Tumahimik ang buong kwarto. Tumigas ang katawan ni Luna nang marinig niya ito. Sino ang tao na kumontra sa epekto ng gamot kay Heather? Babae ang lahat ng katulong na nagtatrabaho ng gabi sa Landry Mansion, at ang lahat ng security guard ay umikot sa bahay, kaya’t hindi sila papasok ng bahay ng walang permiso.” Kaya naman, ang tanging tao na makakagawa nito ay… Naalala ni Luna na dinala si Malcolm palabas ng bahay sa tulong ng katulong nitong umaga. Naalala niya ang maliit na bakas ng kagat sa kamay ni Malcolm nang huminto siya para tanungin si Malcolm kung sinubukan nitong patayin si Joshua. Sa mga sandaling ‘yun, naisip niya kung sino ang may lakas na loob na kagatin ang kamay ni Malcolm, ngunit ngayon at naisip niya na ito ng mabuti… Tumingin si Luna sa chikinini sa leeg ni Heather. Ang lalaking kasama ni Heather ng buong gabi… Ang sagot ay nasa isip na ng lahat. Gayunpaman, sila lang ni Jim ang nakasalubong ni Malcolm nang umuwi sila ng bahay, at hindi si Char
Paano nagawa ni Malcolm na… Sa mga sandaling ito, hindi na iniisip ni Luna na si Malcolm ay isang mabait at maamong lalaki na tulad ng dati. Agad siyang tumingin kay Heather, na siyang nakaluhod sa sahig. Hindi niya alam kung sinasadya ito ni Heather o hindi, pero sa mga sandaling ito, lumipat ng pwesto ang kwelyo ni Heather, nakita ang maraming chikinini sa collarbone at leeg niya. Kasabay nito, nakataas ang mga manggas niya, nakita ang chikinini sa braso niya. Mula sa mga bakas sa katawan niya, halata na marahas na gabi ang naganap kagabi sa kanilang dalawa ni Malcolm. Nilagay ni Charles ang kamay niya sa noo niya dahil sa galit. Hindi niya inaasahan na… Hindi niya inaasahan na maraming nangyari sa Landry Mansion habang malayo siya at nasa tabi ni Rosalyn kagabi, kinakausap ito habang hawak ang kamay. Pumikit siya at inutos niya sa butler ng may mahinang boses, “Ipakita mo sa akin ang security footage kagabi!” Tumango ang butler at mabilis niyang inutusan ang isan
Nawala ang kulay sa mukha ni Luna, na natatakpan sa likod ni Jim. Pinagsalikop niya ang kanyang mga kamay at iniangat ang kanyang ulo para titigan si Granny Quinn. "Granny Quinn, I think hindi na matutuloy ang kasal na ito." "Anong ibig mong sabihin, hindi na matutuloy ang kasal na ito?" Umismid si Granny Quinn at tinitigan si Luna. "Hindi mo ba alam kung gaano karaming pagsisikap ang ginawa namin para iligtas ka anim na taon na ang nakakaraan?" Habang sinasabi niya ito, inismiran niya si Luna ng masama, "Sa simula pa lang, hindi na kita nagustuhan, ngunit handa si Malcolm na ipagpaliban ang pakikipag-ugnayan niya para sa iyo at iginiit na alagaan ka at maging ang tatlong maliliit na pilyong anak mo! "Ngayong naging pangalawang anak ka na ng pamilya Landry, gusto mo nang alisin ang Malcolm namin sa isang mababaw na dahilan na ganoon lang? Managinip ka!" "Isang mababaw na dahilan?" Pinikit ni Jim ang mga mata at malamig na tinitigan si Granny Quinn. "Dumating ang apo mo sa bahay
