"Iniwan ko kayo para makapag-usap noong isang araw, ang sinabi niya sa akin ay magkaibigan kayo." Napaawang ang labi ko at bahagyang nanlaki ang mga mata nang marinig ang sinabi ni Doc. Manuel. Halos hindi kami magpang-abot sa tuwing nag-iikot siya upang kumustahin ang mga pasyente niya kabilang na ang anak ko kaya ngayon ko lang na tiyempuhan upang kausapin. Umaalis kasi ako upang bumili ng mga pangangailangan namin o 'di kaya ay umuuwi sa bahay upang kumuha ng gagamitin ng anak ko at ni Josephine."Hindi niya po kasi nabanggit dok.""Napakabuting tao ng lalaking 'yon, inalam pa niya kung sinu-sino sa mga pasyenteng nandito ang nangangailangan ng tulong financial upang maabutan niya ng tulong."Marahas akong napalunok. Ang taong pinag-isipan ko ng masama ay ang taong nagligtas sa buhay ng anak ko. At hindi lang anak ko ang gusto niyang tulungan, pati na rin ang mga kapos na nangangailangan. Nakagat ko na lang ang ibaba kong labi. Mali na hinusgahan ko siya kaagad, pero hindi niya ri
Magbasa pa