Share

CHAPTER 5

Author: Brae Yannah
last update Huling Na-update: 2021-10-05 13:58:49

CHAPTER 5

Simula noong araw na 'yon ay madalas nang pumupunta sa puwesto ng amo ko si Daniel. Halos walang araw na hindi siya dumadaan sa akin upang abutan ako ng kung anu-ano. Kilala na rin siya nina Nanay Tonya at Tatay Manuel. Botong-boto ang matatanda dahil sa kabutihang ipinapakita ni Daniel sa akin at sa kanila.

Matapos ang trabaho ko sa buong maghapon sa palengke ay nakaabang na rin siya sa dinaraanan ko pauwi upang ihatid ako sa boarding house na nirerentahan ko. Sa dalas ng pagsasama at pagkikita namin ay namalayan ko na lang ang sarili ko na nahuhulog na ang loob sa kaniya. Naikuwento ko na sa kaniya ang buo kong pagkatao, halos wala akong itinago mula noong bata pa ako hanggang sa kasalukuyan. Alam niyang ulilang lubos na ako dahil namatay ang mga magulang ko noong nagkaroon ng landslide sa lugar namin.

Sa loob ng ilang buwan na nakasama ko siya ay pareho naming pinagtapat ang nararamdaman namin sa isa't-isa, at kalaunan ay hinikayat na niya akong lisanin na ang inuupahan kong boarding house dahil nais niyang magsama na kami sa iisang bubong. Hindi ko pa man siya lubos na kakilala ay pumayag naman ako dahil ramdam kong mahal niya ako at gano'n din naman ako sa kaniya. 

"Cailee, sigurado ka na ba sa desisyon mo? Ikaw na rin ang nagsabi sa akin na hindi mo pa siya lubusang kilala, hindi naman sa nangingialam ako, pero alam mo naman na anak na ang turing ko sa iyo, ayaw kong mapahamak ka hija," nag-aalalang wika ni Nanay Tonya sa akin nang magpaalam ako sa kaniya na hihinto na ako sa pagtatrabaho at bubukod na kasama ni Daniel.

"Huwag po kayong mag-alala Nay Tonya, may tiwala po ako sa kaniya at may tiwala ako sa nararamdaman ko. Alam ko po na masyado pa akong bata para magdesisyon, pero naniniwala po ako na hindi niya po ako lolokohin at sasaktan," paninigurado ko sa kaniya upang maibsan ang kaniyang lungkot at pangamba.

"Ipangako mo sa akin na dadalawin mo ako, ha? Kahit anong oras na gusto mong bumalik dito 'wag kang mag-atubili na lumapit muli sa akin  naiintindihan mo?" 

"Opo nay, hinding-hindi ko po kayo kalilimutan." H******n ko na siya at bahagyang naluha nang makita kong pigil siya na umiyak. Agad niya na akong itinaboy upang hindi ko masaksihan ang pagpatak ng kaniyang mga luha.

Nanirahan kami ni Daniel sa isang malaki at napakagandang bahay. Nalula ako at hindi makapaniwala na pag-aari niya ang bahay na iyon. Pilit kong inaalam ang lahat ng tungkol sa kaniya ngunit kahit anong impormasyon ay wala akong makuha. Gayunpaman ay pinagkatiwalaan ko siya, pilit kong pinagkatiwalaan ang mga kabutihang pinapakita niya sa akin.

Binigyan niya ako ng isang masaya at marangyang buhay. Pinaramdam niya sa akin kung gaano ako kahalaga sa kaniya. Ang inosente kong puso ay tuluyan nang nalunod ng kaniyang pagmamahal.

Madalas niya rin akong inaabutan ng malaking pera. Sinabi lang niya sa akin na mayroon siyang negosyo at 'yon ang pinagkaka-abalahan niya. Saglit lang naman siya kung mawala noong nagsasama kami, umuuwi naman siya tuwing gabi kaya medyo nabawasan ang pag-aalala ko. Sumabay ako sa agos ng relasyon namin, inisip ko na lang na baka balang araw kapag handa na siya ay ipapakilala niya na ako sa kaniyang pamilya. 

Lumipas ang ilang buwan ay napansin kong madalang na siya kung umuwi, ngunit hindi pa rin naman nagbago ang pinapakita at pinaparamdam niyang pagmamahal sa akin. Alam ko namang wala akong sagot na makukuha mula sa kaniya kung tatanungin ko siya kaya pinili ko na lang na manahimik at pagsilbihan siya. 

