Lahat ng Kabanata ng Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko: Kabanata 1381 - Kabanata 1390

3080 Kabanata

Kabanata 1381

Lumaki ang mga mata ni Luna sa gulat dahil sa nakita niya. Mabilis siyang nagsuot ng coat at slippers at bumaba siya. Pagpunta niya sa yard, hinahampas pa rin ni Hunter ng latigo ang likod ni Malcolm. Mahigpit ang hawak ni Malcolm sa dulo ng mesa at sinabi niya ng may namamaos na boses, “Kahit na bugbugin niyo ako hanggang mamatay… hindi ko pakakasalan si Luna. Hindi ako ang nasa puso niya, kaya’t tatanggi ako na magdusa siya…” “Hindi ko kailangan isakripisyo ang kaligayahan niya para bayaran niya ako sa pagligtas sa kanya. Ikakansela ko ang engagement. Ayaw ko siyang pakasalan!” Mas nagalit si Granny Quinn nang marinig niya ito. Tumingin siya kay Malcolm at sinabi niya ng galit, “Hunter! Hampasin mo siya ng mas malakas, pinakamalakas na kaya mo!” “Hindi kailangan ng pamilya Quinn ng isang walang kwentang tulad niya! Akala ko ay siya ang pinagmamalaki ng pamilya, pero sa oras na sinabi ko na pakasalan niya si Luna, sinubukan niyang tumakas, at naaksidente siya at hindi na s
Magbasa pa

Kabanata 1382

Matagal nang nagtataka si Luna… Tama ba na magsakripisyo siya para kay Joshua at magtaksil kay Malcolm? Alam na ni Luna ang sagot sa tanong na ito, ngunit hindi niya ito matanggap. “Luna.” Hinawakan ni Malcolm ang kamay ni Luna at sinabi niya ng may mahinang boses, “‘Wag kang kumilos at gumawa ng desisyon ng basta basta. Anong mangyayari kay Joshua kapag nagpakasal ka sa akin?” “Sinabi niya na iuuwi ka niya sa oras na matapos na siyang harapin ang pamilya Landry… May isang araw pa, dapat mo siyang hintayin…” “Hindi… Hindi mo na ako dapat isipin. Paralisado na ako…” Habang sinasabi niya ito, umubo siya at lumabas ang dugo sa bibig niya. “Hindi hahayaan ni Granny na saktan ako ni Hunter hanggang sa mamatay ako.” Tumulo ang mga luha sa mukha ni Luna nang marinig niya ito. Ang mga luha niya ay humalo sa dugo ni Malcolm habang umiling siya. “Ayaw ko nang maghintay!” Kahit na natapos na ni Joshua ang pakikipaglaban niya sa pamilya Landry, kahit na inuwi niya si Luna pabalik n
Magbasa pa

Kabanata 1383

Lumingon si Luna at tumitig siya sa mga mata ni Granny Quinn. “Syempre papayag po ako.” “Luna!” Si Malcolm, na nakadapa sa mesa, ay biglang nagalit nang marinig niya ito. Tiniis niya ang sakit sa buong katawan niya at hinawakan niya ang braso ni Luna. “Nababaliw ka na ba? Kapag naghost ng engrandeng seremonya, ibig sabihin ay matutuklasan din ito ni Joshua! Kapag nalaman niya ang lahat ng tungkol dito, mabibigla siya…” Kinagat ni Luna ang labi niya at inalis niya ang kamay ni Malcolm. Pagkatapos ay naglakad siya para hindi na muli siyang mahawakan ni Malcolm. “Malcolm, sapat na at isinasapuso mo ang mga kagustuhan ko, pero bakit mo rin isinasapuso ang mga nararamdaman ni Joshua?” “Nagsakripisyo ka na ng sobra para sa ibang tao. Dapat mo ring isipin ang sarili mo.” Pagkatapos, huminga siya ng malalim at tumitig siya kay Granny Quinn. “Granny, kayo na po ang bahala kung paano niyo gustong ihost ang engagement party bukas. Ngayon, hindi ako tatakas o babawiin ang pangako ko.” Tu
Magbasa pa

