"Iniwan ko kayo para makapag-usap noong isang araw, ang sinabi niya sa akin ay magkaibigan kayo." Napaawang ang labi ko at bahagyang nanlaki ang mga mata nang marinig ang sinabi ni Doc. Manuel. Halos hindi kami magpang-abot sa tuwing nag-iikot siya upang kumustahin ang mga pasyente niya kabilang na ang anak ko kaya ngayon ko lang na tiyempuhan upang kausapin. Umaalis kasi ako upang bumili ng mga pangangailangan namin o 'di kaya ay umuuwi sa bahay upang kumuha ng gagamitin ng anak ko at ni Josephine."Hindi niya po kasi nabanggit dok.""Napakabuting tao ng lalaking 'yon, inalam pa niya kung sinu-sino sa mga pasyenteng nandito ang nangangailangan ng tulong financial upang maabutan niya ng tulong."Marahas akong napalunok. Ang taong pinag-isipan ko ng masama ay ang taong nagligtas sa buhay ng anak ko. At hindi lang anak ko ang gusto niyang tulungan, pati na rin ang mga kapos na nangangailangan. Nakagat ko na lang ang ibaba kong labi. Mali na hinusgahan ko siya kaagad, pero hindi niya ri
Tinalukuran ko siya nang walang salita. Ang hilig-hilig niyang mambigla. Tinawag niya ako ng tatlong beses pero mabilis akong naglakad upang makalayo sa kaniya.Dumagsa na ang mga customer sa club kaya naging abala ako at hindi ko na namalayan kung nakaalis na ba siya o nanatili sa puwesto niya kanina. Kahit na abala ako kanina ay hindi ko magawang iwaglit sa isipan ko kung naroroon pa ba siya at hinihintay ako.Nag-abang ako ng masasakyang tricycle sa tapat ng club nang matapos ang duty ko. Mahina na ang tugtog ng musika sa loob dahil nagsisimula ng lumalim ang gabi at bilang na lang ang mga tao. Nagpalit na rin ako ng damit dahil sa hospital ako didiretso.Naglakad ako nang kaunti at napadaan sa madilim na bahagi ng kalsada. Halos humiwalay ang kaluluwa ko sa katawan nang lumitaw mula sa kadiliman si Greg at umalingawngaw ang malalim na tinig. Kung hindi ko siya nakilala ay iisipin kong isa itong holdaper na naghihintay ng mabibiktma."Ihahatid na kita." "Kaya kong umuwing mag-isa!
Pero paano ko malalaman ang totoong pakay niya kung hindi ko siya pagbibigyan man lang na kilalanin siya? Kung sa ibang pagkakataon siguro ay baka matagal ko na siyang hinayaan na makilala namin ang isa't-isa, pero sa paraan ng paglapit niya tulad ng lihim na inaalam ang buhay ko at mga kilos, mahihirapan akong pagbigyan siya. Palinga-linga siya sa paligid nang hindi pa rin ako nag-umpisang magsalita. Para bang nagmamasid kung mayroong ibang kaduda-dudang tao na nakatingin sa amin. Okupado ang isipan ko dahil sa pagtatalo pero hindi ko maiwasang isipin na para bang may iniiwasan siya na makakakita sa kaniya o sa amin."Puwede bang layuan mo na ang anak ko at huwag ng bumalik dito?" Malumay ang tinig ko pero pinaparamdam ko na may diin at seryoso ako. Nawalan ng emosyon ang mga titig niya. Gumalaw ang kaniyang panga at marahas na nagbuga ng hangin.Kinulong niya sa magkabilaang bulsa ang mga kamay at sinalubong ang mga mata ko at seryoso ang tingin. "Cailee, wala akong intensyong masa
