Sa oras na dumating sina Luna at Joshua sa ICU, halos nawalan na ng kontrol ang sitwasyon. Ang mga doctor, mga nurse, at mga security guard ay nakapalibot na sa lalaki. Ito ay walang iba kundi si Malcolm, na umalis pagkatapos mabigo na gawin ang kanyang misyon, hawak ang isang kamera habang hinuhuli siya ng mga guard. Mahigpit ang hawak niya sa camera gamit ang parehong mga kamay. “Hindi ko hahayaan ang kahit na sino na kumuha ng memory card sa camerang ito! Nandito ang mga litrato ng anak ko! Kailangan ko itong protektahan!” “Ninakaw nila Joshua at Luna ang mga sandali na makakasama ko dapat ang anak ko. Hindi man lang nila ako hinayaan na bisitahin ang anak ko pagkatapos ng surgery!” “Hindi sana magkakasakit ang anak ko kung hindi dahil sa kanila! Bakit hindi ako pwedeng kumuha ng ilang litrato ng anak ko? Mga masasamang tao kayo—mga masasamang tao!” Bahagyang kumunot ang noo ni Luna. Ito ang unang beses na naintindihan niya kapag gumagawa ng kwento ang ibang tao. Ang tangi
“Hindi ko…” Namula ang mukha ni Malcolm dahil sa mga sinabi ni Joshua. “Hindi ko alam ang sinasabi mo!” “Ah, hindi mo alam ang sinasabi ko?” Mabagal na lumapit si Joshua kay Malcolm. Ang bawat hakbang niya ay nakakastress at nakakatakot para kay Malcolm. Sa huli, tumayo si Joshua sa harap ni Malcolm. Tumawa siya ng mapanglait habang tumitig siya ng masama kay Malcolm. “Malcolm, sa tingin mo ba talaga ay perpekto ang pagacting mo? Kung sinabi ko sayo na sa sandali na dumating kami ni Luna dito, inasikaso na ng mga tauhan ko ang mga reporter na inihanda mo, magpapatuloy ka pa rin ba sa pagsisinungaling? Walang camera na nakarecord sayo ngayon, at walang nakakakita na nagdadabog ka dito. Sigurado ka ba na gusto mo pang magpatuloy?” Namutla si Malcolm dahil sa ilang simpleng tanong lamang. Kinagat niya ang labi niya at tumitig siya ng malupit kay Joshua. “Paano nangyari ‘yun?” ‘Paano nangyari ‘yun? Naghanda ako ng ilang tao…’ Ang naisip ni Malcolm. Nilabas ni Joshua ang phone niy
“Wala,” Ngumisi si Joshua habang nakatingin siya kay Malcolm. “Sana ay maalala mo na hindi kita hahayaan dahil sa nangyari ngayong araw.” Pagkatapos, tumuro siya sa elevator sa likod ni Malcolm. “Nandito na ang elevator. Umalis ka na.” Kumunot ang noo ni Malcolm habang nakatingin siya kay Joshua, maraming lumabas sa kanyang isip. Aamin siya, mas maganda kung may ginawa agad si Joshua sa kanya dahil hindi niya kailangan tumingin lagi sa likod niya dahil sa takot. Gayunpaman, hindi ito ginawa ni Joshua at nagiwan lang siya ng isang babala. Bigla niyang naalala ang panahon noong binalaan siya ni Joshua at wala rin itong ginawa sa kanya. Sa mga oras na ‘yun, kasama niya pa rin si Heather. Hindi niya pinansin si Joshua pagkatapos ng babala sa kanya… hanggang sa halos malugi ang pamilya Quinn dahil sa kanya. Doon niya lang nalaman na hindi niya pwedeng galitin ang isang tao na tulad ni Joshua. Gayunpaman, ang pamilya Quinn ay nasa kontrol ni Samuel ngayon. Kahit na gusto makuha ni Ma