Kabanata 1384

“Kapag nakita po ni Ma’am na pagod at hindi kayo nakapag ahit, sasama po ang loob niya!” Tumango si Joshua, pagkatapos ay humiga na siya sa kama. Makalipas ang ilang sandali, narinig ni Lucas na naging maayos ang paghinga niya. “Ang bilis naman…” Huminga ng malalim si Lucas at naglagay siya ng isang jacket sa katawan ni Joshua. Sa sandali na makarating siya sa Merchant City, inatake na ni Joshua ang Landry Group ng walang konsiderasyon sa kahihinatnan nito. Hindi rin siya kumain ng ilang beses para maligtas niya si Luna mula sa pamilya Landry ng mas madaling panahon. Nakipagkasundo siya sa ilang miyembro ng pamilya Landry… at sa sobrang busy niya ay hindi man lang siya kumain o natulog. Maraming beses nang sinubukan ni Lucas na kumbinsihin si Joshua na kumain o matulog, ngunit nabigo siya. Nang mabanggit niya ang pangalan ni Luna, dito lang pumayag na magpahinga si Joshua. Kung sabagay, ayaw ni Joshua na mag alala si Luna para sa kanya. Pagkatapos isara ang pinto, huming
Magbasa pa

Kabanata 1385

“Imbitado ang lahat para sumama sa engagement party namin ni Malcolm ngayong gabi!” Ang nasa screen ay isang video clip ni Luna na nakasuot ng pula, nakangiti ng mabait sa camera. Tahimik na sumandal si Joshua sa pinto habang hinimas niya ang imahe ni Luna sa screen. “Peke ito. Peke ang lahat ng ito.” Peke siguro ang lahat ng ito! Plano siguro ito na ginawa ng mga pamilya Quinn at Landry! Sa sobrang desperado ba ng pamilya Landry na pinadala nila si Luna sa pamilya Quinn para sirain si Joshua? Pinadala nila si Luna sa pamilya Quinn para pilitin siya na iannounce ang engagement nila ni Malcolm! Hinagis ni Joshua ang phone sa sahig, pagkatapos ay nag suot siya ng coat at slippers bago siya pumunta sa pinto. “Lucas, ihanda mo ang kotse! Hahanapin ko ang pamilya Quinn at sasabihin ko sa kanila na ibigay sa akin si Luna!” Kinagat ni Lucas ang labi niya at hindi niya mapigilan na mapuno ng simpatya nang makita niya ang masamang itsura ni Joshua habang lumabas ito ng pinto. Ma
Magbasa pa

Kabanata 1386

“Pwede ko pong tawagin si Mrs. Quinn para sa inyo… Pero, naglalagay po siya ng dekorasyon sa yard ngayon, kaya’t baka medyo busy po siya.” Sa oras na marinig ito ni Joshua, mas nagalit pa siya lalo. Sinabi niya ng may malamig at walang ekspresyon na mukha, “Inutos ba ito sayo ng pamilya Quinn? Ang lakas ng loob mo para magsinungaling.” Pumayag lang si Luna na magpakasal kay Malcolm dahil tinakot siya, kaya’t paano siya naglalagay ng dekorasyon ng sarili niyang desisyon? Higit pa dito, paano siya papayag na tawagin siyang Mrs. Quinn? Gumulong ang mga mata ng katulong kay Joshua at sinagot nito, “Ano po ang ibig niyong sabihin, nagsisinungaling ako?” Pagkatapos, inutusan niya ang isa sa mga batang katulong para tawagin si Luna, “Tawagin mo si Mrs. Quinn dito. Sabihin mo sa kanya na may tao na gustong gumawa ng gulo!” Si Joshua, na hindi pa nakapag pahinga ng halos isang linggo, naramdaman niya na para bang mabibiyak na ang ulo niya. Sumandal siya sa poste sa entrance ng Quinn
Magbasa pa

Kabanata 1387

Nabigla si Joshua sa malamig na pag uugali at walang emosyon na tono ni Luna. Umatras si Joshua at tumitig siya kay Luna, malungkot at hindi siya makapaniwala. Pagkatapos, hirap at namamaos niyang sinabi, “Luna… Ikaw…” Ito ang unang beses na nakita ng kahit sino ang pagkabalisa sa mukha ni Joshua. “Nagbibiro ka, hindi ba?” Siya… Paanong hindi siya sasama kay Joshua para umalis? Bakit niya pipiliin na sumama at magpakasal kay Malcolm? Hindi ba’t nangako si Joshua na iuuwi niya ngayong araw si Luna? May tatlong anak sila na magkakasama, at ang maraming taon na hindi pagkakaunawaan ay natapos na sa pagitan nila. Marami pa siyang magagawa para bawiin ang mga pagkakamali niya… Bakit biglang nagdesisyon si Luna na magpakasal kay Malcolm? Huminga ng malalim si Luna at lumingon siya para tumitig kay Joshua ng may malamig na ekspresyon. “Sa tingin mo ba ay nagbibiro ako, Mr. Lynch?” Tumitig siya sa gwapong mukha ni Joshua, pati ang pagod sa mukha nito, at biglang nagdalawa
Magbasa pa

