Ang unang bagay na dumating sa isip ni Gwen ay ang sanggol sa sinapupunan niya. Natuklasan na kaya ni Luke ang tungkol sa sanggol at dadalhin siya nito sa hospital para magpalaglag? Sa sandali na naisip niya ito, agad itong pinigilan ni Gwen. Hindi, imposible ito; hindi malalaman ni Luke ang tungkol sa sanggol niya. Dalawang linggo na ang nakalipas, noong natuklasan niya ang tungkol sa pagbubuntis niya habang nasa isang checkup, ginamit niya ang lahat ng savings niya para suhulan ang doctor na ‘wag sabihin sa kahit sino ang tungkol sa sanggol. Gayunpaman, balisa pa rin siya, dahil hindi siya sigurado na ang doctor na binigay sa kanya ni Luke, ay matagumpay na nasuhulan dahil sa ‘regalo’ niya. Tutal, ang mga tao na binabayaran ni Luke, maging ang mga bodyguard, katulong, o pulis, ay mataas ang respeto kay Luke at hindi sila susuway kay Luke. Sa mga panahong ‘yun, takot na namumuhay si Gwen, takot na pipilitin siya ni Luke na magpalaglag pagkatapos malaman ang katotohanan.
Ang tingin sa mga mata ni Luke, pati na rin ang tono ng boses niya, ay tila nagpapahiwatig kay Gwen. Sa mga sandaling ito, pakiramdam ni Gwen na natuklasan na ni Luke ang lihim na pagbubuntis niya, at sinasabi nito na maging tapat siya kay Luke! Gayunpaman… ayaw niya itong gawin. Hindi niya mapigilan na kumapit sa huling natitirang pagasa. Paano kung sinusubukan lang siya ni Luke? Paano kung wala siyang ideya dito? Kapag nahulog siya sa mga pakana ni Luke at aksidente niyang nabunyag ang sikreto niya, magiging isang malaking tanga siya! Habang iniisip ito, tinikom niya ang labi niya at agad niyang sinara ang bibig niya. Dumilim ang ekspresyon ni Luke nang makita niya na tumanggi si Gwen na magsalita pa. Humigpit ang hawak niya sa kamay ni Gwen at hinila niya ito sa direksyon ng hapagkainan. “Ang cute po na magkasama ni ninang at Uncle Luke!” Ngumiti si Nellie sa kanila, pumapalakpak siya ng sabik habang sinabi niya, “Sana po ay balang araw, pwede ko ring tawagin na ni
Agad na tumalikod si Luna. Sa likod niya, nakatayo si Joshua sa tabi ng pinto ng kusina, nakangiti sa kanya habang suot ang asul na apron na may bahid ng harina. Huminto ng ilang sandali si Luna, tumitig siya kay Joshua na para bang hindi siya makapaniwala. Si Joshua ay laging malamig ang ugali, at hindi pa nakita ni Luna si Joshua na ganitong komportable, may suot na apron sa ibabaw ng puting shirt. Bukod pa dito… Kung tama ang pagkakaalala ni Luna, hindi pa pumasok si Joshua ng kusina ng buong buhay nito. Higit sa isang taon na ang nakalipas, noong bumalik si Nellie sa tabi ni Joshua, nirecord ni Nellie ang isang video ni Joshua na gumagawa ng pagkain para kay Nellie sa Blue Bay Villa. Ngayong araw, ang lalaking ito ay nakatayo sa harap niya na may suot na apron na para bang nagluluto siya kanina. Ngumiti si Joshua na para bang nakita niya ang pagkagulat ni Luna. Walang bahid ng pagkahiya sa mga mata niya, at sa halip, kalmado at medyo mapagmalaki pa ito. “Gumaling na
“Tama ka. Masarap ito, pero pwede ka pang gumaling.” Ngumiti si Joshua, tumitig siya sa babaeng matigas na ulo na nasa harap niya, pagkatapos ay niyakap niya ito at nilagay niya ang baba niya sa balikat nito. Ang mainit niyang paghinga at mahimig niyang boses ay dumaan sa tainga ni Luna. “Galit ka pa rin ba sa akin?” Huminto si Luna nang marinig niya ito. Lumingon siya at tumitig siya kay Joshua na para bang hindi siya makapaniwala. “Ginawa mo ang lahat ng ito… para makipagbati sa akin?” “Bakit ko pa ba gagawin ito?” Ngumiti si Joshua at hinalikan niya si Luna sa tainga. “Bakit mo naman naisip na hindi ako makikipagbati sayo, kahit na alam ko na galit ka sa akin? Kahit na ang cookies ay hindi kasing sarap ng gusto ko, naisip ko na baka maging masaya ka, kaya tinanong kita kung galit ka pa rin sa akin…”Tinikom ni Luna ang labi niya, biglang hindi niya siguardo ang sasabihin niya. Nang dumating sina Gwen at Luke nitong umaga, galit nga talaga siya kay Joshua. Galit si Lun