Nagpatuloy ng malupit si Samuel habang nakatingin siya ng masama kay Malcolm, “Sa tingin mo ba talaga ay wala akong ideya sa binabalak mong gawin? Simula nang malaman mo na may espesyal sa pinanggalingan ni Riley, plano mo nang gumawa ng gulo sa pagitan ni Joshua at nang taong ‘yun. Kung hindi kita pinigilan, dinala mo na sana ang taong ‘yun para makipag away kay Joshua. Tama ba?” Ito ay isang malupit at brutal na tanong. Sumingkit si Malcolm at hindi siya sumagot. “Ilang beses ko ba itong sasabihin sayo? ‘Wag mong labanan si Joshua! Kahit na naging kalaban niya ang taong ‘yun, sa tingin mo ba ay makakatakas ka ng walang problema? Magiging malala ang kahihinatnan nito kaysa noong napunta si Hunter sa pagitan ng dalawang malakas na kalaban. Bakit ba hindi mo maintindihan?” Nabasag ang puso ni Samuel dahil walang utak si Malcolm. Tumitig siya ng dismayado kay Malcolm. “Sinubukan mo pa silang imbestigahan sa pagkuha mo ng video. Mabuti na lang at alerto si Joshua at napigilan niya a
Pagkatapos umalis ni Malcolm, tinabi ni Luna ang mga memory card na nakuha ni Lucas at pinanood niya ang lahat ng video sa loob nito. Napuno ng galit si Luna habang galit niyang sinabi na isang malupit na lalaki si Malcolm. Dati, akala ni Luna ay si Malcolm ay duwag at tanga lang. Ngunit, sa mga sandaling ito, napagtanto niya na si Malcolm ang parehong tao noong pitong taon na ang nakalipas; isang lalaking puno ng pakana, na ginawa ang lahat para sa sariling ikabubuti. Mahirap para kay Luna para maisip kung anong sakuna ang haharapin nila ni Joshua kapag lumabas ang mga video na puno ng kasinungalingan. Mabuti na lang, matalino si Joshua at naisip niya kung ano ang plano ni Malcolm nang sabihin ng nurse sa kanila na may taong gumagawa ng gulo sa ICU kung saan nagpapahinga si Riley. Kung hindi… Naawa siya sa sarili niya nang maisip niya kung paano siya inapi ng ibang tao sa internet dati. “Ano ang nangyari?” Habang nakatingin sa maputlang mukha ni Luna, lumapit si Joshua at hi
Hindi sumagi sa isip ni Luna na ganoon katatag at kadeterminado si Father Samuel. 'Pinapalayas si Malcolm sa lungsod?'Sa lahat ng mga taon na ito, binuo ni Malcolm ang kanyang network at reputasyon sa Merchant City lamang, at sa sandaling lumabas siya sa lungsod, wala nang natitira sa kanya at kakailanganing mag-umpisa sa simula. Kahit na mayroon siyang anumang pagkilos o impormasyon, ang isang walang pangalan na tulad niya ay hindi kayang magdulot ng anumang malaking problema.Sa pagkakaroon ng ideyang iyon sa kanyang isipan, napabuntong-hininga si Luna. "Pagkatapos ng lahat ng mga bagay na ginawa niya, karapat-dapat iyon sa kanya. Sana ay maging mas mabuting tao siya sa hinaharap."Bagama't malupit na palayasin si Malcolm palabas ng lungsod, mas malupit kina Luna at Joshua kung mananatili si Malcolm."Wala nang dapat ipag-alala." Hinalikan ni Joshua ang tenga ni Luna. "Sisiguraduhin ng pamilyang Quinn na lalayuan ni Malcolm ang lungsod. Mayroon tayong mas kagyat na bagay na dapa
Habang iniinom ni Luna ang kape na tinimpla ni Joshua para sa kanya, nagse-search siya sa internet tungkol kay Thomas Gerald.Tanong ni Luna, [Kailan ka naging superstar? Bakit hindi ko alam ang tungkol dito?]Mahigit anim na taon nang kilala ni Luna si Anne, at ito rin ang babaeng tumulong sa unang plastic surgery ni Luna. Pagkatapos noon, kailangan ni Luna ng marami pang plastic surgeries, at limitado ang kakayahan ni Anne. Gayunpaman, nagpakumbaba siyang humingi ng payo. Mula noon, mas marami na siyang natututunang kaalaman at kasanayan mula sa propesyonal na plastic surgeon sa industriya na ang dahilan ay para alagaan si Luna at bilang matalik na kaibigan ni Luna.Unti-unting nagbago ang impresyon ni Luna kay Anne mula sa isang plastic surgeon tungo sa isang batang babae na handang magtrabaho nang husto. Sa pinakamadilim na sandali sa buhay ni Luna, nandiyan si Anne para bigyan siya ng ginhawa at init. Kaya naman, palaging iniisip ni Luna na naiintindihan niya nang husto si Anne
