Lahat ng Kabanata ng Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko: Kabanata 1581 - Kabanata 1590

3080 Kabanata

Kabanata 1581

Nang marinig niya ito, humigpit ang kamao ni Luna.Pumikit siya, naramdaman niya na para bang may kamay na pimiga sa puso niya.Naisip niya na ang rason kung bakit trinato ni Joshua si Charles ng ganito ay dahil sa sariling kagagawan ni Joshua.Kilala niya si Joshua, at naiintindihan niya na hindi tanga ang lalaking ito. Hindi niya papatayin si Charles sa ilalim ng araw.Ang hula ni Luna ay may sinabi siguro si Charles na hindi nito dapat sinabi at may ginawa ito na sumobra kaya’t nagalit si Joshua, ngunit hindi niya inaasahan…Hindi inaasahan ni Luna na gagamitin ni Charles ang patay na sanggol para laitin si Joshua.Nakalimutan na ba ni Charles na ang sanggol ay hindi lamang kay Joshua, ngunit pati kay Luna?Nang makita na hindi nagsasalita si Luna, nagbuntong hininga si Joshua. Pagkatapos, naglabas siya ng isang sigarilyo mula sa bulsa niya, sinindihan niya ito, at lumingon siya at tumingin sa kotse nila Luna at Gwen. “Saan kayo papunta?”Tinikom ni Gwen ang mga labi niya at
Magbasa pa

Kabanata 1582

“Sundin natin ang orihinal na plano at pumunta tayo sa bahay ni Luna.”Tumigil ang driver nang marinig niya ito. “Pero…”Umalis na ng bahay sina Luna at Gwen, kaya’t bakit papunta pa rin sila doon?Tila napansin ni Joshua ang pagkalito ng driver, kaya’t ngumiti siya at sinabi niya, “Sa tingin mo ba ay walang ibang tao doon maliban kela Luna at Gwen?”Tumango ang driver at pumasok na ito ng kotse.Ang mga taong nakatayo sa labas ng bahay ay ang mga tauhan ni Jim, kaya’t pamilyar sila kay Joshua.Noong nakita nila na dumating si Joshua, sinabi nila na umalis na si Luna, ngunit nang pilitin ni Joshua na pumasok ng bahay, walang pumigil sa kanya.Pagkatapos pumasok ng pinto, dumirecho si Joshua papunta sa kwarto ni Rosalyn.Sa loob ng kwarto ni Rosalyn, may isa sa mga katulong na naglagay ng nasogastric tube sa ilong ni Rosalyn.Dahil lantang gulay na si Rosalyn, hindi niya kayang kumain na parang isang normal na tao, kaya naman, ang tanging paraan para makakuha siya ng sustansya
Magbasa pa

Kabanata 1583

Tumitig si Luna kay Samuel. “Kayo? Pumayag po ba kayo na ipagdasal si nanay dahil alam niyo na ako po ang pupunta?”Mula sa kamladong pag uugali na ipinakita ni Samuel, tila inaasahan niya si Luna.“Oo.” Ngumiti siya ng maliit. “Sinabi na ng kaibigan mo sa akin ang tungkol sa sitwasyon.”Tumahimik ng ilang sandali si Luna, pagkatapos ay sumagot siya, “Salamat.”Kaya pala sabik si Gwen noong sinabi nito kung anong klaseng pari ang pumayag na magdasal para kay Rosalyn ng walang bayad.Sa huli, ang pari ay si Samuel at alam niya ang tungkol dito sa simula pa lang.“Hindi mo ako kailangan pasalamatan, sinusubukan ko lang maging mabuti.” Pagkatapos, tumingin ng tapat si Samuel kay Luna at dinagdag niya, “Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko.”Muling tumahimik si Luna, pagkatapos ay huminga siya ng malalim at sinabi niya ang katotohanan, “Hindi pa po nasasagot ang tanong ko dahil pagkatapos niyo pong umalis noong araw na ‘yun, aksidente kong nawala ang singsing na binigay niyo sa akin.
Magbasa pa

