Home / All / The Little Black Demon / Chapter 291 - Chapter 300

All Chapters of The Little Black Demon: Chapter 291 - Chapter 300

309 Chapters

Chapter 291

Xyrica’s POV:Kahit labag sa kalooban nina nurse Dawn at Spencer ang plano na gagawin— pumayag pa rin naman sila sa gusto naming mangyari. Sabay kaming bumalik sa Gangster Academy upang ipaabot kay dean Steinfeld ang ideya na hindi na kami natatakot sa kanya. Sa puntong ito ay kilala na namin ang ugali ni dean Steinfeld. Nakakahiya nga lang kasi pinagtitripan niya kami kahit mas nakakatanda siya sa amin ng ilang taon. Dahil siguro wala na kaming mga magulang kaya kami naman ang gusto niyang saktan.Dalawang araw pa lang noong bumalik kami sa Gangster Academy. Hindi pa rin tinitigilan ng ibang estudyante si Joy kasi ang buong akala nila’y galing ito sa abroad. Hindi na namin tinama ‘yung sinabi nila kasi mas magiging komplikado lang ang lahat. Ang gusto lang naman naming mangyari ay mahatid kay dean Steinfeld ang balita na bumalik kami sa Gangster Academy na kasama ‘yung anak niya.Lagi rin naman kaming nag-iingat habang nandito sa Gangster Academy kasi hindi namin alam kung kailan gag
last updateLast Updated : 2022-10-06
Read more

Chapter 292

Xyrica’s POV:Pagkatapos akong ilabas ng mga Combat Angels sa Gangster Academy ay tinakpan nila ‘yung mga mata at bibig ko. Naramdaman ko ring sumakay kami sa isang sasakyan, pero hindi ko alam kung saan kami pupunta o kung sino man ang mga kasama ko. Hindi ko rin mapindot ‘yung hikaw na suot ko kasi nakatali ‘yung mga kamay ko.“Saan tayo pupunta? Ano na naman ang kailangan ni dean Steinfeld sa akin?” Tanong ko sa mga kasama ko, pero hindi man lang sila sumagot.Hindi ko alam kung gaano kahaba ‘yung byahe, pero muntik na akong makatulog. Tapos naisip ko ‘yung mga kaibigan ko… siguro naman ngayon ay hinahanap na rin nila ako. Nakita naman ni Alver kung paano ako dinukot ng nga Combat Angels. Siguro nga ay tama ‘yung hinala ko… na pati si Joy ay nadukot din.--Pagkatapos ng ilang oras ay tinulungan nila akong bumaba. Binuhat din nila ako na para bang isang sako ng bigas, medyo masakit sa sikmura pero hindi naman ako puwedeng magreklamo. Pinaupo nila ako, at doon na nila tinanggal ang
last updateLast Updated : 2022-10-07
Read more

Chapter 293

Xyrica’s POV:May narinig kaming mga putok ng baril. Sa tingin ko ay tinutumbok nila kami kaso hindi lang talaga nila kami matamaan kasi may mga kahoy kaming nadadaanan ni Joy.“Come back!” Rinig naming sigaw ni dean Steinfeld. Hindi ko aakalaing susundan niya kami kahit nabaril ko na siya sa balikat… tapos kasama niya pa ang mga Combat Angels.“Xyrica! What do we do now? Malapit na nila tayong maabutan,” hinihingal na sabi ni Joy at puno ng pag-aalala ang mukha nito.“Run faster, and don’t look back! Run if you want to live,” Sagot ko kay Joy pabalik at binilisan pa ang pagtakbo.Kung si Allen siguro ‘yung kasama ko ngayon, ako ‘yung hihilain niya para lang hindi kami maabutan nina dean Steinfeld. Kaso ngayon, pareho kami ni Joy na hindi masyadong mabilis tumakbo. Hindi naman kasi kami sanay sa ganito at saka kakatapos ko lang sa pagtakbo kanina sa Gangster Academy. Hindi pa ako masyadong nakapagpahinga para sana mabawi ‘yung lakas ko.“You can’t get away with us! Bilisan ninyo ang p
last updateLast Updated : 2022-10-08
Read more

