Tumalikod siya at tumingin siya kay Heather at nagpatuloy siya, “Pumunta na ako sa Merchant CIty para makita ang tunay na mga magulang ko, hindi ba’t dapat ay bisitahin mo rin ang tunay na mga magulang mo?” Sumingkit ang mga mata niya at sinabi niya habang nakadiin ang ngipin, “Bibisitahin ko sila kapag may oras na ako.” Muling tumingin si Luna sa labas ng bintana. Nakita niya ang kotse ni Jim na nakapark sa labas ng gate. Nang makita niya ito, nakahinga na ng maluwag si Luna. Habang nakatayo sila sa labas ng kwarto kanina, tinawagan niya ang number ni Jim habang nilagay niya ang phone niya sa bulsa niya. Narinig ni Jim ang pag uusap nila at alam niya na umiinom si Heather kasama ni Luna sa kwarto nito. Naramdaman ni Luna na gumaan ang pakiramdam niya nang makita niya na lumabas ng kotse ni Jim. Alam niya na hindi siya makakatakas sa pagkukumbinsi ni Heather, at klaro na may ibang motibo si Heather kaya’t inimbita niyang uminom si Luna. Ngunit, may tutulong din sa kan
Lumingon si Heather habang nakaupo at tumingin siya ng masama kay Jim. “Ayaw ko nang uminom, hindi mo ako pwedeng pilitin!” Ngumisi si Jim. “Pilitin?” Tumingin siya ng malamig sa mukha ni Heather at sinabi niya, “Hindi ba’t ikaw ang pumipilit kay Luna na uminom kanina? Bakit sinasabi mo na pinipilit kita kung pareho lang ang ginagawa ko sa ginagawa mo?” Naubos ang kulay sa mukha ni Heather. Sinabi niya habang nanginginig ang mga labi niya, “Bi—Biglang sumama ang pakiramdam ko…” “Hindi ba’t sinabi mo na may gagawin ka ngayon?” Nilapag ni Jim ang baso ng wine sa harap ni Heather. “Kanina, kinumbinsi mo si Luna na uminom sa kwarto niya, pero ngayon ay gumagawa ka ng mga dahilan para tanggihan ang alak…” Tumingin siya sa dalawang bote ng wine na hinalo sa loob ng garapon at ngumisi siya. “Dahil ba nilagyan mo ng gamot ang isa sa mga bote, kaya’t ayaw mo itong inumin ngayon?” Pagkatapos, nilabas niya ang phone niya at sinabi niya, “Kung ganun, tatawagan ko si tatay. Ipapakita ko
Tumingin si Luna sa lasing na si Heather na nakahiga sa sahig, inutusan niya ang isang katulong na dalhin si Heather sa kwarto, pagkatapos ay tumingin siya kay Jim. “Pwede mo ba akong ilabas para maglakad?” Tumango si Jim, nagsuot siya ng jacket kay Luna, pagkatapos ay dinala niya ito sa pinto. Sa loob ng kwarto sa ikalawang palapag, may lasing na Heather na nakasandal sa bintana, pinapanood na umalis ang kotse ni Jim, minura niya ito ng mahina, “Walang hiya siya para sirain ang mga plano ko!” Pagkatapos, nilabas niya ang phone niya at tumawag siya sa number ni Malcolm. “Lasing na si Luna at nasa kwarto na siya, dalian mo!” Ngumiti si Malcolm. “Sige.” Akala niya noong una ay walang pag asa na magtagumpay si Heather na lasingin si Luna, pero sa huli… Masyadong mabigat siguro ang loob ni Luna dahil sa nangyari kay Rosalyn, kaya’t uminom siya kasama si Heather. Ngumiti si Malcolm. Habang papunta siya sa Landry Mansion, nilunok niya ang pill na hinanda ni Hunter para sa kanya
