Napabuntong hininga si Malcolm. Malabo ang mukha niya dahil madilim ang ilaw, hindi makita ni Luna ang ekspresyon ni Malcolm. “Luna, ayaw ko na mahirapan ka. Kung…” Nagbuntong hininga siya at nagpatuloy siya sa namamaos na boses, “Kung hindi mo talaga kayang bitawan si Joshua, hahayaan kita. Hindi mo kailangan mag alala para sa akin.” Dinala niya ang sarili niya papunta sa glass window at tumitig siya sa malayo katabi ni Luna. “Nasa masamang kondisyon na ako; hindi na mahalaga kung itatrato nila ako ng mas masama. Hindi nila ako bubugbugin hanggang sa mamatay ako tulad ng sinasabi nila.” “Para sa akin, ang kaligayahan mo ang pinakamahalaga sa lahat.” Kumirot ang puso ni Luna nang marinig niya ito. Kinagat niya ang labi niya at umiling siya. “Hindi. Hindi kita hahayaan na masaktan dahil lang sa akin.” Dati, hindi alam ni Luna kung bakit napunta sa aksidente si Malcolm. Gayunpaman, pagkatapos marinig ang sinabi ni Granny Quinn kahapon, natuklasan niya na… Napunta sa aksidente
Mahaba ang masamang panaginip ni Luna. Sa panaginip niya, nakaluhod si Joshua sa harap niya, puno ng dugo at walang tigil sa paghingi ng tawad. Tumalikod siya at tumulo ang mga luha sa mukha niya. Sa ikinagulat niya, nakatayo sa likod niya ang pumanaw na si Granny Lynch. Tinanggal ni Granny Lynch ang kutsilyo na nakasaksak sa dibdib niya at mabagal siyang lumapit kay Luna. Biglang nagkaroon ng masama at malamig na ekspresyon sa mukha ni Granny habang galit niyang sinabi, “Ano ang ipinangako mo sa akin, Luna?” “Nangako ka na kahit ano ang mangyari, hindi ka susuko kay Joshua! Gaano katagal na ba simula nang sabihin ko ito sayo? Nakalimutan mo na ito!” Hinawakan ni Luna ang dibdib niya at dumura siya ng dugo. “Granny, hindi ko po nakalimutan ang pangako ko sa inyo… Hindi po ako sumuko sa kanya! Siya po ang sumuko sa akin!” “Siya po ang unang sumuko sa akin!”…“Granny—!” Biglang nagising si Luna. “Nanaginip ka ba ng masama?” Tumunog ang mababang boses ni Malcolm sa ta
Pumikit si Malcolm at nanatili siyang walang kibo bago niya dinala ang sarili niya sa washroom. Nakatayo at walang kibo si Luna at nagbuntong hininga siya habang pinanood niyang umalis si Malcolm. Narinig niya na dati na binanggit ng mga katulong si Samuel, ang tatay ni Malcolm. Ayon sa mga narinig niya, ang mahal ni Samuel ay hindi ang nanay ni Malcolm, kundi ang ibang babae. Ayaw ng buong pamilya Quinn sa relasyon nila, kaya’t nagpakamatay ang babae dahil sa lungkot. Nang mabalitaan na namatay ang mahal niya dahil dito, nabaliw si Samuel at napunta siya sa mental hospital ng higit sa sampung taon. Nang lumaki na si Malcolm, doon lang bumalik sa katinuan si Samuel. Gayunpaman, kahit na tapos na ito, hindi bumalik si Samuel sa pamilya niya at sa halip ay naging pari na lang siya. Para naman kay Malcolm… Ang nanay niya ay isa sa mga katulong ni Samuel. Dahil sa sobrang lungkot, nalulong sa alak si Samuel ng matagal pagkatapos mamatay ng girlfriend niya. Isang gabi, habang