Maaga akong nagising dahil pinaghanda ko siya ng makakain, maaga raw kasi siyang aalis dahil may mahalaga siyang aasikasuhin. Habang hinahanda ko ang mga sangkap sa aking lulutoin ay nakakaramdam ako nang panghihilo na sinabayan naman nang pagsusuka. Naalala kong magdadalawang buwan na pala akong hindi dinadatnan.

Nang matapos akong magluto ay hinugasan ko na rin ang mga pinaglutuan ko.

"Good morning love! Ang sipag naman ng asawa ko," Nabigla ako nang kinulong niya ako sa kaniyang mga bisig mula sa likuran ko. Humarap naman ako sa kaniya at gumanti rin ng yakap.

"Good morning too love, kumain ka na at ipaghahain kita."

"Okay, sabayan mo ako ha," alok niya sa akin at saka ako hinatak patungong hapag-kainan.

"Love, basa pa 'yong mga kamay ko sandali lang."

"Okay sige." Binitiwan nito ang kamay ko habang nakangiti na nakatanaw sa kinaroroonan ko. "Anyway, ayos ka lang ba love? Narinig kong nagsusuka ka kanina, may masakit ba sa iyo?" nag-aalalang tanong niya sa akin, hinawakan rin niya ang noo ko nang makalapit na ako sa kaniya upang matiyak ang kalagayan ko.

"Wala ito, umatake lang 'yong ulcer ko, sige na maupo ka na at maghahain na ako." Hindi niya na ako kinulit pa at pinagmasdan na lang ako sa aking ginagawa.

Nang magpaalam na si Daniel na aalis ay bigla akong nakaramdam ng kaba, hindi ko alam kung bakit pero hindi ko na ito pinagtuunan pa ng pansin. Mamaya pag-alis niya ay pupunta ako sa doctor upang makapagpa-check up. Sasabihin ko na lang kung ano man ang resulta pag-uwi niya mamaya. 

Pinaghalong tuwa at pangamba ang naramdaman ko habang hinihimas ang tiyan ko, patuloy na nagsasalita ang doktor ngunit tila wala akong naririnig. 

"Kailangang maging maingat ka dahil mahina ang pagtibok ng puso ng bata, nariyan lahat nakasaad ang mga bitamina at gatas na dapat mong inumin. Lahat ng pinagbawal ko at dapat mong gawin na sinabi ko kailangan mong tandaan, okay ba misis?" saad ng doktor at saka inabot sa akin ang isang papel.

"Misis," mahina kong naibigkas 'yon habang tuwang-tuwa na hinihimas ang tiyan. 

Hindi ko alam ang gagawin ko, sabik na sabik akong umuwi upang makapagplano kung paano ko sorpresahin si Daniel, sigurado akong matutuwa siya.

Dumaan muna ako sa isang grocery shop upang makapamili ng mga lulutoin. Gagawin kong espesyal ang hapunan namin mamaya. 

Nang makarating ako sa bahay ay naghanda ako ng paboritong alak ni Daniel, maging ang kandila at rosas ay pinaghandaan ko rin. Magiging magulang na kaming pareho dahil magdadalawang buwan na akong buntis. Mula noong nagsama kami ay inalay ko na sa kaniya ang pagkababae ko, maging ang buong buhay ko ay pinaubaya ko na rin. Magkakaroon na ako ng matatawag kong isang buong pamilya dahil sa munting anghel na nasa sinapupunan ko. Ang matagal ko anng pinangarap na masaya at buong pamilya ay unti-unti nang natutupad.

Matapos ko sa kusina ay hinanda ko rin ang aking susuotin, kailangang maganda ako sa paningin ng mahal ko mamaya kaya inayos ko na rin ang hitsura ko. Hindi ako sanay maglagay ng make-up kaya't lipstick at pulbos na lang ang nilagay ko. Ilang sandali na lang ay uuwi na ang mahal ko.

Ilang oras pa akong naghintay dahil hindi siya nakarating sa oras na nakasanayan ko. Tiniis ko muna ang gutom dahil gusto kong sabay kaming kumain.

