Lahat ng Kabanata ng Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko: Kabanata 1371 - Kabanata 1380

3080 Kabanata

Kabanata 1371

Nang makarating si Luna sa Cold Jazz Restaurant, pumasok na sina Joshua at ang business partner nito sa isang private room para magsimula na ang pag uusap.Sumilip si Luna sa kwarto mula sa entrance.Isang araw pa lang silang magkalayo ni Joshua, ngunit namiss niya na ito na para bang isang siglo silang nagkalayo. Sa mga sandaling ito, eleganteng nakaupo si Joshua sa harap ng mesa at nakatalikod siya kay Luna habang isinasagawa ang business meeting.Ang bawat salita na lumabas sa bibig ni Joshua ay tila nakakatakot sa iba. Kahit na may pinto sa pagitan nila, naramdaman pa rin ni Luna ang makapangyarihan na aura ni Joshua na tila nakakasakal sa paligid. Dati nang naaakit si Luna sa pag uugali ni Joshua na ito. “Luna?” Bigla niyang narinig ang mahinang boses mula sa likod niya. Kumunot ang noo ni Luna at tumalikod siya. May babaeng may suot na uniform ng waiter na nakatayo sa likod niya. Kilala ito ni Luna bilang isang magulang na may anak na mayroong leukemia, tulad ni Nigel—
Magbasa pa

Kabanata 1372

Sa totoo lang… Ito rin ang iniisip ni Luna. Dahil pinasa na ni Luke ang mensahe niya kahapon, ibig sabihin ay alam na ni Joshua na nasa Merchant City si Luna. Gayunpaman, sa sandali na dumating si Joshua sa Merchant CIty… naging busy siya sa pag atake ng mga business na may kinalaman sa pamilya Landry. Hindi niya inatake o pinuntirya ang pamilya Quinn. Hindi lang ‘yun, hindi rin niya kinausap ang pamilya Quinn para makita si Luna. Hindi na ito masyadong inisip ni Luna, ngunit sa katotohanan, mahirap para hindi isipin ang pinaghihinalaan niya… Posible kaya na ang paghihiganti ay mas mahalaga kaysa hanapin siya ni Joshua? Sobrang importante ba ng paghihiganti ni Joshua sa pamilya Landry ay hindi niya kayang isabay na hanapin si Luna, at sa halip ay ayaw niyang hanapin ito bago siya matapos sa paghihiganti? “Ano sa tingin mo, Mr. Lennon?” Ngumiti si Joshua at nagpatuloy siya sa kalmadong boses, “May pinagkaiba ba ang pagpunta ko sa Merchant City para sa isang babae at sa
Magbasa pa

Kabanata 1373

Tinulak ni Sylvia si Luna palabas ng private room. Paglabas niya ng restaurant, si Luna, na nakasuot pa rin ng damit ng waitress habang may mask at sombrero, ay nabunggo kay Joshua sa front door ng restaurant. May ilang mga bodyguard na prinotektahan siya ng palihim. Tila pagod siya habang nakasandal siya sa kotse, nilabas niya rin ang phone niya sa mga sandaling ito. Tila kausap niya si Nellie. “Maging mabait ka sa bahay kasama ng mga kapatid mo. Hindi ko kailangan ng tulong niyo. Oo, magiging ligtas si Mommy. Hindi nila sasaktan si Mommy niyo. Tingnan ko siya? Kapag nagkaroon na ako ng pagkakataon, hahanapin ko siya. ‘Wag kang mag alala, gagawin ko ang lahat para talunin ang pamilya Landry at iuwi si Mommy…”Dala ng hangin ang malalim na boses ni Joshua kay Luna, at naramdaman niya ang… Gulat, pagdadalawang-isip, pagkadismaya. Puno ng iba’t ibang emosyon ang kabuuan ni Luna. Nanatiling walang kibo si Luna habang nakatitig siya kay Joshua, at naramdaman niya na kumirot
Magbasa pa

