Sa loob ng hospital sa Merchant City. Si Charles, na dinala dito dahil sa mataas na blood pressure, ay nakasandal sa ulo ng kama at umiinom ng soup.Nakaupo si Heather sa tabi niya, nakatitig ito sa kanya na may nag aalalang tingin habang pinapakain siya ng soup. “Tatay, isang araw na ang lumipas. Kamusta po ang pakiramdam niyo?”“Dapat po kayong magpagaling agad. Magaganap na po ang kasal namin ni Malcolm sa loob ng tatlong araw.”“Ayos lang po kung hindi po maganda ang pakiramdam niyo at hindi kayo makakapunta, pero natatakot po ako na magaalala kami ni Malcolm na hindi po namin maeenjoy ang mga kaganapan!”Hindi mapigilan ni Charles na mag buntong hininga nang marinig niya ito. Hinimas niya ang kamay ni Heather at sinabi niya, “‘Wag kang mag alala, gagaling na rin ako.”“Okay po.” Nagbuntong hininga si Heather habang nagpatuloy siya sa pagpapakain kay Charles. “Walang hiya talaga si Joshua Lynch! Hindi niya lang binunggo ang kotse natin, trinato ka niya pa po ng ganito…”Kum
“Hindi tulad ng ibang tao… Kahit na pagkatapos malaman na nasa hospital ako, walang pumunta para bisitahin ako!”Nasaksihan ni Luna ang lahat ng nangyari, ngunit maliban sa pag utos kay Heather na dalhin siya sa hospital, walang pumunta sa kanila para bisitahin siya.Mas malala pa si Jim. Nagpakita lang siya kung kailan niya gusto, at kahit na kinuha ng kamatayan si Charles, hindi man lang magpapakita si Jim para magpaalam!Nang maisip ni Charles ang dalawang anak niya, hindi niya mapigilan na mas maging malapit sa dalawang taong nakatayo sa harap niya. Hinawakan niya ang kamay nila Heather at Malcolm at sinabi niya, “Mabait na bata kayong dalawa! ‘Wag kayong mag alala. Kahit na gagamitin ko ang huling hininga ko, pupunta pa rin ako sa kasal niyo sa loob ng tatlong araw at ako ay magiging saksi sa pagmamahal niyo!”Tila tapat ang tono ni Charles habang sinasabi ito.Tumango si Malcolm, ngunit may bahid ng pagkainip sa mga mata niya.Pagkatapos, natapos na si Heather sa pagpapakai
Tumahimik ang buong hallway dahil sa pagdating nila Luna at Gwen.Ito ang unang beses na napunto ng taranta at takot ang mukha ni Malcolm na madalas ay kalmado at maamo. Umubo siya ng mahina. “Lu… Luna. Gaano karami sa pag uusap namin ni Heather… ang narinig mo?”Ngumiti ang bibig ni Luna ngunit hindi ang mga mata niya. “Malcolm, tinatanong ko kung totoo ang mga sinamo kanina. Ang mukha ko… Ikaw ba ang sumira sa mukha ko?”Pagkatapos ng aksidente, matagal na napunta sa coma si Luna, at nang gumising na siya, sinabi ng doctor niya na nasira na ang mukha niya.Hindi niya pinaniniwalaan ang sinabi ng doctor dahil noong binunggo siya ni Jason ng truck, ang mga binti niya ang nasugat, hindi ang mukha niya.Bukod pa dito, kahit na pagkatapos siyang sipain papunta sa dagat, hindi rin nasugat ang mukha niya, kaya’t bakit masisira ang mukha niya?Dahil dito, tinanggal ni Luna ang bandage sa mukha niya habang walang nakatingin, at nang unang makita niya ang mukha niya na puno ng sugat, sa
Sakit, galit, sama ng loob…Ito ang mga emosyon sa puso ni Heather. Kinagat niya ang labi niya at naglakad siya palapit, humarang siya sa pagitan nila Malcolm at Luna. “Luna, kung hindi ka naniniwala sa akin, isipin mo ang tungkol sa nangyari dati. Ano ang itsura ng sugat ng mukha mo? Pwede ka bang magkaroon ng ganitong sugat dahil sa pagbunggo ng kotse?”“Hindi ba’t may kaibigan ka na plastic surgeon? Tanungin mo siya! Maiintindihan mo ang lahat kapag tinanong mo siya!”“Heather Landry, nababaliw ka na ba?” Lumapit si Malcolm at tinakpan niya ang bibig ni Heather gamit ang kamay niya dahil sa taranta.Kasabay nito, lumingon siya para tumingin kay Luna na parang humihingi ng tawad. “Nakakaranas ng postpartum depression si Heather, kaya’t ‘wag mong paniwalaan ang kalokohan na sinasabi niya.”Nanatiling walang kibo si Luna at pinilit niyang ngumiti.Makalipas ang ilang sandali, lumingon siya para tumitig kay Malcolm. “Bakit?”Bakit sinira ni Malcolm ang mukha ni Luna at pinilit si
