CHAPTER 4
"Mga guwapo't magagandang suki, patatas kayo riyan, may carrots din po preskong-presko pa!" hikayat ko sa mga mamimili na dumaraan sa puwesto ng amo ko.
Isang taon na ang nakalipas nang tanggapin ko ang alok na trabaho ng mag-asawang nasakyan ko nang umalis ako sa bahay ng tiyahin ko.Maliban sa pagiging tindera ko ng mga gulay sa tindahan ng aking amo ay suma-sideline pa ako sa ibang puwesto tuwing may bakanteng oras. Sa tuwing may dumarating na mga truck na may kargang mga gulay ay kinokontrata ko na ang mga negosyante sa palengke bilang taga-linis at taga-balat ng mga gulay katulad ng mga itinitinda ko ngayon. Mayroon na akong boarding house na tinutuluyan at kahit papaano ay mayroon na rin akong kaunting ipon. Nakatulong ang pagiging kuripot ko at mga diskarte upang mapagkasya ko ang aking mga bayarin. Balak kong muling bumalik sa pag-aaral sa susunod na pasukan kaya kailangan kong makapag-ipon. Alam ko naman na libre lang mag-aral sa mga pampublikong paaralan, mas tinuon ko nga lang muna ang sarili ko sa pag-iipon dahil mas kailangan kong kumita upang may pangtustos sa pang-araw-araw na pangangailangan ko."Cailee, hija!" Napalingon ako sa gawing kanan kung saan ko narinig ang masiglang pagbanggit ng pangalan ko. Tinig ito ni Nanay Tonya, ang aking mabait na amo.
Halos lakad-takbo itong humakbang upang mabilis na makalapit sa akin."Bakit po nay? Mukhang ang saya-saya po ninyo ngayon ah?" Kumikinang ang singkit nitong mga mata habang papalapit sa akin.
"Hija, may maganda akong balita sa'yo," nakangiti at tila sabik nitong wika.
"Ano naman po iyon Nay Tonya?" Bahagyang nakalukot ang noo ko habang itinatanong iyon sa kaniya.
"Narinig mo na ba 'yong ALS?"
"Pamilyar lang po, ano po bang meron do'n?" Alam ko at narinig ko na ang tungkol sa kaniyang binanggit ngunit hindi ko makonekta kung ano ang kinalaman no'n sa akin kaya mas minabuti kong magtanong na lang na para bang naku-kyuryosohan.
"Alternative Learning System hija, since ayaw mo namang tanggapin ang alok ko sa'yo na pag-aralin ka, baka ito na ang makakatulong sa iyo. Anim na buwan ka lang mag-aaral at kailangan mo lang ipasa ang pagsusulit, maaari ka nang makatuntong sa kolehiyo," masaya ang tinig nito habang nagsasalita. Mas mukha pa siyang excited kaysa sa akin.
Nasabik din ako nang malinaw niyang ipinaliwanag ang gustong sabihin kaya nagkaroon agad ako ng interest na alamin pa ang tungkol dito."Huwag kang mag-alala, sasamahan kitang mag-enroll ngayong darating na pasukan." Inagaw nito ang isa kong kamay at pinagsalikop ang aming mga palad. Matangkad ako kaya halos hindi magpantay ang balikat niya sa balikat ko. Nakatingala siya palagi kapag kinakausap ako.
"Naku, sige po. Sa pagkakataong ito ay hindi na po ako tatanggi Nay Tonya."
"Dapat lang Cailee, kailangang makapagtapos ka sa pag-aaral. Hindi bagay sa iyo ang magtrabaho rito sa loob ng palengke. Napakaganda mong dalaga, walang kapintasan sa panloob at panlabas na kaanyuan. Ang nararapat sa'yo na magtrabaho sa mga de-aircon na opisina. 'Yang ganda mong iyan nga ang nararapat na irampa sa mga beauty pageant eh." Pinasadahan pa ng kaniyang daliri ang mahaba kong buhok. Para akong batang nilalambing ng aking ina. Hindi ko tuloy maiwasang maalala ang kaunting alaala ko sa aking ina noong nabubuhay pa sila ng papa.
