Share

CHAPTER 35

Author: Brae Yannah
last update Huling Na-update: 2024-07-24 18:14:50

Palubog na ang araw nang magising ako mula sa mahimbing na pagkakatulog. Nakapa ko kaagad ang kumot na nakapatong sa kalahati ng katawan ko. Nagtaka ako nang makitang nakabukas na ang lampshade sa ibabaw ng lamesitang katabi ng aking kama. Iyon lang ang nagsilbing liwanag sa aking kuwarto kaya hindi masakit sa mata nang magising ako. Ang salaming pinto papunta sa terasa ay nakasara na rin ngunit ang mahabang kurtina ay nakabukas kaya nasilayan ko rin ang papalubog ng araw.

Cellphone kaagad ang una kong hinanap. Nakita ko iyon sa ibabaw ng lamesita. Nalungkot ako nang pindutin ko iyon ay wala man lang natanggap na kahit na isang mensahe o tawag mula sa kaibigan ko. Dismayado ako at nag-aalala, may halo na ring kaba. Nagmadali akong umibis ng kama at nagpasyang lumabas ng kuwarto kahit na tila wala pa ako sa aking sarili.

Nang pinihit ko ang siradura at tuluyang nabuksan ang pintuan ay agad na tumambad ang mukha ni Greg.

"Gising ka na pala," saad niya.

"Greg, anong balita sa la
Locked Chapter
Patuloy ang Pagbabasa sa GoodNovel
I-scan ang code upang i-download ang App

Kaugnay na kabanata

  • Chased by a Secret Billionaire   CHAPTER 1

    "Mama! Papa!" sigaw ng isang bata habang umiiyak na pinapanuod ang mga taong naghuhukay sa mga kabahayang natabunan ng gumuhong lupa. Malakas ang buhos ng ulan sanhi nang paglambot ng lupa at nagiging putik pero hindi iyon inalintana ng mga kalalakihan at patuloy na pinagtutulungang hukayin ang isang bahay na tila napuruhan at nabagsakan na rin ng mga malalaking puno at bato.Lumapit ang isang ale sa batang babae at mahigpit itong niyakap ngunit hindi iyon nagsilbi sa bata dahil mas lalong lumakas ang pagtangis nito. Walang humpay sa pagsisigaw ng mama at papa subalit walang ni isang magulang na lumapit sa kaniya. Ang kanina'y maputik nitong katawan ay unti-unti nang natatanggal dahil sa patuloy na paglakas ng ulan.Sumisikip ang dibdib kong pinagmamasdan siya dahil sa awa. Gusto ko siyang lapitan at damayan ngunit nang humakbang ako palapit sa kaniya ay unti-unti siyang lumalabo sa paningin ko hanggang sa tuluyan na nga siyang naglaho."Cailee! Ano ba? Wala ka

    Huling Na-update : 2021-10-05
  • Chased by a Secret Billionaire   CHAPTER 2

    Chapter 2Habang naglalakad ako papuntang paaralan ay nahagip ng mga mata ko ang isang insidenteng naganap sa daan. Gustuhin ko mang umusisa ay mas pinili kong balewalain na lang ito dahil gahol na rin ako sa oras at kailangan ko nang magmadali.Kasabay ng magkabilaang busina ng mga sasakyan na naging sanhi ng trapiko ay ang mga ingay na nagmula sa nag-uumpukang mga tao na nag-uusisa rin kaya naman hirap akong makadaan. Gayunpaman ay pinilit kong makipagsisikan. Nang makatiyempo ako ng makipot na daan ay mabilis ko 'yong sinulong upang makalusot sa kabilang kalsada. Sari-saring amoy ang nalanghap ko mula sa mga drayber ng tricycle at mga tambay sa kanto ngunit tiniis ko na lang dahil nagmamadali ako.Nasa pagitan na ako ng magkabilang kalsada nang biglang may humarurot na kotse sa mismong dadaanan ko. Nanlaki ang mga mata ko sa labis na pagkabigla at halos bumulagta ako sa kalsada dahil sa tumakas na lakas sa mga tuhod ko. Nanginginig ito at nanghihi