Pinilit kong labanan ang antok ko, subalit nagising na lang ako ng hating gabi. Hinanap agad ng paningin ko si Daniel ngunit wala ni anino niya ang nagpakita. Kumalabog na ang dibdib ko, may iilang gabi naman na hindi siya nakakauwi pero pinapaalam niya sa akin dahil binigyan niya ako ng cellphone. Kabilin-bilinan niya sa akin na 'wag ko siyang tatawagan at maghintay lang ako ng tawag niya. Tuluyan nang nabalot ng takot ang puso ko. Kating-kati na ang kamay kong i-dial na ang kaniyang numero upang tawagan ngunit pinigilan ko pa rin ang sarili ko at muling naghintay. Parang gusto ko nang umiyak ngunit pilit kong pinigilan. Hindi ako puwedeng ma-stress dahil baka raw maapektuhan ang pinagbubuntis ko. Lumipas nang muli ang ilang oras at bumibigat na ang talukap ng mga mata ko. Nagising na lang ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Sa sofa na pala ako nakatulog at wala ring Daniel na dumating. Binalingan ko agad ang cellphone ko baka may tawag itong hindi ko nasagot, ngunit nadagdagan ang bigat ng nararamdaman ko nang wala ni isang tawag o text na galing sa kaniya. Hindi ko na napigilan ang emosyong nararamdaman ko, tuluyan nang nagragasa ang mga luhang pinigilan ko mula pa kagabi.

Muli akong naghintay, ngunit ang paghihintay ko ay umabot na ng ilang araw, hanggang umabot na ng ilang buwan. Hindi ko na namalayan ang paglobo ng tiyan ko. Maging ang pagharap sa salamin ay hindi ko na nagawa kaya wala akong kamalay-malay sa resulta ng depresyon na naranasan ko. Ang alam ko lang ay walang araw na hindi tumutulo ang luha ko. Nakakaligtaan ko na rin pala ang kumain.

Namulat na lang ako isang araw nang humarap ako sa salamin, ang laki ng pagbabago ng hitsura ko, maging ang katawan ko'y ang laki ng pinagbago. Ang payat-payat ko na pala. Tiyan ko na lang ang lumalaki. Naalala kong may sanggol na pilit kumakapit sa sinapupunan ko. Muli akong naluha, hanggang sa tuluyan na akong humagulgol. Hinang-hina na ako kaya napahandusay na lang ako sa sahig. Parang ang bigat-bigat ng mga balikat ko at hirap na hirap akong ibangon ang sarili ko. Nawawalan na rin ako ng pag-asang babalikan pa akong muli ni Daniel sa bahay na ito. Pilit kong inayos ang sarili ko at naglakas loob na hanapin siya. Araw-araw kong tinatawagan ang numero niya ngunit hindi na ito ma-contact kaya nagdesisyon na akong hanapin siya. Ginugol ko ang lahat ng lakas ko sa paghahanap sa kaniya. Halos ikutin ko na ang buong lungsod ng Davao ngunit wala akong natagpuang Daniel. Unti-unti na ring nauubos ang perang naitabi ko sa pagtatrabaho noon sa palengke at mga perang inabot niya sa akin.

Habang naglalakad ako sa tabi ng kalsada ay muli akong nakaramdam nang panghihina, marahil ay napagod ako at nahihilo kakahanap sa kaniya. Namulat na lang ako sa loob ng hospital at may nakalatay ng dextrose sa kamay ko. Wala pa man gaanong lakas ay kinapa ko agad ang tiyan ko.

Napalingon na lang ako bigla sa gilid ng aking kama nang may hindi pamilyar na tinig ang nagsalita.

"Maayos ang baby mo dai, 'wag ka na munang kumilos d'yan, antayin mo tatawag ako ng nurse," sambit ng isang bakla.

Nakahinga ako nang maluwag sa sinabi niya. Maya-maya ay may lumapit ng nurse at doctor sa akin. Doon ko napagtanto ang kapabayaang nagawa ko. Muntik nang mapahamak ang bata sa sinapupunan ko, ang anak ko. Pitong buwan na rin pala siyang kumakapit at lumalaban sa tiyan ko.

