Nabigla si Joshua sa malamig na pag uugali at walang emosyon na tono ni Luna. Umatras si Joshua at tumitig siya kay Luna, malungkot at hindi siya makapaniwala. Pagkatapos, hirap at namamaos niyang sinabi, “Luna… Ikaw…” Ito ang unang beses na nakita ng kahit sino ang pagkabalisa sa mukha ni Joshua. “Nagbibiro ka, hindi ba?” Siya… Paanong hindi siya sasama kay Joshua para umalis? Bakit niya pipiliin na sumama at magpakasal kay Malcolm? Hindi ba’t nangako si Joshua na iuuwi niya ngayong araw si Luna? May tatlong anak sila na magkakasama, at ang maraming taon na hindi pagkakaunawaan ay natapos na sa pagitan nila. Marami pa siyang magagawa para bawiin ang mga pagkakamali niya… Bakit biglang nagdesisyon si Luna na magpakasal kay Malcolm? Huminga ng malalim si Luna at lumingon siya para tumitig kay Joshua ng may malamig na ekspresyon. “Sa tingin mo ba ay nagbibiro ako, Mr. Lynch?” Tumitig siya sa gwapong mukha ni Joshua, pati ang pagod sa mukha nito, at biglang nagdalawa
Gayunpaman, naalala pa rin ni Joshua ang sinabi ni Luna na prayoridad niya ang paghihiganti kaysa kay Luna. Huminga ng malalim si Joshua at sinabi niya, “Luna, mali siguro ang pagkakaunawa mo sa akin… Para sa akin, mas mahalaga ka para sa akin kaysa sa paghihiganti. Gu…” “Gu—Gusto kitang iuwi sa madaling panahon, pero alam ko na kung hindi ko tinalo ang pamilya Landry, hindi kita makikita—” “Tama na!” Sumingit si Luna, puno ng lamig ang mga luhaan niyang mga mata. “Anong ibig mong sabihin, hindi mo ako makikita hanggang hindi mo natatalo ang pamilya Landry?” “Joshua, anong klaseng dahilan ang ginagawa mo para ipaliwanag na wala kang malasakit para sa akin?” “Sinabi ko sayo sa simula pa lang na nasa Quinn Mansion ako at kinidnap ako ng pamilya Quinn pabalik ng Merchant City! Matagal ka nang dumating sa Merchant City, pero hindi mo man lang ako pinuntahan!” Kinagat niya ang labi niya at pilit niya ang masakit at malamig na ngiti. “Binigyan kita ng maraming pagkakataon. Akala
Agad na kumunot ang noo ni Joshua nang marinig niya ito. Tumitig siya ng malamig kay Malcolm at sumagot siya, “Alam mo siguro na hindi ka mahal ni Luna.” “Ayos lang sa akin.” Ngumisi si Malcolm at tumitig siya kay Joshua. “Masaya na ako basta’t makasama ko siya.” Sumingkit ang mga mata ni Joshua at sinara niya ang mga kamao niya. Mula sa malayo, nakita ni Luna na humigpit ang kamao ni Joshua pati may lumabas na ugat sa noo nito. Nag aalala siya na sasaktan ni Joshua si Malcolm dahil sa galit, kaya’t mabilis siyang lumapit at hinila pabalik ang wheelchair ni Malcolm, pagkatapos ay prinotektahan niya ang katawan nito gamit ang katawan niya. “Joshua, hindi ko pinilit o tinakot ni Malcolm para gawin ito. Ang lahat ng ito ay kusa kong ginagawa.” “Kung galit ka dahil dito, sa akin ka magalit. ‘Wag mong saktan ang isang tao na paralisado!” Lumingon si Joshua at tumitig siya sa babaeng nasa harap niya. Malamig, determinado, at masama ang tingin ng babaeng ito, na para bang si Jo
Napabuntong hininga si Malcolm. Malabo ang mukha niya dahil madilim ang ilaw, hindi makita ni Luna ang ekspresyon ni Malcolm. “Luna, ayaw ko na mahirapan ka. Kung…” Nagbuntong hininga siya at nagpatuloy siya sa namamaos na boses, “Kung hindi mo talaga kayang bitawan si Joshua, hahayaan kita. Hindi mo kailangan mag alala para sa akin.” Dinala niya ang sarili niya papunta sa glass window at tumitig siya sa malayo katabi ni Luna. “Nasa masamang kondisyon na ako; hindi na mahalaga kung itatrato nila ako ng mas masama. Hindi nila ako bubugbugin hanggang sa mamatay ako tulad ng sinasabi nila.” “Para sa akin, ang kaligayahan mo ang pinakamahalaga sa lahat.” Kumirot ang puso ni Luna nang marinig niya ito. Kinagat niya ang labi niya at umiling siya. “Hindi. Hindi kita hahayaan na masaktan dahil lang sa akin.” Dati, hindi alam ni Luna kung bakit napunta sa aksidente si Malcolm. Gayunpaman, pagkatapos marinig ang sinabi ni Granny Quinn kahapon, natuklasan niya na… Napunta sa aksidente