    Huling Na-update : 2021-10-05
  • Chased by a Secret Billionaire   CHAPTER 3

    CHAPTER 3Habang lumilipas ang araw at linggo ay napapadalas ang pag-alis ni Tiya Marita sa bahay. Madalas na kami lang ng mga pinsan ko at tiyuhin ang naroon. Kasundo ko naman si Maui, ngunit si Arah ay tila namana ang ugali sa kaniyang ina, lahat kasi ng mga mali kong nagawa ay agad nitong napupuna at isinusumbong kay tiya. Kahit papaano ay nasasanay na rin naman akong tinatrato niyang katulong. Kaso nga lang ay hindi ko matanggap ang iba nitong paratang tulad na lang nang pangungupit ko umano ng pera.Halos magka-edad lang kami ni Arah, buwan lang ang tanda ko sa kaniya. Hindi ko maintindihan kung bakit tila abot hanggang langit ang galit niya sa akin gayong wala naman akong ginagawa sa kaniya. Hindi ko naman ginustong ikinukumpara kami ng mga kapitbahay namin. Palagi akong pinupuri kahit pa noong nagdadalaga pa lang ako, mas madalas nga lang nilang sabihin na mas gumaganda at mas lumilitaw na umano ang hubog ng katawan ko ngayon. Sinasadya pa yata ng iba na ipa

    Huling Na-update : 2021-10-05
  • Chased by a Secret Billionaire   CHAPTER 4

    CHAPTER 4"Mga guwapo't magagandang suki, patatas kayo riyan, may carrots din po preskong-presko pa!" hikayat ko sa mga mamimili na dumaraan sa puwesto ng amo ko.Isang taon na ang nakalipas nang tanggapin ko ang alok na trabaho ng mag-asawang nasakyan ko nang umalis ako sa bahay ng tiyahin ko.Maliban sa pagiging tindera ko ng mga gulay sa tindahan ng aking amo ay suma-sideline pa ako sa ibang puwesto tuwing may bakanteng oras. Sa tuwing may dumarating na mga truck na may kargang mga gulay ay kinokontrata ko na ang mga negosyante sa palengke bilang taga-linis at taga-balat ng mga gulay katulad ng mga itinitinda ko ngayon. Mayroon na akong boarding house na tinutuluyan at kahit papaano ay mayroon na rin akong kaunting ipon. Nakatulong ang pagiging kuripot ko at mga diskarte upang mapagkasya ko ang aking mga bayarin. Balak kong muling bumalik sa pag-aaral sa susunod na pasukan kaya kailangan kong makapag-ipon. Alam ko naman na libre lang mag-aral sa mga pampubl

    Huling Na-update : 2021-10-05
  • Chased by a Secret Billionaire   CHAPTER 5

    CHAPTER 5Simula noong araw na 'yon ay madalas nang pumupunta sa puwesto ng amo ko si Daniel. Halos walang araw na hindi siya dumadaan sa akin upang abutan ako ng kung anu-ano. Kilala na rin siya nina Nanay Tonya at Tatay Manuel. Botong-boto ang matatanda dahil sa kabutihang ipinapakita ni Daniel sa akin at sa kanila.Matapos ang trabaho ko sa buong maghapon sa palengke ay nakaabang na rin siya sa dinaraanan ko pauwi upang ihatid ako sa boarding house na nirerentahan ko. Sa dalas ng pagsasama at pagkikita namin ay namalayan ko na lang ang sarili ko na nahuhulog na ang loob sa kaniya. Naikuwento ko na sa kaniya ang buo kong pagkatao, halos wala akong itinago mula noong bata pa ako hanggang sa kasalukuyan. Alam niyang ulilang lubos na ako dahil namatay ang mga magulang ko noong nagkaroon ng landslide sa lugar namin.Sa loob ng ilang buwan na nakasama ko siya ay pareho naming pinagtapat ang nararamdaman namin sa isa't-isa, at kalaunan ay hinikayat na niya akong lisanin