Saglit lang akong namalagi sa bahay ni Nanay Tonya mula nang tinawagan ko siya noong nakaraang taon. Sa mga sandaling panahong 'yon ay itinuring nila akong mag-asawa na parang tunay na anak. Gustuhin ko man na tanggapin ang alok nilang manirahan sa kanilang tirahan ay hindi ko iyon tinanggap. Mas minabuti kong mamuhay nang mag-isa dahil ayoko na rin makaperwisyo pa ng ibang tao. Tinanggap ko lang alok nilang trabaho upang makatulong na rin sa kanila kahit papaano. May sakit na rin kasi si Tatay Manuel kaya bihira na lang makapagmaneho. Habang inaalagaan siya ni Nanay Tonya ay mag-isa akong nagbabantay sa kanilang puwesto. Sayang naman kasi ang kikitain kung isasara nila. Hindi ko na rin hinahayaan na bayaran nila ang serbisyo ko kung matumal ang kita, sapat na sa akin na makatulong sa dalawang matanda na ginagabayan ako at pinaparamdam sa akin na mahalaga ako kahit wala ako sa kanilang puder.
Hindi na ako nagsinungaling noon at sinalaysay ko na ang tunay na nangyari noong gabing pinara ko ang kanilang sasakyan. Awang-awa sila sa kalagayan ko. Nakahinga na rin sila nang maluwag at napanatag ang kalooban dahil sa pagsasabi ko ng totoo. Simula kasi noong ibinaba nila ako sa tabi ng kalsada ay hindi na sila mapalagay dahil sa kakaisip sa akin.
Kahit na mayroon na akong sariling tinutuluyan sa ngayon ay patuloy pa rin nila akong ginagabayan. Kaya naman napakalaki ng utang na loob ko sa kanila."Oh siya sige, ako na muna ang magbabantay rito, hinahanap ka nga pala ni Dita. Nandoon na raw ang mga repolyo," pagputol nito sa aming usapin. Mukha kasing may namumuo ng drama sa pagitan naming dalawa.
Bago ako tuluyang magpaalam ay h******n ko muna siya, kaytagal kong hindi naranasan ang ganoong pakiramdam. Kahit papaano ay isang taon na ring gumaan ang buhay ko, walang takot at kaba, alam kong malayo rin sa kapahamakan. Hindi ako nagsisising napadpad ako sa lungsod na ito. Malayo sa panganib na naranasan ko sa tiyuhin ko, at malayo sa pambubunganga at pang-aalipin ng tiyahin ko.
"Sige na po Nanay Tonya, 'wag mo pong kalimutan na balitaan ako tungkol doon sa nabanggit mo kanina ha?" Hinubad ko na ang suot kong apron at isinukbit sa pakong naka-usli sa loob ng tindahan at saka umalis.
Naglakad na ako patungo sa isa ko pang amo na si Aling Dita. Nang makarating ako roon ay sinimulan ko na agad ang pagbabalat ng repolyo, hindi ganoon kalaki ang kikitain ko sa ganoong sideline, ngunit malaking tulong na rin ito pambili ng makakain ko. Madalas din akong may naiuuwing mga gulay kaya naman malaki ang natitipid ko sa ulam.Mabilis kong natapos ang pagbabalat ng tatlong sakong repolyo dahil tinulungan ako ng binatang anak ni Aling Dita, ang makulit kong manliligaw. Wala naman sa plano ko ang magkaroon ng nobyo, ngunit handa naman daw itong maghintay kaya't hinayaan ko na lang.
Agad na akong nagpaalam kay Aling Dita at sa anak nitong binata nang matapos na ako sa aking trabaho. At dahil marami pa akong oras na natitira ay muli akong nag-ikot sa palengke at naghanap muli ng mapagtatrabahuan.
Sa pag-iikot ko ay suwerte namang nakahanap agad ako bilang taga-balat at hiwa ng carrots at patatas. Isang taon ko na itong ginagawa kaya naman nasanay na ang katawan ko na maraming ginagawa. Magkakasakit pa yata ako kung buong araw lang akong nakatihaya. Mula pa noong siyam na taong gulang ako at kinupkop ng tiyahin ko ay sanay na ang katawan ko sa mga mabibigat na gawain kaya naman gamay na gamay ko na lang ang mga ganitong trabaho. Ini-enjoy ko na lang ang bawat araw na dumaraan.Hingang malalim, pahinga at dasal. Iyan ang palagi kong itinatatak sa aking isipan sa tuwing nakakaramdam ako ng pagod at kawalan ng ganang mabuhay.
Kakatapos ko lang magbalat ng mga patatas at carrots, itatapon ko na sa maliit na kanal ang tubig na pinanghugasan ko ng mga gulay nang biglang may dumaan na lalaki sa kinatatayuan ko. Saktong sa kaniya ko naihagis ang isang timbang puno ng maruming tubig na lulan ko.
"Diyos ko po, patawarin," pabulong kong panalangin.