Pagkasabi pa lang nito ni Malcolm ay kumunot ang noo ni Granny Quinn. "Payag ka ba talagang pakasalan itong babaeng ito na walang kwenta? Alam mo ba na—" Bago niya matapos ang kanyang pangungusap, pinaulanan siya ni Malcolm ng nakamamatay na tingin na nagpatahimik sa kanya. "Hayaan na lang nating ganyan." Inangat ni Malcolm ang kanyang ulo para sulyapan si Charles. "Gayunpaman, Mr. Landry, ang aking isip ay medyo magulo ngayon, kaya mahirap para sa akin na tanggapin ang balitang ito…” “Sa tingin ko, mas mabuting ipagpaliban muna ang kasal namin ni Heather." Mabilis na idinagdag ni Granny Quinn, "Oo, oo, ipagpaliban muna natin ang kasal hangga't kaya natin.” "Siguro sa lalong madaling panahon, ang iyong mahal na Heather ay mabubuntis din sa isang hindi kilalang anak ng lalaki...at maaaring kailanganin ulit nating kanselahin ang kasal!" Nabalot ng katahimikan ang buong silid nang marinig iyon. Pinikit ni Jim ang kanyang mga mata. "Ano ang iyong ipinahihiwatig? Sino ang sina
Ang paliparan. Mahinang nakasandal si Nigel sa upuan ng kanyang wheelchair habang matamang nakatingin sa direksyon ng pasukan. Napabuntong-hininga si Neil habang nakahawak sa kamay niya. "Nigel, wag na tayong maghintay. Dapat sumakay na tayo sa eroplano." Kasama noon, sumulyap siya sa entrance at idinagdag, "Kung makakapunta si Mommy, hindi sana siya nagpakita sa kinaroroonan ni Uncle Christopher kagabi. Baka...may sarili siyang problemang dapat harapin." Napakagat labi si Nigel nang marinig niya ito, ngunit nakatutok pa rin ang tingin niya sa entrance sa di kalayuan. Sana makita niya si Mommy, kahit isang sulyap lang sa kanya. Dati, masyado siyang nagmamalasakit sa kanila noon, kaya paano niyang hahayaan na umalis sila nang hindi man lang nagpapaalam? Sa pagkakataong ito, kung magiging maayos ang lahat, babalik ang tatlong bata sa Banyan City at hindi na babalik sa Merchant City. Higit pa rito, hinding-hindi papayag ang pamilya Landry na pumunta rin si Luna sa Banyan C
Inangat ni Luna ang kanyang ulo. Ang hinugis na mukha sa harapan niya ay walang iba kundi kay Joshua. Tinitigan siya ni Joshua na naglalaro sa mga labi niya ng panunuya. "Ang eroplanong ito ay dapat na lumipad dalawang oras na ang nakalipas, ngunit ang mga bata ay patuloy na nang-abala sa akin na hintayin ka, at ito ay nakakuha pa ng dalawang oras ng oras ni Jude. "Kanina ka pa tumatawag at nagtetext ni Nigel hanggang sa naubusan ng battery ang phone niya." Ibinaba niya ang kanyang ulo upang silipin ang oras at idinagdag,”Dalawang oras, pero dalawampung minuto lang mula Landry Mansion papunta sa airport. Hindi ko akalain na magiging ganito ka kaabala pagkatapos mong bumalik sa pamilya Landry, Ms. Luna." Noong nakaraang gabi, nang mahimatay si Nigel, nangako si Luna kay Nellie na bibisitahin niya sila sa Swan Lake Chalet, ngunit hindi niya tinupad ang kanyang pangako. Gusto siyang makita ng tatlong bata sa huling pagkakataon bago umalis sa Merchant City, ngunit na-miss niya
Kinansela nga ba ni Luna ang engagement nila ni Malcolm? Kumunot ang noo ni Joshua at matamang tinitigan si Lucas. "Anong nangyari?" "Hindi ako sigurado sa mga detalye, ngunit parang...Si Master Quinn ay sumiping kay Heather Landry, at nagalit si Ma'am tungkol dito, kaya nagpasya siyang huwag nang ipagpatuloy ang kasal. "Gayunpaman, magkatipan na sina Malcolm at Heather, kaya ang mga pamilyang Quinn at Landry ay magiging mag-biyenan pa rin." Pinikit ni Joshua ang kanyang mga mata. "Kailan ito nangyari?" "Ngayong umaga!" Ngayong umaga? Nanigas ang buong katawan ni Joshua. Ito ba ang dahilan kung bakit hindi dumating si Luna para ihatid ang mga bata? Dahil ba naging abala siya sa pagharap dito? Natahimik sandali si Joshua, pagkatapos ay nag-utos, "Driver, tapakan mo ang gasolina at habulin mo ang sasakyan ni Jim Landry!" Mabilis na pinaandar ang sasakyan. Nang sumibad ang sasakyan palabas sa parking lot, hindi pa rin masyadong nakakalayo ang sasakyan ni Jim. Inapa
