Share

Kabanata 2338

Author: Inked Snow
Suminag ang araw sa bintana ng hapagkainan.

Ang mukha ni Gwen na puno ng pag asa ay mas cute sa ilalim ng ilaw.

Tumalikod si Luke, ngunit nang makaharap ang mukha ni Gwen na puno ng pag asa, ang mga salitang ‘managinio ka’ ay naipit sa lalamunan niya, at hindi niya ito nasabi.

Napahinto siya ng ilang sandali bago niya tinanong, “Ano… ang gusto mong kainin?”

Sa katotohanan, sa simula na siya ang naging pinuno ng Sea City, nangako siya na hindi na siya aapak ulit sa kusina. Ito ay hindi dahil ayaw niya sa pagluluto, ito ay dahil… ang tanging rason kung bakit natuto siya ng pagluluto ay para pasayahin ang mga lalaki na akala niya ay kaibigan niya.

Noong unang beses niyang sumama sa gang, trinato niya ang lahat na parang kaibigan niya at lagi niyang pinag luluto ang mga ito, ngunit ano ang nangyari pagkatapos?

Noong inaapi siya dahil sa laki niya, ang mga ‘kaibigan’ niya ay sinabi sa lahat na isa lang siyang utusan para sa kanila.

Kahit na galit na galit siya, alam ni Luke na
Locked Chapter
Continue Reading on GoodNovel
Scan code to download App

Related chapters

  • Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko   Kabanata 2339

    Basta’t naaalala ito ni Bonnie, bilang pa rin ang mga masasayang alaala, hindi ba? Kung posible lang, nangangarap si Gwen na silang dalawa ni Luke ang mapunta sa lugar nila Bonnie at Jim. Wala siyang pakialam kung naaalala pa rin siya ni Luke, at kung siya ang bahala, mas gugustuhin niyang mabura ang mga alaala ni Luke. Wala siyang pakialam kung mahal siya ni Luke o hindi, at kung siya ang pipili, mas gugustuhin niya na hindi na bumalik kay Luke ang mga alaala nito sa kanya. Mas mabuti nang mabuhay silang dalawa ng hiwalay, na parang dalawang parallel na linya na hindi na ulit mag sasalubong. “Tama.” Habang malayo ang iisip ni Gwen, bumalik siya sa katotohanan dahil sa mababang boses ni Luke. Tumitig siya sa maliit na mukha ni Gwen at nagpatuloy siya, “Pwede kang gumawa ng listahan bukas, at ipagluluto kita bukas ng umaga. Pagkatapos, pwede tayong pumunta ng hospital ng magkasama.” Kumunot ang noo ni Gwen nang marinig niya ito. Hindi niya mapigilan na ulitin ang tanong ni

  • Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko   Kabanata 2340

    Nagalit si Luna sa sagot ni Luke. Kahit na ayaw talaga ni Luke sa mga bata, at gusto lang gumawa ni Gwen ng kaswal na komento na walang ibig sabihin, hindi ba pwedeng respetuhin niya ang mga damdamin ni Gwen tungkol dito? Sinasabi niya na mahal niya si Gwen ng higit sa kahit ano, ngunit hindi man lang siya nagpapakita ng respeto kay Gwen sa harap ng ibang tao. Hindi lang ‘yun, buntis pa si Gwen kay Luke! Ito ba ay isang tamang komento na sabihin sa ganitong sitwasyon? “Sige na, sige na, kumain na tayo.” Nararamdaman ni Joshua ang galit ni Luna, kaya’t tinapik niya ng mahina ang balikat ni Luna, sumensyas siya na ‘wag magsalita ng basta basta.” Kinagat ni Luna ang labi niya, at kahit na galit siya, alam niya na hindi dapat siya magsalita ng nakakasira sa mood. Gayunpaman, habang kumakain, sinasadya niyang patunugin ang mga kutsara at tinidor niya sa plato para ipakita ang galit niya. Kinagat ni Gwen ang labi niya at tumingin muna siya kay Luna, pagkatapos ay tumingin siy

  • Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko   Kabanata 2341

    Noong bumalik si Riley sa tabi nila, naghanda si Joshua para sa DNA paternity match test na ginawa sa kanya, kay Luna, at kay Riley. Ayon sa DNA result, hindi anak nila Joshua o Luna si Riley. Ang kinaroroonan ng anak nila ay hindi pa rin nalalaman. Matagal na itong alam ni Luna. Kaya naman, medyo nalito ang doctor sa pag aalala ni Luna. Dahil alam niya na hindi niya tunay na anak ang sanggol, bakit nag aalala pa rin siya sa kalusugan ng batang ito. “Kahit na hindi ko siya anak, hindi naman pwedeng wala akong gawin at panoorin ko lang siyang mamatay, hindi ba?” Sumagot ng mabilis si Luna nang mapagtanto niya ang pinapahiwatig ng doctor. “Bukod pa dito, wala pa rin kaming ideya ng asawa ko kung nasaan ang tunay na anak namin o kung buhay pa siya o hindi, kaya para sa amin, naisip namin na kapalaran ang nagbigay sa amin ng batang ito para sa isang rason.” Habang sinasabi ito ni Luna, pumikit siya at sinabi niya ng pagod, “Lagi kong sinasabi sa sarili ko na kapag trinato namin n

  • Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko   Kabanata 2342

    Dumilim ang ekspresyon ni Malcolm nang marinig niya ito. Kumunot ang noo niya at sumagot siya ng mahina, “Wa… Wala akong pagpipilian!” Bigla siyang lumingon para tumitig kay Luna na para bang may naalala siya. “Lulu, kilala mo naman ako. Minsan akong nagiging isang duwag kapag kinakailangan, pero… mahal ko at mahalaga talaga para sa akin si Riley, tulad ng pagmamahal ko kila Nigel, Neil, at Nellie.” “Naaalala mo pa rin kung gaano ako kabait sa mga anak mo, HIndi ba? Kahit na marami akong ginawang pagkakamali dati, hindi mo maitatanggi na naging mabait ako sa tatlong mga anak mo, hindi ba?” Sumingkit ang mga mata ni Luna nang marinig niya ito. Kung nangyari ito, tatayo siya sa tabi ni Malcolm at tutulungan niya ito, ngunit sa mga sandaling ito… Ngumisi siya, tumingin siya sa mga mata ni Malcolm, at malamig niyang sinagot, “Ganun ba? Malcolm, sinasabi mo na lagi kang mabait sa amin ng mga anak ko, gusto mong tulungan kita na magpaliwanag kay Joshua na trinato mo rin ng ganito s

  • Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko   Kabanata 2343

    “Syempre alam ko ang sagot dito; nasa Merchant City si Nigel, sa bahay kung saan kayo nakatira ni Joshua, at sina Neil at Nellie naman ay nasa Banyan City at hinihintay ang pagbabalik niyo. Tama ba?” Pagkatapos, ngumiti siya ng matagumpay at sinabi niya, “Binabantayan ko sila, kaya ang mga tanong mo ay hindi mahirap sagutin.” Hindi mapigilan ni Joshua na tumawa nang marinig niya ito. Isa siyang magalang na lalaki at hindi niya tatawanan ang isang tao sa publiko ng ganito. Ngayon, tila hindi niya ito mapigilan. Kumunot ang noo ni Malcolm nang marinig niya ang pagtawa ni Joshua at tumingin siya sa direksyon nito. “Anong problema, Mr. Lynch?” “Wala, natatawa lang ako.” Ngumisi si Joshua at pinakita niya kay Malcolm ang isang article mula sa ilang araw na ang nakalipas gamit ang phone niya. Klarong nakalagay sa news article na ang mga anak ni Joshua ay lumipad papunta sa Merchant City para dumalo sa kasal ni Jim, ngunit dahil nadelay ang flight dahil sa masama ang panahon, hind

  • Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko   Kabanata 2344

    Naghintay sina Luna at Joshua sa labas ng operating room ng sampung oras. Sa mga oras na ito, dumating si Jim, at pagkatapos itanong ang tungkol sa kondisyon ni Riley, umupo siya kasama si Luna para samahan ito. Gayunpaman, hindi siya nagtagal, dahil alam niya na limitado na lang ang oras ni Bonnie sa mundong ito, at kailangan niyang pahalagahan ang bawat segundo na kasama niya si Bonnie. Pagkatapos ng 10 oras, lumabas ng operating room ang mga doctor, puno ng tuwa ang kanilang mga mukha. Sabik na hinawakan ng chief surgeon ang mga kamay ni Joshua at sinabi niya, “Congratulations, Mr. Lynch! Nagtagumpay ang surgery! Isang maswerteng bata si Riley, at maayos na ang kondisyon niya!” “Kapag inalagaan niyo siya ng mabuti, gagaling siya at lalaki siyang isang masaya at malusog na bata!” Nang malapit nang makatulog si Luna sa pagod, agad siyang tumayo nang marinig niya ang magandang balita na ito. Tumakbo siya palapit at hinawakan niya ang mga braso ng doctor. “Pwede niyo bang

  • Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko   Kabanata 2345

    Kinagat ni Luna ang labi niya at tumingin siya ng masama kay Luna, pagkatapos ay sinubukan niyang tumakas mula sa yakap ni Joshua. “Managinip ka, Joshua Lynch!” Dati, may punto na nag aalala siya dahil hindi siya nabuntis kahit na dalawang taon na niya itong sinusubukan, ngunit hindi ibig sabihin nito ay gusto niyang manganak!May tatlong anak na sila sa bahay, at kung sinama nila sa bilang si Riley at ang nawawalang anak nila, magkakaroon na sila ng limang anak, at higit na ito sa sapat! Walang hiya si Joshua para humingi pa ng isa? Managinip siya! “Pero, gusto ko pa ng isa.” Muling niyakap ni Joshua si Luna at hinalikan niya ito sa tainga. “Lulu, binigyan mo na ako ng apat na magagandang anak, at hindi ko pa nasaksihan ang himala na ito at hindi pa kita naalagaan, kaya…” Ang mainit na hininga niya ay dumaan sa tainga, sa batok, at sa leeg niya. “Gusto ktang alagaan at gusto ko panoorin na lumaki ang tiyan mo araw araw. Kapag nanganak ka na, gusto kitang makasama, at kapag lu

  • Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko   Kabanata 2346

    Sa oras na dumating sina Luna at Joshua sa ICU, halos nawalan na ng kontrol ang sitwasyon. Ang mga doctor, mga nurse, at mga security guard ay nakapalibot na sa lalaki. Ito ay walang iba kundi si Malcolm, na umalis pagkatapos mabigo na gawin ang kanyang misyon, hawak ang isang kamera habang hinuhuli siya ng mga guard. Mahigpit ang hawak niya sa camera gamit ang parehong mga kamay. “Hindi ko hahayaan ang kahit na sino na kumuha ng memory card sa camerang ito! Nandito ang mga litrato ng anak ko! Kailangan ko itong protektahan!” “Ninakaw nila Joshua at Luna ang mga sandali na makakasama ko dapat ang anak ko. Hindi man lang nila ako hinayaan na bisitahin ang anak ko pagkatapos ng surgery!” “Hindi sana magkakasakit ang anak ko kung hindi dahil sa kanila! Bakit hindi ako pwedeng kumuha ng ilang litrato ng anak ko? Mga masasamang tao kayo—mga masasamang tao!” Bahagyang kumunot ang noo ni Luna. Ito ang unang beses na naintindihan niya kapag gumagawa ng kwento ang ibang tao. Ang tangi

