Share

Kabanata 1583

Tumitig si Luna kay Samuel. “Kayo? Pumayag po ba kayo na ipagdasal si nanay dahil alam niyo na ako po ang pupunta?”

Mula sa kamladong pag uugali na ipinakita ni Samuel, tila inaasahan niya si Luna.

“Oo.” Ngumiti siya ng maliit. “Sinabi na ng kaibigan mo sa akin ang tungkol sa sitwasyon.”

Tumahimik ng ilang sandali si Luna, pagkatapos ay sumagot siya, “Salamat.”

Kaya pala sabik si Gwen noong sinabi nito kung anong klaseng pari ang pumayag na magdasal para kay Rosalyn ng walang bayad.

Sa huli, ang pari ay si Samuel at alam niya ang tungkol dito sa simula pa lang.

“Hindi mo ako kailangan pasalamatan, sinusubukan ko lang maging mabuti.” Pagkatapos, tumingin ng tapat si Samuel kay Luna at dinagdag niya, “Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko.”

Muling tumahimik si Luna, pagkatapos ay huminga siya ng malalim at sinabi niya ang katotohanan, “Hindi pa po nasasagot ang tanong ko dahil pagkatapos niyo pong umalis noong araw na ‘yun, aksidente kong nawala ang singsing na binigay niyo sa akin.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status