    Huling Na-update : 2021-10-05
  • Chased by a Secret Billionaire   Chapter 6

    "Mama! Yehey! Naynay Josephine narito na po si Mama! Tuwang-tuwa ang anak kong si Angela nang sinalubong ako sa labas ng bahay. Kararating ko lang galing sa trabaho bilang tindera sa maliit na grocery store sa bayan.Anim na taon na ang nakalipas mula nang isilang ko si Angela, sa tulong ni Josephine, ang baklang nagligtas sa akin at nagdala sa hospital nang himatayin ako noon sa tabing kalsada ay maayos kong napalaki ang aking anak. Mag-isa na lang sa buhay si Josephine at kinupkop niya kami ng anak ko at itinuring na pamilya. Hanggang ngayon ay naging matalik kaming magkaibigan. Habang kumakayod ako upang may maitustos sa pangangailan ng anak ko at sa pang-araw-araw naming makakain, siya naman ang aligaga sa pag-aalaga ng anak ko.Magmula nang araw na dinala niya ako sa hospital ay hindi na niya ako pinabayaan lalo na nang malaman niyang mag-isa na lang din ako sa buhay. Dinala niya kami rito sa lungsod ng General Santos kung saan siya mag-isang naninirahan. 

    Huling Na-update : 2022-04-06
  • Chased by a Secret Billionaire   CHAPTER 7

    Unti-unti nang dumarami ang tao bar at lumalalim na ang gabi. Sa sobrang pag-iisip ko sa sinabi ni madam ay nakalimutan ko nang tawagan ang anak ko. Madalas alas nuebe y medya siya natutulog, saka ko na lang naalala nang alas onse na kaya hindi ko na sila tinawagan pa upang hindi na maistorbo ang kanilang tulog."Miss, puwede ka bang i-table? Ang sexy mo naman ah, dapat ito 'yong tipo ng babae na binibigyan ng libreng drinks eh," saad ng isang lasing na customer sa akin nang maghatid akong muli ng ini-order nilang alak. Kanina kahit na hindi pa siya lasing ay nakakaasiwa na ang paninitig niya pero hindi ko na lang gaanong pinansin."Salamat po, pero hindi po 'yon ang trabaho ko rito," turan ko matapos na mailapag ang mga lulan na alak at yelo. Tatalikod na sana ako ngunit napasigaw ako nang maramdaman kong may kamay na tumapik sa pang-upo ko."Bastos ka ah? Buwisit ka!" bulyaw ko matapos siyang dampian ng isang malakas na sampal sa pisngi. Muli akong ibina

    Huling Na-update : 2022-04-08
  • Chased by a Secret Billionaire   CHAPTER 8

    "M-mama.." Nagising ako nang marinig ang tila nahihirapang tinig ni Angela. Bumalikwas ako ng kama nang maramdaman ang matinding init ng kaniyang katawan. Nanginginig din ang kaniyang katawan at ang mga biluging mata ay mapungay habang nakatingin sa akin. Kinapa ko ang kaniyang leeg at noo at nakumpirma na inaapoy siya ng lagnat. Maputi ang balat ng anak ko katulad ng kaniyang ama kaya mapapansin kaagad ang pamumula ng kaniyang pisngi at labi."Anak ko ang taas ng lagnat mo!" Dali-dali akong bumangon at naglakad patungo sa kusina upang kumuha ng gamot at malamig na tubig. Naabutan kong nagluluto sa kusina si Josephine at nagtataka itong pinagmamasdan ako."Dai, anong nangyayari?" tanong nito."Ang taas ng lagnat ni Angge!""Ano?!" Iniwan nito ang pinipritong isda at mabilis na tinungo ang aming kuwarto.Kumuha agad ako bimpo at binasa ito sa malamig na tubig na inilagay ko sa maliit na palanggana.Si Josephine naman ang naghanda ng gamot na ipap