"Kahit na ilang beses mo akong ipagtabuyan hinding-hindi ako lalayo sa iyo, sa inyo," usal niya dahilan upang bumilis ang pagtibok ng puso ko.Muli niyang pinag-isa ang mga labi namin, at sa pagkakataong ito ay mas malalim at tila gutom na halik na ang ipinaparusa niya sa akin.Pinatay niya ang makina ng sasakyan habang magkahinang pa rin ang aming mga labi. Nasa tabi kami ng kalsada ngunit hindi na inalintana ang mga dumaraan kahit na nasisinagan kami ng liwanag mula sa ilaw ng mga sasakyan.Wala akong idadahilan ngayon na epekto lang ng alak ang init na nararamdaman ko dahil hindi naman ako nakainom ng alak katulad noong unang beses naming pinagsaluhan ang mainit na tagpong katulad nito. Matino ako ngayon at hindi ako puwedeng magsinungaling sa sarili ko na nagugustuhan ng katawan ko ang atake ng mga kamay niya na unti-unti nang gumagapang sa iba't-ibang parte ng katawan ko.Hinila niya ako upang tuluyan nang makalapit sa kaniya. Nasa ibabaw niya ako at nakatukod ngayon ang dalawa k
Mabilis na kumalat ang halimuyak ng pamilyar na pabango sa loob ng silid. Nakapikit ako pero unti-unti nang nagigising ang diwa ko dahil sa naramdamang marahang pagyugyog sa braso ko. Tumatak na sa isipan ko ang amoy na iyon at pakiramdam ko hanggang ngayon ay nakadikit pa rin ito sa katawan ko. Pagmulat ko ng mga mata ay isang pamilyar na bulto agad ang naaninag ng nanlalabo ko pang mata. "Good morning sleepy head!" Masiglang-masigla ang tono ng boses niya. Hindi ba siya nakaramdam ng pagod sa ginawa namin kagabi? Masyado pang maaga para pumunta siya rito sa hospital upang bumisita."Dai, pasensya ka na ha? Ayaw ko pa sanang gisingin ka, kaya lang excited nang umuwi ang anak mo e." Nasa tabi ko si Josephine at hawak pa rin niya ang braso ko. Inaalalayan akong bumangon."Hmm.." Humikab ako na takip ng kamay ang bibig."Anong oras na ba?" Namamaos pa ang boses ko. Tinapunan ko siya ng tingin, ni hindi ko man lang binigyan ng pansin ang pagbati ni Greg. "Magtatanghali na dai e, mukhan
Kinabukasan at sa sumunod pang mga araw ay hinayaan ko si Greg na halos ibuhos ang oras sa bahay. Hinahatid niya ako tuwing umaga sa store, sa gabi naman ay hinahatid at hinihintay niyang matapos ang trabaho ko sa club. Si Angela naman ay sinasamahan nila ni Josephine sa paaralan. Unti-unti nang nawawala ang pagkailang ko sa kaniya. Masarap siyang kasama, masaya. Mabait din siya at hindi nga ako nagkamali dahil mas lalong lumalalim ang pagiging malapit nila ng anak ko sa isa't-isa. "Bantay-sarado si pogi sa iyo ah?" "Nagmamagandang loob lang po 'yong tao." Pinipigilan ko ang sarili na kumawala ng ngiti. Pakiramdam ko kasi biglang tumalbog ang puso ko. Iyon agad ang naramdaman ko nang tukuyin niya si Greg sa tanong niya. Hindi ko alam pero kusa ko lang naramdaman ang kaligayahan sa dibdib ko. Nasa loob ako ng maliit na kuwarto ni Madam Bernadette at naghihintay na maibigay niya ang sahod ko. Sigurado ako na kapag napansin nito na masaya ako ay hindi ito titigil sa pag-uusisa.Ilang
"Asus! Ang haba ng buhok. May pa-letter pa! Sana all na lang dai!"Abala ako sa kusina dahil nagluluto ng agahan namin. Nilingon ko si Josephine, tila hirap pa sa paglakad dahil sa mga bitbit nito. Umawang ang bibig ko. Nanatili 'yong nakabuka dahil nabigla ako at namangha sa lulan niyang malaking kumpol ng rosas na nakalagay sa isang kahon. Kulay pula ang mga iyon. Mayroon pang isang kahon ng cake at katamtamang laki ng teddy bear. Mabilis ko siyang nilapitan upang matulungang mailapag ang mga bitbit niya. Napangiti ako dahil sa hindi inaasahang sorpresa. Lumingon akong muli sa likuran ng kaibigan ko, umaasa na makikita ang taong nakaisip na magbigay nito."Hmm.. wala siya, may nag-deliver lang nito. Sa tingin mo hahayaan niya akong bitbitin ang lahat ng mga ito kung nariyan siya?"Nalukot ang noo ko kasabay ng paniningkit ng mga mata. Wala akong ideya kung sino ang nagpabigay nito. May mga iilan akong kaibigan tulad nina Roger at Simon na nakakaalam na kaarawan ko ngayon, pero wala
