandali si Luna, tumitig siya kay Joshua na para bang hindi siya makapaniwala. Si Joshua ay laging malamig ang ugali, at hindi pa nakita ni Luna si Joshua na ganitong komportable, may suot na apron sa ibabaw ng puting shirt. Bukod pa ditoโฆ Kung tama ang pagkakaalala ni Luna, hindi pa pumasok si Joshua ng kusina ng buong buhay nito. Higit sa isang taon na ang nakalipas, noong bumalik si Nellie sa tabi ni Joshua, nirecord ni Nellie ang isang video ni Joshua na gumagawa ng pagkain para kay Nellie sa Blue Bay Villa. Ngayong araw, ang lalaking ito ay nakatayo sa harap niya na may suot na apron na para bang nagluluto siya kanina. Ngumiti si Joshua na para bang nakita niya ang pagkagulat ni Luna. Walang bahid ng pagkahiya sa mga mata niya, at sa halip, kalmado at medyo mapagmalaki pa ito. โGumaling na
โTama ka. Masarap ito, pero pwede ka pang gumaling.โ Ngumiti si Joshua, tumitig siya sa babaeng matigas na ulo na nasa harap niya, pagkatapos ay niyakap niya ito at nilagay niya ang baba niya sa balikat nito. Ang mainit niyang paghinga at mahimig niyang boses ay dumaan sa tainga ni Luna. โGalit ka pa rin ba sa akin?โ Huminto si Luna nang marinig niya ito. Lumingon siya at tumitig siya kay Joshua na para bang hindi siya makapaniwala. โGinawa mo ang lahat ng itoโฆ para makipagbati sa akin?โ โBakit ko pa ba gagawin ito?โ Ngumiti si Joshua at hinalikan niya si Luna sa tainga. โBakit mo naman naisip na hindi ako makikipagbati sayo, kahit na alam ko na galit ka sa akin? Kahit na ang cookies ay hindi kasing sarap ng gusto ko, naisip ko na baka maging masaya ka, kaya tinanong kita kung galit ka pa rin sa akinโฆโTinikom ni Luna ang labi niya, biglang hindi niya siguardo ang sasabihin niya. Nang dumating sina Gwen at Luke nitong umaga, galit nga talaga siya kay Joshua. Galit si Lun
Suminag ang araw sa bintana ng hapagkainan. Ang mukha ni Gwen na puno ng pag asa ay mas cute sa ilalim ng ilaw. Tumalikod si Luke, ngunit nang makaharap ang mukha ni Gwen na puno ng pag asa, ang mga salitang โmanaginio kaโ ay naipit sa lalamunan niya, at hindi niya ito nasabi. Napahinto siya ng ilang sandali bago niya tinanong, โAnoโฆ ang gusto mong kainin?โ Sa katotohanan, sa simula na siya ang naging pinuno ng Sea City, nangako siya na hindi na siya aapak ulit sa kusina. Ito ay hindi dahil ayaw niya sa pagluluto, ito ay dahilโฆ ang tanging rason kung bakit natuto siya ng pagluluto ay para pasayahin ang mga lalaki na akala niya ay kaibigan niya. Noong unang beses niyang sumama sa gang, trinato niya ang lahat na parang kaibigan niya at lagi niyang pinag luluto ang mga ito, ngunit ano ang nangyari pagkatapos? Noong inaapi siya dahil sa laki niya, ang mga โkaibiganโ niya ay sinabi sa lahat na isa lang siyang utusan para sa kanila. Kahit na galit na galit siya, alam ni Luke na