Hindi ko alam ang gagawin ko, takot na takot ako sa magiging reaksiyon niya. Pakiramdam ko'y naagaw namin ang pansin ng mga mamimili sa loob ng palengke dahil sa narinig kong mga singhap at bulungan. Matagal pa bago gumalaw ang lalaki na tila ba hindi makausad mula sa pagkakabigla.Mariin akong napakagat sa ilalim ng aking labi. Hinanda ko ang sarili ko sa mga masasakit na salita na matatangap ko. Muling bumalik ang mga alaala ko kay Tiya Marita, matagal-tagal na rin akong hindi nakakarinig ng mga masasakit na sermon. Mukhang ngayon pa lang ulit.
Dahan-dahan lang ang hakbang ko habang nakayuko palapit sa kaniya. Hindi ko siya magawang titigan dahil alam kong hindi ko kakayaning makita ang galit niyang mukha. Kotang-kota na ako sa masamang mukha ng tiyahin ko noon. Kung puwede lang na pumikit na lang ako para hindi ko makita ang hitsura ng lalaking 'to. Nang nasa tapat na niya ako ay lumuhod na lang ako agad sa kaniyang paanan at pinunasan ang basang laylayan ng pantalon niya at sapatos gamit ang mahaba kong bistida. Hindi ko na naisip na kumuha ng tuyong basahan dahil natataranta na ako.
"Sir pasensya na po kayo hindi ko po sinasadya, hindi ko po napansin na dumaan kayo," halos maluha-luhang paliwanag ko sa kaniya habang nakaluhod at pinupunasan siya. Uunahan ko na lang siya ng drama upang hindi niya ako mapagalitan. Hindi ko na pinagtuunan pa ng pansin ang mga tawanan at bulung-bulongan ng mga tao roon. Parang gusto ko na lang lamunin ng lupa at tuluyan nang maglaho.
Mabilis niyang kinabig ang kaniyang binti at mahigpit akong hinawakan sa kamay dahilan upang mapilitan akong tumayo at mapatitig sa kaniya. Parang biglang bumagal ang galaw ng paligid nang sumilay ang ngiti sa kaniyang maamong mukha. Malayong-malayo sa ini-imagine kong hitsura at reaksyon kanina. Napakaguwapo niyang lalaki. Dumagdag pa ang malalim at lalaking-lalaki nitong boses nang magsalita. Mukha itong artista na naligaw sa pupuntahan at napadpad sa palengke. Kahit yata narumihan ang puting-puti nitong polo shirt ay mukha pa rin itong mayaman. Makinis ako at may kaputian ang balat pero mukhang hindi nangalahati sa kutis niyang pangmayaman. Ang kulay kayumanggi nitong mata at makapal na kilay ay bumagay sa matangos niyang ilong. Kay sarap niyang pagmasdan. Nakakaakit din ang malawak at mukhang matigas nitong dibdib. Para bang kay sarap sandalan kahit ilang minuto lang.
Hindi ko maiwasang suriin ang kabuohan niya sa maikling sandali. Maging ang mabango niyang amoy ay mabilis na nanuot sa ilong ko dahilan upang bahagya akong napapikit. Lumakbay pa yata ang isip ko sa kawalan. Maya-maya'y lumuwag ang kanina'y mahigpit niyang pagkakahawak sa akin. Bahagya pa niya akong inalog upang bumalik ako sa aking tila nawawalang sarili. Natawa na lang ako sa aking isip nang mapagtantong nagmumukha na akong tanga sa harapan niya.
Nang tuluyan na akong naibalik sa kasalukuyan ay mataman ko siyang tinitigan. Sa kabilang banda ng utak ko ay naroon ang isang pamilyar na eksena, hindi ko lang matandaan kung ano, kailan o saan naganap.
"Miss, okay ka lang?" Muli niya akong inalog nang hindi ako agad nakapagsalita.
"S-sir? Naku sir pasensya na po talaga hindi ko po talaga kayo napansin kanina. Kung gusto niyo po na lumuhod ako, gagawin ko po mapatawad niyo lang ako," hinging paumanhin ko sa kaniya.
Nahinto ako sa pagsasalita nang makita ko itong muling ngumiti, hindi ko inaasahan na mas may idadagdag pa pala ang kaniyang kaguwapuhan.
"Ano ba'ng ginagawa mo? Hindi mo kailangang gawin 'yan. Tingnan mo marumi na tuloy 'yang damit mo." Nakagat ko na lang ang ibaba ng aking labi dahil sa naramdamang hiya. Nahihiya ako sa sarili ko dahil pinag-isipan ko siya nang masama kanina. Hindi ko inaasahang ito ang magiging reaksyon niya lalo nang pinagpag pa niya ang narumihan kong bistida.
