Kinaumagahan ay iniwan ko na muna sa hospital si Josephine upang bantayan ang anak ko. Nagdala na rin kasi ako ng mga susuotin sa pagpasok sa trabaho, pero bago pa man ako tumuloy sa pinagtatrabahuhang grocery store ay dumaan muna ako sa paaralang pinapasukan ng anak ko upang ipaalam sa kaniyang guro ang nangyari."Naku, kawawa naman po si Angela, mommy. Pakisabi na lang po sa kaniya na magpagaling siya kaagad ha," malumay ang tinig na sambit ni Teacher Gladys. Bakas ang lungkot at awa sa kaniyang maamo't magandang mukha. Kaedad ko lang siya kaya napakabata pa ng kaniyang hitsura, hindi katulad sa akin na mabilis nag-matured ang mukha dahil maagang namulat sa iba't-ibang uri ng trabaho."Huwag po kayong mag-alala mommy, susubukan ko pong dalawin siya sa hospital upang iabot ang mga kopya ng mga lessons namin para hindi po siya mahuli sa topic namin," dagdag pa niya. Matalino ang anak ko kaya sigurado akong madali lang siyang makaintindi kahit na hindi na muna makakapasok. Kinder 1 pa
Read more