Bastaโt naaalala ito ni Bonnie, bilang pa rin ang mga masasayang alaala, hindi ba? Kung posible lang, nangangarap si Gwen na silang dalawa ni Luke ang mapunta sa lugar nila Bonnie at Jim. Wala siyang pakialam kung naaalala pa rin siya ni Luke, at kung siya ang bahala, mas gugustuhin niyang mabura ang mga alaala ni Luke. Wala siyang pakialam kung mahal siya ni Luke o hindi, at kung siya ang pipili, mas gugustuhin niya na hindi na bumalik kay Luke ang mga alaala nito sa kanya. Mas mabuti nang mabuhay silang dalawa ng hiwalay, na parang dalawang parallel na linya na hindi na ulit mag sasalubong. โTama.โ Habang malayo ang iisip ni Gwen, bumalik siya sa katotohanan dahil sa mababang boses ni Luke. Tumitig siya sa maliit na mukha ni Gwen at nagpatuloy siya, โPwede kang gumawa ng listahan bukas, at ipagluluto kita bukas ng umaga. Pagkatapos, pwede tayong pumunta ng hospital ng magkasama.โ Kumunot ang noo ni Gwen nang marinig niya ito. Hindi niya mapigilan na ulitin ang tanong ni
Kumunot ang noo ni Luna nang marinig niya ito.Kailangan niyang itago si Gwen kapag bumisita si John sa kanila. Kasabay nito, kailangan niya ng ibang tao para magpanggap na si โAndie Larsonโ.Habang iniisip ito, nagbuntong hininga si Luna at tumingin siya ng makahulugan kay Tara.Naintindihan ito ni Tara at tumango siya, pagkatapos ay naglakad siya pabalik ng elevator kasama si Luna.Nang sumara ang pinto, nagbuntong hininga si Tara at sinabi niya ng pagod na tono, โSalamat sa Diyos at nabigo si Robyn ng memorya niya. Kung hindi, sira na ang lahat ng plano natin.โTumango si Luna. Pagkatapos, tumingin siya kay Tara at tinanong niya, โOo nga pala, paano nagkakilala si John at ang tatay ni Gwen?โKahit na si Andy ay dinala ng mga tauhan ni Tyson sa Sharnwick City. Paano napunta sa parehong kwarto si John at sumalo pa siya ng bala para dito?Kinidnap rin ba si John ng mga taong ito? Kung ganun, bakit nila ito ginawa?Nang mabanggit ito, nagbuntong hininga si Tara at nagpaliwang si
Sumilip si Luna sa crack mula sa pinto.May suot na hospital gown si John, nakaupo ito sa kama at kumakain habang kausap si Robyn. โSinabi ba talaga โyun ni Miss Moore?โTumango si Robyn. โNakasalubong ko rin sa elevator โyung babae na bumili ng tanghalian na ito kanina. Hindi ka maniniwala, konektado din siya kay Miss Moore! Magpinsan sila sa kasal!โHuminto ang kamay ni John, halata na nabigla siya. Tumawa siya at tinanong niya, โTalaga? Nagkataon nga naman.โโTama ka! Maliit ang mundo natin!โ Tumango si Robyn. โHindi lang โyun, pero dahil magpinsan sila sa kasal, may koneksyon din siya sa lalaking niligtas mo kagabi. Sa tingin ko ay ang pangalan niya ayโฆโNapatalon ang puso ni Luna sa lalamunan niya nang marinig niya ito.Nagkaroon siya ng isang malaking pagkakamali. Hindi niya sana babanggitin ang pangalan ni Gwen kung alam niya lang na si John ang lalaking nagligtas sa tatay ni Gwen!Malapit na masira ang sikreto nila!Habang iniisip ito, hindi niya mapigilan na tumingin k
Tumaas ang mga kilay ni Luna kay Tara. โSinasabi mo ba na anim na buwan mo nang alam ang tungkol kay Anne at John?โTahimik ng ilang sandali si Tara bago siya tumango. โOo.โHuminga siya ng malalim at tumitig siya ng seryoso kay Luna. โDati, ang lahat lang ng alam ko tungkol sayo ay pinakasalan mo ang pinsan ko at biniyayaan kayo ng triplets. Nabalitaan ko rin na sa isang punto, naging malapit ka kay Christian, pero wala na akong ibang impormasyon maliban dito. Isang araw, sinabi ng tita ko sa akin na ikaw, ang asawa ng pinsan ko, ay walang iba kundi si Moon, ang paboritong jewelry designer ko.โโSimula nang matuklasan ko ito, napunta ang atensyon ko sayo at naghanap ako ng mga balita tungkol sayo. Dahil dito, alam ko ang tungkol sa murder at trial mo, kaya alam ko ang tungkol kela Anne at John.โLumaki ang mga mata ni Luna sa gulat.Hindi siya makapaniwala na si Tara ay palihim na isa sa mga fans niya, sa punto na binabantayan nito ang balita tungkol kay Luna kahit na nakatira si