Pinagmasdan ko ang paligid at tuluyang nakahinga nang maluwag nang unti-unting naglaho ang kanina'y nagtutumpukan at nag-uusisang mga tao."Naku sir, ako na po. Nakakahiya naman sa inyo, ako na nga po itong may kasalanan eh." Matapos kong pagpagin ang narumihan kong bistida ay saka ko lang napagtanto ang katangahang nagawa ko. Halos nailigo ko pala sa kaniya ang maruming tubig dahil basang-basa ang kalahati ng kaniyang katawan. Kinagat ko na lang ulit ang aking labi. Hindi yata sapat na mag-sorry lang ako sa nagawa ko.
"Sinabi mo na nga 'di ba na hindi mo sinasadya, 'wag mo na ulit gagawin 'yan sa kahit na sino, okay? Sorry is enough. Kung ayaw tanggapin ang sorry mo, problema na nila 'yon."
Napalitan nang ngiti ang kanina'y nag-aalala kong hitsura dahil gumaan na kahit papaano ang aking pakiramdam.
"Ang bait n'yo naman po sir, kukuha po muna ako ng tuyong basahan." Tumango siya at ngumiti bilang pagsang-ayon.
Matapos kong iabot sa kaniya ito ay nagpaalam na akong bumalik sa trabaho.Tatalikuran ko na sana siya nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko. Agad naman akong humarap sa kaniya."Wait! May I know your name? By the way, I'm Daniel." Agad niyang inilahad ang kamay niya sa akin. Inabot ko na rin ang kamay ko at nagpakilala.
"Cailee po ang pangalan ko, masaya akong makilala kayo sir Daniel. Babalik na po ako, maraming salamat at pasensya na ulit." Humakbang na ako palayo sa kaniya at binalingan ang amo kong kanina pa sumusulyap sa amin na tila ba nanunukso at kinikilig sa nasaksihan.
CHAPTER 5Simula noong araw na 'yon ay madalas nang pumupunta sa puwesto ng amo ko si Daniel. Halos walang araw na hindi siya dumadaan sa akin upang abutan ako ng kung anu-ano. Kilala na rin siya nina Nanay Tonya at Tatay Manuel. Botong-boto ang matatanda dahil sa kabutihang ipinapakita ni Daniel sa akin at sa kanila.Matapos ang trabaho ko sa buong maghapon sa palengke ay nakaabang na rin siya sa dinaraanan ko pauwi upang ihatid ako sa boarding house na nirerentahan ko. Sa dalas ng pagsasama at pagkikita namin ay namalayan ko na lang ang sarili ko na nahuhulog na ang loob sa kaniya. Naikuwento ko na sa kaniya ang buo kong pagkatao, halos wala akong itinago mula noong bata pa ako hanggang sa kasalukuyan. Alam niyang ulilang lubos na ako dahil namatay ang mga magulang ko noong nagkaroon ng landslide sa lugar namin.Sa loob ng ilang buwan na nakasama ko siya ay pareho naming pinagtapat ang nararamdaman namin sa isa't-isa, at kalaunan ay hinikayat na niya akong lisanin
"Mama! Yehey! Naynay Josephine narito na po si Mama! Tuwang-tuwa ang anak kong si Angela nang sinalubong ako sa labas ng bahay. Kararating ko lang galing sa trabaho bilang tindera sa maliit na grocery store sa bayan.Anim na taon na ang nakalipas mula nang isilang ko si Angela, sa tulong ni Josephine, ang baklang nagligtas sa akin at nagdala sa hospital nang himatayin ako noon sa tabing kalsada ay maayos kong napalaki ang aking anak. Mag-isa na lang sa buhay si Josephine at kinupkop niya kami ng anak ko at itinuring na pamilya. Hanggang ngayon ay naging matalik kaming magkaibigan. Habang kumakayod ako upang may maitustos sa pangangailan ng anak ko at sa pang-araw-araw naming makakain, siya naman ang aligaga sa pag-aalaga ng anak ko.Magmula nang araw na dinala niya ako sa hospital ay hindi na niya ako pinabayaan lalo na nang malaman niyang mag-isa na lang din ako sa buhay. Dinala niya kami rito sa lungsod ng General Santos kung saan siya mag-isang naninirahan. 
