All Chapters of Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko: Chapter 1521 - Chapter 1530

3080 Chapters

Kabanata 1521

Tumahimik ang buong hallway nang marinig nila ito. Humigpit ang mga kamao ni Luna. Lumingon siya at tumingin siya kay Jim, may sasabihin sana siya, ngunit hindi siya makaimik. Kung sinaktan talaga ni Joshua si nanay ng ganito… Ayaw nang isipin ni Luna ang mga kahihinatnan, at ayaw niya rin itong harapin. Biglang nilabas ng mga doctor si Rosalyn mula sa operating room. Mabilis na lumapit si Luna para tingnan si Rosalyn. Ang babaeng may gusto na umalis si Luna sa pamilya Landry at bumalik sa tabi ni Joshua ay nakahiga ng payapa sa kama, na para bang natutulog lang siya. Parang may maliit pang ngiti sa mukha ni Rosalyn. Naramdaman ni Luna na tila sinaksak siya sa puso nang makita niya ang itsura ni Rosalyn. Kinagat niya ang ngipin niya at hinawakan niya ang kamay ni Rosalyn at sumunod siya sa mga doctor papunta sa kwarto ni Rosalyn. Mula sa operating room papunta sa ward, nakatitig si Luna sa mukha ni Rosalyn, hindi nawala ang tingin niya kahit saglit. “Nanay…” Ang s
Read more

Kabanata 1522

Pakiramdam ni Heather na tila kakainin siya ng buhay mula sa tingin sa mata at tono ni Jim. Kahit na umiwas siya sa tingin ni Jim, ramdam niya pa rin ang kamuhian at lamig ng tingin nito. Hindi niya mapigilan na manginig habang sumagot siya, “Anong—Anong kalokohan ang pinagsasabi mo? Paano ko… paano ko naman…” “Hindi ba’t klaro ang ebidensya ng pagpatay ni Joshua kay nanay? ‘Wag mo akong sisihin para lang makatakas ng walang parusa ang pinsan mo!” Ngumisi si Jim at sinabi niya, “Sana nga ganun. Kung hindi, hindi ko masasabi ang kahihinatnan.” Pagkatapos, binitawan niya na si Heather at naglakad siya palayo. Sumandal si Heather sa pader habang nakatitig siya kay Jim. Nakahinga na ng maluwag at dumulas pababa ng pader si Heather nang pumasok na si Jim ng elevator. Mabilis ang tibok ng puso niya. Kahit na may mga plano siya dati para patayin ang ibang tao sa tulong ni Aura, maging si Luna noong anim na taon na ang nakalipas o si Granny Lynch noong nakaraan… Hindi niya gi
Read more

Kabanata 1523

Sumingkit ang mga mata ni Jim. Tapat ang ekspresyon sa mukha ni Joshua, walang bahid ng pagpapanggap. Nagbuntong hininga si Jim at sumagot siya, “Nakaligtas siya, pero…” Lumingon siya para obserbahan ang ekspresyon ni Joshua at nagpatuloy siya, “Parang lantang gulay siya ngayon, at hindi na siya makapagsalita o makagalaw. Sinabi ng mga doctor na malabo na gumising siya mula sa kondisyon niya.” Tumigas ang katawan ni Joshua. Makalipas ang ilang sandali, pumikit siya at sinabi niya, “Mabuti na lang at buhay siya. Basta’t buhay siya, may pagasa pa.” Sumingkit ang mga mata ni Jim nang marinig niya ito. Sinabi rin ni Joshua ang mga sinabi ni Luna kanina. Nagbuntong hininga ulit si Jim at tumitig siya kay Joshua. Hindi pa siya nakakita ng isang mamamatay-tao na gustong makaligtas ang kanilang biktima. Maaaring hindi si Joshua ang killer, o magaling lang talaga siya sa pagpapanggap. Mas maniniwala si Jim na hindi si Joshua ang killer. Lumingon siya at tumitig siya kay Josh
Read more

