Naging pula ang mukha ng butler nang marinig niya ito.Kahit na matagal nang kasama na ni Luna ang pamilya Landry, hindi pa nakita ni Luna na makisingit sa problema ng pamilya nila ang butler na ito. Marespeto ang butler na ito at alam niya na bilang isang empleyado, wala siyang karapatan na mga komento sa kahit anong personal na problema ng amo niya.Kaya nga lang…Kakaiba ang araw na ito kumpara sa dati.Ang huling beses niyang nakita na nagalit si Charles ng ganito ay noong pinilit ni Jim na nagresign mula sa posisyon ng Landry Group CEO dahil gusto nitong dalhin si Harvey sa labas ng bayan para hanapin ang tunay na nanay nito.Sa mga oras na ‘yun, mabuti pa ang kondisyon ni Rosalyn para alagaan si Charles, ngunit sa mga sandaling ito…Gayunpaman, alam ng butler na tama si Joshua. Wala siyang karapatan na lagpasan ang mga hangganan ng isang butler.Huminga siya ng malalim, lumapit siya kay Luna, at yumuko siya. “Ms. Luna, pasensya na po sa maling pagkakaunawa ko sa inyo.”Ma
Tumingin si Luna kay Heather. “Hindi dapat kita sisihin, ngayon at may sakit ka sa pag iisip.”Pagkatapos, tumingin siya ng nanunuya kay Heather, na nakahiga pa rin sa mga braso ni Malcolm, “Mahal kong kapatid, kung may problema ka, kailangan mong magpagamot. ‘Wag ka nang gumawa ng gulo sa ibang tao.”Sa sobrang galit ni Heather ay namula ang mukha niya, at nanginginig siya sa galit.Gayunpaman, pinigilan niya ang galit niya at tumango siya, kinagat niya ang labi niya. “Si… Sige.”Sumingkit ang mga mata ni Luna at may sasabihin sana siya nang may taong nagbukas ng pinto ng kwarto.Lumabas ang isang doctor na may suot na puting coat. “Maayos na ang kondisyon ni Mr. Landry. Sinabi niya na gusto niyang magpahinga at hiling niya na umalis na ang walang kwentang anak niya kasama ang kasama nito.”Pagkatapos, tumingin siya kay Malcolm at nagpatuloy siya, “Master Quinn, gusto kayong makita ni Mr. Landry kasama ang nobua niyo.”Nagbuntong hininga si Malcolm. “Gusto pa rin ni tatay na ma
Nang makita ni Joshua si Mickey, nakita din nito si Joshua.Ngumiti siya ng maamo at sinabi niya, “Nagkita muli tayo, Mr. Lynch.”Sumingkit ang mga mata ni Joshua.Kung tama ang pagkakaalala niya, ito ang pangatlong beses na nakasalubong niya ang lalaking ito, at tuwing nakasalubong sila, lagi siyang binabati ni Mickey ng mabait.“Kilala niyo ba ang isa’t isa?” Kumunot ang noo ni Luna, tila nabigla siya.Kahit na sinabi ng butler na ang lalaking ito na si Mickey ay ang estudyante ni Rosalyn, ito pa rin ang unang beses makilala ni Luna si Mickey.Gayunpaman, ayon sa pagbati ni Mickey kay Joshua, tila matagal na silang magkakilala.“Syempre.” Lumapit si Joshua, nakangisi, at sinabi niya ng may malamig na boses, “Matagal na akong may gusto itanong kay Mr. Mickey.”Tinaas ni Mickey ang gold-rimmed glasses niya sa ilong niya at tila hindi siya nagulat sa reaksyon at mga salita ni Joshua. “Dahil tinawag ako ng tatay ko para makipagkita kay Ms. Luna at sagutin ang mga katanungan niya,
“Oo.” Pagkatapos, sinara niya ang pinto.Nang masara ng malakas ang pinto ng kotse, magulo ang isip ni Luna.Pinadala ba ng nanay niya si Mickey para puntahan si Granny Lynch sa araw na namatay ito?Bumukas ang makina ng kotse. Napalingon si Luna at tumingin siya sa labas ng bintana.Nakatayo pa rin sa pwesto si Joshua. Sa sobrang lamig ng aura niya ay naramdaman ito ni Luna mula sa bintana ng kotse.Pakiramdam ni Luna na nasasakal siya.May kinalaman din ba ang pagkamatay ni Granny Lynch sa nanay niya? Pati, mula sa pag uugali ni Joshua kay Mickey, matagal na sigurong alam ni Joshua na binisita ni Mickey ang crime scene ng pagkamatay ni Granny Lynch at na isa si Mickey sa mga tauhan ni Rosalyn.Naisip ni LUna ang araw na sinaktan ang nanay niya, walong taon na ang nakalipas…Noong araw na ‘yun, sinaksak din ang nanay niya sa dibdib. Hindi ba’t ito rin ang parehong nangyari kay Granny Lynch?Pumikit si Luna, may naisip siya na nakakatakot. Hindi kaya’t… sinaktan ni Joshua si R