    Huling Na-update : 2022-04-08

Pinakabagong kabanata

  • Chased by a Secret Billionaire   CHAPTER 35

    Palubog na ang araw nang magising ako mula sa mahimbing na pagkakatulog. Nakapa ko kaagad ang kumot na nakapatong sa kalahati ng katawan ko. Nagtaka ako nang makitang nakabukas na ang lampshade sa ibabaw ng lamesitang katabi ng aking kama. Iyon lang ang nagsilbing liwanag sa aking kuwarto kaya hindi masakit sa mata nang magising ako. Ang salaming pinto papunta sa terasa ay nakasara na rin ngunit ang mahabang kurtina ay nakabukas kaya nasilayan ko rin ang papalubog ng araw. Cellphone kaagad ang una kong hinanap. Nakita ko iyon sa ibabaw ng lamesita. Nalungkot ako nang pindutin ko iyon ay wala man lang natanggap na kahit na isang mensahe o tawag mula sa kaibigan ko. Dismayado ako at nag-aalala, may halo na ring kaba. Nagmadali akong umibis ng kama at nagpasyang lumabas ng kuwarto kahit na tila wala pa ako sa aking sarili. Nang pinihit ko ang siradura at tuluyang nabuksan ang pintuan ay agad na tumambad ang mukha ni Greg. "Gising ka na pala," saad niya. "Greg, anong balita sa la

  • Chased by a Secret Billionaire   Chapter 34

    Nagising ako nang maramdaman ang liwanag na tumatama sa mukha ko. Nakabalot ang katawan ko ng makapal na kumot pero nakahiga ako ngayon sa isang airbed na kakasya ang dalawang tao. Kinuha ito ni Greg sa sasakyan kagabi nang humupa na ang ulan. Bumalikwas ako sa aking hinihigaan nang walang makapa at maramdamang presensya sa tabi ko. Kahit na hirap pa sa naaaninag na liwanag ay pinilit kong ibuka ang mga mata ko upang hanapin si Greg. Nilinga-linga ko ang paligid ng kuweba ngunit hindi ko siya mahanap. Nagmadali akong bumangon. Kinuha ko ang nabasa kong bistida na nakapatong sa kahoy na ginawa ni Greg na sampayan kagabi. Nagsindi rin siya ng apoy mula sa mga kahoy na napulot niya lang dito sa loob ng kuweba. Sinadya niya 'yon upang matuyo ang mga damit namin at magsilbi na rin na pampainit dahil muling bumuhos ang malakas na ulan kagabi. Kaunting usok na lang at mga abo nito ang natira ngayon.Sinuot ko ang bistida at panty. Naroon sa tabi nito ang damit ni Greg ngunit ang mga pang-i

  • Chased by a Secret Billionaire   Chapter 33 (SPG)

    Matapos na makuntento sa pagpapaligaya na ginagawa ko ay pinatigil ako ni Greg. Inalalayan niya akong tumayo sa tapat niya at muling pinag-isa ang mga labi namin. Habang pinagsasaluhan namin ang mainit at uhaw na halik ay iginiya ako ni Greg papunta sa isang may katamtamang laki na bato. Kinalas niya ang kaniyang bibig at pinaharap ako sa batong nasa tapat ko. Sinilip ko siya sa likuran ko. Hindi ko alam kung anong posisyon ang pinahihiwatig niya. Hindi ko alam kung anong gagawin namin sa bato."Bend your knees Cai, I will ride behind you." Nakuha ni Greg ang pinahihiwatig kong tingin. Gusto ko kasing itanong kung paano namin gagawin iyon sa bato.Ngayon ay naunawaan ko na ang sinabi niya. Makinis ang bato na iyon kaya sinunod ko ang nais niyang posisyon. Pinatong ko ang dalawa kong tuhod at inangat ang baywang ko. Niyuko ko rin ang likod ko at pinilo ang mga siko upang hindi mabuwal. Ginawa namin ito sa kotse niya noon kaya alam ko na kung paano gawin ito ngayon. Tinutok niya ang d