Kabanata 1524

Nanatiling walang kibo si Jim at sumingkit ang mga mata niya habang pinanood niyang umalis si Joshua. Dati, tuwing nakikita niya si Joshua, laging mukhang mahina at malungkot si Joshua dahil kay Luna. Gayunpaman, pagkatapos masaksihan ang malamig at mayabang na lalaking nasa harap niya, napagtanto ni Jim na hindi niya kilala ang tunay na Joshua. Ang malupit at walang pusong lalaking ito ba ay ang tunay na Joshua Lynch? Bumalik ang pagiging kalma ni Jim, at paglabas niya ng pinto ng police station, nakasalubong niya sina Charles at Heather, na kakalabas pa lang ng kotse. Nagalit si Charles sa oras na makita niya si Jim. Lumapit siya ng galit at tinaas niya ang kamay niya para sampalin si Jim sa mukha. “Anong ginagawa mo dito? Nandito ka ba para makita si Joshua Lynch at tulungan siya na matakasan ang krimen niya?” Sinalo ni Jim ang kamay ni Charles gamit ang kamay niya at sinabi niya habang hawak niya ang kamay ni Charles ng mahigpit, “Ano ang pakialam mo kung ano ang gina
Read more

Kabanata 1525

Sa loob ng police station. Mag isang nakaupo si Joshua sa maliit na kulungan at nakatitig siya sa langit. Biglang tumunog ang boses ng gwardya sa likod niya, “Mr. Lynch, nandito sina Mr. Landry at Ms. Heather para makita kayo.” Ngumisi si Joshua. Tumalikod siya at tumingin siya sa gwardya. “Ayaw ko silang makita.” Nagdalawang isip ng ilang sandali ang gwardya, pagkatapos ay sumagot ito, “Pero… sila po ang pamilya Landry. Kapag tumanggi po kayo, papahirapan nila ang buhay niyo kapag umalis kayo ng kulungan.” “Hindi po kayo nagmula dito, kaya’t hindi niyo naiintindihan ang tunay na kapangyarihan ng pamilya Landry sa Merchant City… lalo na po si Ms. Heather. Wala pong kayang umaway sa kanya kahit na gumawa po siya ng gulo kahit saan.” Yumuko si Joshua at sinabi niya, “Para sayo lang ‘yun. Pag lumabas na ako dito…” “Hindi ko masasabi kung kaninong buhay ang papahirapan ng sino.” Pagkatapos, umupo siya ng mas komportable at sinabi niya, “Sabihin mo sa kanila na ayaw ko silan
Read more

Kabanata 1526

“Kawawa naman si nanay, parang lantang gulay na siya ngayon at nasa kama na lang siya, pero hindi pa naparusahan ang tunay na killer dahil kulang sa ebidensya…” Tumulo ang luha sa mga mata ni Heather habang sinasabi niya ito. “Wala na bang ibang paraan? Kawawa naman si nanay…” Sumingkit ang mga mata ni Charles nang marinig niya ito. Suminghal siya at sinabi niya, “Paano naman mawawalan ng ibang paraan?” Dahil hindi niya kayang parusahan si Joshua gamit ang batas, gagamit siya ng ibang paraan! Nabalitaan ni Charles na ang isang gangster na may pangalan na Luke Jones, na sikat dahil sa mga krimen nito, ay dumating nitong nakaraan sa Merchant City. Ngayong gabi, hahanapin niya si Luke Jones at uutusan niya ito na patayin si Joshua, kahit ano ang mangyari! “Kung may plano po kayo, tatay, mabuti po ‘yun…” Nagbuntong hininga si Heather, pinagaan niya ang loob ni Charles, at pinauwi niya na ito. Pagkatapos ihatid si Charles sa Landry Mansion, umalis siya ng nagmamadali. Habang nak
Read more

Kabanata 1527

Pagsapit ng 8 a.m., umalis na si Luna ng ward ni Rosalyn pagkatapos ng pagkukumbinsi ni Jim. Ang tao na pumalit sa pagbabantay kay Rosalyn ay si Charles. Kahit na nagtalo sila kanina ni Charles, binigyan pa rin ni Luna ng instruction si Charles sa mga bilin ng doctor at sinabi niya kay Charles na magbigay ng ilang message kay Rosalyn ng paminsan minsan. Nang masigurado na na naiintindihan niya ito, tumalikod si Luna at umalis na siya. Pagsara ng pinto sa likod niya, nakita niya na hawak ni Charles ang kamay ni Rosalyn, may luha sa kanyang mukha. Napuno ng kalungkutan ang puso ni Luna nang isara niya ang pinto. Sinabi sa kanya ni Rosalyn dati na naiinggit ito kay Lucy. Nang pumanaw si Lucy, si Charles, ang isang matatag na lalaki, ay umiyak para sa kanya. Akala ni Rosalyn ay iiyak lang ang isang lalaki para sa isang babae na mahal niya ng buong buhay. Ngayon at parang lantang gulay na si Rosalyn, umiiyak din si Charles para sa kanya. Hindi na mahalaga kung mahal ni Cha
Read more