Kaugnay na kabanata

  • Chased by a Secret Billionaire   Chapter 6

    "Mama! Yehey! Naynay Josephine narito na po si Mama! Tuwang-tuwa ang anak kong si Angela nang sinalubong ako sa labas ng bahay. Kararating ko lang galing sa trabaho bilang tindera sa maliit na grocery store sa bayan.Anim na taon na ang nakalipas mula nang isilang ko si Angela, sa tulong ni Josephine, ang baklang nagligtas sa akin at nagdala sa hospital nang himatayin ako noon sa tabing kalsada ay maayos kong napalaki ang aking anak. Mag-isa na lang sa buhay si Josephine at kinupkop niya kami ng anak ko at itinuring na pamilya. Hanggang ngayon ay naging matalik kaming magkaibigan. Habang kumakayod ako upang may maitustos sa pangangailan ng anak ko at sa pang-araw-araw naming makakain, siya naman ang aligaga sa pag-aalaga ng anak ko.Magmula nang araw na dinala niya ako sa hospital ay hindi na niya ako pinabayaan lalo na nang malaman niyang mag-isa na lang din ako sa buhay. Dinala niya kami rito sa lungsod ng General Santos kung saan siya mag-isang naninirahan. 

    Huling Na-update : 2022-04-06
  • Chased by a Secret Billionaire   CHAPTER 7

    Unti-unti nang dumarami ang tao bar at lumalalim na ang gabi. Sa sobrang pag-iisip ko sa sinabi ni madam ay nakalimutan ko nang tawagan ang anak ko. Madalas alas nuebe y medya siya natutulog, saka ko na lang naalala nang alas onse na kaya hindi ko na sila tinawagan pa upang hindi na maistorbo ang kanilang tulog."Miss, puwede ka bang i-table? Ang sexy mo naman ah, dapat ito 'yong tipo ng babae na binibigyan ng libreng drinks eh," saad ng isang lasing na customer sa akin nang maghatid akong muli ng ini-order nilang alak. Kanina kahit na hindi pa siya lasing ay nakakaasiwa na ang paninitig niya pero hindi ko na lang gaanong pinansin."Salamat po, pero hindi po 'yon ang trabaho ko rito," turan ko matapos na mailapag ang mga lulan na alak at yelo. Tatalikod na sana ako ngunit napasigaw ako nang maramdaman kong may kamay na tumapik sa pang-upo ko."Bastos ka ah? Buwisit ka!" bulyaw ko matapos siyang dampian ng isang malakas na sampal sa pisngi. Muli akong ibina

    Huling Na-update : 2022-04-08
  • Chased by a Secret Billionaire   CHAPTER 8

    "M-mama.." Nagising ako nang marinig ang tila nahihirapang tinig ni Angela. Bumalikwas ako ng kama nang maramdaman ang matinding init ng kaniyang katawan. Nanginginig din ang kaniyang katawan at ang mga biluging mata ay mapungay habang nakatingin sa akin. Kinapa ko ang kaniyang leeg at noo at nakumpirma na inaapoy siya ng lagnat. Maputi ang balat ng anak ko katulad ng kaniyang ama kaya mapapansin kaagad ang pamumula ng kaniyang pisngi at labi."Anak ko ang taas ng lagnat mo!" Dali-dali akong bumangon at naglakad patungo sa kusina upang kumuha ng gamot at malamig na tubig. Naabutan kong nagluluto sa kusina si Josephine at nagtataka itong pinagmamasdan ako."Dai, anong nangyayari?" tanong nito."Ang taas ng lagnat ni Angge!""Ano?!" Iniwan nito ang pinipritong isda at mabilis na tinungo ang aming kuwarto.Kumuha agad ako bimpo at binasa ito sa malamig na tubig na inilagay ko sa maliit na palanggana.Si Josephine naman ang naghanda ng gamot na ipap

    Huling Na-update : 2022-04-08
  • Chased by a Secret Billionaire   Chapter 9

    Wala gaanong customer ngayon dahil weekdays kaya hindi gaanong busy. Pinaikot-ikot ko ang mga mata sa paligid at isa-isang pinagmamasdan ang mga tao. Tumatak sa isipan ko ang sinabi ni madam at gusto kong matiyak kung totoo ba narito sa loob ng club gabi-gabi ang lalaking tinutukoy niya. Bawat sulok ay hindi ko pinalagpas ngunit wala naman akong nakitang tao na kakaiba ang ikinikilos. Simple lang rin naman ang hitsura ng mga naririto ngayon at wala naman akong makitang sobrang guwapo. Kung sabagay, lahat naman yata ng lalaki na pumapasok dito ay guwapo sa paningin ng bakla kong amo. Basta't alam niyang mapera ay pasadong-pasado na sa kaniyang panlasa.Alas nuwebe pasado na nang bigla akong nakatanggap ng tawag mula kay Josephine. Inaasahan ko nang anak ko ang bubungad sa akin sa kabilang linya, dahil sa sobrang sabik na makausap si Angela ay sinagot ko na muna ang tawag bago naisipang ihatid sa table ng customer ang tangan kong alak. Ngunit ganoon na lang ang pagtataka ko nang marin

