Share

Chapter 297

Xyrica’s POV:

Matapos makapagbayad nina Aris at Eris sa hospital ay hinatid na nila kami ni Joy sa bahay ni tito Leo. Sumama rin sa amin sina Joanna Kate, Irish, Mirae, at Queen kasi gusto rin daw nilang makilala ‘yung mga kaibigan namin… at lalo na ‘yung pamilya ko. Kaagad akong pumayag kasi babayaran ko pa sina Aris sa lahat ng nagastos nila sa amin simula noong nahanap kami ng pinsan nila. Malaki na ang utang na loob ko sa kanila kaya kailangan kong makabawi kahit papaano.

Gabi na noong nakarating kaming lahat sa bahay ni tito Leo. Sinalubong naman kami ng mga kaibigan namin, hindi raw kasi maiwan ni nurse Dawn si mama kasi dumadalas na raw ‘yung paggalaw ng daliri niya. Hindi naman daw maipaliwanag ng doktor kung bakit nagkakaganoon kasi okay naman ang lahat ng lab results ni mama. Sa ngayon ay hinihintay na lang nila na magkaroon ng milagro, at magising si mama.

“Pumasok na muna kayo. Baka kasi napagod kayo sa byahe ninyo,” nakangiting sabi sa amin ni Michiaki. Tinuro niya kung s
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status