Suminag ang araw sa bintana ng hapagkainan. Ang mukha ni Gwen na puno ng pag asa ay mas cute sa ilalim ng ilaw. Tumalikod si Luke, ngunit nang makaharap ang mukha ni Gwen na puno ng pag asa, ang mga salitang ‘managinio ka’ ay naipit sa lalamunan niya, at hindi niya ito nasabi. Napahinto siya ng ilang sandali bago niya tinanong, “Ano… ang gusto mong kainin?” Sa katotohanan, sa simula na siya ang naging pinuno ng Sea City, nangako siya na hindi na siya aapak ulit sa kusina. Ito ay hindi dahil ayaw niya sa pagluluto, ito ay dahil… ang tanging rason kung bakit natuto siya ng pagluluto ay para pasayahin ang mga lalaki na akala niya ay kaibigan niya. Noong unang beses niyang sumama sa gang, trinato niya ang lahat na parang kaibigan niya at lagi niyang pinag luluto ang mga ito, ngunit ano ang nangyari pagkatapos? Noong inaapi siya dahil sa laki niya, ang mga ‘kaibigan’ niya ay sinabi sa lahat na isa lang siyang utusan para sa kanila. Kahit na galit na galit siya, alam ni Luke na
Basta’t naaalala ito ni Bonnie, bilang pa rin ang mga masasayang alaala, hindi ba? Kung posible lang, nangangarap si Gwen na silang dalawa ni Luke ang mapunta sa lugar nila Bonnie at Jim. Wala siyang pakialam kung naaalala pa rin siya ni Luke, at kung siya ang bahala, mas gugustuhin niyang mabura ang mga alaala ni Luke. Wala siyang pakialam kung mahal siya ni Luke o hindi, at kung siya ang pipili, mas gugustuhin niya na hindi na bumalik kay Luke ang mga alaala nito sa kanya. Mas mabuti nang mabuhay silang dalawa ng hiwalay, na parang dalawang parallel na linya na hindi na ulit mag sasalubong. “Tama.” Habang malayo ang iisip ni Gwen, bumalik siya sa katotohanan dahil sa mababang boses ni Luke. Tumitig siya sa maliit na mukha ni Gwen at nagpatuloy siya, “Pwede kang gumawa ng listahan bukas, at ipagluluto kita bukas ng umaga. Pagkatapos, pwede tayong pumunta ng hospital ng magkasama.” Kumunot ang noo ni Gwen nang marinig niya ito. Hindi niya mapigilan na ulitin ang tanong ni
Nagalit si Luna sa sagot ni Luke. Kahit na ayaw talaga ni Luke sa mga bata, at gusto lang gumawa ni Gwen ng kaswal na komento na walang ibig sabihin, hindi ba pwedeng respetuhin niya ang mga damdamin ni Gwen tungkol dito? Sinasabi niya na mahal niya si Gwen ng higit sa kahit ano, ngunit hindi man lang siya nagpapakita ng respeto kay Gwen sa harap ng ibang tao. Hindi lang ‘yun, buntis pa si Gwen kay Luke! Ito ba ay isang tamang komento na sabihin sa ganitong sitwasyon? “Sige na, sige na, kumain na tayo.” Nararamdaman ni Joshua ang galit ni Luna, kaya’t tinapik niya ng mahina ang balikat ni Luna, sumensyas siya na ‘wag magsalita ng basta basta.” Kinagat ni Luna ang labi niya, at kahit na galit siya, alam niya na hindi dapat siya magsalita ng nakakasira sa mood. Gayunpaman, habang kumakain, sinasadya niyang patunugin ang mga kutsara at tinidor niya sa plato para ipakita ang galit niya. Kinagat ni Gwen ang labi niya at tumingin muna siya kay Luna, pagkatapos ay tumingin siy
Noong bumalik si Riley sa tabi nila, naghanda si Joshua para sa DNA paternity match test na ginawa sa kanya, kay Luna, at kay Riley. Ayon sa DNA result, hindi anak nila Joshua o Luna si Riley. Ang kinaroroonan ng anak nila ay hindi pa rin nalalaman. Matagal na itong alam ni Luna. Kaya naman, medyo nalito ang doctor sa pag aalala ni Luna. Dahil alam niya na hindi niya tunay na anak ang sanggol, bakit nag aalala pa rin siya sa kalusugan ng batang ito. “Kahit na hindi ko siya anak, hindi naman pwedeng wala akong gawin at panoorin ko lang siyang mamatay, hindi ba?” Sumagot ng mabilis si Luna nang mapagtanto niya ang pinapahiwatig ng doctor. “Bukod pa dito, wala pa rin kaming ideya ng asawa ko kung nasaan ang tunay na anak namin o kung buhay pa siya o hindi, kaya para sa amin, naisip namin na kapalaran ang nagbigay sa amin ng batang ito para sa isang rason.” Habang sinasabi ito ni Luna, pumikit siya at sinabi niya ng pagod, “Lagi kong sinasabi sa sarili ko na kapag trinato namin n