Lahat ng Kabanata ng Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko: Kabanata 1541 - Kabanata 1550

3080 Kabanata

Kabanata 1541

“Ang rason kung bakit nandito ako sa Landry Mansion ng ganito kaaga ay para hanapin si Luna, syempre,” Ang sagot ni Malcolm kahit na nakatanggap siya ng mahirap na tanong mula kay Jim. “Hindi maganda ang pakiramdam ko nitong nakaraan, at natuklasan ko lang ang tungkol sa nangyari kay Mrs. Landry nitong umaga.” Pagkatapos, lumingon siya at tumingin siya kay Luna. “Naging malapit si Luna kay Mrs. Landry simula nang bumalik siya sa pamilya Landry, at ngayon at may nangyaring masama kay Mrs. Landry… Nag aalala ako na malungkot si Luna, kaya’t pumunta ako dito para tingnan siya.” Biglang nagbago ang tono niya nang tumingin siya kela Luna at Jim. “Pero, pagdating ko, napagtanto ko na wala si Luna. Naisip ko na buong gabi siyang nasa hospital, kaya’t tinawag ko ang katulong ko para sunduin ako.” Pagkatapos, nagbuntong hininga siya at tumingin siya ng hindi natutuwa kay Jim. “Ganun ang nangyari. May iba ka pa bang tanong, Master Landry?” Ngumisi si Jim. “‘Yun ba talaga ang nangyari?”
Magbasa pa

Kabanata 1542

“Anim na taon na simula nang iligtas kita, tinulungan kitang gumaling at sumailalim sa plastic surgery, tinulungan ko pa na alagaan ang mga anak mo. Alam mo ba kung bakit ginawa ko ‘yun?” “Sinabi mo sa akin na gusto mong bumalik sa Banyan City para hanapin si Joshua para gumaling si Nigel, pero ano ang nangyari pagkatapos gumaling ni Nigel?” “Lagi mong iniisip si Joshua at hindi mo ako pinansin.” Tumitig ng malamig si Malcolm kay Luna, hindi makilala ni Luna ang lalaking ito sa maamo at mabait na lalaking trinato siya ng mabuti dati. “Luna, marami na akong sinakripisyo para sayo, at kahit ang isang kuneho ay kakagatin ang may-ari niya dahil sa pagiging desperado.” “Kahit gaano kabait ang isang tao, hindi nila matitiis ang pagkabigo na tulad nito ng paulit ulit.” “Kaya naman, nagpadala nga talaga ako ng mga tao para patayin siya para makuha niya ang mensahe na umalis na siya ng Merchant City, ang teritoryo ko.” “Maraming taon na kitang minahal at marami na rin akong sinakr
Magbasa pa

Kabanata 1543

Sa loob ng sala ng Landry Mansion. Natapos nang kumain ng prutas si Heather at aakyat na siya. Si Jim, na nakaupo sa tabi niya, ay agad na nilabas ang paa niya sa pagitan ng sofa at ng mesa para harangan ang daan ni Heather. “Bakit babalik ka agad ng kwarto mo kahit na kakagising mo lang?” Tumingin ang matalas na mga mata ni Jim sa mga chikinini sa leeg ni Heather, at ngumiti siya ng maliit. “Buong gabi ka bang nasa bahay?” Gumulong ang mga mata ni Heather. “Ano naman ang pakialam mo?” “Kung nasa bahay ka, may pakialam ako syempre,” Tumuro si Jim sa leeg ni Heather. “Masarap ba?” Tumigil ng ilang sandali si Heather, pagkatapos ay tumingin siya sa repleksyon niya sa salamin sa tabi niya. Tama ang hula niya. Puno ng pulang mga chikinini sa leeg niya! Kinagat niya ang labi niya at mabilis niyang tinakpan ang leeg niya gamit ang kamay niya. “Hindi maganda ang pakiramdam ko, kaya’t may inutusan ako na mag-cupping sa akin. Baka ‘yun lang ‘yun.” Lecheng Malcolm! Nag iwan p
Magbasa pa

