Share

Chapter Five

Author: moon_cloooud
last update Last Updated: 2021-09-15 15:31:30

 [ AMIEL ]

 - Friday, February 11, 10:49 am -

"Ugh!" pagod at inis kong reklamo bago sumalampak ng upo sa upuan ko. Halos isang oras ba naman akong paulanan ni Ms. Gonzales ng mga tanong doon? Akala ko nga hindi na ako papaalisin eh.

"Oh Ssob? Ang tagal mo yata, ah? Bakit ka raw pinatawag ni Director?" Tumingala naman ako at sumalubong sa akin si Joelene na nakatayo sa harapan ko habang may bitbit na laptop.

Napadaing na lang ako at padabog na umayos ng upo. Tangina, kakabalik ko lang at mukhang may bago na naman kaming trabaho.

"Yeah, binombahan ako ni Ma'am ng mga tanong eh," paliwanag ko at pinaglaruan ang ballpen na nakabuyangyang sa ibabaw ng mesa ko.

Narinig ko namang napatawa si Joelene bago siya umupo sa harapan ko. "Yeah, alan mo naman si Ma'am, madaldal talaga at gusto niya na as much as possible, ay alam niya ang mga kaganapan o problema ng mga empleyado niya, para naman makatulong siya kahit papaano."

Napatango naman ako. Yeah, hindi na nga ako magrereklamo.

"Anyway, I'm sorry Ssob, pero may bago na naman tayong trabaho." Napangawa na lang ako dahil sa sinabi ni Joelene samantalang tinawanan niya lang ako.

"Ano ba yan," kulang na lang ay magpapadyak ako at mag-tantrums dahil sa paulit-ulit kong pagrereklamo.

Pero ano bang magagawa ng pagrereklamo ko? It's not like complaining is gonna do my works and solve my problems.

"Okay," matapos ang ilang minutong pagngawa, umayos na ako ng upo at nakangiting hinarap si Joelene, na binigyan lang ako ng concerned na tingin. "Okay na ako, so what about the job?"

"We have 2 new clients," panimula niya bago pakita sa akin ang screen ng laptop niya, at ipinakita nito ang email na galing kina...

"Kirsden Macalintal and Axel Villano," dugtong ni Joelene bago muling iharap sa sarili niya ang laptop. Inilabas ko naman ang notepad ko at sinimulang isulat ang mga pangalan na idinidikta ni Joelene.

/ Axel Villano, and... /

Napatingala ako. "Who's the other one?"

"Kirsden Macalintal," tila nag-aalangan pa niyang sagot.

Despite of still being confused, isinulat ko na rin ang pangalan na binaggit niya.

Hays, this again. Encountering a familiar name and not knowing where I heard it or if I really used to know this person.

Pero wait. "Axel Villano? Isn't he Parisa's older brother?" tanong ko kay Joelene na sinagot niya naman ng tango. Pinipigilan niya pa nga yatang ngumiti matapos kong banggitin ang pangalan ng nobya niya.

"Yeah, my girlfriend's older brother."

"So bayaw mo? Like, brother in-"

"Amiel!" malakas naman akong napatawa matapos akong paulit-ulit na hampasin ni Joelene. Kahit naman umiwas pa siya ng tingin o takpan niya ang mukha niya, alam kong namunula siya ngayon.

Peke naman akong umubo. "Anyway, ano ng sabi sa emails nila? How can we help them?"

Agad naman siyang muling humarap sa akin. "Mr. Macalintal is looking for an editor for his book, he also stated that he wants to publish his book under our company."

"Meanwhile Mr. Villano, is looking for an event organizer for the event he wants to held with his band this Valentine's day." pagtatapos niya.

Tumango na lang ako bago isara ang notepad ko. I had a habit kasi of writing down our client's names, at kapag tapos na ang business namin sa kanila, I'm just gonna cross out their names.

She looked at me. "So, what are you gonna do?"

Napa-iwas ako ng tingin. Tinutukoy niya kung kanino ko balak i-assign ang mga bago naming trabaho ngayon.

Nanlaki naman ang mga mata ko bago muling harapin si Joelene. I pointed the ballpen I was playing with earlier at her. "Sino nga ulit 'yung nangangailangan ng event organizer?"

"Mr. Axel Villa-"

Napangiti ako. "Ah, 'yung bayaw-"

"Amiel! Putangina mo!" mahina akong napahiyaw sa sakit nang kurutin niya ako sa braso at diniin pa ang kuko niya sa balat ko.

Putangina mo rin.

"But yeah, ako na ang gagawa noon, I'll be the event organizer," saad ko habang hinihimas ang braso ko at binigyan na lang ng maliit na ngiti si Joelene na masama pa ring tingin sa akin.