    Huling Na-update : 2022-05-13
  • Chased by a Secret Billionaire   Chapter 10

    Kinaumagahan ay iniwan ko na muna sa hospital si Josephine upang bantayan ang anak ko. Nagdala na rin kasi ako ng mga susuotin sa pagpasok sa trabaho, pero bago pa man ako tumuloy sa pinagtatrabahuhang grocery store ay dumaan muna ako sa paaralang pinapasukan ng anak ko upang ipaalam sa kaniyang guro ang nangyari."Naku, kawawa naman po si Angela, mommy. Pakisabi na lang po sa kaniya na magpagaling siya kaagad ha," malumay ang tinig na sambit ni Teacher Gladys. Bakas ang lungkot at awa sa kaniyang maamo't magandang mukha. Kaedad ko lang siya kaya napakabata pa ng kaniyang hitsura, hindi katulad sa akin na mabilis nag-matured ang mukha dahil maagang namulat sa iba't-ibang uri ng trabaho."Huwag po kayong mag-alala mommy, susubukan ko pong dalawin siya sa hospital upang iabot ang mga kopya ng mga lessons namin para hindi po siya mahuli sa topic namin," dagdag pa niya. Matalino ang anak ko kaya sigurado akong madali lang siyang makaintindi kahit na hindi na muna makakapasok. Kinder 1 pa

    Huling Na-update : 2022-05-13
  • Chased by a Secret Billionaire   Chapter 11

    "Ako ba talaga 'yang nasa salamin madam?" Maging ako ay hindi makapaniwala sa repleksyon ng mukha ko sa salamin. Ibang-iba pala talaga ang nagagawa ng make-up at pag-aayos sa sarili. Siguro kung ganito na ako mag-ayos noon ay mas marami pa ang mangungulit sa aking matandang mayaman. "Heto oh, alak pangpalakas ng loob mo mamaya."Hindi na ako sanay sa alak kaya nag-alangan akong inumin ang inabot niya. Pero dahil kailangan ko nga ng lakas ng loob at kakapalan ng mukha ay wala akong choice kun'di ang inumin ang alak. Makakatulong din ito upang mabawasan ang pagkaasiwa ko.Kailangan ko ring kapalan ang mukha ko dahil sa plano ko. Hindi ko na ipapaalam kay Madam Bernadette na iyon ang gagawin ko mamaya.Nakatatlong bote ng ladies drink sko kaya medyo tumama na ang epekto ng alak. Nakausap na ito ni madam sa kabilang linya at sinabi nito na susunduin ako sa labas ng club.Paglabas namin ni madam sa kaniyang kuwarto ay halos sa akin agad nakapako ang tingin ng lahat.Nang maupo kami sa is

    Huling Na-update : 2022-05-13
  • Chased by a Secret Billionaire   Chapter 12

    Nagulantang ako sa kaniyang ginawa kaya pilit ko siyang itinutulak upang mabawi ang labi kong nakalapat sa kaniyang bibig. Subalit mas lalong humigpit ang pagkakahawak niya sa akin at ginalugad ang aking labi. Unti-unti akong nakakaramdam ng init. Unti-unti ko ring nararamdaman ang nakakalunod na sarap kaya sa halip na magpumiglas ay nagawa kong makipagsabayan sa mga iginagawad nitong halik.Para akong sinilaban ng apoy at dahan-dahan nang nararamdaman ang epekto ng alak na nainom ko kanina. Para akong nalalasing at nahahalina sa kaniyang mabangong hininga. Napakapit ako ng mahigpit sa kaniyang braso hanggang sa tuluyan ko nang ipinulupot ang mga kamay ko sa kaniyang leeg. Napahingal-ngal ako nang sipsipin niya ang aking labi. Naririnig ko ang pagmumura niya habang pinaparusahan ang uhaw kong labi. Kay Daniel ko ito unang naramdaman ngunit pansamantala kong nalimutan ang pakiramdam na iyon.Tuluyan na akong nadarang sa apoy ng pagnanasa nang dumausdos ang mainit niyang labi sa aking