Napangisi si Joshua at sumagot, "Well, basta’t kasama kita, Kaya kong uminom kahit gaano karami mo gusto." Napakagat labi si Lucas at sumulyap kay Joshua na may pag-aalala. May gusto sana siyang sabihin, pero sa huli, itinikom niya ang kanyang bibig. Alam niyang mahina ang tiyan ni Joshua at nangako siya kay Ma'am noon na hindi na siya iinom, pero... Alam ni Lucas na hindi mahalaga kay Joshua ang kanyang mga opinyon, kaya wala siyang masabi sa alinman dito. Sa halip, tinapunan niya ng makahulugang tingin si Luke habang nakapikit si Joshua, humudyat sa kanya na huwag painumin ng sobra si Joshua sa gabi. Dumating ang kinagabihan. Noong gabing iyon, naranasan ni Joshua ang pamilyar na pananakit ng tiyan na matagal na niyang hindi naramdaman at dinala siya sa ospital. Kasabay nito, isang minivan ang huminto sa Landry Mansion sa kalaliman ng gabi.… Makalipas ang walong buwan. Ang isang maliit na bakuran sa labas ng Merchant City ay sinindihan ng matingkad na ilaw. Nakahi
Kumunot ang noo ni Luna nang marinig niya ito.Kailangan niyang itago si Gwen kapag bumisita si John sa kanila. Kasabay nito, kailangan niya ng ibang tao para magpanggap na si ‘Andie Larson’.Habang iniisip ito, nagbuntong hininga si Luna at tumingin siya ng makahulugan kay Tara.Naintindihan ito ni Tara at tumango siya, pagkatapos ay naglakad siya pabalik ng elevator kasama si Luna.Nang sumara ang pinto, nagbuntong hininga si Tara at sinabi niya ng pagod na tono, “Salamat sa Diyos at nabigo si Robyn ng memorya niya. Kung hindi, sira na ang lahat ng plano natin.”Tumango si Luna. Pagkatapos, tumingin siya kay Tara at tinanong niya, “Oo nga pala, paano nagkakilala si John at ang tatay ni Gwen?”Kahit na si Andy ay dinala ng mga tauhan ni Tyson sa Sharnwick City. Paano napunta sa parehong kwarto si John at sumalo pa siya ng bala para dito?Kinidnap rin ba si John ng mga taong ito? Kung ganun, bakit nila ito ginawa?Nang mabanggit ito, nagbuntong hininga si Tara at nagpaliwang si
Sumilip si Luna sa crack mula sa pinto.May suot na hospital gown si John, nakaupo ito sa kama at kumakain habang kausap si Robyn. “Sinabi ba talaga ‘yun ni Miss Moore?”Tumango si Robyn. “Nakasalubong ko rin sa elevator ‘yung babae na bumili ng tanghalian na ito kanina. Hindi ka maniniwala, konektado din siya kay Miss Moore! Magpinsan sila sa kasal!”Huminto ang kamay ni John, halata na nabigla siya. Tumawa siya at tinanong niya, “Talaga? Nagkataon nga naman.”“Tama ka! Maliit ang mundo natin!” Tumango si Robyn. “Hindi lang ‘yun, pero dahil magpinsan sila sa kasal, may koneksyon din siya sa lalaking niligtas mo kagabi. Sa tingin ko ay ang pangalan niya ay…”Napatalon ang puso ni Luna sa lalamunan niya nang marinig niya ito.Nagkaroon siya ng isang malaking pagkakamali. Hindi niya sana babanggitin ang pangalan ni Gwen kung alam niya lang na si John ang lalaking nagligtas sa tatay ni Gwen!Malapit na masira ang sikreto nila!Habang iniisip ito, hindi niya mapigilan na tumingin k
