Lahat ng Kabanata ng Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko: Kabanata 2321 - Kabanata 2330

3080 Kabanata

Kabanata 2321

Natatakot si Jim na guni guni niya nga lang ito, na hindi talaga gumalaw si Bonnie. Natatakot siya na ito ay isang maling pag asa ulit, kaya’t inulit niya ang sinabi niya. Ngayon naman, kahit ano ang sabihin o gawin ni Jim, ang daliri ni Bonnie ay hindi gumalaw. ‘Baka nga guni guni ko lang ito.’ Ngumiti siya ng mapait at malambing niyang nilagyan ng kumot si Bonnie bago siya umalis. Ngunit, hindi niya nakita ang isang luha na tumulo sa mata ni Bonnie nang tumalikod siya.… Gising ng buong gabi si Jim, binilang niya ang lahat ng mga bagay na ginawa ni Butler Fred para sa pamilya niya. Sa huli, marami nang ginawa ang butler para sa kanya at sa pamilya niya. Noon, akala ni Fred ay si Heather ang tunay na Ms. Landry, kaya mahalaga para sa kanya si Heather at tinulungan niya pa ito na atakihin si Jim sa negosyo. Gayunpaman, nang makabalik na si Luna sa pamilya Landry, alam niya na hindi nagkaroon ng pagkakataon si Heather na humawak ng kapangyarihan sa pamilya. Nagbago ang pag uuga
Magbasa pa

Kabanata 2322

Pagkatapos ng agahan… “Sinasabi mo ba na ang nanay ko ay walang ideya noong nilason si Granny Lynch?” Nabigla si Luna sa punto na hindi niya masara ang bibig niya nang sabihin ni Joshua sa kanya ang lahat ng impormasyon na sinend ni Jim. Tumingin siya ng gulat kay Joshua, nanginginig ang boses niya habang sinabi niya, “Kaya… Noong sinabi ni nanay na hindi niya alam na nalason si Granny Lynch, hindi niya ito sinabi dahil natatakot siya na masira ang relasyon natin?” Nang makita niya na gulat si Luna, hindi mapigilan ni Joshua na ngumiti. “Akala ko ay sinasadya niyang hindi banggitin ito dahil ayaw niyang maapektuhan ang relasyon natin.” Tumingin sa taas si Joshua. “Pero, kung iisipin natin, sa tingin ko ay hindi siya ganun kabait. Dahil kaya niyang sabihin ng tapat kay Jim ang tungkol sa tunay na nanay ni Jim noong nagtanong si Jim, sa tingin ko ay isa siyang tao na ayaw magsinungaling.” Tahimik na tumango si Luna. “Tama ka. Ayaw ni nanay na magsinungaling, lalo na sa mga bata.”
Magbasa pa

Kabanata 2323

Dahil dito, tama lang na isipin na gusto ng mga magulang ni Luna na lasunin si Granny Lynch para maghiganti sa pagpatay kay Colin Landry. Naniniwala siya na kung ginawa talaga ito ng mga magulang niya, maiintindihan ito ni Joshua. Gayunpaman, mas mabuti kung walang kinalaman sina Rosalyn at Charles sa pagkamatay ni Granny Lynch. Naisip na ito ni Luna dati. Gayunpaman, halos isang taon na simula nang bumalik siya sa pamilya Landry. Wala saiya ng kamuhian ng pamilya Landry para sa pamilya Lynch, at wala rin siyang karapatan para magkomento dito. Kaya naman, kung pwede niyang iwasan na banggitin ang pagkakalason kay Granny Lynch, iiwasan niya ito. Dahil may mga bagay na hindi mareresolba, ang tanging paraan lang ay ang iwasan ito. Pinili niya takasan ang pagharap sa katotohanan, ngunit hindi ito ang gusto ni Joshua. Si Joshua ay klaro sa pagmamahal at pagkamuhi niya para sa mga tao. Mahal niya si Luna, at mahal niya rin si Granny Lynch. Kahit na wala siyang sinabi tungkol sa nan
Magbasa pa