  • Chased by a Secret Billionaire   Chapter 32 (SPG)

    Pareho kaming napahalakhak ni Greg dahil halos maligo na kami sa ulan. Natigil lang ako sa kakatawa nang pinapasok na namin ang loob.Namangha ako nang tuluyan kaming nakapasok sa loob ng kuweba. Sakto lang ang laki nito pero mayroon pa itong karugtong sa loob. Karaniwang malalaking bato lang ang nakikita ko, pero mas mainam na rito dahil hindi kami mababasa ng ulan at hindi gaanong giginawin. Naagaw ni Greg ang atensyon ko nang hinubad niya ang suot niyang itim na t-shirt. Mariin kong itinikom ang bibig ko nang makita ang maayos na pagkakahulma ng kaniyang mga abs. Pero ang mas nakaagaw ng atensyon ko ay mga peklat sa iba't-ibang parte ng katawan niya lalo na sa bandang dibdib at tiyan. Hindi ko ito napansin noong may nangyari sa amin sa kotseng ginamit niya. Nahawakan ko siguro pero hindi ko gaanong naramdaman dahil mas nakatuon ang atensyon ko sa ginagawa namin no'n. Isa pa, madilim din doon sa tabi ng kalsada kaya malabong mapapansin ko ang mga ito.Napatingin siya sa akin. Mabi

  • Chased by a Secret Billionaire   Chapter 31

    Ilang minuto lang ang binyahe namin ay naririnig ko na ang hampas ng alon. Mabagal lang ang takbo namin dahil sa lubak-lubak ang daan. Hiniling ko kay Greg na buksan na lang ang bintana ng kotse dahil gusto kong makita ang tanawin kahit gabi na. Maliwanag ang buwan kaya kahit na papaano ay naaaninag ko ang paligid. Para naming sinulong ang isang tagong gubat dahil sa masukal na mga ligaw na damo. Pero hindi na ako nakaramdam ng kaba kumpara noong unang beses kong nakita ang magulo at maukal na damo na bumungad sa amin noong nakarating kami sa bahay niya. Sa halip na takot ay pananabik ang umaapaw na emosyon ngayon sa dibdib ko. Pakiramdam ko mayroon na namang nakaabang na surpresa sa lugar na ito.Nilingon ko si Greg na tahimik lang na nagmamaneho. Hindi ko maiwasan na maikumpara siya sa madilim at nakakatakot na lugar na ito. Kung titignan mo siya ay parang binabalutan ng kadiliman. Punong-puno ng misteryo ang pagkatao. Pero kapag unti-unti mo ng nakikilala ay doon mo lang makikita a

  • Chased by a Secret Billionaire   Chapter 30

    Mabilis na lumipas ang araw. Sa mga nagdaang araw na iyon ay nakalimutan namin pansamantala ang aming mga problema. Walang araw na hindi kami sinurpresa ni Greg at palagi niyang sinisigurado na masaya kami lalo na ang anak ko. Ngayong umaga ay nakatakdang tuluyang aalisin na ang benda sa kamay ko. Inaalis naman ito at pinapalitan, pero ang isiping tuluyan na itong hindi ibabalik kapag natanggal ay masarap sa pakiramdam. Hindi ko alam kung ito ba 'yong tinatawag na mahika pero sa pag-aalaga ni Greg sa akin ay mabilis na gumaling ang pilay at mga natamo kong sugat. Hindi man tuluyang nawala ang mga peklat, ang importante ay magaling na ang mga sugat."Sanay talaga iyang si Greg mag-alaga ng may sakit. Alam na alam niya ang gagawin niya kapag mayroong nagkakasakit. Nag-aral ng medisina 'yan noon, hindi nga lang niya naipagpatuloy. Mabait na bata 'yan at maalalahanin pa." Natigil ako sa paglalakad nang marinig ko ang sinabi ni Nay Pacita. Papunta ako sa kusina upang kahit sana papaano ay