Kabanata 1388

Gayunpaman, naalala pa rin ni Joshua ang sinabi ni Luna na prayoridad niya ang paghihiganti kaysa kay Luna. Huminga ng malalim si Joshua at sinabi niya, “Luna, mali siguro ang pagkakaunawa mo sa akin… Para sa akin, mas mahalaga ka para sa akin kaysa sa paghihiganti. Gu…” “Gu—Gusto kitang iuwi sa madaling panahon, pero alam ko na kung hindi ko tinalo ang pamilya Landry, hindi kita makikita—” “Tama na!” Sumingit si Luna, puno ng lamig ang mga luhaan niyang mga mata. “Anong ibig mong sabihin, hindi mo ako makikita hanggang hindi mo natatalo ang pamilya Landry?” “Joshua, anong klaseng dahilan ang ginagawa mo para ipaliwanag na wala kang malasakit para sa akin?” “Sinabi ko sayo sa simula pa lang na nasa Quinn Mansion ako at kinidnap ako ng pamilya Quinn pabalik ng Merchant City! Matagal ka nang dumating sa Merchant City, pero hindi mo man lang ako pinuntahan!” Kinagat niya ang labi niya at pilit niya ang masakit at malamig na ngiti. “Binigyan kita ng maraming pagkakataon. Akala
Magbasa pa

Kabanata 1389

Agad na kumunot ang noo ni Joshua nang marinig niya ito. Tumitig siya ng malamig kay Malcolm at sumagot siya, “Alam mo siguro na hindi ka mahal ni Luna.” “Ayos lang sa akin.” Ngumisi si Malcolm at tumitig siya kay Joshua. “Masaya na ako basta’t makasama ko siya.” Sumingkit ang mga mata ni Joshua at sinara niya ang mga kamao niya. Mula sa malayo, nakita ni Luna na humigpit ang kamao ni Joshua pati may lumabas na ugat sa noo nito. Nag aalala siya na sasaktan ni Joshua si Malcolm dahil sa galit, kaya’t mabilis siyang lumapit at hinila pabalik ang wheelchair ni Malcolm, pagkatapos ay prinotektahan niya ang katawan nito gamit ang katawan niya. “Joshua, hindi ko pinilit o tinakot ni Malcolm para gawin ito. Ang lahat ng ito ay kusa kong ginagawa.” “Kung galit ka dahil dito, sa akin ka magalit. ‘Wag mong saktan ang isang tao na paralisado!” Lumingon si Joshua at tumitig siya sa babaeng nasa harap niya. Malamig, determinado, at masama ang tingin ng babaeng ito, na para bang si Jo
Magbasa pa

Kabanata 1390

Napabuntong hininga si Malcolm. Malabo ang mukha niya dahil madilim ang ilaw, hindi makita ni Luna ang ekspresyon ni Malcolm. “Luna, ayaw ko na mahirapan ka. Kung…” Nagbuntong hininga siya at nagpatuloy siya sa namamaos na boses, “Kung hindi mo talaga kayang bitawan si Joshua, hahayaan kita. Hindi mo kailangan mag alala para sa akin.” Dinala niya ang sarili niya papunta sa glass window at tumitig siya sa malayo katabi ni Luna. “Nasa masamang kondisyon na ako; hindi na mahalaga kung itatrato nila ako ng mas masama. Hindi nila ako bubugbugin hanggang sa mamatay ako tulad ng sinasabi nila.” “Para sa akin, ang kaligayahan mo ang pinakamahalaga sa lahat.” Kumirot ang puso ni Luna nang marinig niya ito. Kinagat niya ang labi niya at umiling siya. “Hindi. Hindi kita hahayaan na masaktan dahil lang sa akin.” Dati, hindi alam ni Luna kung bakit napunta sa aksidente si Malcolm. Gayunpaman, pagkatapos marinig ang sinabi ni Granny Quinn kahapon, natuklasan niya na… Napunta sa aksidente
Magbasa pa
PREV
1
...
137138139140141
...
308
DMCA.com Protection Status