[ AMIEL ] - Friday, February 11, 5:19 pm - "So, that's the Kayden you' re talking about?" Sinagot ko naman ng tango ang tanong ni Sammy sa akin. "Hmm." "Hindi naman ako na-inform na diyan pala siya nagt-trabaho," bahagya akong napatawa dahil sa komento ni Rome. "Hindi ko rin alam actually. Well, to be fair, I don't know much about him, just his name, ni hindi ko nga alam kung ano ang apelyido niya." Napa-iling na lang ako bago sumabay sa paglalakad nilang tatlo. It's 5 in the afternoon, uwian na namin, at ngayon, naglalakad na kami palabas ng building at didiretso na nang uwi. Sina Joelene at Sammy, ay sabay na magt-tricycle pauwi, dahil magkalapit lang naman sila ng tinutuluyan, habang si Rome naman ay dala ang kotse niya. At ako? Magc-commute. May kotse rin ako actually, pero nasira na nga ito dahil sa nangyaring aksi
Read more