    Huling Na-update : 2022-05-13
  • Chased by a Secret Billionaire   Chapter 13

    Nahuli ng mga mata ko ang pagsiko ni Aling Paloma sa kaniya kaya naalis ang tingin nito sa akin. Nang wala ng naglakas loob na magsalita ay marahas ko na silang tinalikuran.Bumuntong hininga ako pagdating sa bahay. Pinilit kong alisin sa isipan ang mga narinig ko kanina. Masama ang loob ko pero ayaw ko na silang pagtuunan ng pansin. Siguro naman titigil na sila sa pag-iinsulto matapos ko silang komprontahin. Nakitaan ko ng hiya at awa ang mga mata ng tatlong matatanda nang binanggit kong nasa hospital ang anak ko, sana lang totoo ang awang 'yon.Nagsimula na akong nagpalit ng damit at inihanda ang mga dadalhin sa hospital dahil doon ako muling matutulog. Hindi ako papasok bukas dahil kailangang nasa tabi ako ng anak ko sa operasyon niya. Napapagod at inaantok na rin ako pero nagawa ko pa ring silipin ang sobreng inabot ng lalaking kasama ko kanina. Manipis lang ito kaya sinilip ko. Nakita ko ang pangalan ng bangko kung saan ito maaaring i-withdraw. Hindi ko na pinansin pa kung magka

    Huling Na-update : 2022-05-13

Pinakabagong kabanata

  • Chased by a Secret Billionaire   CHAPTER 35

    Palubog na ang araw nang magising ako mula sa mahimbing na pagkakatulog. Nakapa ko kaagad ang kumot na nakapatong sa kalahati ng katawan ko. Nagtaka ako nang makitang nakabukas na ang lampshade sa ibabaw ng lamesitang katabi ng aking kama. Iyon lang ang nagsilbing liwanag sa aking kuwarto kaya hindi masakit sa mata nang magising ako. Ang salaming pinto papunta sa terasa ay nakasara na rin ngunit ang mahabang kurtina ay nakabukas kaya nasilayan ko rin ang papalubog ng araw. Cellphone kaagad ang una kong hinanap. Nakita ko iyon sa ibabaw ng lamesita. Nalungkot ako nang pindutin ko iyon ay wala man lang natanggap na kahit na isang mensahe o tawag mula sa kaibigan ko. Dismayado ako at nag-aalala, may halo na ring kaba. Nagmadali akong umibis ng kama at nagpasyang lumabas ng kuwarto kahit na tila wala pa ako sa aking sarili. Nang pinihit ko ang siradura at tuluyang nabuksan ang pintuan ay agad na tumambad ang mukha ni Greg. "Gising ka na pala," saad niya. "Greg, anong balita sa la

  • Chased by a Secret Billionaire   Chapter 34

    Nagising ako nang maramdaman ang liwanag na tumatama sa mukha ko. Nakabalot ang katawan ko ng makapal na kumot pero nakahiga ako ngayon sa isang airbed na kakasya ang dalawang tao. Kinuha ito ni Greg sa sasakyan kagabi nang humupa na ang ulan. Bumalikwas ako sa aking hinihigaan nang walang makapa at maramdamang presensya sa tabi ko. Kahit na hirap pa sa naaaninag na liwanag ay pinilit kong ibuka ang mga mata ko upang hanapin si Greg. Nilinga-linga ko ang paligid ng kuweba ngunit hindi ko siya mahanap. Nagmadali akong bumangon. Kinuha ko ang nabasa kong bistida na nakapatong sa kahoy na ginawa ni Greg na sampayan kagabi. Nagsindi rin siya ng apoy mula sa mga kahoy na napulot niya lang dito sa loob ng kuweba. Sinadya niya 'yon upang matuyo ang mga damit namin at magsilbi na rin na pampainit dahil muling bumuhos ang malakas na ulan kagabi. Kaunting usok na lang at mga abo nito ang natira ngayon.Sinuot ko ang bistida at panty. Naroon sa tabi nito ang damit ni Greg ngunit ang mga pang-i

  • Chased by a Secret Billionaire   Chapter 33 (SPG)