Nabigla si Luna. TInikom niya ang mga labi niya at maingat siyang tumingin kay Mickey. “Edi… bakit ka pinadala ng nanay ko para puntahan si Granny Lynch?”Sumingkit ang mga mata ni Mickey at tumingin siya kay Luna ng nagdadalawang isip. Pagkatapos ng ilang sandali, inayos niya ang mga emosyon niya at tumingin siya sa labas ng bintana.“Hindi ako pinayagan ni Mrs. Landry na sabihin ito sa kahit sino. Kung gusto mong malaman, dapat mong hintayin na gumising siya. Maririnig mo sa kanya ang tungkol dito.”Nang matapos siyang magsalita, huminto ang kotse sa entrance ng courtyard.Ngumiti si Mickey at tumingin siya kay Luna. “Ms. Luna, nandito na tayo.”Si Luna, na nalilito pa rin, ay lumabas ng kotse kasama si Gwen. Noong umalis na si Mickey, nakatayo si Luna sa entrance habang pinapanood na umalis si Mickey. Kumunot ang noo niya.“Nakauwi na tayo!” Nagunat si Gwen. Tumalikod siya at umakbay siya kay Luna. “Tara, bumalik na tayo para magpahinga! Kahit na gaano kasama ang loob mo dahi
Gayunpaman, may kaunting pag asa pa rin si Luna.Sa mga panaginip niya ng gabi, iniisip siya lagi kung magpapakita si Joshua sa labas ng pinto niya, pinilit nito na makasama siya kahit na may pag aaway sa mga pamilya nila.Gusto niyang iwanan ang lahat at magsimula ulit kasama si Joshua sa isang lugar kung saan walang may kilala sa kanila, sa isang lugar kung saan walang pag aaway ng pamilya. Walang mga Landry, walang mga Lynch, pati walang mga Quinn.Gayunpaman, alam ni Luna na imposible ito. Imposible. Imposible ang lahat ng ito. Kailangan niyang harapin ang malamig na katotohanan.Ang sinabi sa kanya ni Mickey ngayong araw, ang katotohanan na dumurog sa natitirang pagasa sa puso niya.Hindi bibitawan ni Joshua ang pagaaway na ito. Kung kayang sumuko si Joshua, hindi niya na sasaktan si Rosalyn ng dahil lang kay Granny Lynch.Matagal siyang umiiyak, humiga si Luna kay Rosalyn, yakap niya ito ng mahigpit.“Nanay, ako po ay…” Nasa kalagitnaan ng pagsasalita si Luna nang may mara
Agad na naisip ni Luna si Joshua dahil sa mga sinabi ng doctor.Kinagat niya ang labi niya at sinabi niya sa sarili niya an imposible ito. Si Joshua ay hindi…Una sa lahat, nagtitiwala siya na hindi ganito kalupit si Joshua. Pangalawa, hindi naman pinuntahan ni Joshua si Rosalyn, kaya’t paano niya—“Luna?” Bumalik sa katotohanan si Luna nang marinig niya ang boses ni Jim.Bumalik sa sarili si Luna. “Ano ‘yun?”Nagbuntong hininga si Jim. Lumingon siya para tumingin kay Rosalyn, na ang sugat ay nililinis ng doctor.“May tao ba na nakipagkita kay nanay ngayong araw?”Nasa Banyan City siya nitong nakaraan. Walang karanasan si Bonnie sa pag aalaga sa mga bata. Ilang araw na ang nakaraan, nagkasakit ang mga anak nila Joshua at Luna, at sinabi ng mga doctor na may posibilidad na pneumonia ito.Tinawagan ni Bonnie si Jim ng gabing gabi, umiiyak, at umaamin sa mga pagkakamali niya. Sinabi niya na magpapaulan siya hanggang sa magkasakit at magkaroon siya ng pneumonia, at doon lang gagaan
Mabuti na lang at nasa Merchant CIty sila, ang teritoryo ng mga Landry at mga Quinn. Kung nasa Banyan City ang mga Landry at ang mga Quinn tulad ng dati, hindi tatagal ng isang buwan bago sila pabagsakin ni Joshua.Nakakatakot ang lalaking ito. Kung walang kalamangan, walang makakakontrol sa kanya!“Malcolm.” Tinulak ni Heather pabukas ang pinto, naiinis siya. Tila hindi siya masaya. “Tumawag si Jim, at sinabi niya na pumunta tayo sa bahay ni Luna. May nangyari daw na masama kay Rosalyn.”Ang sabi ni Heather habang gumulong ang mga mata niya, “Nakakainis! Kahit na alas onse na ng gabi! Ano ang mangyayari kay Rosalyn na lantang gulay?”Sumingkit ang mga mata ni Malcolm nang marinig niya ang mga salita ni Heather. “Mabilis nilang natuklasan ang tungkol dito.”Ayon sa plano niya, malalaman lang nila Luna ang tungkol sa pagbubulok ng katawan ni Rosalyn bukas ng umaga.Sa mga sandaling ‘yun, ang likod ni Rosalyn ay mabubulok na ng sobra.“Ano ang natuklasan nila?” Tila nalilito si He