Yumakap si Luna kay Bonnie. Magkayakap ang dalawang babae, at pagkatapos himasin ang mukha ng isa’t isa at magbiruan tungkol sa pagbaba ng timbang nila, tumingin si Luna kay Jim. “Bonnie, sabi ni Jim masakit daw ang ulo niya, bakit hindi mo siya bigyan ng masahe?” Kumunot ang noo ni Bonnie at tumingin siya sa lalaking ito, na matagal niya nang hindi nakita, at ngumisi siya. “Kung masakit ang ulo mo, Mr. Landry, maipapayo ko na pumunta ka sa hospital.” “Bagay lang ang mga teknik ko sa pagmasahe sa mga normal na tao.” Pinapahiwatig niya na hindi normal si Jim. Sumingkit ang mga mata ni Jim. Tumigas ang kamay niya na nakahawak pa rin sa door handle bago niya ito sinara ng malakas. Noong una, gusto niyang umalis pagkatapos ihatid si Luna sa bahay, pero nang marinig niya ito, ayaw niya nang umalis. Tumitig siya kay Bonnie at sinabi niya, “Kung ganun, ayaw kong pumunta sa hospital. Gusto kong ienjoy ang masahe ni Ms. Craig na pang ‘normal na tao’ daw.” Pagkatapos, pumasok siy
“Kapag hindi mo pinanagutan ang ginawa mo ngayong araw, papatayin ko ang buong pamilya mo—” Bago pa siya matapos magsalita, tinakpan ang bibig niya gamit ang mga labi ni Jim, at umungol lang siya para sumagot. Tumunog ang mababang boses ni Jim, “Pananagutan kita ng habang buhay!” Tumigas ang buong katawan ni Luna. Huminto sa ere ang kamay niya na kakatok sana sa pinto. Makalipas ang ilang saglit, tumalikod siya at bumaba siya ng hagdan, namumula ang mukha niya at pumasok siya sa kotse para pagaanin ang loob ni Luna mula sa phone. “Mr. Driver, sa Swan Lake Chalet, dali!” Sa biyahe mula Tea Cottage papunta sa Swan Lake Chalet, nakasandal lang si Luna sa backseat at nakatitig sa labas ng bintana, magulo ang isip niya. Nag aalala siya kela Nigel at Nellie. Sa kabilang palad, hindi niya mapigilan na isipin na mali na dinala niya si Jim sa lugar ni Bonnie. May anak na si Jim, bukod pa dito, narinig ni Luna kay Harvey na may first love si Jim na hindi niya pa nakakalimuta
Nang makarating ang kotse ni Luna sa Swan Lake Chalet, may itim na kotse na nakapark sa entrance. Bumukas ang pinto ng kotse. Ang taong lumabas sa kotse ay walang iba kundi si Joshua, nakasuot siya ng itim. Kahit na isang araw pa lang silang hindi nagkita, hindi mapigilan na isipin ni Luna na mas mukhang pagod si Joshua kaysa sa pagkakaalala ni Luna. Hindi nakapag ahit si Joshua, at tila nabawasan siya ng timbang. Tumakbo si Joshua papunta sa bahay habang sinisigaw ang pangalan ni Nellie. Makalipas ang ilang saglit, tumunog ang umiiyak na boses ni Nellie sa yard, “Daddy—” “Nakauwi na po kayo! Dali po, tingnan niyo po si Nigel!” Sa mga sandaling ito, may isa pang kotse na huminto sa harap ng Swan Lake Chalet. Pumasok ng bahay si Christopher, hawak niya ang isang first-aid kit. Sa likod niya, may maliit at chubby na kamay na nagbukas ng pinto ng kotse. May batang babae na mukhang anim na taong gulang pa lang na may tradisyonal na damit, na lumabas ng kotse. Gusto ni
Nagbuntong hininga si Christopher habang sinubukan niyang gumawa ng gamot na makakatulong kay Nigel. “Dati nang hindi maganda ang kalusugan niya, at kahit na nakatanggap siya ng bagong bone marrow, hindi ibig sabihin nito ay habang buhay nang mareresolba ang problema niya. Kailangan niya pa rin itong imaintain.” “Halata na sa mga nakalipas na panahon, pareho kayong busy ni Luna na hindi niyo siya nadala sa mga follow-up appointment niya.” “At base sa sitwasyon siya ngayon, mukhang masyado siyang nag aalala nitong nakaraan… Baka nag aalala siya masyado sa inyo ni Luna.” Pagkatapos, tumingin si Christopher sa maputlang mukha ni Nigel at nagpatuloy siya, “Mula sa obserbasyon ko, si Nigel ang pinakamature sa tatlong bata, at tuwing may mangyayari, kaya niyang pagaanin ang loob ng mga kapatid niya.” “Dahil dito, akala ko ay hindi siya malapit sa inyo ni Luna, di tulad ng dalawa, pero hindi ko inaasahan na ang isang batang lalaki na tulad niya ay mag-aalala ng sobra sa problema ng da