Kabanata 1544

Mas nagalit si Heather nang marinig niya ito. “Jim Landry! Kaya siguro hindi mo mahanap ang nanay ng anak mo, at hindi mo rin mahanap ang tunay na mahal mo! Nakatadhana na mag-isa ka na ng habang buhay!” “Sana ay hindi mo na mahanap ang babae mula sa pagkabata mo at ang nanay ng anak mo!” Dumilim ang ekspresyon ni Jim nang marinig niya ito. Lumapit siya at nilagay niya ang kamay niya sa leeg ni Heather, puno ng galit ang mga mata niya. “Bakit hindi mo ulitin ang sinabi mo?” Mahigpit ang hawak niya sa leeg ni Heather, at tumagal din ito, naging asul ang mukha ni Heather dahil kulang siya sa hangin. Mabilis siyang pinigilan ni Luna at Christopher. “Jim!” Hinila nilang dalawa si Jim palayo kay Heather, at bumitaw na siya sa wakas kay Heather. Nakahinga na ulit si Heather, hinawakan niya ang leeg niya at umubo siya ng malakas bago siya tumalikod at umakyat ng hagdan, Pinaupo nila Christopher at Luna sa sofa ang galit na galit na si Jim. “Bakit galit na galit ka sa kanya
Magbasa pa

Kabanata 1545

Paglabas ni Charles ng kotse, yumakap si Heather sa kanya. Hindi niya mapigilan na sumimangot habang nakatitig siya sa luhaan na babae sa mga braso niya. “Anong ginawa ng bastardong si Jim sayo ngayon?” Umiiyak ng malakas si Heather at hindi siya makahinga. “Tatay, nilason niya po ako!” Habang umiiyak siya, ginulong niya ang manggas niya para ipakita ang braso niya na puno ng chikinini. “Hindi niya lang po ako nilason… hinayaan niya pa po na gawin ito ng ibang lalaki sa akin…” Nagliyab sa galit si Charles nang makita niya ito. “Bastos talaga ang bastardong ‘yun! Sumosobra na siya!” Virgin pa si Heather! Paano nagawa ni Jim na lasunin si Heather at ipasira sa ibang tao ang pagiging puro ni Heather? Galit na hinawakan ni Charles ang braso ni Heather, “Sumama ka sa akin! Dadalhin kita kay Jim ngayon para pagalitan ko siya! Ngayon at may sakit si Rosalyn, wala nang nagbabantay sa mga ginagawa ni Jim!” Nagpatuloy siya sa malamig na tono habang dinala niya si Heather sa bahay,
Magbasa pa

Kabanata 1546

Suminghal si Jim at hinawakan niya ang report na nakuha ni Christopher. “Ipapakita ko sa matandang ‘yun kung anong klaseng tao ang mahal niyang anak!” Hindi lang binalak ni Heather na dumihan ang pagiging puro ni Luna sa paglagay ng gamot sa inumin, gusto niya pang patayin ang sanggol. Walang puso ang babaeng ito! Blag! Biglang may malakas na tunog sa sala. Sinipa ni Charles pabukas ang pinto. Pumasok siya sa kwarto at hinawakan niya si Jim sa kwelyo, binuhat niya ito mula sa sofa. Sumigaw siya, puno ng galit ang mga mata niya, “P*ta ka! Kahit na hindi parte si Heather ng dugo natin, pinalaki namin siya ng nanay mo ng higit sa dalawampung taon!” “Para sa amin, isa na siyang bata na mas malapit sa amin kaysa sa tunay na anak namin, walang hiya ka para lasunin siya at gawin ang ganitong bagay sa kanya!” Tumahimik ang buong kwarto nang marinig nila ito. Kumunot ang noo ni Luna nang makita niya ito at sinubukan niyang pigilan si Charles. “Tatay, sabihin niyo po ng klaro,
Magbasa pa

Kabanata 1547

“Sandali lang!” Hihilahin na ni Jim si Luna palabas ng bahay nang tumalikod si Charles para tumitig sa kanya. “Kung gusto mong umalis, mag isa ka! Sino ang nagbigay sayo ng karapatan para isama si Luna?” Lumapit si Charles at hinila niya si Luna palayo kay Jim. “Kanina lang, tumawag sa akin si Malcolm at minungkahi niya agahan ang kasal nila ni Luna para magdala ito ng swerte kay Rosalyn. Ang rason kung bakit pumunta ako dito ay para pag usapan namin ito ni Luna.” Pagkatapos, tumingin siya kay Jim sa sulok ng mga mata niya at sinabi niya, “Ngayon at kinukuha mo siya, sino ang kakausapin ko?” Hindi mapigilan ni Jim na ngumisi nang marinig niya ito. “Magdala ng swerte kay nanay? Isang tanga lang ang naniniwala sa mga pakana ni Malcolm!” “Tumahimik ka!” Sa sobrang lakas ng hampas ni Charles sa mesa ay umalog ang machine ni Christopher. Alam niya na hindi na dapat siya manatili dito, kaya’t mabilis niyang niligpit ang mga gamit niya, naghanda na siyang umalis. Habang ginagawa
Magbasa pa