Kabanata 2324

Nang makita kung paano kumunot ang noo ni Joshua, walang masabi si Luna para magpatuloy sa pinag uusapan nila. Naipit ang mga salita sa kanyang lalamunan, hindi niya ito masabi. ‘Sa tingin ko ay hindi niya alam kung ano talaga ang mahalaga para sa akin. Akala niya siguro ay nagdadabog lang ako. Pero nagdadabog lang ba ako?’ Hindi rin alam ni Luna kung paano niya ito sasagutin. Ang alam niya lang ay nasa isang bad mood siya, isang masamang mood. Huminga siya ng malalim at tumingin siya ng malalim sa mukha ni Joshua. Pagkatapos, ngumiti siya. “Wala kang ideya kung ano ang tinutukoy ko. Kalimutan mo na.” Tumayo siya. “Kailangan mo ako para tulungan kita na harapin sina Butler Fred at Mickey, hindi ba? Para umamin sila sa mga krimen na ginawa nila? Para umamin sila na sila ang lumason kay Granny Lynch, hindi ba?” Sumingkit ang mga mata ni Joshua, hindi niya maintindihan kung bakit biglang mabilis na sumama ang mood ni Luna. “Ano ba ang problema mo?” Mas mahalaga para sa kanya si
Magbasa pa

Kabanata 2325

Walang emosyon na tumingin si Luna sa mga mata ni Joshua at sinabi niya, “Hindi mo naman tinupad ang pangako na ito, maging sa mga bagay na iniisip mo, sa mga mga problema na kailangan ayusin, at sa mga paghihinala mo sa mga bagay. Sinasabi mo lang ito sa akin kung kailangan mo itong ipaalam sa akin, at kung hindi, hindi mo ito sasabihin sa akin.” Kumunot ng mahigpit ang noo ni Joshua. “Sumosobra ka na, Luna. Maliit na problema lang ito. Bakit mo—” “Ako?” Sumingit ng malamig si Luna. “Si Butler Fred at Mickey ang pinag uusapan natin ngayon, pero paano sa susunod? Kapag may mga panganib sa susunod, sasabihin mo ba sa akin? Sa tingin mo ba ay may karapatan akong malaman? Sa tingin mo ba ay magiging tapat ka sa akin at sasabihin mo sa akin?” Habang patuloy sa pagsasalita si Luna, mas lalo siyang nagagalit. “Sa tingin mo ay isang maliit na bagay lang ito, pero hindi mo man lang sinabi sa akin ang maliit na bagay na ito, paano kung may mas malaking problema? Sasabihin at ipapaalam mo
Magbasa pa

Kabanata 2326

Baka hindi maintindihan ni Gwen ang ibig sabihin ni Luke, ngunit alam ni Joshua kung ano ang tinutukoy ni Luke. Kumunot ang noo ni Joshua habang tumingin siya sa ekspresyon ni Luke. “Ang isang malusog na katawan ay hindi rason para gawin mo ang kahit anong gusto mo.” Pagkatapos, tumingin si Joshua kay Gwen. “Tama ba?” Sa sobrang pokus ni Gwen sa ekspresyon ni Luna ay hindi niya narinig ang pag uusap nila Joshua at Luke. Kaya naman, sumagot siya pagkatapos siyang tanungin, “O—Oo.” Bumulong si Gwen sa tainga ni Luke, sa sobrang hina ay siya lang ang nakarinig nito, “Ano ang pinag uusapan niyo kanina?” Namula ang mga pisngi niya na parang hinog na peach. Nahirapan si Luke na pigilan ang sarili niya na kagatin ang pisngi ni Gwen. Niyakap niya na sana si Gwen at hinalikan niya na sana ito hanggang sa wala na silang hininga, kung hindi lang sila nasa bahay ni Joshua ngayon. Ngunit, nandito sila. Ngumiti si Luke at kinurot niya ng malambing ang pisngi ni Gwen. Mahal niya si Gwen
Magbasa pa

Kabanata 2327

Habang magkahawak ang mga kamay nila Luna at Gwen at pumunta sila sa hardin, umupo sina Joshua at Luke sa sofa at pinanood nila habang nawawala sa paningin nila ang dalawa. Hindi nila mapigilan na ngumiti. Masaya si Joshua at tumatawa na ng masaya si Luna. Kahit na gustong tumawa ni Luna, nagpanggap siya na galit siya dahil sa ego niya. Dahil nandito na si Gwen, kaya nang bitawan ng babaeng ito ang mga problema niya at ipakita ng malaya ang mga emosyon niya. Ang nagpapasaya kay Luke ay nakita niya na masaya si Gwen kasama ang kaibigan nito. Wala na siya masyadong oras, at walang mas masaya kaysa ang makita na masaya si Gwen sa oras na natitira para sa kanya. Nang mawala na sa paningin nila ang dalawang babae, bumalik na sa sarili si Joshua at tumingin sila ng kakaiba kay Luke. “Nakapag desisyon ka na?” Nakatingin pa rin si Luke sa direksyon kung saan umalis si Gwen. Malalim ang iniisip niya bago siya tinanong ni Joshua. Lumingon siya at tumingin siya sa likod ni Joshua. “Hindi
Magbasa pa