Bagama't malabo kay Luna kung ano ang sitwasyon ni Thomas Gerald at ng kanyang pamilya, base sa impormasyon mula kay Anne, wala man lang siyang magandang impression sa international superstar na ito.Dahil dito, tahimik niyang isinara ang resulta ng paghahanap sa computer at binago ang paksa ng pag-uusap nila ni Anne, na napansin nito.Alam niyang mas matanda si Luna sa kanya at mas marami ang pinagdaanan kaysa sa kanya. Kaya naman, hindi niya pinilit si Luna na hangaan ito na katulad ng ginawa niya. Gayunpaman…[Anne: Nakita ko sina Shannon, Zayne, Samson, at iyong assistant, Arianna noong isang araw.][Anne: Handa daw silang magtrabaho ulit sa iyo sa Merchant City, pero parang may nangyari sa parte mo. Kaya pala hindi sila pumunta at hinihintay ka pa rin.][Anne: Kailan ka magpapatuloy sa pagbalik sa iyong karera?]Natahimik si Luna nang makita ang mensaheng iyon.Tama si Anne. Nang bumalik siya sa Banyan City, gusto niyang kunin sina Shannon, Zayne, at Samson para tulungan si
Kumunot ang noo ni Luna nang marinig niya ito.Kailangan niyang itago si Gwen kapag bumisita si John sa kanila. Kasabay nito, kailangan niya ng ibang tao para magpanggap na si ‘Andie Larson’.Habang iniisip ito, nagbuntong hininga si Luna at tumingin siya ng makahulugan kay Tara.Naintindihan ito ni Tara at tumango siya, pagkatapos ay naglakad siya pabalik ng elevator kasama si Luna.Nang sumara ang pinto, nagbuntong hininga si Tara at sinabi niya ng pagod na tono, “Salamat sa Diyos at nabigo si Robyn ng memorya niya. Kung hindi, sira na ang lahat ng plano natin.”Tumango si Luna. Pagkatapos, tumingin siya kay Tara at tinanong niya, “Oo nga pala, paano nagkakilala si John at ang tatay ni Gwen?”Kahit na si Andy ay dinala ng mga tauhan ni Tyson sa Sharnwick City. Paano napunta sa parehong kwarto si John at sumalo pa siya ng bala para dito?Kinidnap rin ba si John ng mga taong ito? Kung ganun, bakit nila ito ginawa?Nang mabanggit ito, nagbuntong hininga si Tara at nagpaliwang si
Sumilip si Luna sa crack mula sa pinto.May suot na hospital gown si John, nakaupo ito sa kama at kumakain habang kausap si Robyn. “Sinabi ba talaga ‘yun ni Miss Moore?”Tumango si Robyn. “Nakasalubong ko rin sa elevator ‘yung babae na bumili ng tanghalian na ito kanina. Hindi ka maniniwala, konektado din siya kay Miss Moore! Magpinsan sila sa kasal!”Huminto ang kamay ni John, halata na nabigla siya. Tumawa siya at tinanong niya, “Talaga? Nagkataon nga naman.”“Tama ka! Maliit ang mundo natin!” Tumango si Robyn. “Hindi lang ‘yun, pero dahil magpinsan sila sa kasal, may koneksyon din siya sa lalaking niligtas mo kagabi. Sa tingin ko ay ang pangalan niya ay…”Napatalon ang puso ni Luna sa lalamunan niya nang marinig niya ito.Nagkaroon siya ng isang malaking pagkakamali. Hindi niya sana babanggitin ang pangalan ni Gwen kung alam niya lang na si John ang lalaking nagligtas sa tatay ni Gwen!Malapit na masira ang sikreto nila!Habang iniisip ito, hindi niya mapigilan na tumingin k