"Diyos ko dai, dapat pala sumama na lang ako! Kasalanan ko 'to e!" Pinadyak-padyak ni Josephine ang kaniyang mga paa. Maya't-maya ay hinihilamos ang dalawang palad sa mukha. "Dai naman, 'wag mong sisihin ang sarili mo. Kasalanan ko 'yon kasi naging pabaya ako. Hindi naman nawala si Angela e.""Hindi dai, mas kilala ko 'yang batang 'yan. Kabisado ko ang ugali niyan. Magkukusa 'yan kapag may gustong abutin, hindi siya aasa o hihingi ng tulong sa iba. Manang-mana sa iyo 'yang anak mo, dapat talaga hindi ko kayo hinayaang umalis na wala ako e! Kung nandoon ako hindi sana siya nawala sa tabi mo." Natahimik ako. Nakaramdam ako ng hiya. Ako ang ina pero mas kabisado ng kaibigan ko ang ugali ng anak ko. Mas kilala niya dahil sa loob ng maraming taon, mas maraming oras na silang dalawa lang ang magkasama."Pasensya ka na, mahal na mahal ko si Angge, ikamamatay ko kung may nangyaring masama sa kaniya." Naging mahinahon si Josephine nang maramdaman ang pananahimik ko. Ako ang may kasalanan pero
Palubog na ang araw nang magising ako mula sa mahimbing na pagkakatulog. Nakapa ko kaagad ang kumot na nakapatong sa kalahati ng katawan ko. Nagtaka ako nang makitang nakabukas na ang lampshade sa ibabaw ng lamesitang katabi ng aking kama. Iyon lang ang nagsilbing liwanag sa aking kuwarto kaya hindi masakit sa mata nang magising ako. Ang salaming pinto papunta sa terasa ay nakasara na rin ngunit ang mahabang kurtina ay nakabukas kaya nasilayan ko rin ang papalubog ng araw. Cellphone kaagad ang una kong hinanap. Nakita ko iyon sa ibabaw ng lamesita. Nalungkot ako nang pindutin ko iyon ay wala man lang natanggap na kahit na isang mensahe o tawag mula sa kaibigan ko. Dismayado ako at nag-aalala, may halo na ring kaba. Nagmadali akong umibis ng kama at nagpasyang lumabas ng kuwarto kahit na tila wala pa ako sa aking sarili. Nang pinihit ko ang siradura at tuluyang nabuksan ang pintuan ay agad na tumambad ang mukha ni Greg. "Gising ka na pala," saad niya. "Greg, anong balita sa la
Nagising ako nang maramdaman ang liwanag na tumatama sa mukha ko. Nakabalot ang katawan ko ng makapal na kumot pero nakahiga ako ngayon sa isang airbed na kakasya ang dalawang tao. Kinuha ito ni Greg sa sasakyan kagabi nang humupa na ang ulan. Bumalikwas ako sa aking hinihigaan nang walang makapa at maramdamang presensya sa tabi ko. Kahit na hirap pa sa naaaninag na liwanag ay pinilit kong ibuka ang mga mata ko upang hanapin si Greg. Nilinga-linga ko ang paligid ng kuweba ngunit hindi ko siya mahanap. Nagmadali akong bumangon. Kinuha ko ang nabasa kong bistida na nakapatong sa kahoy na ginawa ni Greg na sampayan kagabi. Nagsindi rin siya ng apoy mula sa mga kahoy na napulot niya lang dito sa loob ng kuweba. Sinadya niya 'yon upang matuyo ang mga damit namin at magsilbi na rin na pampainit dahil muling bumuhos ang malakas na ulan kagabi. Kaunting usok na lang at mga abo nito ang natira ngayon.Sinuot ko ang bistida at panty. Naroon sa tabi nito ang damit ni Greg ngunit ang mga pang-i