Naramdaman ni Luna na lumamig ang buong katawan niya nang marinig niya ang mga sinabi ni Nellie. Gusto niyang lumapit para yakapin si Nellie at sabihin niya na nandito na si Mommy. Gayunpaman… Wala siyang magawa kundi tumalikod at punasan ang mga luha niya. Napansin ni Mrs. Lincoln na kakaiba ang kinikilos ni Luna at agad niyang sinabi na lalabas sila ni Luna para magdala pa ng maraming gamot kay Christopher. Pagkatapos, hinila niya palabas ng yard si Luna. Paglabas nila, narinig ni Luna ang boses ni June, “Uncle Joshua, dumating na po ang Mommy ni Nellie kanina.” “Noong nasa labas po ako, nakita ko po ang kotse na mukhang kay Uncle Jim. Nandoon po kaya ang Mommy ni Nellie sa kotse?” Mas kinabahan si Luna nang marinig niya ito. Pagkatapos dalhin sa labas ng yard, mabilis siyang pumasok ng kotse na nakapark sa labas at sinabi niya, “Dali, Mr. Driver, umalis na tayo!” Pagpasok niya ng backseat, binaba niya ang partition at umiyak siya habang nagpalit siya ng damit. Is
Kumunot ang noo ni Luna nang marinig niya ito.Kailangan niyang itago si Gwen kapag bumisita si John sa kanila. Kasabay nito, kailangan niya ng ibang tao para magpanggap na si ‘Andie Larson’.Habang iniisip ito, nagbuntong hininga si Luna at tumingin siya ng makahulugan kay Tara.Naintindihan ito ni Tara at tumango siya, pagkatapos ay naglakad siya pabalik ng elevator kasama si Luna.Nang sumara ang pinto, nagbuntong hininga si Tara at sinabi niya ng pagod na tono, “Salamat sa Diyos at nabigo si Robyn ng memorya niya. Kung hindi, sira na ang lahat ng plano natin.”Tumango si Luna. Pagkatapos, tumingin siya kay Tara at tinanong niya, “Oo nga pala, paano nagkakilala si John at ang tatay ni Gwen?”Kahit na si Andy ay dinala ng mga tauhan ni Tyson sa Sharnwick City. Paano napunta sa parehong kwarto si John at sumalo pa siya ng bala para dito?Kinidnap rin ba si John ng mga taong ito? Kung ganun, bakit nila ito ginawa?Nang mabanggit ito, nagbuntong hininga si Tara at nagpaliwang si
Sumilip si Luna sa crack mula sa pinto.May suot na hospital gown si John, nakaupo ito sa kama at kumakain habang kausap si Robyn. “Sinabi ba talaga ‘yun ni Miss Moore?”Tumango si Robyn. “Nakasalubong ko rin sa elevator ‘yung babae na bumili ng tanghalian na ito kanina. Hindi ka maniniwala, konektado din siya kay Miss Moore! Magpinsan sila sa kasal!”Huminto ang kamay ni John, halata na nabigla siya. Tumawa siya at tinanong niya, “Talaga? Nagkataon nga naman.”“Tama ka! Maliit ang mundo natin!” Tumango si Robyn. “Hindi lang ‘yun, pero dahil magpinsan sila sa kasal, may koneksyon din siya sa lalaking niligtas mo kagabi. Sa tingin ko ay ang pangalan niya ay…”Napatalon ang puso ni Luna sa lalamunan niya nang marinig niya ito.Nagkaroon siya ng isang malaking pagkakamali. Hindi niya sana babanggitin ang pangalan ni Gwen kung alam niya lang na si John ang lalaking nagligtas sa tatay ni Gwen!Malapit na masira ang sikreto nila!Habang iniisip ito, hindi niya mapigilan na tumingin k