Latest chapter

  • Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko   Kabanata 3080

    Kumunot ang noo ni Luna nang marinig niya ito.Kailangan niyang itago si Gwen kapag bumisita si John sa kanila. Kasabay nito, kailangan niya ng ibang tao para magpanggap na si ‘Andie Larson’.Habang iniisip ito, nagbuntong hininga si Luna at tumingin siya ng makahulugan kay Tara.Naintindihan ito ni Tara at tumango siya, pagkatapos ay naglakad siya pabalik ng elevator kasama si Luna.Nang sumara ang pinto, nagbuntong hininga si Tara at sinabi niya ng pagod na tono, “Salamat sa Diyos at nabigo si Robyn ng memorya niya. Kung hindi, sira na ang lahat ng plano natin.”Tumango si Luna. Pagkatapos, tumingin siya kay Tara at tinanong niya, “Oo nga pala, paano nagkakilala si John at ang tatay ni Gwen?”Kahit na si Andy ay dinala ng mga tauhan ni Tyson sa Sharnwick City. Paano napunta sa parehong kwarto si John at sumalo pa siya ng bala para dito?Kinidnap rin ba si John ng mga taong ito? Kung ganun, bakit nila ito ginawa?Nang mabanggit ito, nagbuntong hininga si Tara at nagpaliwang si

  • Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko   Kabanata 3079

    Sumilip si Luna sa crack mula sa pinto.May suot na hospital gown si John, nakaupo ito sa kama at kumakain habang kausap si Robyn. “Sinabi ba talaga ‘yun ni Miss Moore?”Tumango si Robyn. “Nakasalubong ko rin sa elevator ‘yung babae na bumili ng tanghalian na ito kanina. Hindi ka maniniwala, konektado din siya kay Miss Moore! Magpinsan sila sa kasal!”Huminto ang kamay ni John, halata na nabigla siya. Tumawa siya at tinanong niya, “Talaga? Nagkataon nga naman.”“Tama ka! Maliit ang mundo natin!” Tumango si Robyn. “Hindi lang ‘yun, pero dahil magpinsan sila sa kasal, may koneksyon din siya sa lalaking niligtas mo kagabi. Sa tingin ko ay ang pangalan niya ay…”Napatalon ang puso ni Luna sa lalamunan niya nang marinig niya ito.Nagkaroon siya ng isang malaking pagkakamali. Hindi niya sana babanggitin ang pangalan ni Gwen kung alam niya lang na si John ang lalaking nagligtas sa tatay ni Gwen!Malapit na masira ang sikreto nila!Habang iniisip ito, hindi niya mapigilan na tumingin k

  • Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko   Kabanata 3078

    Tumaas ang mga kilay ni Luna kay Tara. “Sinasabi mo ba na anim na buwan mo nang alam ang tungkol kay Anne at John?”Tahimik ng ilang sandali si Tara bago siya tumango. “Oo.”Huminga siya ng malalim at tumitig siya ng seryoso kay Luna. “Dati, ang lahat lang ng alam ko tungkol sayo ay pinakasalan mo ang pinsan ko at biniyayaan kayo ng triplets. Nabalitaan ko rin na sa isang punto, naging malapit ka kay Christian, pero wala na akong ibang impormasyon maliban dito. Isang araw, sinabi ng tita ko sa akin na ikaw, ang asawa ng pinsan ko, ay walang iba kundi si Moon, ang paboritong jewelry designer ko.”“Simula nang matuklasan ko ito, napunta ang atensyon ko sayo at naghanap ako ng mga balita tungkol sayo. Dahil dito, alam ko ang tungkol sa murder at trial mo, kaya alam ko ang tungkol kela Anne at John.”Lumaki ang mga mata ni Luna sa gulat.Hindi siya makapaniwala na si Tara ay palihim na isa sa mga fans niya, sa punto na binabantayan nito ang balita tungkol kay Luna kahit na nakatira si

  • Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko   Kabanata 3077

    Matagal na natulala si Luna.Sa huli, bumalik siya sa sarili at humawak siya ng sabik sa braso ni Robyn. “Sinasabi mo ba na ang kapatid mo ang nagligtas sa lalaki na hinahanap ng lahat sa buong bayan?”Hindi inaasahan ni Robyn ang reaksyon ni Luna. Napaatras siya sa takot at tumango siya. “O… Oo.”Bakit sabik si Luna na marinig ito?Kumunot ang noo niya at tinanong niya, “Miss, kilala… mo ba ang kapatid ko? O may koneksyon kayo sa matandang lalaki kagabi?”Sasagot sana ng oo si Luna sa mga tanong na ito nang sumingit si Tara. “Syempre may koneksyon siya sa matandang lalaki. Asawa siya ng pinsan ko, kaya may koneksyon siya sa matandang lalaki na niligtas ng kapatid mo. Sabik lang siya na makilala ang lalaki na lumigtas sa buhay ng matandang lalaki.”Pagkatapos, tumingin siya kay Luna. “Hindi ba, Luna?”Napahinto ng ilang sandali si Luna, pagkatapos ay tumango siya. “Oo, masaya lang ako na ligtas siya ngayon.”Pagkatapos, lumingon siya para tumitig ulit kay Robyn. “Kamusta na ang

  • Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko   Kabanata 3076

    “Um…”Ngunit, bago pa sumagot si Tara, sumingit si Robyn. “Hindi ba’t sinabi ko sayo na ang kapatid ko ay nabaril? Ito ay dahil pinoprotektahan niya ang isang matandang lalaki kagabi.”“Nakidnap silang pareho, at ang lalaki na ‘yun ay papatayin dapat ng kidnapper. Kung hindi humarang ang kapatid ko para iligtas ang lalaking ‘yun, patay na dapat siya ngayon.”“Si Miss Moore ay ang kamag anak ng lalaki at pumunta siya dito para pasalamatan kami.”Pagkatapos, pinakita niya ang card kay Luna at sinabi niya, “Gusto niya kaming bigyan ng gantimpala kapalit ng kabaitan ng kapatid ko. Desperado kami sa pera, pero ayaw itong tanggapin ng kapatid ko. Ayaw niyang isipin ng iba na may ibang rason ang kabaitan niya.”Napahinto si Luna nang marinig niya ito. Kumunot ang noo niya, tumingin siya kay Tara. “Ang ‘kamag-anak; na ito ay ang tatay ni Gwen, hindi ba?”Alam ni Luna ang tungkol sa nangyari kagabi. Dahil niligtas ng mga tauhan ni Joshua si Andy kagabi at ang kapatid ni Robyn ay nabaril d

  • Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko   Kabanata 3075

    “Hindi ko kailangan ng special treatment.” Ngumiti si John kay Tara. “Ang gusto ko lang ay ang isang oportunidad para sumama.”Kumunot ang noo ni Tara dahil dito, ngunit wala siyang sinabi. Sa huli, tumalikod siya at umalis na siya ng kwarto.Sa kanyang ikinagulat, nakasalubong niya si Luna, na siyang kakalabas lang ng elevator.Nabigla din si Luna na makita si Tara.Siguradong si Tara, na siyang obsessed kay Joshua, ay nasa Moore Group dapat kasama si Joshua, nagpapalipas ng oras kasama ang paboritong ‘pinsan’ nito. Bakit pala nasa hospital si Tara?“Hello, Luna.” Ngumiti ng nahihiya si Tara nang makita niya si Luna.Kumunot ang noo ni Luna at tumingin siya ng malamig kay Tara. “Ano ang ginagawa mo dito?”Nandito ba si Tara para makita si Gwen? Hindi niya maintindihan; hindi kilala nila Tara at Gwen ang isa’t isa. Bakit bibisita si Tara kay Gwen?Huminto si Tara, ngunit bago pa siya makagawa ng dahilan, tumunog ang boses ni Robyn sa likod niya. “Miss Moore!”Tumakbo si Robyn

  • Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko   Kabanata 3074

    Bumangon si John mula sa kama nang mabanggit ang matandang lalaki. Pagkatapos ay tumitig siya ng nakakunot ang noo kay Tara. “Ayos lang ba siya? Nawalan ako ng malay pagkatapos akong mabaril kagabi, kaya hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanya. Naaalala ko na dumating ang mga tauhan niyo sa oras… Ayos lang ba siya ngayon?”Kahit na ang ginawa ng matandang lalaki ang rason kung bakit nabaril si John, naiintindihan ni John ang pananaw ng lalaking ito. Pagkatapos makulong ng maraming araw, hindi nakakapagtaka na magiging balisa ito na makatakas.Hindi mapigilan ni John na isipin na kung ang lalaking ito ay nakakuha ng sakit mula sa pagkakakulong, lalo na at matanda at mahina na ito.Kumunot ang noo ni Tara nang mapansin niya na nag aalala si John. Mukhang hindi nagpapanggap si John sa pag aalala niya.Ayon kay Joshua, hindi alam ni John na ang lalaking niligtas niya ay ang tatay ni Gwen. Base sa reaksyon ni John, alam na ni Tara na tama si Joshua.Ngumiti si Tara at sumagot siya

  • Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko   Kabanata 3073

    Hindi kaya’t sinasabi ni John ang katotohanan?Habang iniisip ito, tumingin ulit si Tara kay Robyn.Medyo kinakabahan si Robyn habang sinusuri ng ganito. Nahihiya siyang tumawa at sinabi niya, “Nice to meet you, Miss Moore. Ako ang kapatid ni John, si Robyn.”Pagkatapos, tinaas niya ang kamay niya kay Tara.Kumunot ang noo ni Tara habang kinamayan niya si Robyn. “Nabalitaan ko na may sakit ka?”Tumigas ang kamay ni Robyn. Nakalimutan niya ang tungkol sa instructions ni John!Ngumiti siya, sinubukan niyang maging kalmado. “Opo. Nagkaroon ako ng kakaibang sakit at humihina ang katawan ko, at kailangan ko ng surgery para mabuhay.”Pagkatapos, lumingon siya para tumingin ng masama kay John. “Sinabi mo ba ito sa lahat? Hindi ba’t sinabi ko sayo na ‘wag mo ipagkalat ang tungkol sa sakit ko?”Tumawa si John. “Malalaman din naman ni Miss Moore ang tungkol dito dahil magkakasama kami sa trabaho.”Medyo naabala si Tara dahil dito. Pinadala siya ni Joshua para bantayan si John at malaman

  • Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko   Kabanata 3072

    “Ayos lang. Hindi ko siya niligtas para sa pera.” Ngumiti si John habang tinaas niya ang kamay niya para kunin ang kutsara at tinidor mula kay Robyn.Nagtataka rin siya tungkol sa binanggit ni Robyn, ngunit sa katotohanan, hindi siya nagsisi sa desisyon niya. Kahit na pumunta siya doon para sa pera, hindi ito ang motibasyon niya noong tumalon siya sa harap ng bala.Ginawa niya ito ng hindi nag iisip. Kahit na ibalik niya ang oras, ililigtas niya pa rin ang lalaking ‘yun ng hindi nagdadalawang isip.Nagbuntong hininga si Robyn at tumingin siya kay John. “Pero John… makakapunta ka pa ba sa public bid sa katayuan mo ngayon?”Namutla si John dahil dito. Makalipas ang ilang sandali, ngumiti siya kay Robyn at sinabi niya, “Syempre naman. Ang balikat ko lang ang nasaktan, hindi ang utak ko, kaya makakapag trabaho pa rin ako tulad ng dati at makapag handa ako para sa bid. ‘Wag kang mag alala. Alagaan mo na lang sina Anne at Sammie, at ako na ang bahala sa lahat.”Pagkatapos, tumingin siya

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status