Matagal na natulala si Luna.Sa huli, bumalik siya sa sarili at humawak siya ng sabik sa braso ni Robyn. โSinasabi mo ba na ang kapatid mo ang nagligtas sa lalaki na hinahanap ng lahat sa buong bayan?โHindi inaasahan ni Robyn ang reaksyon ni Luna. Napaatras siya sa takot at tumango siya. โOโฆ Oo.โBakit sabik si Luna na marinig ito?Kumunot ang noo niya at tinanong niya, โMiss, kilalaโฆ mo ba ang kapatid ko? O may koneksyon kayo sa matandang lalaki kagabi?โSasagot sana ng oo si Luna sa mga tanong na ito nang sumingit si Tara. โSyempre may koneksyon siya sa matandang lalaki. Asawa siya ng pinsan ko, kaya may koneksyon siya sa matandang lalaki na niligtas ng kapatid mo. Sabik lang siya na makilala ang lalaki na lumigtas sa buhay ng matandang lalaki.โPagkatapos, tumingin siya kay Luna. โHindi ba, Luna?โNapahinto ng ilang sandali si Luna, pagkatapos ay tumango siya. โOo, masaya lang ako na ligtas siya ngayon.โPagkatapos, lumingon siya para tumitig ulit kay Robyn. โKamusta na ang
โUmโฆโNgunit, bago pa sumagot si Tara, sumingit si Robyn. โHindi baโt sinabi ko sayo na ang kapatid ko ay nabaril? Ito ay dahil pinoprotektahan niya ang isang matandang lalaki kagabi.โโNakidnap silang pareho, at ang lalaki na โyun ay papatayin dapat ng kidnapper. Kung hindi humarang ang kapatid ko para iligtas ang lalaking โyun, patay na dapat siya ngayon.โโSi Miss Moore ay ang kamag anak ng lalaki at pumunta siya dito para pasalamatan kami.โPagkatapos, pinakita niya ang card kay Luna at sinabi niya, โGusto niya kaming bigyan ng gantimpala kapalit ng kabaitan ng kapatid ko. Desperado kami sa pera, pero ayaw itong tanggapin ng kapatid ko. Ayaw niyang isipin ng iba na may ibang rason ang kabaitan niya.โNapahinto si Luna nang marinig niya ito. Kumunot ang noo niya, tumingin siya kay Tara. โAng โkamag-anak; na ito ay ang tatay ni Gwen, hindi ba?โAlam ni Luna ang tungkol sa nangyari kagabi. Dahil niligtas ng mga tauhan ni Joshua si Andy kagabi at ang kapatid ni Robyn ay nabaril d
โHindi ko kailangan ng special treatment.โ Ngumiti si John kay Tara. โAng gusto ko lang ay ang isang oportunidad para sumama.โKumunot ang noo ni Tara dahil dito, ngunit wala siyang sinabi. Sa huli, tumalikod siya at umalis na siya ng kwarto.Sa kanyang ikinagulat, nakasalubong niya si Luna, na siyang kakalabas lang ng elevator.Nabigla din si Luna na makita si Tara.Siguradong si Tara, na siyang obsessed kay Joshua, ay nasa Moore Group dapat kasama si Joshua, nagpapalipas ng oras kasama ang paboritong โpinsanโ nito. Bakit pala nasa hospital si Tara?โHello, Luna.โ Ngumiti ng nahihiya si Tara nang makita niya si Luna.Kumunot ang noo ni Luna at tumingin siya ng malamig kay Tara. โAno ang ginagawa mo dito?โNandito ba si Tara para makita si Gwen? Hindi niya maintindihan; hindi kilala nila Tara at Gwen ang isaโt isa. Bakit bibisita si Tara kay Gwen?Huminto si Tara, ngunit bago pa siya makagawa ng dahilan, tumunog ang boses ni Robyn sa likod niya. โMiss Moore!โTumakbo si Robyn