Tumaas ang mga kilay ni Luna kay Tara. “Sinasabi mo ba na anim na buwan mo nang alam ang tungkol kay Anne at John?”Tahimik ng ilang sandali si Tara bago siya tumango. “Oo.”Huminga siya ng malalim at tumitig siya ng seryoso kay Luna. “Dati, ang lahat lang ng alam ko tungkol sayo ay pinakasalan mo ang pinsan ko at biniyayaan kayo ng triplets. Nabalitaan ko rin na sa isang punto, naging malapit ka kay Christian, pero wala na akong ibang impormasyon maliban dito. Isang araw, sinabi ng tita ko sa akin na ikaw, ang asawa ng pinsan ko, ay walang iba kundi si Moon, ang paboritong jewelry designer ko.”“Simula nang matuklasan ko ito, napunta ang atensyon ko sayo at naghanap ako ng mga balita tungkol sayo. Dahil dito, alam ko ang tungkol sa murder at trial mo, kaya alam ko ang tungkol kela Anne at John.”Lumaki ang mga mata ni Luna sa gulat.Hindi siya makapaniwala na si Tara ay palihim na isa sa mga fans niya, sa punto na binabantayan nito ang balita tungkol kay Luna kahit na nakatira si
Matagal na natulala si Luna.Sa huli, bumalik siya sa sarili at humawak siya ng sabik sa braso ni Robyn. “Sinasabi mo ba na ang kapatid mo ang nagligtas sa lalaki na hinahanap ng lahat sa buong bayan?”Hindi inaasahan ni Robyn ang reaksyon ni Luna. Napaatras siya sa takot at tumango siya. “O… Oo.”Bakit sabik si Luna na marinig ito?Kumunot ang noo niya at tinanong niya, “Miss, kilala… mo ba ang kapatid ko? O may koneksyon kayo sa matandang lalaki kagabi?”Sasagot sana ng oo si Luna sa mga tanong na ito nang sumingit si Tara. “Syempre may koneksyon siya sa matandang lalaki. Asawa siya ng pinsan ko, kaya may koneksyon siya sa matandang lalaki na niligtas ng kapatid mo. Sabik lang siya na makilala ang lalaki na lumigtas sa buhay ng matandang lalaki.”Pagkatapos, tumingin siya kay Luna. “Hindi ba, Luna?”Napahinto ng ilang sandali si Luna, pagkatapos ay tumango siya. “Oo, masaya lang ako na ligtas siya ngayon.”Pagkatapos, lumingon siya para tumitig ulit kay Robyn. “Kamusta na ang
“Um…”Ngunit, bago pa sumagot si Tara, sumingit si Robyn. “Hindi ba’t sinabi ko sayo na ang kapatid ko ay nabaril? Ito ay dahil pinoprotektahan niya ang isang matandang lalaki kagabi.”“Nakidnap silang pareho, at ang lalaki na ‘yun ay papatayin dapat ng kidnapper. Kung hindi humarang ang kapatid ko para iligtas ang lalaking ‘yun, patay na dapat siya ngayon.”“Si Miss Moore ay ang kamag anak ng lalaki at pumunta siya dito para pasalamatan kami.”Pagkatapos, pinakita niya ang card kay Luna at sinabi niya, “Gusto niya kaming bigyan ng gantimpala kapalit ng kabaitan ng kapatid ko. Desperado kami sa pera, pero ayaw itong tanggapin ng kapatid ko. Ayaw niyang isipin ng iba na may ibang rason ang kabaitan niya.”Napahinto si Luna nang marinig niya ito. Kumunot ang noo niya, tumingin siya kay Tara. “Ang ‘kamag-anak; na ito ay ang tatay ni Gwen, hindi ba?”Alam ni Luna ang tungkol sa nangyari kagabi. Dahil niligtas ng mga tauhan ni Joshua si Andy kagabi at ang kapatid ni Robyn ay nabaril d
“Hindi ko kailangan ng special treatment.” Ngumiti si John kay Tara. “Ang gusto ko lang ay ang isang oportunidad para sumama.”Kumunot ang noo ni Tara dahil dito, ngunit wala siyang sinabi. Sa huli, tumalikod siya at umalis na siya ng kwarto.Sa kanyang ikinagulat, nakasalubong niya si Luna, na siyang kakalabas lang ng elevator.Nabigla din si Luna na makita si Tara.Siguradong si Tara, na siyang obsessed kay Joshua, ay nasa Moore Group dapat kasama si Joshua, nagpapalipas ng oras kasama ang paboritong ‘pinsan’ nito. Bakit pala nasa hospital si Tara?“Hello, Luna.” Ngumiti ng nahihiya si Tara nang makita niya si Luna.Kumunot ang noo ni Luna at tumingin siya ng malamig kay Tara. “Ano ang ginagawa mo dito?”Nandito ba si Tara para makita si Gwen? Hindi niya maintindihan; hindi kilala nila Tara at Gwen ang isa’t isa. Bakit bibisita si Tara kay Gwen?Huminto si Tara, ngunit bago pa siya makagawa ng dahilan, tumunog ang boses ni Robyn sa likod niya. “Miss Moore!”Tumakbo si Robyn