Kabanata 1374

Sa oras na nakapagpalit na ng damit si Luna at lumabas na siya ng Cold Jazz Restaurant, ang tanging nakita niya ay ang taillights ng itim na Masevati ni Joshua. Nawala na ang kotse at naging maliit na tuldok na lamang ito makalipas ang ilang sandali. Nakatitig si Luna sa direksyon ng kotse bago may dumating na pagkadismaya sa puso niya. Ginawa niya ang lahat para makita si Joshua… ngunit ang tanging nakita niya lang ay ang malupit na ugali ni Joshua. Naawa siya kay Malcolm, na tumalon mula sa wheelchair at nahulog sa sahig para lang magkaroon ng dahilan si Luna na umalis ng Quinn Mansion para makita si Joshua. Pinulot ni Luna ang mga piraso ng basag na puso niya, huminga siya ng malalim, at bumalik na siya sa hospital. Sa hospital, nagbabasa si Malcolm habang nasa wheelchair siya. Ang libro na binabasa niya ay isang regalo mula kay Luna, at ito ay isang libro tungkol sa basics ng jewelry design. Pagpasok ni Luna ng kwarto at nakita niya na nakapokus si Malcolm sa pagbabas
Magbasa pa

Kabanata 1375

Nakaupo si Luna sa kama. Nanatili ang pawis sa noo niya dahil sa masamang panaginip nang kinausap siya ni Malcolm. Kinagat ni Luna ang labi niya habang napuno ng iba’t ibang emosyon sa puso niya. Hindi na siya ang babaeng nagagalit dahil sa relasyon. Naiintindihan niya na matanda na ang lahat at ang prayoridad ng relasyon, pamilya, at karera ay iba para sa lahat ng tao. Gayunpaman… ang pinakamalaking prayoridad ni Luna ay si Joshua, ngunit hindi ito pareho para kay Joshua. Gaano kahalaga si Joshua para kay Luna? Sa sobrang halaga ni Joshua ay, kahit anong maling gawin niya, basta’t sinabi niya na maling pagkakaunawa lang ito at ipinaliwanag niya ito, pagbibigyan siya ni Luna. Ngunit sa huli… si Luna ay hindi naging pinakamahalagang prayoridad ni Joshua. Naramdaman niya na para bang… kinuha niya ang puso niya at binigay niya ito kay Joshua, ngunit sinabi sa kanya nito na pumila sa likod. Tumitig ng blanko si Luna sa harap niya. Sa mga sandaling ito, hindi niya alam kung bi
Magbasa pa

Kabanata 1376

“Gusto kong kumalma ng kaunti.” Pagkatapos, tumalikod si Luna at pumasok siya sa kwarto, sinara niya ng malakas ang pinto. Nakahiga si Luna sa kama at nakatitig siya sa kisame habang tumulo ang mga luha sa mukha niya, nabasa ang mga unan dahil dito. Sinabi ni Luna kay Joshua ang tungkol sa pangako na pakasalan si Malcolm dati. Sa totoo lang, maraming beses niya itong sinabi kay Joshua. Sa araw bago siya kinidnap, magkasama sila ni Joshua sa kama nang yakapin niya ang likod nito at binulong niya, “Ano sa tingin mo ang gagawin ko sa pangako ng kasal ko sa pamilya Quinn? Gusto mo bang sumama sa akin papunta sa pamilya Quinn para humingi ng tawad sa kanila? Nag aalala ako na baka kidnapin nila ako at pilitin nila akong magpakasal. Kapag nangyari ‘yun, anong gagawin natin?” Sa mga oras na ‘yun, tumalikod si Joshua at tinulak siya nito papunta sa kama. “Sa tingin mo ba ay maglalakas-loob ang pamilya Quinn na kunin ka para pakasalan si Malcolm habang nandito ako?” “Sa kabilang pal
Magbasa pa

Kabanata 1377

Hindi na ulit tumawag si Luna kay Joshua simula nung huling tawagan nila. Kahit na ilang beses na siyang payuhan ni Malcolm na tumawag, hindi niya ito ginawa. Araw araw, umupo si Luna sa sofa ng sala sa Quinn Mansion habang pinanood niya ang balita ng may blanko na ekspresyon. Muling pinutol ni Joshua ang ilan sa mga business supply chain ng pamilya Landry. Muli niyang pinilit ang pamilya Landry sa isang mahirap na sitwasyon. Nakipag usap ang pamilya Landry kay Joshua, umaasa na baka gumanda ang sitwasyon…“Luna.”Nakita ni Malcolm ang malungkot na itsura ni Luna at nagbuntong hininga siya, nilagay niya ang isang baso ng tubig sa harap ni Luna. “Kalahating araw na lang ang layo mo sa deadline na itinakda ni Lola Quinn. Ayaw mo ba talagang subukang kontakin si Joshua at hilingin sa kanya na iuwi ka?" Habang nagsasalita si Malcolm, yumuko siya at sinabi niya, “Kung hindi ka niya agad kukunin, mapipilitan kang pakasalan ako, walang kwenta naman siya.” Kinuha ni Luna ang baso
Magbasa pa