Tumaas ang mga kilay ni Luna kay Tara. “Sinasabi mo ba na anim na buwan mo nang alam ang tungkol kay Anne at John?”Tahimik ng ilang sandali si Tara bago siya tumango. “Oo.”Huminga siya ng malalim at tumitig siya ng seryoso kay Luna. “Dati, ang lahat lang ng alam ko tungkol sayo ay pinakasalan mo ang pinsan ko at biniyayaan kayo ng triplets. Nabalitaan ko rin na sa isang punto, naging malapit ka kay Christian, pero wala na akong ibang impormasyon maliban dito. Isang araw, sinabi ng tita ko sa akin na ikaw, ang asawa ng pinsan ko, ay walang iba kundi si Moon, ang paboritong jewelry designer ko.”“Simula nang matuklasan ko ito, napunta ang atensyon ko sayo at naghanap ako ng mga balita tungkol sayo. Dahil dito, alam ko ang tungkol sa murder at trial mo, kaya alam ko ang tungkol kela Anne at John.”Lumaki ang mga mata ni Luna sa gulat.Hindi siya makapaniwala na si Tara ay palihim na isa sa mga fans niya, sa punto na binabantayan nito ang balita tungkol kay Luna kahit na nakatira si
Matagal na natulala si Luna.Sa huli, bumalik siya sa sarili at humawak siya ng sabik sa braso ni Robyn. “Sinasabi mo ba na ang kapatid mo ang nagligtas sa lalaki na hinahanap ng lahat sa buong bayan?”Hindi inaasahan ni Robyn ang reaksyon ni Luna. Napaatras siya sa takot at tumango siya. “O… Oo.”Bakit sabik si Luna na marinig ito?Kumunot ang noo niya at tinanong niya, “Miss, kilala… mo ba ang kapatid ko? O may koneksyon kayo sa matandang lalaki kagabi?”Sasagot sana ng oo si Luna sa mga tanong na ito nang sumingit si Tara. “Syempre may koneksyon siya sa matandang lalaki. Asawa siya ng pinsan ko, kaya may koneksyon siya sa matandang lalaki na niligtas ng kapatid mo. Sabik lang siya na makilala ang lalaki na lumigtas sa buhay ng matandang lalaki.”Pagkatapos, tumingin siya kay Luna. “Hindi ba, Luna?”Napahinto ng ilang sandali si Luna, pagkatapos ay tumango siya. “Oo, masaya lang ako na ligtas siya ngayon.”Pagkatapos, lumingon siya para tumitig ulit kay Robyn. “Kamusta na ang
“Um…”Ngunit, bago pa sumagot si Tara, sumingit si Robyn. “Hindi ba’t sinabi ko sayo na ang kapatid ko ay nabaril? Ito ay dahil pinoprotektahan niya ang isang matandang lalaki kagabi.”“Nakidnap silang pareho, at ang lalaki na ‘yun ay papatayin dapat ng kidnapper. Kung hindi humarang ang kapatid ko para iligtas ang lalaking ‘yun, patay na dapat siya ngayon.”“Si Miss Moore ay ang kamag anak ng lalaki at pumunta siya dito para pasalamatan kami.”Pagkatapos, pinakita niya ang card kay Luna at sinabi niya, “Gusto niya kaming bigyan ng gantimpala kapalit ng kabaitan ng kapatid ko. Desperado kami sa pera, pero ayaw itong tanggapin ng kapatid ko. Ayaw niyang isipin ng iba na may ibang rason ang kabaitan niya.”Napahinto si Luna nang marinig niya ito. Kumunot ang noo niya, tumingin siya kay Tara. “Ang ‘kamag-anak; na ito ay ang tatay ni Gwen, hindi ba?”Alam ni Luna ang tungkol sa nangyari kagabi. Dahil niligtas ng mga tauhan ni Joshua si Andy kagabi at ang kapatid ni Robyn ay nabaril d
“Hindi ko kailangan ng special treatment.” Ngumiti si John kay Tara. “Ang gusto ko lang ay ang isang oportunidad para sumama.”Kumunot ang noo ni Tara dahil dito, ngunit wala siyang sinabi. Sa huli, tumalikod siya at umalis na siya ng kwarto.Sa kanyang ikinagulat, nakasalubong niya si Luna, na siyang kakalabas lang ng elevator.Nabigla din si Luna na makita si Tara.Siguradong si Tara, na siyang obsessed kay Joshua, ay nasa Moore Group dapat kasama si Joshua, nagpapalipas ng oras kasama ang paboritong ‘pinsan’ nito. Bakit pala nasa hospital si Tara?“Hello, Luna.” Ngumiti ng nahihiya si Tara nang makita niya si Luna.Kumunot ang noo ni Luna at tumingin siya ng malamig kay Tara. “Ano ang ginagawa mo dito?”Nandito ba si Tara para makita si Gwen? Hindi niya maintindihan; hindi kilala nila Tara at Gwen ang isa’t isa. Bakit bibisita si Tara kay Gwen?Huminto si Tara, ngunit bago pa siya makagawa ng dahilan, tumunog ang boses ni Robyn sa likod niya. “Miss Moore!”Tumakbo si Robyn
