All Chapters of Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko: Chapter 1571 - Chapter 1580

3080 Chapters

Kabanata 1571

Tumigil ang kamay ni Luna na nakahawak sa kutsara at tinidor nang marinig niya ito.Lumingon siya at tumitig siya kay Heather ng maputla ang mukha.Bago pa man siya makapagsalita, ang katulong na si Lorraine ay dinala ang bata papunta kay Luna. “Ms. Luna…”Kinagat ni Luna ang ngipin niya at lumingon siya palayo, tumanggi siyang tingnan ang bata. “Walang hiya ka Heather!”Biglang napagtanto ni Gwen na ang babaeng ito na may suot na maganda mula ulo hanggang paa, ang babaeng gumawa ng gulo ay walang iba kundi ang pekeng anak ng pamilya Landry, si Heather!Sumingkit ang mga mata niya, lumapit siya, at tinulak niya si Lorraine palayo kay Luna. “Lumayo ka sa kanya!”Nalagpasan na ni Luna ang kalungkutan sa pagkawala ng anak niya, pero nagpakita si Heather para ipagmalaki ang sanggol na ipinanganak ng kasabay ni Luna.Ano ang binabalak niyang gawin kundi ibalik ang mga masasamang alaala ni Luna?Hindi masyado malakas ang pagtulak ni Gwen kay Lorraine. Ang gusto niya lang ay ilayo si
Read more

Kabanata 1572

Kinagat ni Heather ang labi niya at sinabi niya ng may madilim na ekspresyon habang sinubukan niyang patahanin ang sanggol na karga niya, “Tatay, naaamoy niyo po ba ang hangin? Hindi po ba’t mabaho ito?”“Kahit na kaya itong tiisin ni Luna, ako naman, bilang isang tao na inaalagaan ang sarili niya sa bahay, ay hindi matiis ang ganitong amoy.”“Para naman po sa disinfectant at pabango, maraming germs at virus ang mga probinsya na tulad nito. Isang buwan pa lang po si Riley, at mahina pa ang immune system niya, kaya’t mali po ba para utusan ko ang katulong ko na idisinfect ang hangin?”“Bukod pa dito, alam ko po na pangit ang amoy ng disinfectant, kaya’t nagpasray din ako ng pabango para gumanda ang amoy. Mali po ba ito?”“Pati, ang Starhill Hotel ang pinakamagandang hotel sa Merchant City, at balak ni Malcolm na ibigay sa akin ang pinakamaganda. Tatanggihan ko ba ang alok niya dahil lang nandoon dati si Luna?”“At huli sa lahat, walang hiya sila para akusahan ako na pinapasama ko a
Read more

Kabanata 1573

Nang marinig ito ni Charles, bigla niyang napagtanto na wala siyang paraan para sagutin ang tanong ni Luna.Lumingon siya palayo, ayaw niyang tingnan ang matalas na mga mata ni Luna.Tinaas niya ang kamao niya at umubo siya ng mahina. Tumitig siya sa tanawin ng yard, lumingon siya palayo kay Luna, at sinabi niya ng mabagal, “Luna, alam ko na malungkot ka pa rin dahil wala na ang anak mo, pero walang kinalaman ang pagkamatay ng anak mo kay Heather.”“Ang intensyon ng pagdala ni Heather ng anak niya ay para bisitahin kayo ng nanay niyo…”Pagkatapos, lumingon siya para tumitig kay Luna. “Ang pagtrato niyo ng kaibigan mo sa kanya, pati na rin ang pagtulak sa katulong na karga si Riley. Sa tingin mo ba ay hindi nakakasakit ang ginawa mo?”“Ganun ba?” Tumalikod si Luna, umupo siya sa ilalim ng payong, at kumain na sila ng agahan kasama si Gwen. “Kung sa tingin niyo ay nakakasakit ang ginawa ko, hindi ba’t nakakasakit rin ang ginawa niya sa akin?”Kumunot ang noo ni Charles at sumagot s
Read more