Kabanata 1378

“Uy, hindi ba’t ‘yun ang tagapagmana ng pamilya Landry, si Heather?” “Siya nga!” Kumakain si Luna habang walang iniisip nang marinig niya ang mga bulungan ng mga tao sa paligid niya. “Nabalitaan ko na si Jim Landry ang nag aasikaso sa mga problema ng pamilya Landry, pero noong nakaraan, nagquit siya at umalis siya kasama ang anak niya. Ngayon at nakaharap ng pamilya Landry ang isang problema na tulad nito, walang nagawa si Heather kundi siya na ang mag asikaso nito.” “Nabalitaan ko na nakahanap ng paraan si Ms. Heather para kausapin si Joshua Lynch at patigilin ang mga atake sa supply chain ng pamilya Landry.” “Nandito siguro siya para makita si Joshua Lynch, hindi ba?” “Syempre. Hindi mo ba nakita ang mga balita? Halos malugi na ang pamilya Landry. Hindi sumusunod sa lohika si Joshua Lynch. Gumagastos siya ng malaki ng walang konsiderasyon sa presyo, lahat ng ito ay para malugi ang pamilya Landry.” “Sa tingin mo ba ay makukumbinsi ni Ms. Heather si Joshua para tumigil?”
Magbasa pa

Kabanata 1379

Kahit na may ilang dosenang sentimetro ang layo niya kay Joshua, naramdaman pa rin ni Luna na tinulak siya nito sa malalim na kadiliman. Para kay Joshua, ang pinakamahalaga sa lahat ay ang matalo ang pamilya Landry. Ano pala si Luna para kay Joshua? Kinagat ni Luna ang labi niya, sa sobrang higpit ng hawak niya sa kamao niya ay namuti ito. “Luna.” Nagbuntong hininga si Malcolm at inabot niya ang kamay ni Luna para hawakan ito. Pagkatapos, sinabi niya ng may mababang boses, “Kapag tumayo ka at tumalikod ngayon, makikita mo siya. Gusto mo bang itanong sa kanya… kung ano ang ibig sabihin niya?” Naramdaman ni Luna ang init ng kamay ni Malcolm. Kinagat niya ang labi niya at gusto niyang umiyak. Gusto niya rin malaman ang ibig sabihin ni Joshua dito, at higit sa lahat, kung ano siya para kay Joshua, pero… Natatakot siyang marinig ang sagot. Kung sabagay, ang mga sagot ba ni Joshua sa mga nakalipas na araw ay sapat para patunayan ang puntong ito? “Luna,” Muling nagsalita si
Magbasa pa

Kabanata 1380

Humawak si Malcolm sa braso ni Luna at nagbuntong hininga siya. “Si Ms. Heather Landry na ang namumuno sa pamilya Landry ngayon. Kapag kinalaban mo siya, parang kinalaban mo na rin ang buong pamilya Landry.” Pagkatapos, huminga siya ng malalim at sinabi niya ng may mahinang boses, “Kahit na kay Joshua pa rin ang puso mo, para sa ibang tao… ikaw na ang nobya ko. Nagdala na ng maraming problema sa pamilya Quinn ang aksidente ko. Pakiusap, ‘wag ka nang gumawa ng problema sa pamilya Quinn dahil sa akin.” Tumigil sa paglalakad si Luna nang marinig niya ito. Pumikit siya at huminga siya ng malalim, pagkatapos ay tumingin siya sa sulok ng restaurant. Nakaupo doon si Hunter, naka dekwatro siya habang umiinom ng wine at nakangisi. Huminga ng malalim si Luna at sumuko na siya sa paghabol kay Heather. Pinapanood sila ni Hunter, at hindi pwedeng hayaan ni Luna na mawala ang katayuan ni Malcolm sa pamilya nila dahil sa kanya. “Pasensya na at basta basta akong kumilos.” Tumalikod siya at
Magbasa pa
PREV
1
...
136137138139140
...
308
DMCA.com Protection Status