Matapos na makuntento sa pagpapaligaya na ginagawa ko ay pinatigil ako ni Greg. Inalalayan niya akong tumayo sa tapat niya at muling pinag-isa ang mga labi namin. Habang pinagsasaluhan namin ang mainit at uhaw na halik ay iginiya ako ni Greg papunta sa isang may katamtamang laki na bato. Kinalas niya ang kaniyang bibig at pinaharap ako sa batong nasa tapat ko. Sinilip ko siya sa likuran ko. Hindi ko alam kung anong posisyon ang pinahihiwatig niya. Hindi ko alam kung anong gagawin namin sa bato."Bend your knees Cai, I will ride behind you." Nakuha ni Greg ang pinahihiwatig kong tingin. Gusto ko kasing itanong kung paano namin gagawin iyon sa bato.Ngayon ay naunawaan ko na ang sinabi niya. Makinis ang bato na iyon kaya sinunod ko ang nais niyang posisyon. Pinatong ko ang dalawa kong tuhod at inangat ang baywang ko. Niyuko ko rin ang likod ko at pinilo ang mga siko upang hindi mabuwal. Ginawa namin ito sa kotse niya noon kaya alam ko na kung paano gawin ito ngayon. Tinutok niya ang d
Pareho kaming napahalakhak ni Greg dahil halos maligo na kami sa ulan. Natigil lang ako sa kakatawa nang pinapasok na namin ang loob.Namangha ako nang tuluyan kaming nakapasok sa loob ng kuweba. Sakto lang ang laki nito pero mayroon pa itong karugtong sa loob. Karaniwang malalaking bato lang ang nakikita ko, pero mas mainam na rito dahil hindi kami mababasa ng ulan at hindi gaanong giginawin. Naagaw ni Greg ang atensyon ko nang hinubad niya ang suot niyang itim na t-shirt. Mariin kong itinikom ang bibig ko nang makita ang maayos na pagkakahulma ng kaniyang mga abs. Pero ang mas nakaagaw ng atensyon ko ay mga peklat sa iba't-ibang parte ng katawan niya lalo na sa bandang dibdib at tiyan. Hindi ko ito napansin noong may nangyari sa amin sa kotseng ginamit niya. Nahawakan ko siguro pero hindi ko gaanong naramdaman dahil mas nakatuon ang atensyon ko sa ginagawa namin no'n. Isa pa, madilim din doon sa tabi ng kalsada kaya malabong mapapansin ko ang mga ito.Napatingin siya sa akin. Mabi
Ilang minuto lang ang binyahe namin ay naririnig ko na ang hampas ng alon. Mabagal lang ang takbo namin dahil sa lubak-lubak ang daan. Hiniling ko kay Greg na buksan na lang ang bintana ng kotse dahil gusto kong makita ang tanawin kahit gabi na. Maliwanag ang buwan kaya kahit na papaano ay naaaninag ko ang paligid. Para naming sinulong ang isang tagong gubat dahil sa masukal na mga ligaw na damo. Pero hindi na ako nakaramdam ng kaba kumpara noong unang beses kong nakita ang magulo at maukal na damo na bumungad sa amin noong nakarating kami sa bahay niya. Sa halip na takot ay pananabik ang umaapaw na emosyon ngayon sa dibdib ko. Pakiramdam ko mayroon na namang nakaabang na surpresa sa lugar na ito.Nilingon ko si Greg na tahimik lang na nagmamaneho. Hindi ko maiwasan na maikumpara siya sa madilim at nakakatakot na lugar na ito. Kung titignan mo siya ay parang binabalutan ng kadiliman. Punong-puno ng misteryo ang pagkatao. Pero kapag unti-unti mo ng nakikilala ay doon mo lang makikita a
Mabilis na lumipas ang araw. Sa mga nagdaang araw na iyon ay nakalimutan namin pansamantala ang aming mga problema. Walang araw na hindi kami sinurpresa ni Greg at palagi niyang sinisigurado na masaya kami lalo na ang anak ko. Ngayong umaga ay nakatakdang tuluyang aalisin na ang benda sa kamay ko. Inaalis naman ito at pinapalitan, pero ang isiping tuluyan na itong hindi ibabalik kapag natanggal ay masarap sa pakiramdam. Hindi ko alam kung ito ba 'yong tinatawag na mahika pero sa pag-aalaga ni Greg sa akin ay mabilis na gumaling ang pilay at mga natamo kong sugat. Hindi man tuluyang nawala ang mga peklat, ang importante ay magaling na ang mga sugat."Sanay talaga iyang si Greg mag-alaga ng may sakit. Alam na alam niya ang gagawin niya kapag mayroong nagkakasakit. Nag-aral ng medisina 'yan noon, hindi nga lang niya naipagpatuloy. Mabait na bata 'yan at maalalahanin pa." Natigil ako sa paglalakad nang marinig ko ang sinabi ni Nay Pacita. Papunta ako sa kusina upang kahit sana papaano ay