Bumangon si John mula sa kama nang mabanggit ang matandang lalaki. Pagkatapos ay tumitig siya ng nakakunot ang noo kay Tara. “Ayos lang ba siya? Nawalan ako ng malay pagkatapos akong mabaril kagabi, kaya hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanya. Naaalala ko na dumating ang mga tauhan niyo sa oras… Ayos lang ba siya ngayon?”Kahit na ang ginawa ng matandang lalaki ang rason kung bakit nabaril si John, naiintindihan ni John ang pananaw ng lalaking ito. Pagkatapos makulong ng maraming araw, hindi nakakapagtaka na magiging balisa ito na makatakas.Hindi mapigilan ni John na isipin na kung ang lalaking ito ay nakakuha ng sakit mula sa pagkakakulong, lalo na at matanda at mahina na ito.Kumunot ang noo ni Tara nang mapansin niya na nag aalala si John. Mukhang hindi nagpapanggap si John sa pag aalala niya.Ayon kay Joshua, hindi alam ni John na ang lalaking niligtas niya ay ang tatay ni Gwen. Base sa reaksyon ni John, alam na ni Tara na tama si Joshua.Ngumiti si Tara at sumagot siya
Hindi kaya’t sinasabi ni John ang katotohanan?Habang iniisip ito, tumingin ulit si Tara kay Robyn.Medyo kinakabahan si Robyn habang sinusuri ng ganito. Nahihiya siyang tumawa at sinabi niya, “Nice to meet you, Miss Moore. Ako ang kapatid ni John, si Robyn.”Pagkatapos, tinaas niya ang kamay niya kay Tara.Kumunot ang noo ni Tara habang kinamayan niya si Robyn. “Nabalitaan ko na may sakit ka?”Tumigas ang kamay ni Robyn. Nakalimutan niya ang tungkol sa instructions ni John!Ngumiti siya, sinubukan niyang maging kalmado. “Opo. Nagkaroon ako ng kakaibang sakit at humihina ang katawan ko, at kailangan ko ng surgery para mabuhay.”Pagkatapos, lumingon siya para tumingin ng masama kay John. “Sinabi mo ba ito sa lahat? Hindi ba’t sinabi ko sayo na ‘wag mo ipagkalat ang tungkol sa sakit ko?”Tumawa si John. “Malalaman din naman ni Miss Moore ang tungkol dito dahil magkakasama kami sa trabaho.”Medyo naabala si Tara dahil dito. Pinadala siya ni Joshua para bantayan si John at malaman
“Ayos lang. Hindi ko siya niligtas para sa pera.” Ngumiti si John habang tinaas niya ang kamay niya para kunin ang kutsara at tinidor mula kay Robyn.Nagtataka rin siya tungkol sa binanggit ni Robyn, ngunit sa katotohanan, hindi siya nagsisi sa desisyon niya. Kahit na pumunta siya doon para sa pera, hindi ito ang motibasyon niya noong tumalon siya sa harap ng bala.Ginawa niya ito ng hindi nag iisip. Kahit na ibalik niya ang oras, ililigtas niya pa rin ang lalaking ‘yun ng hindi nagdadalawang isip.Nagbuntong hininga si Robyn at tumingin siya kay John. “Pero John… makakapunta ka pa ba sa public bid sa katayuan mo ngayon?”Namutla si John dahil dito. Makalipas ang ilang sandali, ngumiti siya kay Robyn at sinabi niya, “Syempre naman. Ang balikat ko lang ang nasaktan, hindi ang utak ko, kaya makakapag trabaho pa rin ako tulad ng dati at makapag handa ako para sa bid. ‘Wag kang mag alala. Alagaan mo na lang sina Anne at Sammie, at ako na ang bahala sa lahat.”Pagkatapos, tumingin siya