Kabanata 1528

Plano ba ni Jim na sumuko sa business ng pamilya na pinasa sa kanila ng maraming henerasyon? Alam ni Jim ang iniisip ni Luna. Ngumiti siya at sumagot siya, “Nakalimutan mo na ba na may isa pang anak ang pamilya Landry?” Pagkatapos, umupo siya ng komportable at nagpatuloy siya, “Dumadaloy ang dugo ng pamilya Lynch sa mga ugat ko, at may dala kang anak na galing kay Joshua, kaya’t syempre magagalit sa atin pareho si tatay, ngayon at wala dito si nanay para protektahan tayo.” “Sa mga sandaling ito, aakyat ng kapangyarihan si Heather… at ang kinabukasan ng Landry Group ay baka maging Gibson Group na.” Pagkatapos, sinara ni Jim ang pinto ni Luna at sinabi niya, “Umuwi ka muna at magpahinga ka.” Umalis na ang kotse ng driveway. Nanatiling walang kibo si Luna at kinagat niya ang labi niya habang pinapanood niyang umalis ang kotse. Si Heather… Hindi naniniwala si Luna na iisipin ni Heather na isa siyang Landry, at hindi niya rin mapapatakbo ng maayos ang Landry Group. Huminga
Read more

Kabanata 1529

Kumunot ang noo ni Luna at nilagpasan niya ulit si Heather. “Ayaw kong lunurin ang kalungkutan ko sa alak.” Pagkatapos, naglakad siya pababa ng hagdan. Pagkatapos niyang humakbang, muli siyang pinigilan ni Heather. Bakit ka ba natatakot na uminom kasama ko, Luna? Hindi kita tatawanan kung mahina ka uminom?” Kumunot ang noo ni Luna nang marinig niya ito. Tumingin siya ng masama kay Heather at sinabi niya, “Kung alam mo na mahina akong uminom, bakit mo ako pinipilit na uminom? Ano ang binabalak mo?” Tumigas ang buong katawan ni Heather nang marinig niya ito. Bigla niyang napagtanto na dahil desperado siya, may aksidente siyang sinabi na mali. Tinikom niya ang mga labi niya at hinawakan niya si Luna, ngumiti siya. “Syempre wala akong binabalak. Naisip ko lang na baka masyado ka ng busy dahil sa lahat ng nangyari. Kung sabagay, pinalaki ako ni nanay simula nung bata pa, malungkot din ako na makita siyang ganito.” “Naisip ko na wala tayong pagkakataon na maghapunan ng magkasam
Read more

Kabanata 1530

Tumalikod siya at tumingin siya kay Heather at nagpatuloy siya, “Pumunta na ako sa Merchant CIty para makita ang tunay na mga magulang ko, hindi ba’t dapat ay bisitahin mo rin ang tunay na mga magulang mo?” Sumingkit ang mga mata niya at sinabi niya habang nakadiin ang ngipin, “Bibisitahin ko sila kapag may oras na ako.” Muling tumingin si Luna sa labas ng bintana. Nakita niya ang kotse ni Jim na nakapark sa labas ng gate. Nang makita niya ito, nakahinga na ng maluwag si Luna. Habang nakatayo sila sa labas ng kwarto kanina, tinawagan niya ang number ni Jim habang nilagay niya ang phone niya sa bulsa niya. Narinig ni Jim ang pag uusap nila at alam niya na umiinom si Heather kasama ni Luna sa kwarto nito. Naramdaman ni Luna na gumaan ang pakiramdam niya nang makita niya na lumabas ng kotse ni Jim. Alam niya na hindi siya makakatakas sa pagkukumbinsi ni Heather, at klaro na may ibang motibo si Heather kaya’t inimbita niyang uminom si Luna. Ngunit, may tutulong din sa kan
Read more
PREV
1
...
151152153154155
...
308
DMCA.com Protection Status