Unti-unti nang dumarami ang tao bar at lumalalim na ang gabi. Sa sobrang pag-iisip ko sa sinabi ni madam ay nakalimutan ko nang tawagan ang anak ko. Madalas alas nuebe y medya siya natutulog, saka ko na lang naalala nang alas onse na kaya hindi ko na sila tinawagan pa upang hindi na maistorbo ang kanilang tulog."Miss, puwede ka bang i-table? Ang sexy mo naman ah, dapat ito 'yong tipo ng babae na binibigyan ng libreng drinks eh," saad ng isang lasing na customer sa akin nang maghatid akong muli ng ini-order nilang alak. Kanina kahit na hindi pa siya lasing ay nakakaasiwa na ang paninitig niya pero hindi ko na lang gaanong pinansin."Salamat po, pero hindi po 'yon ang trabaho ko rito," turan ko matapos na mailapag ang mga lulan na alak at yelo. Tatalikod na sana ako ngunit napasigaw ako nang maramdaman kong may kamay na tumapik sa pang-upo ko."Bastos ka ah? Buwisit ka!" bulyaw ko matapos siyang dampian ng isang malakas na sampal sa pisngi. Muli akong ibina
"M-mama.." Nagising ako nang marinig ang tila nahihirapang tinig ni Angela. Bumalikwas ako ng kama nang maramdaman ang matinding init ng kaniyang katawan. Nanginginig din ang kaniyang katawan at ang mga biluging mata ay mapungay habang nakatingin sa akin. Kinapa ko ang kaniyang leeg at noo at nakumpirma na inaapoy siya ng lagnat. Maputi ang balat ng anak ko katulad ng kaniyang ama kaya mapapansin kaagad ang pamumula ng kaniyang pisngi at labi."Anak ko ang taas ng lagnat mo!" Dali-dali akong bumangon at naglakad patungo sa kusina upang kumuha ng gamot at malamig na tubig. Naabutan kong nagluluto sa kusina si Josephine at nagtataka itong pinagmamasdan ako."Dai, anong nangyayari?" tanong nito."Ang taas ng lagnat ni Angge!""Ano?!" Iniwan nito ang pinipritong isda at mabilis na tinungo ang aming kuwarto.Kumuha agad ako bimpo at binasa ito sa malamig na tubig na inilagay ko sa maliit na palanggana.Si Josephine naman ang naghanda ng gamot na ipap
Wala gaanong customer ngayon dahil weekdays kaya hindi gaanong busy. Pinaikot-ikot ko ang mga mata sa paligid at isa-isang pinagmamasdan ang mga tao. Tumatak sa isipan ko ang sinabi ni madam at gusto kong matiyak kung totoo ba narito sa loob ng club gabi-gabi ang lalaking tinutukoy niya. Bawat sulok ay hindi ko pinalagpas ngunit wala naman akong nakitang tao na kakaiba ang ikinikilos. Simple lang rin naman ang hitsura ng mga naririto ngayon at wala naman akong makitang sobrang guwapo. Kung sabagay, lahat naman yata ng lalaki na pumapasok dito ay guwapo sa paningin ng bakla kong amo. Basta't alam niyang mapera ay pasadong-pasado na sa kaniyang panlasa.Alas nuwebe pasado na nang bigla akong nakatanggap ng tawag mula kay Josephine. Inaasahan ko nang anak ko ang bubungad sa akin sa kabilang linya, dahil sa sobrang sabik na makausap si Angela ay sinagot ko na muna ang tawag bago naisipang ihatid sa table ng customer ang tangan kong alak. Ngunit ganoon na lang ang pagtataka ko nang marin
Kinaumagahan ay iniwan ko na muna sa hospital si Josephine upang bantayan ang anak ko. Nagdala na rin kasi ako ng mga susuotin sa pagpasok sa trabaho, pero bago pa man ako tumuloy sa pinagtatrabahuhang grocery store ay dumaan muna ako sa paaralang pinapasukan ng anak ko upang ipaalam sa kaniyang guro ang nangyari."Naku, kawawa naman po si Angela, mommy. Pakisabi na lang po sa kaniya na magpagaling siya kaagad ha," malumay ang tinig na sambit ni Teacher Gladys. Bakas ang lungkot at awa sa kaniyang maamo't magandang mukha. Kaedad ko lang siya kaya napakabata pa ng kaniyang hitsura, hindi katulad sa akin na mabilis nag-matured ang mukha dahil maagang namulat sa iba't-ibang uri ng trabaho."Huwag po kayong mag-alala mommy, susubukan ko pong dalawin siya sa hospital upang iabot ang mga kopya ng mga lessons namin para hindi po siya mahuli sa topic namin," dagdag pa niya. Matalino ang anak ko kaya sigurado akong madali lang siyang makaintindi kahit na hindi na muna makakapasok. Kinder 1 pa