Chapter 294

Xyrica’s POV:Gusto sana nina Aris at Eris na magpahinga ako kaso hindi ko rin naman nagawa kasi ang dami kong tanong sa kanila tungkol sa nangyari. Kaunti lang ‘yung nasagot nilang dalawa kasi ‘yung pinsan nila ang nakakita sa amin. Wala akong matandaan kasi nahimatay ako pagkatapos namin umahon ni Joy… tanging si Joy at ‘yung pinsan lang nina Aris at Eris ang makakapuno ng detalye na gusto ko.Basta ang isa sa alam ko ay na nasa Saint Paul Hospital kami. Matapos daw kasi kaming makita ng pinsan nina Aris at Eris ay dinala niya kami sa napakamalapit na hospital sa lugar, para sana maagapan ‘yung sugat ko. Ang problema nga lang daw ay kulang ‘yung mga kagamitan nila. Wala rin daw silang dugo na maaaring isalin sa akin kaya kinailangan pang humingi ng tulong ng pinsan nila sa ibang hospital.Pagkatapos ay nilipat kami sa hospital na ito, at dito na rin nila ginamot ‘yung sugat ko. Naging maayos naman ang lahat kaso ito na ‘yung pangalawang araw ko sa hospital. Ang tagal ko pa lang naka
last updateLast Updated : 2022-10-09
Read more

Chapter 295

Xyrica’s POV:Kinabukasan ay marami na akong bisita na dumalaw sa akin sa hospital. Halos kalahati ng mga kaklase ko ay narito, at sabik silang makita kami ni Joy. Masaya ang mga ito na nakaligtas kami laban kay dean Steinfeld. Pero nadagdagan ‘yung galit nila kay dean Stienfeld noong nakita nila ‘yung sugat ko at noong nalaman nila kung paano ginamot ‘yung sugat ko.Hindi nakasama si nurse Dawn kasi binabantayan niya pa rin si mama, pero nakapag-usap naman na kami sa cellphone ni Michiaki. Si tito Leo naman ay nakikipag-ugnayan na rin sa mga koneksyon niya para mahanap kaagad si dean Steinfeld at makulong ito.Mabuti na lang at naabutan nina Joanna Kate, Irish, Aris, at Eris ang mga kaibigan namin ni Joy kaya nag-usap na rin sila tungkol sa nangyari bago kami napunta sa hospital na ito. Nagpasalamat na rin ang mga kaibigan namin sa kanila… at hinangad nilang makabawi pero tumanggi si Joanna Kate. Hindi dahil hindi niya gusto ang ideya, kundi iyon naman daw ang nararapat gawin.Ang sa
last updateLast Updated : 2022-10-10
Read more

Chapter 296

Xyrica’s POV:Tatlong araw ang lumipas bago ko nabalitaang pumunta si nurse Dawn sa dati naming bahay kasama si tito Leo. Sinunod nila ang direksyon na sinabi ko kung saan nakalagay ang orihanal na dokumento tungkol sa mga Combat Angels. Wala naman daw nagbago sa kuwarto ko kaya madali sa kanila na mahanap ang kompartimentong nabanggit ko. Maliban din sa mga papeles ay may nahanap ding susi si nurse Dawn na katulad daw sa susi na meron siya.Hindi ko alam kung anong susi ang tinutukoy ni nurse Dawn noong nag-usap kami, pero ang sabi niya ay susi iyon sa safe nina mama at papa. May mga importanteng dokumento rin daw sa loob ng safe, pero hindi niya naman sinabi kung ano ang mga iyon. Nag-assume ako na mga birth certificate namin, wedding certificate nina mama at papa, tapos titulo ng bahay siguro ang nandoon.Akala ko’y mabubuksan nina nurse Dawn ang safe na nasabi niya kaso kulang ‘yung susi na meron sila. Tatlong susi raw kasi ang kailangan para mabuksan ang safe. Hawak na ni nurse D
last updateLast Updated : 2022-10-13
Read more

Chapter 297

Xyrica’s POV:Matapos makapagbayad nina Aris at Eris sa hospital ay hinatid na nila kami ni Joy sa bahay ni tito Leo. Sumama rin sa amin sina Joanna Kate, Irish, Mirae, at Queen kasi gusto rin daw nilang makilala ‘yung mga kaibigan namin… at lalo na ‘yung pamilya ko. Kaagad akong pumayag kasi babayaran ko pa sina Aris sa lahat ng nagastos nila sa amin simula noong nahanap kami ng pinsan nila. Malaki na ang utang na loob ko sa kanila kaya kailangan kong makabawi kahit papaano.Gabi na noong nakarating kaming lahat sa bahay ni tito Leo. Sinalubong naman kami ng mga kaibigan namin, hindi raw kasi maiwan ni nurse Dawn si mama kasi dumadalas na raw ‘yung paggalaw ng daliri niya. Hindi naman daw maipaliwanag ng doktor kung bakit nagkakaganoon kasi okay naman ang lahat ng lab results ni mama. Sa ngayon ay hinihintay na lang nila na magkaroon ng milagro, at magising si mama.“Pumasok na muna kayo. Baka kasi napagod kayo sa byahe ninyo,” nakangiting sabi sa amin ni Michiaki. Tinuro niya kung s
last updateLast Updated : 2022-10-14
Read more