Kabanata 1574

“Kung sabagay, kung wala kang puso para patakbuhin ang negosyo ng pamilya, hindi ka magiging magaling dito, pero ngayon, kailangan lang kita na magpanggap at dumalo ka sa kasal nila Malcolm at Heather para magbigay ng basbas. Hindi ka ba papayag kahit para lang sa ganito?”Habang nagsasalita si Charles, mas lalo siyang nagalit. “Naging mabait ako masyado sayo!”Ngumiti ng malamig si Luna. “Dahil magkaiba kami ni Heather at dismayado ka sa akin, Mr. Landry… Bakit niyo pa ako pinilit na bumalik sa pamilyang ito? Bakit niyo ako pinilit na mangako na hindi ko na ulit pwedeng makita si Joshua?”Elegante niyang binaba ang kutsara at tinidor at nagpatuloy siya, “Akala ko ay ginawa niyo ang lahat ng ito dahil gusto niyo talaga ako at gusto niyo akong tratuhin bilang isang tunay na anak, pero siguro ay…”Nanunuya siya. “Siguro ay ang rason kung bakit gusto niyo akong bumalik… ay dahil sa pagkakakilanlan ko noong panahong ‘yun ay ang ex-wife ni Joshua Lynch at ang nobya ni Malcolm Quinn, gan
Read more

Kabanata 1575

Gumalaw ang daliri ni Rosalyn sa tabi niya.Si Riley, na tapos nang umiyak, ay tumitig sa daliri ni Rosalyn at inabot niya ang kamay niya para hawakan ito.Nang hahawakan niya na ang kamay ni Rosalyn, pinigilan siya ni Heather at sinabi nito ng nakangisi, “Riley, hindi mo dapat hawakan ang lahat ng nakikita mo. Malas ‘yan.”Pagkatapos, tumayo siya habang karga ang bata at tumitig siya kay Rosalyn, malaki ang ngiti niya. “Noong una, nagsisisi ako at hindi agad kita pinatay kaya’t naging lantang gulay ka lang, pero ngayon at nakita ko na nakakaawa ang itsura mo, naisip ko na tama ang desisyon ko.”“Kung namatay ka sa araw na ‘yun, paano mo mararamdaman ang sakit na pinaglaruan ko ang asawa at anak mo sa harap mo?”Habang nagsasalita siya, mas natuwa siya, at sa huli, inabot niya ang sanggol sa isang katulong na malapit sa kanya at naglakad na siya palabas ng kwarto.”Sa yard, nakatitig ng masama si Charles kay Luna, pula ang mukha niya sa galit.“Luna, klaro na ang sinabi ko, dapa
Read more

Kabanata 1576

“Bigyan niyo po siya ng oras. Ang rason po kung bakit maunawain at masunurin ako ay dahil sa edukasyon at pagpapalaki ng pamilya Landry, at pinalaki po si Luna sa isang mahirap na pamilya mula sa Sea City, kaya’t natural lang po na wala po siyang konsiderasyon sa ibang tao”May dalawang kahulugan ang mga salita ni Heather. Sa isang palad, inakusahan niya si Luna na wala siyang pang unawa at pinalaki siya ng mga taong walang alam.Sa kabilang palad, pinapahiwatig niya na parehong galing sa mahirap na pamilya sina Joseph at Natasha Gibson, kaya’t may mga mali sa pag uugali nila.Tumango si Charles. Nang pumasok na siya sa kose, hindi niya mapigilan na isipin na mabuti na lang at hinayaan niya na manatili sa tabi niya si Heather at hindi niya ito pinabalik sa mga Gibson sa Sea City.Kung hindi, kahit ang isang babaeng tulad ni Heather, balang araw ay magiging tulad ni Luna kapag nanatili siya sa mga Gibson ng matagal…Dahil galit siya kay Luna kanina, sumandal si Charles sa backseat
Read more

Kabanata 1577

Bago pa maintindihan ng driver ang sinasabi ni Joshua, may matandang lalaki na lumabas ng RV, kasunod ng isang babae na may hawak na sanggol.Galit na lumapit si Charles sa harap ng kotse ni Joshua at kumatok siya sa hood nito. “Lumabas ka!”Ang lalaking ito ay may suot na mamahaling suit, at ang mukhang ito…Kilala ng lahat sa Merchant City ang mukhang ito.Ang lalaking ito ay ang president ng Landry Group, si Charles Landry!Nawala ang kulay sa mukha ng driver. “Mr. Lynch, mukha pong… napunta po tayo sa isang malaking gulo.”“Hindi, sila ang napunta sa isang malaking gulo.” Kinabit ni Joshua ang butones niya at pagkatapos ayusin ng elegante ang suit niya, binuksan niya ang pinto at lumabas siya ng kotse.“Bakit ka galit na galit, Mr. Landry?”Noong una, akala ni Charles ay isang normal na mamamayan lang ang nasa loob ng kotse, ngunit nang makita nya na lumabas ang isang lalaking may suot na itim na suit mula sa kotse na puno ng elegante at mapagmataas na aura, napagtanto niya
Read more