Kabanata 1548

“Tatay, hindi naman pwedeng… Hindi naman pwedeng naniniwala kayo sa sinasabi ni Jim, hindi ba?” “Ako… Paano naman ako…” Sumingkit ang mga mata ni Charles. Naglabas siya ng aura na malupit at biglang naramdaman ni Heather na mahirap huminga. “Heather.” Sumingkit ang mga mata ni Charles habang nakatitig siya sa maputlang mukha ni Heather. “Kapag umamin ka sa pagkakamali mo ngayon, pagbibigyan pa rin kita sa mga ginawa mo, dahil pinalaki kita ng maraming taon, pero kapag nagpumilit ka pa sa pagsisinungaling…” Dumilim ang ekspresyon ni Charles. “May mga kasinungalingan na sobrang daling mabunyag. Sigurado ka ba na gusto mong imbestigahan ko ito?” Kinagat ni Heather ang labi niya habang nakatingin siya sa malamig na tingin ni Charles. Pagkatapos, lumuhod siya sa sahig at umamin siya sa katotohanan, “Tatay, kasalanan ko po ang lahat…” “Na… Naisip ko lang po na kapag ipinanganak ni Luna ang bata, magdadala ito ng gulo sa kanya at sa ating lahat, pati na rin sa sarili ko… Ito po an
Magbasa pa

Kabanata 1549

Tumahimik ang buong kwarto. Tumigas ang katawan ni Luna nang marinig niya ito. Sino ang tao na kumontra sa epekto ng gamot kay Heather? Babae ang lahat ng katulong na nagtatrabaho ng gabi sa Landry Mansion, at ang lahat ng security guard ay umikot sa bahay, kaya’t hindi sila papasok ng bahay ng walang permiso.” Kaya naman, ang tanging tao na makakagawa nito ay… Naalala ni Luna na dinala si Malcolm palabas ng bahay sa tulong ng katulong nitong umaga. Naalala niya ang maliit na bakas ng kagat sa kamay ni Malcolm nang huminto siya para tanungin si Malcolm kung sinubukan nitong patayin si Joshua. Sa mga sandaling ‘yun, naisip niya kung sino ang may lakas na loob na kagatin ang kamay ni Malcolm, ngunit ngayon at naisip niya na ito ng mabuti… Tumingin si Luna sa chikinini sa leeg ni Heather. Ang lalaking kasama ni Heather ng buong gabi… Ang sagot ay nasa isip na ng lahat. Gayunpaman, sila lang ni Jim ang nakasalubong ni Malcolm nang umuwi sila ng bahay, at hindi si Char
Magbasa pa

Kabanata 1550

Paano nagawa ni Malcolm na… Sa mga sandaling ito, hindi na iniisip ni Luna na si Malcolm ay isang mabait at maamong lalaki na tulad ng dati. Agad siyang tumingin kay Heather, na siyang nakaluhod sa sahig. Hindi niya alam kung sinasadya ito ni Heather o hindi, pero sa mga sandaling ito, lumipat ng pwesto ang kwelyo ni Heather, nakita ang maraming chikinini sa collarbone at leeg niya. Kasabay nito, nakataas ang mga manggas niya, nakita ang chikinini sa braso niya. Mula sa mga bakas sa katawan niya, halata na marahas na gabi ang naganap kagabi sa kanilang dalawa ni Malcolm. Nilagay ni Charles ang kamay niya sa noo niya dahil sa galit. Hindi niya inaasahan na… Hindi niya inaasahan na maraming nangyari sa Landry Mansion habang malayo siya at nasa tabi ni Rosalyn kagabi, kinakausap ito habang hawak ang kamay. Pumikit siya at inutos niya sa butler ng may mahinang boses, “Ipakita mo sa akin ang security footage kagabi!” Tumango ang butler at mabilis niyang inutusan ang isan
Magbasa pa
PREV
1
...
153154155156157
...
308
DMCA.com Protection Status