"Ako ba talaga 'yang nasa salamin madam?" Maging ako ay hindi makapaniwala sa repleksyon ng mukha ko sa salamin. Ibang-iba pala talaga ang nagagawa ng make-up at pag-aayos sa sarili. Siguro kung ganito na ako mag-ayos noon ay mas marami pa ang mangungulit sa aking matandang mayaman. "Heto oh, alak pangpalakas ng loob mo mamaya."Hindi na ako sanay sa alak kaya nag-alangan akong inumin ang inabot niya. Pero dahil kailangan ko nga ng lakas ng loob at kakapalan ng mukha ay wala akong choice kun'di ang inumin ang alak. Makakatulong din ito upang mabawasan ang pagkaasiwa ko.Kailangan ko ring kapalan ang mukha ko dahil sa plano ko. Hindi ko na ipapaalam kay Madam Bernadette na iyon ang gagawin ko mamaya.Nakatatlong bote ng ladies drink sko kaya medyo tumama na ang epekto ng alak. Nakausap na ito ni madam sa kabilang linya at sinabi nito na susunduin ako sa labas ng club.Paglabas namin ni madam sa kaniyang kuwarto ay halos sa akin agad nakapako ang tingin ng lahat.Nang maupo kami sa is
Nagulantang ako sa kaniyang ginawa kaya pilit ko siyang itinutulak upang mabawi ang labi kong nakalapat sa kaniyang bibig. Subalit mas lalong humigpit ang pagkakahawak niya sa akin at ginalugad ang aking labi. Unti-unti akong nakakaramdam ng init. Unti-unti ko ring nararamdaman ang nakakalunod na sarap kaya sa halip na magpumiglas ay nagawa kong makipagsabayan sa mga iginagawad nitong halik.Para akong sinilaban ng apoy at dahan-dahan nang nararamdaman ang epekto ng alak na nainom ko kanina. Para akong nalalasing at nahahalina sa kaniyang mabangong hininga. Napakapit ako ng mahigpit sa kaniyang braso hanggang sa tuluyan ko nang ipinulupot ang mga kamay ko sa kaniyang leeg. Napahingal-ngal ako nang sipsipin niya ang aking labi. Naririnig ko ang pagmumura niya habang pinaparusahan ang uhaw kong labi. Kay Daniel ko ito unang naramdaman ngunit pansamantala kong nalimutan ang pakiramdam na iyon.Tuluyan na akong nadarang sa apoy ng pagnanasa nang dumausdos ang mainit niyang labi sa aking
Palubog na ang araw nang magising ako mula sa mahimbing na pagkakatulog. Nakapa ko kaagad ang kumot na nakapatong sa kalahati ng katawan ko. Nagtaka ako nang makitang nakabukas na ang lampshade sa ibabaw ng lamesitang katabi ng aking kama. Iyon lang ang nagsilbing liwanag sa aking kuwarto kaya hindi masakit sa mata nang magising ako. Ang salaming pinto papunta sa terasa ay nakasara na rin ngunit ang mahabang kurtina ay nakabukas kaya nasilayan ko rin ang papalubog ng araw. Cellphone kaagad ang una kong hinanap. Nakita ko iyon sa ibabaw ng lamesita. Nalungkot ako nang pindutin ko iyon ay wala man lang natanggap na kahit na isang mensahe o tawag mula sa kaibigan ko. Dismayado ako at nag-aalala, may halo na ring kaba. Nagmadali akong umibis ng kama at nagpasyang lumabas ng kuwarto kahit na tila wala pa ako sa aking sarili. Nang pinihit ko ang siradura at tuluyang nabuksan ang pintuan ay agad na tumambad ang mukha ni Greg. "Gising ka na pala," saad niya. "Greg, anong balita sa la
Nagising ako nang maramdaman ang liwanag na tumatama sa mukha ko. Nakabalot ang katawan ko ng makapal na kumot pero nakahiga ako ngayon sa isang airbed na kakasya ang dalawang tao. Kinuha ito ni Greg sa sasakyan kagabi nang humupa na ang ulan. Bumalikwas ako sa aking hinihigaan nang walang makapa at maramdamang presensya sa tabi ko. Kahit na hirap pa sa naaaninag na liwanag ay pinilit kong ibuka ang mga mata ko upang hanapin si Greg. Nilinga-linga ko ang paligid ng kuweba ngunit hindi ko siya mahanap. Nagmadali akong bumangon. Kinuha ko ang nabasa kong bistida na nakapatong sa kahoy na ginawa ni Greg na sampayan kagabi. Nagsindi rin siya ng apoy mula sa mga kahoy na napulot niya lang dito sa loob ng kuweba. Sinadya niya 'yon upang matuyo ang mga damit namin at magsilbi na rin na pampainit dahil muling bumuhos ang malakas na ulan kagabi. Kaunting usok na lang at mga abo nito ang natira ngayon.Sinuot ko ang bistida at panty. Naroon sa tabi nito ang damit ni Greg ngunit ang mga pang-i