“Pumanaw na si Lucy makalipas ng maraming taon, pero binabanggit mo pa rin siya lagi. Sino kaya ang hindi pa bumibitaw sa kanya, Inay?” Dahil sa pagtatanong ni Granny Quinn, ngumisi ng malamig si Samuel at sinabi niya na parang wala siyang pakialam, “Siguro ay matagal manatili ang konsensya at pagsisisi.” Sa sobrang galit ni Granny Quinn nang marinig ito ay lumaki ang mga mata niya sa gulat. “Ikaw!” “Tama na,” Kumunot ang noo ni Malcolm at sumingit siya ng malamig nang makita niya na nagtatalo nanaman sina Granny at Samuel. “Higit sa sampung taon na simula nang hindi ka umuuwi. Umuwi ka ba ngayon para lang makipagtalo kay Granny?”“Reverend Samuel Quinn, hindi ba’t nandito ka para makita kami ni Luna? Dahil nakita mo na kami, hindi ba’t dapat ay umalis ka na?” Pagkatapos, yumuko si Malcolm at tumingin siya sa oras. “Sinabi ng katulong sa akin na may oras ka lang para sa isang tasa ng kape, at halos ubos na ang oras mo. Kung wala ka nang sasabihin sa amin, umalis ka na. Pasensya
“Ang …” Sa sandali na marinig ni Samuel ang pangalan ni Lucy, huminto siya sa paglalakad. “Ang apelyido ba ng kaibigan mo ay Lynch?” Tumango si Luna. Nagbuntong hininga si Samuel at inabot niya ang isang jade ring kay Luna. “Kapag may pagkakataon ka na makita ang kaibigan mo, pakiusap ay ipasa mo sa kanya ito. Pagkatapos, matutuklasan niya ang lahat ng nangyari kay Lucy Hamilton. Isa pang bagay…” Huminga siya ng malalim at sinabi niya, “May dalawang jade ring na magkamukha. Ang isa ay nasa tunay na anak ni Lucy. Good luck.” Pagkatapos, tumalikod siya at naglakad siya palayo. Nanatiling walang kibo si Luna, hawak niya pa rin ang jade rin, at hindi niya alam kung ano ang gagawin. May… anak ba si Lucy? Hindi ito alam ni Granny Lynch, hanggang sa pagkamatay niya. Kung natuklasan niya ang tungkol sa apo niya, matutuwa siguro siya… Habang pinag iisipan ito ni Luna, biglang may bumangga sa katawan niya. Nawalan siya ng balanse at aksidente niyang nabitawan ang jade rin at
Nang lumabas si Luna ng walk-in closet, naghihintay na sa labas si Malcolm. May suot si Luna na navy blue dress na may glitter at sequins, mukha itong mga kumikinang na bituin sa gabi. May crisscross ang dress sa likod, nakita ang magandang likod ni Luna. May halter neck ang dress na gawa sa mga ribbon na kasama ng necklace niya at nakatali ito sa likod ng leeg niya, kaya’t mas maganda ang itsura ng collarbone at leeg niya, mukha itong makinis at payat. Hindi makapal ang makeup ni Luna. Sa halip, maganda ang mukha niya dahil sa magaan na makeup, at kasama ng mahabang buhok niya, nakakabighani ang itsura niya. Kahit na handa na ang isip niya para dito, hindi inaasahan ni Malcolm na… matutulala siya sa kagandahan ni Luna. Tumitig siya ng blanko kay Luna at hindi siya makaimik. Medyo nahiya si Luna nang makita niya ang pagkabighani sa mukha ni Malcolm. Ngumiti siya ng medyo awkward at lumapit siya kay Malcolm, tinaas niya ang dulo ng skirt niya habang naglalakad. “Hindi na ma
“Pero sa mga nakaraan po, ang lahat ng impormasyon na natanggap natin ay sinabi na nasa Landry Mansion si Ma’am.” Sumingkit ang mga mata ni Joshua habang kinuha niya ang mga papeles kay Lucas. Ito ay isang plano na ginawa ng pamilya Landry at pamilya Quinn. Gagawa ang pamilya Quinn ng mga ebidensya, habang kinulong ng pamilya Quinn si Luna. Pinutol nila ang lahat ng komunikasyon kay Luna at sa labas para gumawa ng bitak sa relasyon nilang dalawa. Akala ni Joshua na kinulong si Luna sa Landry Mansion, habang akala ni Luna na busy si Joshua sa pakikipaglaban sa pamilya Landy sa oras na dumating siya sa Merchant City at ayaw niyang hanapin si Luna. Pumikit si Joshua. Nakita niya na ang taktika na ito dati, lalo na sa business. Nahuli niya na ang mga pakana na ito dati, pero ngayon… Nahuli siya sa isang patibong. Ito ay dahil inagaw ang pinakamahalagang tao sa kanya. Sobrang takot siya na mawala si Luna at muli itong ilalayo sa kanya. Kaya naman, aksidente siyang napunt