Chapter 298

Xyrica’s POV:Pagkatapos mag-umagahan ng mga bisita namin ay nagpaalam na sila. Taos-puso ulit kaming nagpasalamat sa kanila sa kabutihang nagawa nila. Mabuti na nga lang at napilit ko sina Aris na tanggapin ang pera na pambayad sa lahat ng nagastos nila sa akin. Ayaw sana nilang tanggapin ‘yung perang binigay ko, pero nang dahil kay Joanna Kate ay napilitang tanggapin ng dalawa ang bayad ko. At umalis sila na may magandang relasyon sa mga kaibigan ko.Nakilala rin nila si nurse Dawn, Allen, at si mama. Pinapasok ko kasi sila sa kuwarto kasi iyon din ang gusto ni nurse Dawn. Sayang nga lang at hindi nila nakilala si tito Leo. Siguro ay matutuwa iyon kapag nakilala sila, pero sa susunod na lang siguro kung bibigyan man kami ng pagkakataon na magkita ulit.“Ang sabi sa amin ni nurse Dawn ay babalik daw kayo sa dating bahay?” Tanong sa akin ni Yuan matapos naming makapaglinis sa bahay ni tito Leo. “Sino ang magbabantay kay tita rito?”Tumango ako sabay sabing, “Oo, babalik nga kami roon.
last updateLast Updated : 2022-10-15
Read more

Chapter 299

Xyrica’s POV:Nasuri na namin ang kuwarto ko at saka kuwarto nina mama, kaso hindi ko pa rin nakikita ‘yung bagay na hinahanap ko. Todo tanong sa akin si nurse Dawn kung ano raw ba talaga ang gusto kong makita, pero hindi ko naman alam kung ano ang isasagot sa tanong niya. Basta’t sigurado ako na malalaman ko lang kung ano ‘yung hinahanap ko kapag nakita ko na.Umuwi kaming walang dala, pero naabutan naman namin si tito Leo sa bahay kasama sina Joy. Tinanong kami ni tito Leo kung saan kami nagpunta, at kaagad naman naming pinaalam sa kanya kung ano ang ginawa namin sa bahay. Pagkatapos mag-usap ay binigay sa amin ni Joy ‘yung kuwentas na gusto ulit naming makita.Pinagkumpara namin ni nurse Dawn ang susing hawak ni Joy at ‘yung susi na hawak namin. At hindi talaga ako nagkakamali sa naalala ko kasi magkatugma ‘yung desenyo ng susi naming tatlo. Hindi makapaniwala si nurse Dawn sa nakita niya… ‘yung susi kasi na hawak ni Joy ang huling piraso ng puzzle para mabuksan namin ang safe. Kas
last updateLast Updated : 2022-10-16
Read more

Chapter 300

Xyrica’s POV:Hindi pa nga nagtatapos ang araw ay nagdesisyon si Joy na umuwi muna sa bahay ni Spencer. At doon muna siya mananatili hangga’t hindi pa raw natatapos ang problema tungkol kay dean Steinfeld. Nahiya siguro si Joy na magpaalam sa amin kasi si Spencer lang nanatili para kausapin kami tungkol sa desisyon ni Joy. Kaagad naman kaming pumayag para mabigyan din siya ng oras para isipin ‘yung sarili niya.Pagkatapos umuwi nina Spencer at Joy ay nagpaalam na rin ako sa mga kaibigan ko upang makapagpahinga. Masyado kasing magulo ang nangyari ngayon dahil lang sa mga susi… ni hindi nga binawi ni Joy ‘yung susi niya.“How can I change everything?” Tanong ko sa sarili ko matapos humiga sa kama. Hindi ko mapigilang isipin ang nag-iisang tinik sa buhay namin ni nurse Dawn… si dean Lucas Steinfeld. Hanggang kailan niya kaya kami gagambalain ng pamilya ko?Ipipikit ko na sana ‘yung mata ko, pero nakarinig ako ng katok sa pinto. Kaagad kong binuksan ang pinto at tumambad sa harapan ko si
last updateLast Updated : 2022-10-17
Read more
PREV
1
...
262728293031
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status