    Matapos na makuntento sa pagpapaligaya na ginagawa ko ay pinatigil ako ni Greg. Inalalayan niya akong tumayo sa tapat niya at muling pinag-isa ang mga labi namin. Habang pinagsasaluhan namin ang mainit at uhaw na halik ay iginiya ako ni Greg papunta sa isang may katamtamang laki na bato. Kinalas niya ang kaniyang bibig at pinaharap ako sa batong nasa tapat ko. Sinilip ko siya sa likuran ko. Hindi ko alam kung anong posisyon ang pinahihiwatig niya. Hindi ko alam kung anong gagawin namin sa bato."Bend your knees Cai, I will ride behind you." Nakuha ni Greg ang pinahihiwatig kong tingin. Gusto ko kasing itanong kung paano namin gagawin iyon sa bato.Ngayon ay naunawaan ko na ang sinabi niya. Makinis ang bato na iyon kaya sinunod ko ang nais niyang posisyon. Pinatong ko ang dalawa kong tuhod at inangat ang baywang ko. Niyuko ko rin ang likod ko at pinilo ang mga siko upang hindi mabuwal. Ginawa namin ito sa kotse niya noon kaya alam ko na kung paano gawin ito ngayon. Tinutok niya ang d

  • Chased by a Secret Billionaire   Chapter 32 (SPG)

    Pareho kaming napahalakhak ni Greg dahil halos maligo na kami sa ulan. Natigil lang ako sa kakatawa nang pinapasok na namin ang loob.Namangha ako nang tuluyan kaming nakapasok sa loob ng kuweba. Sakto lang ang laki nito pero mayroon pa itong karugtong sa loob. Karaniwang malalaking bato lang ang nakikita ko, pero mas mainam na rito dahil hindi kami mababasa ng ulan at hindi gaanong giginawin. Naagaw ni Greg ang atensyon ko nang hinubad niya ang suot niyang itim na t-shirt. Mariin kong itinikom ang bibig ko nang makita ang maayos na pagkakahulma ng kaniyang mga abs. Pero ang mas nakaagaw ng atensyon ko ay mga peklat sa iba't-ibang parte ng katawan niya lalo na sa bandang dibdib at tiyan. Hindi ko ito napansin noong may nangyari sa amin sa kotseng ginamit niya. Nahawakan ko siguro pero hindi ko gaanong naramdaman dahil mas nakatuon ang atensyon ko sa ginagawa namin no'n. Isa pa, madilim din doon sa tabi ng kalsada kaya malabong mapapansin ko ang mga ito.Napatingin siya sa akin. Mabi

  • Chased by a Secret Billionaire   Chapter 31

    Ilang minuto lang ang binyahe namin ay naririnig ko na ang hampas ng alon. Mabagal lang ang takbo namin dahil sa lubak-lubak ang daan. Hiniling ko kay Greg na buksan na lang ang bintana ng kotse dahil gusto kong makita ang tanawin kahit gabi na. Maliwanag ang buwan kaya kahit na papaano ay naaaninag ko ang paligid. Para naming sinulong ang isang tagong gubat dahil sa masukal na mga ligaw na damo. Pero hindi na ako nakaramdam ng kaba kumpara noong unang beses kong nakita ang magulo at maukal na damo na bumungad sa amin noong nakarating kami sa bahay niya. Sa halip na takot ay pananabik ang umaapaw na emosyon ngayon sa dibdib ko. Pakiramdam ko mayroon na namang nakaabang na surpresa sa lugar na ito.Nilingon ko si Greg na tahimik lang na nagmamaneho. Hindi ko maiwasan na maikumpara siya sa madilim at nakakatakot na lugar na ito. Kung titignan mo siya ay parang binabalutan ng kadiliman. Punong-puno ng misteryo ang pagkatao. Pero kapag unti-unti mo ng nakikilala ay doon mo lang makikita a

  • Chased by a Secret Billionaire   Chapter 30

    Mabilis na lumipas ang araw. Sa mga nagdaang araw na iyon ay nakalimutan namin pansamantala ang aming mga problema. Walang araw na hindi kami sinurpresa ni Greg at palagi niyang sinisigurado na masaya kami lalo na ang anak ko. Ngayong umaga ay nakatakdang tuluyang aalisin na ang benda sa kamay ko. Inaalis naman ito at pinapalitan, pero ang isiping tuluyan na itong hindi ibabalik kapag natanggal ay masarap sa pakiramdam. Hindi ko alam kung ito ba 'yong tinatawag na mahika pero sa pag-aalaga ni Greg sa akin ay mabilis na gumaling ang pilay at mga natamo kong sugat. Hindi man tuluyang nawala ang mga peklat, ang importante ay magaling na ang mga sugat."Sanay talaga iyang si Greg mag-alaga ng may sakit. Alam na alam niya ang gagawin niya kapag mayroong nagkakasakit. Nag-aral ng medisina 'yan noon, hindi nga lang niya naipagpatuloy. Mabait na bata 'yan at maalalahanin pa." Natigil ako sa paglalakad nang marinig ko ang sinabi ni Nay Pacita. Papunta ako sa kusina upang kahit sana papaano ay