Ang pinakamalaking five-star hotel sa Merchant City, ang Starhill Hotel, ay maliwanag at masigla ngayong gabi. Ang mga pangalan nila Luna at Malcolm ay nakaplaster sa malaking banner sa lugar na kita ng lahat. May litrato nilang dalawa na nakalagay sa entrance ng hotel. Ang bawat taong dumaan ay hinahangaan ang litrato. “Bagay na bagay sila! Pero sayang… ang mga binti ni Master Quinn…” May lalaking dumaan lagpas ng litrato at hindi niya mapigilan na magcomento nang makita ito. “Ano ba ang alam mo sa tunay na pagmamahal?” Tumawa ang babae na nakahawak sa kamay ng lalaki. “Tunay na pag ibig lang ang dahilan kung bakit papakasalan niya si Master Quinn sa ganitong panahon.” Tumango at sumang ayon ang lalaki, at pumasok silang dalawa sa pinto. May babaeng nakatayo sa entrance at may suot na puti, ngumiti ito nang marinig ang mga sinabi nila. Hawak niya ang bag niya at elegante siyang nakatayo sa entrance, na para bang may hinihintay siya. Hindi nagtagal, huminto ang isang itim
Kumunot ang noo ni Luna nang marinig niya ito.Kailangan niyang itago si Gwen kapag bumisita si John sa kanila. Kasabay nito, kailangan niya ng ibang tao para magpanggap na si ‘Andie Larson’.Habang iniisip ito, nagbuntong hininga si Luna at tumingin siya ng makahulugan kay Tara.Naintindihan ito ni Tara at tumango siya, pagkatapos ay naglakad siya pabalik ng elevator kasama si Luna.Nang sumara ang pinto, nagbuntong hininga si Tara at sinabi niya ng pagod na tono, “Salamat sa Diyos at nabigo si Robyn ng memorya niya. Kung hindi, sira na ang lahat ng plano natin.”Tumango si Luna. Pagkatapos, tumingin siya kay Tara at tinanong niya, “Oo nga pala, paano nagkakilala si John at ang tatay ni Gwen?”Kahit na si Andy ay dinala ng mga tauhan ni Tyson sa Sharnwick City. Paano napunta sa parehong kwarto si John at sumalo pa siya ng bala para dito?Kinidnap rin ba si John ng mga taong ito? Kung ganun, bakit nila ito ginawa?Nang mabanggit ito, nagbuntong hininga si Tara at nagpaliwang si
Sumilip si Luna sa crack mula sa pinto.May suot na hospital gown si John, nakaupo ito sa kama at kumakain habang kausap si Robyn. “Sinabi ba talaga ‘yun ni Miss Moore?”Tumango si Robyn. “Nakasalubong ko rin sa elevator ‘yung babae na bumili ng tanghalian na ito kanina. Hindi ka maniniwala, konektado din siya kay Miss Moore! Magpinsan sila sa kasal!”Huminto ang kamay ni John, halata na nabigla siya. Tumawa siya at tinanong niya, “Talaga? Nagkataon nga naman.”“Tama ka! Maliit ang mundo natin!” Tumango si Robyn. “Hindi lang ‘yun, pero dahil magpinsan sila sa kasal, may koneksyon din siya sa lalaking niligtas mo kagabi. Sa tingin ko ay ang pangalan niya ay…”Napatalon ang puso ni Luna sa lalamunan niya nang marinig niya ito.Nagkaroon siya ng isang malaking pagkakamali. Hindi niya sana babanggitin ang pangalan ni Gwen kung alam niya lang na si John ang lalaking nagligtas sa tatay ni Gwen!Malapit na masira ang sikreto nila!Habang iniisip ito, hindi niya mapigilan na tumingin k