Tumaas ang mga kilay ni Luna kay Tara. “Sinasabi mo ba na anim na buwan mo nang alam ang tungkol kay Anne at John?”Tahimik ng ilang sandali si Tara bago siya tumango. “Oo.”Huminga siya ng malalim at tumitig siya ng seryoso kay Luna. “Dati, ang lahat lang ng alam ko tungkol sayo ay pinakasalan mo ang pinsan ko at biniyayaan kayo ng triplets. Nabalitaan ko rin na sa isang punto, naging malapit ka kay Christian, pero wala na akong ibang impormasyon maliban dito. Isang araw, sinabi ng tita ko sa akin na ikaw, ang asawa ng pinsan ko, ay walang iba kundi si Moon, ang paboritong jewelry designer ko.”“Simula nang matuklasan ko ito, napunta ang atensyon ko sayo at naghanap ako ng mga balita tungkol sayo. Dahil dito, alam ko ang tungkol sa murder at trial mo, kaya alam ko ang tungkol kela Anne at John.”Lumaki ang mga mata ni Luna sa gulat.Hindi siya makapaniwala na si Tara ay palihim na isa sa mga fans niya, sa punto na binabantayan nito ang balita tungkol kay Luna kahit na nakatira si
Matagal na natulala si Luna.Sa huli, bumalik siya sa sarili at humawak siya ng sabik sa braso ni Robyn. “Sinasabi mo ba na ang kapatid mo ang nagligtas sa lalaki na hinahanap ng lahat sa buong bayan?”Hindi inaasahan ni Robyn ang reaksyon ni Luna. Napaatras siya sa takot at tumango siya. “O… Oo.”Bakit sabik si Luna na marinig ito?Kumunot ang noo niya at tinanong niya, “Miss, kilala… mo ba ang kapatid ko? O may koneksyon kayo sa matandang lalaki kagabi?”Sasagot sana ng oo si Luna sa mga tanong na ito nang sumingit si Tara. “Syempre may koneksyon siya sa matandang lalaki. Asawa siya ng pinsan ko, kaya may koneksyon siya sa matandang lalaki na niligtas ng kapatid mo. Sabik lang siya na makilala ang lalaki na lumigtas sa buhay ng matandang lalaki.”Pagkatapos, tumingin siya kay Luna. “Hindi ba, Luna?”Napahinto ng ilang sandali si Luna, pagkatapos ay tumango siya. “Oo, masaya lang ako na ligtas siya ngayon.”Pagkatapos, lumingon siya para tumitig ulit kay Robyn. “Kamusta na ang
“Um…”Ngunit, bago pa sumagot si Tara, sumingit si Robyn. “Hindi ba’t sinabi ko sayo na ang kapatid ko ay nabaril? Ito ay dahil pinoprotektahan niya ang isang matandang lalaki kagabi.”“Nakidnap silang pareho, at ang lalaki na ‘yun ay papatayin dapat ng kidnapper. Kung hindi humarang ang kapatid ko para iligtas ang lalaking ‘yun, patay na dapat siya ngayon.”“Si Miss Moore ay ang kamag anak ng lalaki at pumunta siya dito para pasalamatan kami.”Pagkatapos, pinakita niya ang card kay Luna at sinabi niya, “Gusto niya kaming bigyan ng gantimpala kapalit ng kabaitan ng kapatid ko. Desperado kami sa pera, pero ayaw itong tanggapin ng kapatid ko. Ayaw niyang isipin ng iba na may ibang rason ang kabaitan niya.”Napahinto si Luna nang marinig niya ito. Kumunot ang noo niya, tumingin siya kay Tara. “Ang ‘kamag-anak; na ito ay ang tatay ni Gwen, hindi ba?”Alam ni Luna ang tungkol sa nangyari kagabi. Dahil niligtas ng mga tauhan ni Joshua si Andy kagabi at ang kapatid ni Robyn ay nabaril d
“Hindi ko kailangan ng special treatment.” Ngumiti si John kay Tara. “Ang gusto ko lang ay ang isang oportunidad para sumama.”Kumunot ang noo ni Tara dahil dito, ngunit wala siyang sinabi. Sa huli, tumalikod siya at umalis na siya ng kwarto.Sa kanyang ikinagulat, nakasalubong niya si Luna, na siyang kakalabas lang ng elevator.Nabigla din si Luna na makita si Tara.Siguradong si Tara, na siyang obsessed kay Joshua, ay nasa Moore Group dapat kasama si Joshua, nagpapalipas ng oras kasama ang paboritong ‘pinsan’ nito. Bakit pala nasa hospital si Tara?“Hello, Luna.” Ngumiti ng nahihiya si Tara nang makita niya si Luna.Kumunot ang noo ni Luna at tumingin siya ng malamig kay Tara. “Ano ang ginagawa mo dito?”Nandito ba si Tara para makita si Gwen? Hindi niya maintindihan; hindi kilala nila Tara at Gwen ang isa’t isa. Bakit bibisita si Tara kay Gwen?Huminto si Tara, ngunit bago pa siya makagawa ng dahilan, tumunog ang boses ni Robyn sa likod niya. “Miss Moore!”Tumakbo si Robyn