Bumangon si John mula sa kama nang mabanggit ang matandang lalaki. Pagkatapos ay tumitig siya ng nakakunot ang noo kay Tara. โAyos lang ba siya? Nawalan ako ng malay pagkatapos akong mabaril kagabi, kaya hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanya. Naaalala ko na dumating ang mga tauhan niyo sa orasโฆ Ayos lang ba siya ngayon?โKahit na ang ginawa ng matandang lalaki ang rason kung bakit nabaril si John, naiintindihan ni John ang pananaw ng lalaking ito. Pagkatapos makulong ng maraming araw, hindi nakakapagtaka na magiging balisa ito na makatakas.Hindi mapigilan ni John na isipin na kung ang lalaking ito ay nakakuha ng sakit mula sa pagkakakulong, lalo na at matanda at mahina na ito.Kumunot ang noo ni Tara nang mapansin niya na nag aalala si John. Mukhang hindi nagpapanggap si John sa pag aalala niya.Ayon kay Joshua, hindi alam ni John na ang lalaking niligtas niya ay ang tatay ni Gwen. Base sa reaksyon ni John, alam na ni Tara na tama si Joshua.Ngumiti si Tara at sumagot siya
Hindi kayaโt sinasabi ni John ang katotohanan?Habang iniisip ito, tumingin ulit si Tara kay Robyn.Medyo kinakabahan si Robyn habang sinusuri ng ganito. Nahihiya siyang tumawa at sinabi niya, โNice to meet you, Miss Moore. Ako ang kapatid ni John, si Robyn.โPagkatapos, tinaas niya ang kamay niya kay Tara.Kumunot ang noo ni Tara habang kinamayan niya si Robyn. โNabalitaan ko na may sakit ka?โTumigas ang kamay ni Robyn. Nakalimutan niya ang tungkol sa instructions ni John!Ngumiti siya, sinubukan niyang maging kalmado. โOpo. Nagkaroon ako ng kakaibang sakit at humihina ang katawan ko, at kailangan ko ng surgery para mabuhay.โPagkatapos, lumingon siya para tumingin ng masama kay John. โSinabi mo ba ito sa lahat? Hindi baโt sinabi ko sayo na โwag mo ipagkalat ang tungkol sa sakit ko?โTumawa si John. โMalalaman din naman ni Miss Moore ang tungkol dito dahil magkakasama kami sa trabaho.โMedyo naabala si Tara dahil dito. Pinadala siya ni Joshua para bantayan si John at malaman
โAyos lang. Hindi ko siya niligtas para sa pera.โ Ngumiti si John habang tinaas niya ang kamay niya para kunin ang kutsara at tinidor mula kay Robyn.Nagtataka rin siya tungkol sa binanggit ni Robyn, ngunit sa katotohanan, hindi siya nagsisi sa desisyon niya. Kahit na pumunta siya doon para sa pera, hindi ito ang motibasyon niya noong tumalon siya sa harap ng bala.Ginawa niya ito ng hindi nag iisip. Kahit na ibalik niya ang oras, ililigtas niya pa rin ang lalaking โyun ng hindi nagdadalawang isip.Nagbuntong hininga si Robyn at tumingin siya kay John. โPero Johnโฆ makakapunta ka pa ba sa public bid sa katayuan mo ngayon?โNamutla si John dahil dito. Makalipas ang ilang sandali, ngumiti siya kay Robyn at sinabi niya, โSyempre naman. Ang balikat ko lang ang nasaktan, hindi ang utak ko, kaya makakapag trabaho pa rin ako tulad ng dati at makapag handa ako para sa bid. โWag kang mag alala. Alagaan mo na lang sina Anne at Sammie, at ako na ang bahala sa lahat.โPagkatapos, tumingin siya