  • Chased by a Secret Billionaire   Chapter 29

    Matapos ang masaya at masaganang tanghalian ay dinala na kami ni Greg sa mga kuwarto kung saan kami matutulog. Nasa second floor ang lahat ng kuwarto kaya inakyat namin ang mataas na hagdan. Mayroon pa ring benda ang siko ko at hirap pa rin ako igalaw ito kaya palaging nakaalalay si Greg sa tabi o 'di kaya ay sa likuran ko. Malawak ang bahay. Sa sala ay mayroong isang malaking bintana, nakabukas ito kaya kitang-kita ang tanawin sa labas. Napakasimple lang ng mga kagamitan ngunit kaaya-ayang tingnan. Para itong isang rest house ng mga mayayaman na nakikita ko sa mga larawan sa magazine at libro. Pagkarating sa ikalawang palapag ay mayroong apat na kuwarto. Dalawang magkatabi sa kanan at ganoon din sa kaliwa. Sa dulo ay mayroong terasa ngunit may salaming pinto na nakaharang. Unang binuksan ni Greg ang silid na para kay Josephine. Malapit ito sa terasa dahil nasa pinakahuling bahagi. Malungkot at matamlay pa rin si Josephine, kahit na kanina habang kumakain kami ay pinipilit niya lang

  • Chased by a Secret Billionaire   Chapter 28

    Nalula ako nang matapat na kami sa isang malaki at kulay itim na gate. May kalumaan na ito dahil sa mga kalawang at nakupas na pintura. Ang mataas na pader ay halos lamunin na rin ng mga ligaw na halaman. Sa unang tingin ay tila isa itong abandonado na. Nang bumusina si Greg ay agad na bumukas ang gate. Mahabang oras ang binyahe namin at hindi ko maiwasang makaramdam ng kaba. Liblib na lugar ang nilalakbay namin at alam kong malayo na sa siyudad ng Gensan ang lugar na ito. Wala ring kabahayan sa paligid at tanging matataas na puno at masusukal na damo lang ang makikita. Kahit na maaga pa ay aakalain mong palubog na ang araw dahil sa dilim na dulot ng mga puno. Kung ito man ang bahay na sinasabi niya, paano niya nagagawang makabalik kaagad sa hospital sa tuwing umaalis siya at nagpapalit ng damit?"We're here," mahinang usal ni Greg.Katulad nga ng sinabi niya, dalawang araw lang ang nakalipas ay dinala nga niya kami sa kung saan siya naninirahan. Mabilis na sumang-ayon ang doktor ko

  • Chased by a Secret Billionaire   Chapter 27

    "Dai!" Halos pasigaw at taranta na tawag sa akin ni Josephine. Pawis na pawis siya at humahangos. Kitang-kita rin sa mga mata niya na nagpipigil na maluha. Nanginginig ang labi niya kaya hindi makapag-umpisang magsalita. Ang anak ko naman ay nagsisimula nang humagulgol kaya nataranta na rin ako.Mag-isa lang akong nakahiga, napaangat lang ako nang dumating sila na para bang may baon na problema."Anak? Bakit ka umiiyak? Ano'ng nangyayari, dai?" Salitan ko silang pinagmamasdan na may pagtataka. Naguguluhan ako at nagsimula nang kabahan dahil sa pamumutla ng mukha ng kaibigan ko."Dai, kailangan ko na munang umuwi! Tumawag si Ate Delia, nasusunog daw ang bahay!""Ano?!" Nayanig ang kuwarto sa lakas ng sigaw ko. Nanlaki ang mata ko dahil sa pagkabigla pero halos bumagsak ang balikat ko nang maproseso sa isipan ang sinabi ni Josephine. Nabigla ako pero mabilis na tinakasan ng lakas at agarang nanghina. Mabilis siyang nawala sa paningin ko. Nagpaalam nang umalis si Josephine pero hindi pa

DMCA.com Protection Status