Matapos na makuntento sa pagpapaligaya na ginagawa ko ay pinatigil ako ni Greg. Inalalayan niya akong tumayo sa tapat niya at muling pinag-isa ang mga labi namin. Habang pinagsasaluhan namin ang mainit at uhaw na halik ay iginiya ako ni Greg papunta sa isang may katamtamang laki na bato. Kinalas niya ang kaniyang bibig at pinaharap ako sa batong nasa tapat ko. Sinilip ko siya sa likuran ko. Hindi ko alam kung anong posisyon ang pinahihiwatig niya. Hindi ko alam kung anong gagawin namin sa bato."Bend your knees Cai, I will ride behind you." Nakuha ni Greg ang pinahihiwatig kong tingin. Gusto ko kasing itanong kung paano namin gagawin iyon sa bato.Ngayon ay naunawaan ko na ang sinabi niya. Makinis ang bato na iyon kaya sinunod ko ang nais niyang posisyon. Pinatong ko ang dalawa kong tuhod at inangat ang baywang ko. Niyuko ko rin ang likod ko at pinilo ang mga siko upang hindi mabuwal. Ginawa namin ito sa kotse niya noon kaya alam ko na kung paano gawin ito ngayon. Tinutok niya ang d
Pareho kaming napahalakhak ni Greg dahil halos maligo na kami sa ulan. Natigil lang ako sa kakatawa nang pinapasok na namin ang loob.Namangha ako nang tuluyan kaming nakapasok sa loob ng kuweba. Sakto lang ang laki nito pero mayroon pa itong karugtong sa loob. Karaniwang malalaking bato lang ang nakikita ko, pero mas mainam na rito dahil hindi kami mababasa ng ulan at hindi gaanong giginawin. Naagaw ni Greg ang atensyon ko nang hinubad niya ang suot niyang itim na t-shirt. Mariin kong itinikom ang bibig ko nang makita ang maayos na pagkakahulma ng kaniyang mga abs. Pero ang mas nakaagaw ng atensyon ko ay mga peklat sa iba't-ibang parte ng katawan niya lalo na sa bandang dibdib at tiyan. Hindi ko ito napansin noong may nangyari sa amin sa kotseng ginamit niya. Nahawakan ko siguro pero hindi ko gaanong naramdaman dahil mas nakatuon ang atensyon ko sa ginagawa namin no'n. Isa pa, madilim din doon sa tabi ng kalsada kaya malabong mapapansin ko ang mga ito.Napatingin siya sa akin. Mabi
Ilang minuto lang ang binyahe namin ay naririnig ko na ang hampas ng alon. Mabagal lang ang takbo namin dahil sa lubak-lubak ang daan. Hiniling ko kay Greg na buksan na lang ang bintana ng kotse dahil gusto kong makita ang tanawin kahit gabi na. Maliwanag ang buwan kaya kahit na papaano ay naaaninag ko ang paligid. Para naming sinulong ang isang tagong gubat dahil sa masukal na mga ligaw na damo. Pero hindi na ako nakaramdam ng kaba kumpara noong unang beses kong nakita ang magulo at maukal na damo na bumungad sa amin noong nakarating kami sa bahay niya. Sa halip na takot ay pananabik ang umaapaw na emosyon ngayon sa dibdib ko. Pakiramdam ko mayroon na namang nakaabang na surpresa sa lugar na ito.Nilingon ko si Greg na tahimik lang na nagmamaneho. Hindi ko maiwasan na maikumpara siya sa madilim at nakakatakot na lugar na ito. Kung titignan mo siya ay parang binabalutan ng kadiliman. Punong-puno ng misteryo ang pagkatao. Pero kapag unti-unti mo ng nakikilala ay doon mo lang makikita a