Matapos ang masaya at masaganang tanghalian ay dinala na kami ni Greg sa mga kuwarto kung saan kami matutulog. Nasa second floor ang lahat ng kuwarto kaya inakyat namin ang mataas na hagdan. Mayroon pa ring benda ang siko ko at hirap pa rin ako igalaw ito kaya palaging nakaalalay si Greg sa tabi o 'di kaya ay sa likuran ko. Malawak ang bahay. Sa sala ay mayroong isang malaking bintana, nakabukas ito kaya kitang-kita ang tanawin sa labas. Napakasimple lang ng mga kagamitan ngunit kaaya-ayang tingnan. Para itong isang rest house ng mga mayayaman na nakikita ko sa mga larawan sa magazine at libro. Pagkarating sa ikalawang palapag ay mayroong apat na kuwarto. Dalawang magkatabi sa kanan at ganoon din sa kaliwa. Sa dulo ay mayroong terasa ngunit may salaming pinto na nakaharang. Unang binuksan ni Greg ang silid na para kay Josephine. Malapit ito sa terasa dahil nasa pinakahuling bahagi. Malungkot at matamlay pa rin si Josephine, kahit na kanina habang kumakain kami ay pinipilit niya lang
Nalula ako nang matapat na kami sa isang malaki at kulay itim na gate. May kalumaan na ito dahil sa mga kalawang at nakupas na pintura. Ang mataas na pader ay halos lamunin na rin ng mga ligaw na halaman. Sa unang tingin ay tila isa itong abandonado na. Nang bumusina si Greg ay agad na bumukas ang gate. Mahabang oras ang binyahe namin at hindi ko maiwasang makaramdam ng kaba. Liblib na lugar ang nilalakbay namin at alam kong malayo na sa siyudad ng Gensan ang lugar na ito. Wala ring kabahayan sa paligid at tanging matataas na puno at masusukal na damo lang ang makikita. Kahit na maaga pa ay aakalain mong palubog na ang araw dahil sa dilim na dulot ng mga puno. Kung ito man ang bahay na sinasabi niya, paano niya nagagawang makabalik kaagad sa hospital sa tuwing umaalis siya at nagpapalit ng damit?"We're here," mahinang usal ni Greg.Katulad nga ng sinabi niya, dalawang araw lang ang nakalipas ay dinala nga niya kami sa kung saan siya naninirahan. Mabilis na sumang-ayon ang doktor ko
"Dai!" Halos pasigaw at taranta na tawag sa akin ni Josephine. Pawis na pawis siya at humahangos. Kitang-kita rin sa mga mata niya na nagpipigil na maluha. Nanginginig ang labi niya kaya hindi makapag-umpisang magsalita. Ang anak ko naman ay nagsisimula nang humagulgol kaya nataranta na rin ako.Mag-isa lang akong nakahiga, napaangat lang ako nang dumating sila na para bang may baon na problema."Anak? Bakit ka umiiyak? Ano'ng nangyayari, dai?" Salitan ko silang pinagmamasdan na may pagtataka. Naguguluhan ako at nagsimula nang kabahan dahil sa pamumutla ng mukha ng kaibigan ko."Dai, kailangan ko na munang umuwi! Tumawag si Ate Delia, nasusunog daw ang bahay!""Ano?!" Nayanig ang kuwarto sa lakas ng sigaw ko. Nanlaki ang mata ko dahil sa pagkabigla pero halos bumagsak ang balikat ko nang maproseso sa isipan ang sinabi ni Josephine. Nabigla ako pero mabilis na tinakasan ng lakas at agarang nanghina. Mabilis siyang nawala sa paningin ko. Nagpaalam nang umalis si Josephine pero hindi pa