  • Chased by a Secret Billionaire   Chapter 29

    Matapos ang masaya at masaganang tanghalian ay dinala na kami ni Greg sa mga kuwarto kung saan kami matutulog. Nasa second floor ang lahat ng kuwarto kaya inakyat namin ang mataas na hagdan. Mayroon pa ring benda ang siko ko at hirap pa rin ako igalaw ito kaya palaging nakaalalay si Greg sa tabi o 'di kaya ay sa likuran ko. Malawak ang bahay. Sa sala ay mayroong isang malaking bintana, nakabukas ito kaya kitang-kita ang tanawin sa labas. Napakasimple lang ng mga kagamitan ngunit kaaya-ayang tingnan. Para itong isang rest house ng mga mayayaman na nakikita ko sa mga larawan sa magazine at libro. Pagkarating sa ikalawang palapag ay mayroong apat na kuwarto. Dalawang magkatabi sa kanan at ganoon din sa kaliwa. Sa dulo ay mayroong terasa ngunit may salaming pinto na nakaharang. Unang binuksan ni Greg ang silid na para kay Josephine. Malapit ito sa terasa dahil nasa pinakahuling bahagi. Malungkot at matamlay pa rin si Josephine, kahit na kanina habang kumakain kami ay pinipilit niya lang

  • Chased by a Secret Billionaire   Chapter 28

    Nalula ako nang matapat na kami sa isang malaki at kulay itim na gate. May kalumaan na ito dahil sa mga kalawang at nakupas na pintura. Ang mataas na pader ay halos lamunin na rin ng mga ligaw na halaman. Sa unang tingin ay tila isa itong abandonado na. Nang bumusina si Greg ay agad na bumukas ang gate. Mahabang oras ang binyahe namin at hindi ko maiwasang makaramdam ng kaba. Liblib na lugar ang nilalakbay namin at alam kong malayo na sa siyudad ng Gensan ang lugar na ito. Wala ring kabahayan sa paligid at tanging matataas na puno at masusukal na damo lang ang makikita. Kahit na maaga pa ay aakalain mong palubog na ang araw dahil sa dilim na dulot ng mga puno. Kung ito man ang bahay na sinasabi niya, paano niya nagagawang makabalik kaagad sa hospital sa tuwing umaalis siya at nagpapalit ng damit?"We're here," mahinang usal ni Greg.Katulad nga ng sinabi niya, dalawang araw lang ang nakalipas ay dinala nga niya kami sa kung saan siya naninirahan. Mabilis na sumang-ayon ang doktor ko

  • Chased by a Secret Billionaire   Chapter 27

    "Dai!" Halos pasigaw at taranta na tawag sa akin ni Josephine. Pawis na pawis siya at humahangos. Kitang-kita rin sa mga mata niya na nagpipigil na maluha. Nanginginig ang labi niya kaya hindi makapag-umpisang magsalita. Ang anak ko naman ay nagsisimula nang humagulgol kaya nataranta na rin ako.Mag-isa lang akong nakahiga, napaangat lang ako nang dumating sila na para bang may baon na problema."Anak? Bakit ka umiiyak? Ano'ng nangyayari, dai?" Salitan ko silang pinagmamasdan na may pagtataka. Naguguluhan ako at nagsimula nang kabahan dahil sa pamumutla ng mukha ng kaibigan ko."Dai, kailangan ko na munang umuwi! Tumawag si Ate Delia, nasusunog daw ang bahay!""Ano?!" Nayanig ang kuwarto sa lakas ng sigaw ko. Nanlaki ang mata ko dahil sa pagkabigla pero halos bumagsak ang balikat ko nang maproseso sa isipan ang sinabi ni Josephine. Nabigla ako pero mabilis na tinakasan ng lakas at agarang nanghina. Mabilis siyang nawala sa paningin ko. Nagpaalam nang umalis si Josephine pero hindi pa

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status