Mahaba ang masamang panaginip ni Luna. Sa panaginip niya, nakaluhod si Joshua sa harap niya, puno ng dugo at walang tigil sa paghingi ng tawad. Tumalikod siya at tumulo ang mga luha sa mukha niya. Sa ikinagulat niya, nakatayo sa likod niya ang pumanaw na si Granny Lynch. Tinanggal ni Granny Lynch ang kutsilyo na nakasaksak sa dibdib niya at mabagal siyang lumapit kay Luna. Biglang nagkaroon ng masama at malamig na ekspresyon sa mukha ni Granny habang galit niyang sinabi, “Ano ang ipinangako mo sa akin, Luna?” “Nangako ka na kahit ano ang mangyari, hindi ka susuko kay Joshua! Gaano katagal na ba simula nang sabihin ko ito sayo? Nakalimutan mo na ito!” Hinawakan ni Luna ang dibdib niya at dumura siya ng dugo. “Granny, hindi ko po nakalimutan ang pangako ko sa inyo… Hindi po ako sumuko sa kanya! Siya po ang sumuko sa akin!” “Siya po ang unang sumuko sa akin!”…“Granny—!” Biglang nagising si Luna. “Nanaginip ka ba ng masama?” Tumunog ang mababang boses ni Malcolm sa ta
Pumikit si Malcolm at nanatili siyang walang kibo bago niya dinala ang sarili niya sa washroom. Nakatayo at walang kibo si Luna at nagbuntong hininga siya habang pinanood niyang umalis si Malcolm. Narinig niya na dati na binanggit ng mga katulong si Samuel, ang tatay ni Malcolm. Ayon sa mga narinig niya, ang mahal ni Samuel ay hindi ang nanay ni Malcolm, kundi ang ibang babae. Ayaw ng buong pamilya Quinn sa relasyon nila, kaya’t nagpakamatay ang babae dahil sa lungkot. Nang mabalitaan na namatay ang mahal niya dahil dito, nabaliw si Samuel at napunta siya sa mental hospital ng higit sa sampung taon. Nang lumaki na si Malcolm, doon lang bumalik sa katinuan si Samuel. Gayunpaman, kahit na tapos na ito, hindi bumalik si Samuel sa pamilya niya at sa halip ay naging pari na lang siya. Para naman kay Malcolm… Ang nanay niya ay isa sa mga katulong ni Samuel. Dahil sa sobrang lungkot, nalulong sa alak si Samuel ng matagal pagkatapos mamatay ng girlfriend niya. Isang gabi, habang
“Pumanaw na si Lucy makalipas ng maraming taon, pero binabanggit mo pa rin siya lagi. Sino kaya ang hindi pa bumibitaw sa kanya, Inay?” Dahil sa pagtatanong ni Granny Quinn, ngumisi ng malamig si Samuel at sinabi niya na parang wala siyang pakialam, “Siguro ay matagal manatili ang konsensya at pagsisisi.” Sa sobrang galit ni Granny Quinn nang marinig ito ay lumaki ang mga mata niya sa gulat. “Ikaw!” “Tama na,” Kumunot ang noo ni Malcolm at sumingit siya ng malamig nang makita niya na nagtatalo nanaman sina Granny at Samuel. “Higit sa sampung taon na simula nang hindi ka umuuwi. Umuwi ka ba ngayon para lang makipagtalo kay Granny?”“Reverend Samuel Quinn, hindi ba’t nandito ka para makita kami ni Luna? Dahil nakita mo na kami, hindi ba’t dapat ay umalis ka na?” Pagkatapos, yumuko si Malcolm at tumingin siya sa oras. “Sinabi ng katulong sa akin na may oras ka lang para sa isang tasa ng kape, at halos ubos na ang oras mo. Kung wala ka nang sasabihin sa amin, umalis ka na. Pasensya
“Ang …” Sa sandali na marinig ni Samuel ang pangalan ni Lucy, huminto siya sa paglalakad. “Ang apelyido ba ng kaibigan mo ay Lynch?” Tumango si Luna. Nagbuntong hininga si Samuel at inabot niya ang isang jade ring kay Luna. “Kapag may pagkakataon ka na makita ang kaibigan mo, pakiusap ay ipasa mo sa kanya ito. Pagkatapos, matutuklasan niya ang lahat ng nangyari kay Lucy Hamilton. Isa pang bagay…” Huminga siya ng malalim at sinabi niya, “May dalawang jade ring na magkamukha. Ang isa ay nasa tunay na anak ni Lucy. Good luck.” Pagkatapos, tumalikod siya at naglakad siya palayo. Nanatiling walang kibo si Luna, hawak niya pa rin ang jade rin, at hindi niya alam kung ano ang gagawin. May… anak ba si Lucy? Hindi ito alam ni Granny Lynch, hanggang sa pagkamatay niya. Kung natuklasan niya ang tungkol sa apo niya, matutuwa siguro siya… Habang pinag iisipan ito ni Luna, biglang may bumangga sa katawan niya. Nawalan siya ng balanse at aksidente niyang nabitawan ang jade rin at