Tumaas ang mga kilay ni Luna kay Tara. “Sinasabi mo ba na anim na buwan mo nang alam ang tungkol kay Anne at John?”Tahimik ng ilang sandali si Tara bago siya tumango. “Oo.”Huminga siya ng malalim at tumitig siya ng seryoso kay Luna. “Dati, ang lahat lang ng alam ko tungkol sayo ay pinakasalan mo ang pinsan ko at biniyayaan kayo ng triplets. Nabalitaan ko rin na sa isang punto, naging malapit ka kay Christian, pero wala na akong ibang impormasyon maliban dito. Isang araw, sinabi ng tita ko sa akin na ikaw, ang asawa ng pinsan ko, ay walang iba kundi si Moon, ang paboritong jewelry designer ko.”“Simula nang matuklasan ko ito, napunta ang atensyon ko sayo at naghanap ako ng mga balita tungkol sayo. Dahil dito, alam ko ang tungkol sa murder at trial mo, kaya alam ko ang tungkol kela Anne at John.”Lumaki ang mga mata ni Luna sa gulat.Hindi siya makapaniwala na si Tara ay palihim na isa sa mga fans niya, sa punto na binabantayan nito ang balita tungkol kay Luna kahit na nakatira si
Matagal na natulala si Luna.Sa huli, bumalik siya sa sarili at humawak siya ng sabik sa braso ni Robyn. “Sinasabi mo ba na ang kapatid mo ang nagligtas sa lalaki na hinahanap ng lahat sa buong bayan?”Hindi inaasahan ni Robyn ang reaksyon ni Luna. Napaatras siya sa takot at tumango siya. “O… Oo.”Bakit sabik si Luna na marinig ito?Kumunot ang noo niya at tinanong niya, “Miss, kilala… mo ba ang kapatid ko? O may koneksyon kayo sa matandang lalaki kagabi?”Sasagot sana ng oo si Luna sa mga tanong na ito nang sumingit si Tara. “Syempre may koneksyon siya sa matandang lalaki. Asawa siya ng pinsan ko, kaya may koneksyon siya sa matandang lalaki na niligtas ng kapatid mo. Sabik lang siya na makilala ang lalaki na lumigtas sa buhay ng matandang lalaki.”Pagkatapos, tumingin siya kay Luna. “Hindi ba, Luna?”Napahinto ng ilang sandali si Luna, pagkatapos ay tumango siya. “Oo, masaya lang ako na ligtas siya ngayon.”Pagkatapos, lumingon siya para tumitig ulit kay Robyn. “Kamusta na ang
“Um…”Ngunit, bago pa sumagot si Tara, sumingit si Robyn. “Hindi ba’t sinabi ko sayo na ang kapatid ko ay nabaril? Ito ay dahil pinoprotektahan niya ang isang matandang lalaki kagabi.”“Nakidnap silang pareho, at ang lalaki na ‘yun ay papatayin dapat ng kidnapper. Kung hindi humarang ang kapatid ko para iligtas ang lalaking ‘yun, patay na dapat siya ngayon.”“Si Miss Moore ay ang kamag anak ng lalaki at pumunta siya dito para pasalamatan kami.”Pagkatapos, pinakita niya ang card kay Luna at sinabi niya, “Gusto niya kaming bigyan ng gantimpala kapalit ng kabaitan ng kapatid ko. Desperado kami sa pera, pero ayaw itong tanggapin ng kapatid ko. Ayaw niyang isipin ng iba na may ibang rason ang kabaitan niya.”Napahinto si Luna nang marinig niya ito. Kumunot ang noo niya, tumingin siya kay Tara. “Ang ‘kamag-anak; na ito ay ang tatay ni Gwen, hindi ba?”Alam ni Luna ang tungkol sa nangyari kagabi. Dahil niligtas ng mga tauhan ni Joshua si Andy kagabi at ang kapatid ni Robyn ay nabaril d
“Hindi ko kailangan ng special treatment.” Ngumiti si John kay Tara. “Ang gusto ko lang ay ang isang oportunidad para sumama.”Kumunot ang noo ni Tara dahil dito, ngunit wala siyang sinabi. Sa huli, tumalikod siya at umalis na siya ng kwarto.Sa kanyang ikinagulat, nakasalubong niya si Luna, na siyang kakalabas lang ng elevator.Nabigla din si Luna na makita si Tara.Siguradong si Tara, na siyang obsessed kay Joshua, ay nasa Moore Group dapat kasama si Joshua, nagpapalipas ng oras kasama ang paboritong ‘pinsan’ nito. Bakit pala nasa hospital si Tara?“Hello, Luna.” Ngumiti ng nahihiya si Tara nang makita niya si Luna.Kumunot ang noo ni Luna at tumingin siya ng malamig kay Tara. “Ano ang ginagawa mo dito?”Nandito ba si Tara para makita si Gwen? Hindi niya maintindihan; hindi kilala nila Tara at Gwen ang isa’t isa. Bakit bibisita si Tara kay Gwen?Huminto si Tara, ngunit bago pa siya makagawa ng dahilan, tumunog ang boses ni Robyn sa likod niya. “Miss Moore!”Tumakbo si Robyn