Kabanata 1584

Kahit na mukhang maayos ang itsura ni Charles, hindi man lang siya makatakas nang sakalin siya ni Joshua…Kaya naman, masasabi talaga na hindi maganda ang kalusugan ni Charles.Pagkatapos, kumunot ang noo ni Luna at tumingin siya kay Samuel. “Kilala niyo po ba ang tatay ko?”Ngumiti si Samuel. “Syempre. Magkaklase kami nila Lucy, Charles at ako.”Nang marinig ito ni Luna, tumigil siya sa paghinga. Kinagat niya ang labi niya, at pagkatapos itong pag isipan, tinanong niya, “Father Samuel, pwede niyo po bang sabihin sa akin… ano po ang nangyari sa pagitan ninyong tatlo?”Matagal na itong pinag iisipan ni Luna.Puno ng misteryo si Lucy Hamilton.Dati, pinakita ni Granny Lynch kay Luna ang isang litrato nila Lucy at Samuel at sinabi pa ni Granny na si Samuel ang first love ni Luna. Bukod pa dito, kinomento pa ni Granny na kung si Samuel na lang sana ang pinakasalan ni Lucy, magiging ayos sana ang lahat.Pagkatapos, inakusahan ni Granny Quinn si Lucy ng pagiging madumi at inakit si S
Magbasa pa

Kabanata 1585

Sa loob ng hospital sa Merchant City. Si Charles, na dinala dito dahil sa mataas na blood pressure, ay nakasandal sa ulo ng kama at umiinom ng soup.Nakaupo si Heather sa tabi niya, nakatitig ito sa kanya na may nag aalalang tingin habang pinapakain siya ng soup. “Tatay, isang araw na ang lumipas. Kamusta po ang pakiramdam niyo?”“Dapat po kayong magpagaling agad. Magaganap na po ang kasal namin ni Malcolm sa loob ng tatlong araw.”“Ayos lang po kung hindi po maganda ang pakiramdam niyo at hindi kayo makakapunta, pero natatakot po ako na magaalala kami ni Malcolm na hindi po namin maeenjoy ang mga kaganapan!”Hindi mapigilan ni Charles na mag buntong hininga nang marinig niya ito. Hinimas niya ang kamay ni Heather at sinabi niya, “‘Wag kang mag alala, gagaling na rin ako.”“Okay po.” Nagbuntong hininga si Heather habang nagpatuloy siya sa pagpapakain kay Charles. “Walang hiya talaga si Joshua Lynch! Hindi niya lang binunggo ang kotse natin, trinato ka niya pa po ng ganito…”Kum
Magbasa pa

Kabanata 1586

“Hindi tulad ng ibang tao… Kahit na pagkatapos malaman na nasa hospital ako, walang pumunta para bisitahin ako!”Nasaksihan ni Luna ang lahat ng nangyari, ngunit maliban sa pag utos kay Heather na dalhin siya sa hospital, walang pumunta sa kanila para bisitahin siya.Mas malala pa si Jim. Nagpakita lang siya kung kailan niya gusto, at kahit na kinuha ng kamatayan si Charles, hindi man lang magpapakita si Jim para magpaalam!Nang maisip ni Charles ang dalawang anak niya, hindi niya mapigilan na mas maging malapit sa dalawang taong nakatayo sa harap niya. Hinawakan niya ang kamay nila Heather at Malcolm at sinabi niya, “Mabait na bata kayong dalawa! ‘Wag kayong mag alala. Kahit na gagamitin ko ang huling hininga ko, pupunta pa rin ako sa kasal niyo sa loob ng tatlong araw at ako ay magiging saksi sa pagmamahal niyo!”Tila tapat ang tono ni Charles habang sinasabi ito.Tumango si Malcolm, ngunit may bahid ng pagkainip sa mga mata niya.Pagkatapos, natapos na si Heather sa pagpapakai
Magbasa pa

Kabanata 1587

Tumahimik ang buong hallway dahil sa pagdating nila Luna at Gwen.Ito ang unang beses na napunto ng taranta at takot ang mukha ni Malcolm na madalas ay kalmado at maamo. Umubo siya ng mahina. “Lu… Luna. Gaano karami sa pag uusap namin ni Heather… ang narinig mo?”Ngumiti ang bibig ni Luna ngunit hindi ang mga mata niya. “Malcolm, tinatanong ko kung totoo ang mga sinamo kanina. Ang mukha ko… Ikaw ba ang sumira sa mukha ko?”Pagkatapos ng aksidente, matagal na napunta sa coma si Luna, at nang gumising na siya, sinabi ng doctor niya na nasira na ang mukha niya.Hindi niya pinaniniwalaan ang sinabi ng doctor dahil noong binunggo siya ni Jason ng truck, ang mga binti niya ang nasugat, hindi ang mukha niya.Bukod pa dito, kahit na pagkatapos siyang sipain papunta sa dagat, hindi rin nasugat ang mukha niya, kaya’t bakit masisira ang mukha niya?Dahil dito, tinanggal ni Luna ang bandage sa mukha niya habang walang nakatingin, at nang unang makita niya ang mukha niya na puno ng sugat, sa
Magbasa pa