Kabanata 1578

Nang maisip niya ito, sumingkit ang mga mata ni Charles at sinabi niya, “Problema na ng pamilya namin kung paano ko itrato si Luna at wala itong kinalaman sayo!”Ngumiti ng elegante si Joshua at sumagot siya, “Oo, problema ito ng pamilya niyo, at wala itong kinalaman sa akin, pero higit pa dito, hindi ako pwedeng makialam sa mga problema niyo.”Pagkatapos, lumingon si Joshua at tumingin siya ng malamig kay Heather at sa anak nito. “Pero, kailangan ko pa rin makialam sa mga problema ni Luna.”Nang makita na nakatingin ng masama sa kanya si Joshua, napaatras si Heather at nagtago siya sa likod ni Charles. “Tatay, umalis na po tayo dito…”“Nakakatakot po si Joshua Lynch, at natatakot po ako…”“Kanina lang po, binunggo ng driver niya ang kotse natin, at ngayon, nakatitig po siya sa akin ng ganito…”Umiyak si Heather habang nagpatuloy siya, “Nag aalala po ako na baka saktan niya si Riley… Alam ko po na masama ang loob niya dahil namatay ang anak nila ni Luna, pero hindi niya po pweden
Read more

Kabanata 1579

“Mukhang may aksidente.”Nang marinig ni Luna ang sinabi ni Gwen, kumunot ang noo niya abang nakaupo siya sa backseat at tinitingnan ang mga litrato na sinend sa kanya ni Nellie. “Paano naman magkakaroon ng aksidente sa ganitong lugar?”Sinasadya ni Jim na piliin ang lugar na ito para tirahan ni Luna dahil wala masyadong tao sa lugar na ito at wala masyadong dumadaan na kotse, kaya’t paano nagkaroon ng aksidente dito?“Totoo ang sinasabi ko!” Tumitig si Gwen sa dalawang kotse sa harap niya at hindi niya mapigilan na sumimangot. “Luna, bakit parang ‘yun ang RV na sinakyan nila Heather at ng tatay mo?”Habang nasa phone, nabigla si Luna nang marinig niya ito.Hindi pa gaano katagal noong umalis sina Charles at Heather, hindi ba?Agad siyang lumingon.Nakita niya sa malayo ang lalaking may suot na gray suit na nakatulak sa hood ng isang kotse dahil sa isang lalaking nakasuot ng itim na suit.Samantala, sa tabi nila, may lalaking nakasuot na pang driver na may sinisigaw habang sinu
Read more

Kabanata 1580

Ang rason kung bakit sinabi niya ito ay para tumahimik si Heather at ang sanggol upang magkaroon siya ng kapayapaan, ngunit para kela Luna at Gwen, iba ang tunog nito.Tumigil si Luna sa paghimas ng dibdib ni Charles.Sa tabi niya, galit na galit si Gwen, “Mr. Landry, dapat mong malaman na si Luna ang nagligtas sayo mula sa muntik na pagpatay sayo ni Joshua!”Bakit sinasabi ng lalaking ito kay Heather na ayos lang siya ngayon at si Luna ang nagligtas sa kanya? Anong klaseng tatay siya?“Gwen, ayos lang.” Bumaba ang tingin ni Luna at lumingon siya para tumingin kay Heather. “Hindi ba’t marami kang katulong na kasama? Sabihin mo sa kanila na dalhin nila si tatay sa kotse at pumunta sila sa hospital.”Tinikom ni Heather ang mga labi niya, pagkatapos ay lumingon siya at sumenyas siya sa mga katulong na naghihintay sa loob ng kotse.Mabilis na lumabas ang mga katulong at tinulungan nila si Charles papunta sa sasakyan.Tumayo rin si Luna at nanatili siyang malayo sa kanila.Tumingin
Read more
PREV
1
...
156157158159160
...
308
DMCA.com Protection Status