"Diyos ko dai, dapat pala sumama na lang ako! Kasalanan ko 'to e!" Pinadyak-padyak ni Josephine ang kaniyang mga paa. Maya't-maya ay hinihilamos ang dalawang palad sa mukha. "Dai naman, 'wag mong sisihin ang sarili mo. Kasalanan ko 'yon kasi naging pabaya ako. Hindi naman nawala si Angela e.""Hindi dai, mas kilala ko 'yang batang 'yan. Kabisado ko ang ugali niyan. Magkukusa 'yan kapag may gustong abutin, hindi siya aasa o hihingi ng tulong sa iba. Manang-mana sa iyo 'yang anak mo, dapat talaga hindi ko kayo hinayaang umalis na wala ako e! Kung nandoon ako hindi sana siya nawala sa tabi mo." Natahimik ako. Nakaramdam ako ng hiya. Ako ang ina pero mas kabisado ng kaibigan ko ang ugali ng anak ko. Mas kilala niya dahil sa loob ng maraming taon, mas maraming oras na silang dalawa lang ang magkasama."Pasensya ka na, mahal na mahal ko si Angge, ikamamatay ko kung may nangyaring masama sa kaniya." Naging mahinahon si Josephine nang maramdaman ang pananahimik ko. Ako ang may kasalanan pero
Read more