Share

Kabanata 1582

“Sundin natin ang orihinal na plano at pumunta tayo sa bahay ni Luna.”

Tumigil ang driver nang marinig niya ito. “Pero…”

Umalis na ng bahay sina Luna at Gwen, kaya’t bakit papunta pa rin sila doon?

Tila napansin ni Joshua ang pagkalito ng driver, kaya’t ngumiti siya at sinabi niya, “Sa tingin mo ba ay walang ibang tao doon maliban kela Luna at Gwen?”

Tumango ang driver at pumasok na ito ng kotse.

Ang mga taong nakatayo sa labas ng bahay ay ang mga tauhan ni Jim, kaya’t pamilyar sila kay Joshua.

Noong nakita nila na dumating si Joshua, sinabi nila na umalis na si Luna, ngunit nang pilitin ni Joshua na pumasok ng bahay, walang pumigil sa kanya.

Pagkatapos pumasok ng pinto, dumirecho si Joshua papunta sa kwarto ni Rosalyn.

Sa loob ng kwarto ni Rosalyn, may isa sa mga katulong na naglagay ng nasogastric tube sa ilong ni Rosalyn.

Dahil lantang gulay na si Rosalyn, hindi niya kayang kumain na parang isang normal na tao, kaya naman, ang tanging paraan para makakuha siya ng sustansya
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status