Kabanata 2328

“Hindi mangyayari ‘yun.” Sumingkit ang mga mata ni Luke habang tumitig siya kay Joshua. “Sa tingin mo ba ay ipapaalam ko sa kanya na nasa katawan niya ang puso ko?” Umiling siya. “Hindi ko ipapaalam sa kanya, at hindi niya malalaman ang tungkol dito—kahit kailan, sa buong buhay niya. Malalaman niya lang na ako ang lalaking paulit ulit na nanakit sa kanya, kinulong siya pagkatapos ang pakikipag away sa ibang gang, at ang lalaking sumira sa kanya.” “Baka maalala niya rin ako at bisitahin niya ako sa puntod ko, pero hindi ko hahayaan na makonsensya siya at malungkot dahil sa akin.” Nagbuntong hininga si Luke at umupo siya ng mas komportable sa sofa. “Pinag isipan ko na ito, at may plano na ang lahat. Ang gusto ko lang ay alagaan niyo ni Luna si Gwen kapag wala na ako. Pati, baka humanap ng lalaki na magtatrato sa kanya ng mabuti. Hindi ko matitiis na makita siya na mag isa at malungkot.” Yumuko siya at pinakialaman niya ang mga prutas sa plato habang nagkomento siya, “Masyado siya
Magbasa pa

Kabanata 2329

“P—Pero, Mr. Jones…” Mahiyain na nagsalita ang doctor, “Hindi ko intensyon na abalahin kayo, may sitwasyon lang na kailangan kong ireport sa inyo.” Kumunot ng mas malalim ang noo ni Luke at galit niyang sinabi, “Sabihin mo!” Napatingin siya sa direksyon ng hardin para tingnan si Gwen.” Mula as glass window, nakita niya na nakaupo sa hardin si Gwen habang nakatalikod sa kanya. Kausap niya si Luna, at mukhang may pinag uusapan silang nakakatawa dahil nanginginig ang katawan niya sa kakatawa ng malakas. Nang masigurado niya nang hindi alam ni Gwen ang phone call na ito, nakahinga na siya ng maluwag, sinabi niya, “Bilisan mo. Sabihin mo na.” Ang doctor sa kabilang linya ng phone ay natakot ng sobra. “Mr. Jones… Kakakuha lang namin ang medical report ni Ms. Larson. Masyadong mataas ang isa sa mga indicator…” Kumunot ang noo ni Luke. “Masyadong mataas ang isa sa mga indicator? Hindi ba’t sinabi ko na sayo na siguraduhin mo na maganda ang kondisyon ng katawan niya? Wala nang higit s
Magbasa pa

Kabanata 2330

Nabigla si Joshua sa rebelasyon na ito. Lumingon siya para tumingin kay Luke.Bad mood si Luke dahil sa doctor. Umupo siya sa sofa, uminom siya ng kape at hindi na siya nag abala na pakinggan ang pinag uusapan ni Joshua at ng doctor. Para sa kanya, ang doctor na ito ay isang iresponsableng tao na mahilig mag overreact, at ayaw niyang mag aksaya ng oras sa taong ganito. Kumunot ang noo ni Joshua habang nakatingin siya kay Luke. Habang hawak niya ang phone, napaatras siya at dinikit niya ng mas malapit ang phone sa tainga niya, natatakot siya na baka marinig ni Luke ang sinabi ng doctor. “Maaapektuhan ba ang resulta kung hindi siya magpapalaglag?” Nalito ang doctor dahil malabong tanong na ito. Natagalan siya bago niya napagtanto na tinatanong siya ni Joshua kung makakaapekto sa heart transplant surgery kung hindi magpapalaglag si Gwen. “Opo, makakaapekto talaga ito sa kanya.” Huminga ng malalim ang doctor. “Kahit na maaga pa lang ang pagbubuntis ni Ms. Larson, kapag nasa sinapupu
Magbasa pa
PREV
1
...
231232233234235
...
308
DMCA.com Protection Status