Kabanata 1588

Sakit, galit, sama ng loob…Ito ang mga emosyon sa puso ni Heather. Kinagat niya ang labi niya at naglakad siya palapit, humarang siya sa pagitan nila Malcolm at Luna. “Luna, kung hindi ka naniniwala sa akin, isipin mo ang tungkol sa nangyari dati. Ano ang itsura ng sugat ng mukha mo? Pwede ka bang magkaroon ng ganitong sugat dahil sa pagbunggo ng kotse?”“Hindi ba’t may kaibigan ka na plastic surgeon? Tanungin mo siya! Maiintindihan mo ang lahat kapag tinanong mo siya!”“Heather Landry, nababaliw ka na ba?” Lumapit si Malcolm at tinakpan niya ang bibig ni Heather gamit ang kamay niya dahil sa taranta.Kasabay nito, lumingon siya para tumingin kay Luna na parang humihingi ng tawad. “Nakakaranas ng postpartum depression si Heather, kaya’t ‘wag mong paniwalaan ang kalokohan na sinasabi niya.”Nanatiling walang kibo si Luna at pinilit niyang ngumiti.Makalipas ang ilang sandali, lumingon siya para tumitig kay Malcolm. “Bakit?”Bakit sinira ni Malcolm ang mukha ni Luna at pinilit si
Magbasa pa

Kabanata 1589

“Kalokohan!”Dahil nataranta siya at nabunyag na ang plano niya, kinagat ni Malcolm ang ngipin niya sa galit at tumingin siya ng masama kay Joshua. “Hindi ako ang sumira sa mukha ni Luna, at hindi ako kailanman nagkaroon ng masamang intensyon sa kanya!”Pagkatapos, lumingon siya at tumitig siya kay Luna, na siyang nakatayo sa likod ni Joshua, may balisa siyang ekspresyon. “Luna, pakiusap, ‘wag kang maniwala sa mga sinasabi ni Joshua! Sinusubukan niya lang gumawa ng bitak sa pagitan natin para malayo tayo sa isa’t isa!”Sumingkit ang mga mata ni Luna. “Kung sinusubukan ni Joshua na gumawa ng bitak sa pagitan natin, paano pala ang mahal mong si Heather? Kakampi niya rin ba si Joshua?”Mas nabalisa si Malcolm nang marinig niya ito. Kinagat niya ang labi niya, at unang pagkakataon, kinabahan siya ng sobra sa punto na hindi siya makapagsalita ng maayos. “Si Heather… Nakakaranas lang siya ng postpartum depression at niloko lang siya ni Joshua!”Hindi…Hindi niya pwedeng hayaan na malam
Magbasa pa

Kabanata 1590

“Nagpapahinga pa si tatay, kaya’t ‘wag natin siyang abalahin.”Ngumisi si Heather, pagkatapos ay lumingon siya para tumingin kay Luna. “Mahalaga para sa akin si tatay, pero kahit ang tunay na anak niya ay walang pakialam sa nararamdaman ng tatay niya. Hindi ako makapaniwala na dinala niya ang kaaway ni tatay para gumawa ng gulo sa labas ng kwarto ni tatay ng ganitong oras!”Sumingkit ang mga mata ni Luna nang marinig niya ito. Ngumiti siya, nilagpasan niya si Joshua, at tumayo siya sa harap nila Heather at Malcolm. Pagkatapos, tumingin siya sa kanila mula sa pwesto niya at sinabi niya, “Ang rason kung bakit nandito ako ay para bisitahin si tatay, pero sino ang nagsimula ng gulo?”Sa huli, tumingin siya sa maputlang mukha ni Malcolm. “Malcolm, may itatanong lang ako: Totoo ba ang lahat ng sinabi ni Joshua?”Huminga ng malalim si Malcolm at sumagot siya, “Luna, mas maniniwala ka ba kay Joshua, ang taong nanakit sayo ng maraming beses at ang taong sinubukan patayin ang nanay mo, o ako
Magbasa pa
PREV
1
...
157158159160161
...
308
DMCA.com Protection Status