Mabilis na lumipas ang araw. Sa mga nagdaang araw na iyon ay nakalimutan namin pansamantala ang aming mga problema. Walang araw na hindi kami sinurpresa ni Greg at palagi niyang sinisigurado na masaya kami lalo na ang anak ko. Ngayong umaga ay nakatakdang tuluyang aalisin na ang benda sa kamay ko. Inaalis naman ito at pinapalitan, pero ang isiping tuluyan na itong hindi ibabalik kapag natanggal ay masarap sa pakiramdam. Hindi ko alam kung ito ba 'yong tinatawag na mahika pero sa pag-aalaga ni Greg sa akin ay mabilis na gumaling ang pilay at mga natamo kong sugat. Hindi man tuluyang nawala ang mga peklat, ang importante ay magaling na ang mga sugat."Sanay talaga iyang si Greg mag-alaga ng may sakit. Alam na alam niya ang gagawin niya kapag mayroong nagkakasakit. Nag-aral ng medisina 'yan noon, hindi nga lang niya naipagpatuloy. Mabait na bata 'yan at maalalahanin pa." Natigil ako sa paglalakad nang marinig ko ang sinabi ni Nay Pacita. Papunta ako sa kusina upang kahit sana papaano ay
Matapos ang masaya at masaganang tanghalian ay dinala na kami ni Greg sa mga kuwarto kung saan kami matutulog. Nasa second floor ang lahat ng kuwarto kaya inakyat namin ang mataas na hagdan. Mayroon pa ring benda ang siko ko at hirap pa rin ako igalaw ito kaya palaging nakaalalay si Greg sa tabi o 'di kaya ay sa likuran ko. Malawak ang bahay. Sa sala ay mayroong isang malaking bintana, nakabukas ito kaya kitang-kita ang tanawin sa labas. Napakasimple lang ng mga kagamitan ngunit kaaya-ayang tingnan. Para itong isang rest house ng mga mayayaman na nakikita ko sa mga larawan sa magazine at libro. Pagkarating sa ikalawang palapag ay mayroong apat na kuwarto. Dalawang magkatabi sa kanan at ganoon din sa kaliwa. Sa dulo ay mayroong terasa ngunit may salaming pinto na nakaharang. Unang binuksan ni Greg ang silid na para kay Josephine. Malapit ito sa terasa dahil nasa pinakahuling bahagi. Malungkot at matamlay pa rin si Josephine, kahit na kanina habang kumakain kami ay pinipilit niya lang
Nalula ako nang matapat na kami sa isang malaki at kulay itim na gate. May kalumaan na ito dahil sa mga kalawang at nakupas na pintura. Ang mataas na pader ay halos lamunin na rin ng mga ligaw na halaman. Sa unang tingin ay tila isa itong abandonado na. Nang bumusina si Greg ay agad na bumukas ang gate. Mahabang oras ang binyahe namin at hindi ko maiwasang makaramdam ng kaba. Liblib na lugar ang nilalakbay namin at alam kong malayo na sa siyudad ng Gensan ang lugar na ito. Wala ring kabahayan sa paligid at tanging matataas na puno at masusukal na damo lang ang makikita. Kahit na maaga pa ay aakalain mong palubog na ang araw dahil sa dilim na dulot ng mga puno. Kung ito man ang bahay na sinasabi niya, paano niya nagagawang makabalik kaagad sa hospital sa tuwing umaalis siya at nagpapalit ng damit?"We're here," mahinang usal ni Greg.Katulad nga ng sinabi niya, dalawang araw lang ang nakalipas ay dinala nga niya kami sa kung saan siya naninirahan. Mabilis na sumang-ayon ang doktor ko
"Dai!" Halos pasigaw at taranta na tawag sa akin ni Josephine. Pawis na pawis siya at humahangos. Kitang-kita rin sa mga mata niya na nagpipigil na maluha. Nanginginig ang labi niya kaya hindi makapag-umpisang magsalita. Ang anak ko naman ay nagsisimula nang humagulgol kaya nataranta na rin ako.Mag-isa lang akong nakahiga, napaangat lang ako nang dumating sila na para bang may baon na problema."Anak? Bakit ka umiiyak? Ano'ng nangyayari, dai?" Salitan ko silang pinagmamasdan na may pagtataka. Naguguluhan ako at nagsimula nang kabahan dahil sa pamumutla ng mukha ng kaibigan ko."Dai, kailangan ko na munang umuwi! Tumawag si Ate Delia, nasusunog daw ang bahay!""Ano?!" Nayanig ang kuwarto sa lakas ng sigaw ko. Nanlaki ang mata ko dahil sa pagkabigla pero halos bumagsak ang balikat ko nang maproseso sa isipan ang sinabi ni Josephine. Nabigla ako pero mabilis na tinakasan ng lakas at agarang nanghina. Mabilis siyang nawala sa paningin ko. Nagpaalam nang umalis si Josephine pero hindi pa