Bumangon si John mula sa kama nang mabanggit ang matandang lalaki. Pagkatapos ay tumitig siya ng nakakunot ang noo kay Tara. “Ayos lang ba siya? Nawalan ako ng malay pagkatapos akong mabaril kagabi, kaya hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanya. Naaalala ko na dumating ang mga tauhan niyo sa oras… Ayos lang ba siya ngayon?”Kahit na ang ginawa ng matandang lalaki ang rason kung bakit nabaril si John, naiintindihan ni John ang pananaw ng lalaking ito. Pagkatapos makulong ng maraming araw, hindi nakakapagtaka na magiging balisa ito na makatakas.Hindi mapigilan ni John na isipin na kung ang lalaking ito ay nakakuha ng sakit mula sa pagkakakulong, lalo na at matanda at mahina na ito.Kumunot ang noo ni Tara nang mapansin niya na nag aalala si John. Mukhang hindi nagpapanggap si John sa pag aalala niya.Ayon kay Joshua, hindi alam ni John na ang lalaking niligtas niya ay ang tatay ni Gwen. Base sa reaksyon ni John, alam na ni Tara na tama si Joshua.Ngumiti si Tara at sumagot siya
Hindi kaya’t sinasabi ni John ang katotohanan?Habang iniisip ito, tumingin ulit si Tara kay Robyn.Medyo kinakabahan si Robyn habang sinusuri ng ganito. Nahihiya siyang tumawa at sinabi niya, “Nice to meet you, Miss Moore. Ako ang kapatid ni John, si Robyn.”Pagkatapos, tinaas niya ang kamay niya kay Tara.Kumunot ang noo ni Tara habang kinamayan niya si Robyn. “Nabalitaan ko na may sakit ka?”Tumigas ang kamay ni Robyn. Nakalimutan niya ang tungkol sa instructions ni John!Ngumiti siya, sinubukan niyang maging kalmado. “Opo. Nagkaroon ako ng kakaibang sakit at humihina ang katawan ko, at kailangan ko ng surgery para mabuhay.”Pagkatapos, lumingon siya para tumingin ng masama kay John. “Sinabi mo ba ito sa lahat? Hindi ba’t sinabi ko sayo na ‘wag mo ipagkalat ang tungkol sa sakit ko?”Tumawa si John. “Malalaman din naman ni Miss Moore ang tungkol dito dahil magkakasama kami sa trabaho.”Medyo naabala si Tara dahil dito. Pinadala siya ni Joshua para bantayan si John at malaman
“Ayos lang. Hindi ko siya niligtas para sa pera.” Ngumiti si John habang tinaas niya ang kamay niya para kunin ang kutsara at tinidor mula kay Robyn.Nagtataka rin siya tungkol sa binanggit ni Robyn, ngunit sa katotohanan, hindi siya nagsisi sa desisyon niya. Kahit na pumunta siya doon para sa pera, hindi ito ang motibasyon niya noong tumalon siya sa harap ng bala.Ginawa niya ito ng hindi nag iisip. Kahit na ibalik niya ang oras, ililigtas niya pa rin ang lalaking ‘yun ng hindi nagdadalawang isip.Nagbuntong hininga si Robyn at tumingin siya kay John. “Pero John… makakapunta ka pa ba sa public bid sa katayuan mo ngayon?”Namutla si John dahil dito. Makalipas ang ilang sandali, ngumiti siya kay Robyn at sinabi niya, “Syempre naman. Ang balikat ko lang ang nasaktan, hindi ang utak ko, kaya makakapag trabaho pa rin ako tulad ng dati at makapag handa ako para sa bid. ‘Wag kang mag alala. Alagaan mo na lang sina Anne at Sammie, at ako na ang bahala sa lahat.”Pagkatapos, tumingin siya