Share

Chapter 294

Xyrica’s POV:

Gusto sana nina Aris at Eris na magpahinga ako kaso hindi ko rin naman nagawa kasi ang dami kong tanong sa kanila tungkol sa nangyari. Kaunti lang ‘yung nasagot nilang dalawa kasi ‘yung pinsan nila ang nakakita sa amin. Wala akong matandaan kasi nahimatay ako pagkatapos namin umahon ni Joy… tanging si Joy at ‘yung pinsan lang nina Aris at Eris ang makakapuno ng detalye na gusto ko.

Basta ang isa sa alam ko ay na nasa Saint Paul Hospital kami. Matapos daw kasi kaming makita ng pinsan nina Aris at Eris ay dinala niya kami sa napakamalapit na hospital sa lugar, para sana maagapan ‘yung sugat ko. Ang problema nga lang daw ay kulang ‘yung mga kagamitan nila. Wala rin daw silang dugo na maaaring isalin sa akin kaya kinailangan pang humingi ng tulong ng pinsan nila sa ibang hospital.

Pagkatapos ay nilipat kami sa hospital na ito, at dito na rin nila ginamot ‘yung sugat ko. Naging maayos naman ang lahat kaso ito na ‘yung pangalawang araw ko sa hospital. Ang tagal ko pa lang naka
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status