“Kalokohan!”Dahil nataranta siya at nabunyag na ang plano niya, kinagat ni Malcolm ang ngipin niya sa galit at tumingin siya ng masama kay Joshua. “Hindi ako ang sumira sa mukha ni Luna, at hindi ako kailanman nagkaroon ng masamang intensyon sa kanya!”Pagkatapos, lumingon siya at tumitig siya kay Luna, na siyang nakatayo sa likod ni Joshua, may balisa siyang ekspresyon. “Luna, pakiusap, ‘wag kang maniwala sa mga sinasabi ni Joshua! Sinusubukan niya lang gumawa ng bitak sa pagitan natin para malayo tayo sa isa’t isa!”Sumingkit ang mga mata ni Luna. “Kung sinusubukan ni Joshua na gumawa ng bitak sa pagitan natin, paano pala ang mahal mong si Heather? Kakampi niya rin ba si Joshua?”Mas nabalisa si Malcolm nang marinig niya ito. Kinagat niya ang labi niya, at unang pagkakataon, kinabahan siya ng sobra sa punto na hindi siya makapagsalita ng maayos. “Si Heather… Nakakaranas lang siya ng postpartum depression at niloko lang siya ni Joshua!”Hindi…Hindi niya pwedeng hayaan na malam
“Nagpapahinga pa si tatay, kaya’t ‘wag natin siyang abalahin.”Ngumisi si Heather, pagkatapos ay lumingon siya para tumingin kay Luna. “Mahalaga para sa akin si tatay, pero kahit ang tunay na anak niya ay walang pakialam sa nararamdaman ng tatay niya. Hindi ako makapaniwala na dinala niya ang kaaway ni tatay para gumawa ng gulo sa labas ng kwarto ni tatay ng ganitong oras!”Sumingkit ang mga mata ni Luna nang marinig niya ito. Ngumiti siya, nilagpasan niya si Joshua, at tumayo siya sa harap nila Heather at Malcolm. Pagkatapos, tumingin siya sa kanila mula sa pwesto niya at sinabi niya, “Ang rason kung bakit nandito ako ay para bisitahin si tatay, pero sino ang nagsimula ng gulo?”Sa huli, tumingin siya sa maputlang mukha ni Malcolm. “Malcolm, may itatanong lang ako: Totoo ba ang lahat ng sinabi ni Joshua?”Huminga ng malalim si Malcolm at sumagot siya, “Luna, mas maniniwala ka ba kay Joshua, ang taong nanakit sayo ng maraming beses at ang taong sinubukan patayin ang nanay mo, o ako
Nang makita ang pag uugali ni heather, hindi mapigilan ni Luna na kumunot ang kanyang mga noo.Gusto niya nang umalis sa lugar na ito.Gayunpaman, tumingin siya kay Charles, na siyang tinutulungan ni Heather na tumayo mula sa sahig.Kahit anong pagkakamali na ginawa ni Charles, tatay pa rin siya ni Luna.Ibubuwis ni Rosalyn ang buhay niya sa lalaking ito.Kakadasal lang ni Luna na gumising si Rosalyn balang araw. Kapag nagalit si Charles sa punto na namatay siya dahil pumutok ang ugat niya…Nagbuntong hininga si Luna, at pagkatapos timbangin ang sitwasyon, lumapit siya at tinulungan niya si Charles. “Tatay, ako ay…”Huminga siya ng malalim at sinabi niya, “Patawad po.”“Lumayo ka sa akin!” Hindi siya pinansin ni Charles at sa halip ay tinulak siya nito.Sa sobrang lakas ng pagtulak niya ay tumama ang buong katawan ni Luna sa pader.Kumirot ang buto ni Luna, ngunit tiniis niya ang sakit at tumayo siya, sumandal siya sa pader para sa suporta. Sinabi niya ng may maputlang mukha,
“Humihina na ang kalusugan ni Mr. Landry nitong mga nakalipas na taon, at umaasa siya sa mga gamot ni Mrs. Landry para humaba ang buhay niya.“Ngayon at lantang gulay na si Mrs. Landry ng higit sa walong buwan, halos ubos na ang gamot ni Mr. Landry, at umaasa lamang siya sa determinasyon niya para maging maayos ang pag iisip niya, pero pinili niyo na galitin at inisin siya ng paulit ulit!”“Tatay mo siya! Paano mo nagawa ito sa kanya?”Sumakit ang ulo ni Luna habang nakasandal siya sa pader. Tumingin siya sa direksyon ng ward. “Ang tatay ko…”Alam niya na mahina ang kalusugan ni Rosalyn, pero ito ang unang beses na narinig niya ang tungkol kay Charles.Tumingin si Luna sa butler at tinanong niya ng may mababang boses, “Hindi ba’t maganda naman ang kalusugan ni tatay?”Sumagot ang butler na parang hirap siya, “Ito ay dahil nagpapanggap lang siya! Pagkatapos pumanaw ni Mrs. Lucy, nabaliw si Mr. Landry. At para maligtas siya, ginamit ni Mrs. Landry ang sarili niya bilang test subjec