Bumangon si John mula sa kama nang mabanggit ang matandang lalaki. Pagkatapos ay tumitig siya ng nakakunot ang noo kay Tara. “Ayos lang ba siya? Nawalan ako ng malay pagkatapos akong mabaril kagabi, kaya hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanya. Naaalala ko na dumating ang mga tauhan niyo sa oras… Ayos lang ba siya ngayon?”Kahit na ang ginawa ng matandang lalaki ang rason kung bakit nabaril si John, naiintindihan ni John ang pananaw ng lalaking ito. Pagkatapos makulong ng maraming araw, hindi nakakapagtaka na magiging balisa ito na makatakas.Hindi mapigilan ni John na isipin na kung ang lalaking ito ay nakakuha ng sakit mula sa pagkakakulong, lalo na at matanda at mahina na ito.Kumunot ang noo ni Tara nang mapansin niya na nag aalala si John. Mukhang hindi nagpapanggap si John sa pag aalala niya.Ayon kay Joshua, hindi alam ni John na ang lalaking niligtas niya ay ang tatay ni Gwen. Base sa reaksyon ni John, alam na ni Tara na tama si Joshua.Ngumiti si Tara at sumagot siya
Hindi kaya’t sinasabi ni John ang katotohanan?Habang iniisip ito, tumingin ulit si Tara kay Robyn.Medyo kinakabahan si Robyn habang sinusuri ng ganito. Nahihiya siyang tumawa at sinabi niya, “Nice to meet you, Miss Moore. Ako ang kapatid ni John, si Robyn.”Pagkatapos, tinaas niya ang kamay niya kay Tara.Kumunot ang noo ni Tara habang kinamayan niya si Robyn. “Nabalitaan ko na may sakit ka?”Tumigas ang kamay ni Robyn. Nakalimutan niya ang tungkol sa instructions ni John!Ngumiti siya, sinubukan niyang maging kalmado. “Opo. Nagkaroon ako ng kakaibang sakit at humihina ang katawan ko, at kailangan ko ng surgery para mabuhay.”Pagkatapos, lumingon siya para tumingin ng masama kay John. “Sinabi mo ba ito sa lahat? Hindi ba’t sinabi ko sayo na ‘wag mo ipagkalat ang tungkol sa sakit ko?”Tumawa si John. “Malalaman din naman ni Miss Moore ang tungkol dito dahil magkakasama kami sa trabaho.”Medyo naabala si Tara dahil dito. Pinadala siya ni Joshua para bantayan si John at malaman
“Ayos lang. Hindi ko siya niligtas para sa pera.” Ngumiti si John habang tinaas niya ang kamay niya para kunin ang kutsara at tinidor mula kay Robyn.Nagtataka rin siya tungkol sa binanggit ni Robyn, ngunit sa katotohanan, hindi siya nagsisi sa desisyon niya. Kahit na pumunta siya doon para sa pera, hindi ito ang motibasyon niya noong tumalon siya sa harap ng bala.Ginawa niya ito ng hindi nag iisip. Kahit na ibalik niya ang oras, ililigtas niya pa rin ang lalaking ‘yun ng hindi nagdadalawang isip.Nagbuntong hininga si Robyn at tumingin siya kay John. “Pero John… makakapunta ka pa ba sa public bid sa katayuan mo ngayon?”Namutla si John dahil dito. Makalipas ang ilang sandali, ngumiti siya kay Robyn at sinabi niya, “Syempre naman. Ang balikat ko lang ang nasaktan, hindi ang utak ko, kaya makakapag trabaho pa rin ako tulad ng dati at makapag handa ako para sa bid. ‘Wag kang mag alala. Alagaan mo na lang sina Anne at Sammie, at ako na ang bahala sa lahat.”Pagkatapos, tumingin siya