Bumangon si John mula sa kama nang mabanggit ang matandang lalaki. Pagkatapos ay tumitig siya ng nakakunot ang noo kay Tara. “Ayos lang ba siya? Nawalan ako ng malay pagkatapos akong mabaril kagabi, kaya hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanya. Naaalala ko na dumating ang mga tauhan niyo sa oras… Ayos lang ba siya ngayon?”Kahit na ang ginawa ng matandang lalaki ang rason kung bakit nabaril si John, naiintindihan ni John ang pananaw ng lalaking ito. Pagkatapos makulong ng maraming araw, hindi nakakapagtaka na magiging balisa ito na makatakas.Hindi mapigilan ni John na isipin na kung ang lalaking ito ay nakakuha ng sakit mula sa pagkakakulong, lalo na at matanda at mahina na ito.Kumunot ang noo ni Tara nang mapansin niya na nag aalala si John. Mukhang hindi nagpapanggap si John sa pag aalala niya.Ayon kay Joshua, hindi alam ni John na ang lalaking niligtas niya ay ang tatay ni Gwen. Base sa reaksyon ni John, alam na ni Tara na tama si Joshua.Ngumiti si Tara at sumagot siya
Hindi kaya’t sinasabi ni John ang katotohanan?Habang iniisip ito, tumingin ulit si Tara kay Robyn.Medyo kinakabahan si Robyn habang sinusuri ng ganito. Nahihiya siyang tumawa at sinabi niya, “Nice to meet you, Miss Moore. Ako ang kapatid ni John, si Robyn.”Pagkatapos, tinaas niya ang kamay niya kay Tara.Kumunot ang noo ni Tara habang kinamayan niya si Robyn. “Nabalitaan ko na may sakit ka?”Tumigas ang kamay ni Robyn. Nakalimutan niya ang tungkol sa instructions ni John!Ngumiti siya, sinubukan niyang maging kalmado. “Opo. Nagkaroon ako ng kakaibang sakit at humihina ang katawan ko, at kailangan ko ng surgery para mabuhay.”Pagkatapos, lumingon siya para tumingin ng masama kay John. “Sinabi mo ba ito sa lahat? Hindi ba’t sinabi ko sayo na ‘wag mo ipagkalat ang tungkol sa sakit ko?”Tumawa si John. “Malalaman din naman ni Miss Moore ang tungkol dito dahil magkakasama kami sa trabaho.”Medyo naabala si Tara dahil dito. Pinadala siya ni Joshua para bantayan si John at malaman
“Ayos lang. Hindi ko siya niligtas para sa pera.” Ngumiti si John habang tinaas niya ang kamay niya para kunin ang kutsara at tinidor mula kay Robyn.Nagtataka rin siya tungkol sa binanggit ni Robyn, ngunit sa katotohanan, hindi siya nagsisi sa desisyon niya. Kahit na pumunta siya doon para sa pera, hindi ito ang motibasyon niya noong tumalon siya sa harap ng bala.Ginawa niya ito ng hindi nag iisip. Kahit na ibalik niya ang oras, ililigtas niya pa rin ang lalaking ‘yun ng hindi nagdadalawang isip.Nagbuntong hininga si Robyn at tumingin siya kay John. “Pero John… makakapunta ka pa ba sa public bid sa katayuan mo ngayon?”Namutla si John dahil dito. Makalipas ang ilang sandali, ngumiti siya kay Robyn at sinabi niya, “Syempre naman. Ang balikat ko lang ang nasaktan, hindi ang utak ko, kaya makakapag trabaho pa rin ako tulad ng dati at makapag handa ako para sa bid. ‘Wag kang mag alala. Alagaan mo na lang sina Anne at Sammie, at ako na ang bahala sa lahat.”Pagkatapos, tumingin siya