"Then ako na sa isa, I'l be the editor." Napataas naman ang kilay ko dahil sa sinabi ni Joelene, bago siya tumayo at bumalik sa desk niya.

"Okay then, it's settled na," bulong ko sa sarili at nagsimula nang iligpit ang mga gamit ko na nakakalat sa mesa.

"Ay, Amiel." Napakunot naman ang noo ko nang tawagin ni Joelene ang pangalan ko.

"Oh?"

"Alas-dose na pala, mag-lunch na tayo."

"Ha?! Lunch na agad?!" mabilis ko namang ipinihit ang ulo ko papunta sa direksiyon niya.

"Yeah, hindi ko nga rin namalayan ang oras, eh."

"Okay then, let's go to the usual?" tanong ko sa kaniya at nakita ko naman siyang ngumiti.

"Okay, sabihan ko na sila."

Subalit bago pa man tuluyang tumalikod papaalis si Joelene, ay may pahabol siyang sinabi,

"Nga pala, turn niyo na ni Chris na manlibre today 'di ba?"

"Putangina, oo nga pala."

---

"Sino 'ng manlilibre ngayon?" Napa-irap na lang ako bago hampasin si Joelene nang magparinig siya at talaga namang inaasar ako.

Kanina niya pa ihinihilamos sa mukha ko na manlilibre ako ngayon, like, alam ko?!

"Today is mine and Sir Amiel's turn, 'di ba?" Napatango na lang ako matapos marinig ang sinabi ni Chris.

Luckily, si Chris ang kasabay kong manglilibre, isa rin siya sa mga responsableng empleyado ko, eh.

Tungkol nga pala sa librehan at sabay-sabay na paglu-lunch na nagaganap, nakasanayan na kasi sa company namin na by department ang paglabas for lunch. Pasimuno lang talaga namin na may librehan na magaganap, at by partner naman ito.

"Good day!" Binati rin namin pabalik si Kuyang Guard nang batiin niya kami matapos kaming pagbuksan ng pinto.

Café de Resto, ang suki naming coffee shop, na restaurant, hence the name, sa tuwing kakain kami ng lunch. Minsan naman ay dito rin kami tumatambay tuwing weekends at may kailangang tapusin na trabaho.

Katapat lang kasi ng company namin.

Inilibot ko naman ang paningin ko sa paligid at napabuga na lang ng hininga matapos makita na wala pang masyadong tao. Dinudumog kasi dito kapag tanghalian na, mabuti na lang talaga at maaga kaming dumating.

"Pumili na kayo ng uupuan, ako nang bahala sa mga order natin." Nilingon ko naman si Chris nang magsalita siya.

Tatanggi pa sana ako at sasabihing sasamahan ko siya sa pag-order subalit umiling lang siya sa akin at nauna na sa pila. Ano ba 'yan.

Bahala na, maghahati rin naman kami sa bayad, eh.

Nanatili lang kaming nakaupo sa isang gilid, nagpapalipas ng oras habang hinihintay ang mga pagkain namin.

Matapos ang ilang minuto, sa wakas ay nakarating na rin ang mga in-order namin at kasalukuyan na itong sine-serve sa amin.

"Here's your food, enjoy."

"Thank-" Napatigil naman ako sa pagsasalita at agad na sinundan ng tingin ang waiter na siyang naglagay ng order ko sa harapan ko.

Shit, nabobosesan ko siya!

At hindi nga ako nagkamali. Paglingon na paglingon ko sa kaniya ay sumalubong sa akin ang maaliwalas niyang mukha. 

Nagsimula naman akong mainis nang tumingin siya sa direksiyon ko at binigyan ako ng malawak na ngiti. Tsk.

Ang mukha na hindi ko malaman kung kakainisan ko ba o kakikiligan.

"Kayden, tsk." Napangiwi na lang ako bago tanggalin ang tingin ko sa kaniya.

Out of all places, bakit dito ko pa siya makikita?! At bakit ngayon lang? Ang tagal ko nang pumupunta dito, pero bakit ngayon ko lang siya nakita dito?

"Thank you for the food!" Napatigil lang ako pag-iisip nang sabay-sabay na nagpasalamat ang mga ka-trabaho ko, kaya naman nakisabay na rin ako.

Ewan, makakain na nga lang, imbes na pasakitin ko ang ulo ko sa kakaisip.

Napakunot ang noo ko nang makarinig ako ng sitsit na nanggaling sa bandang kaliwa ko, pero isinantabi ko lang ito.

"Hoy, napansin mo ba yung nag-serve sa' tin kanina?"

Saglit naman akong napatigil sa pagnguya matapos marinig ang bulong, na para namang hindi talaga bulong dahil narinig ko pa rin, na nanggaling din sa kaliwa ko.

"Oo! Paanong hindi ko 'yun mapapansin?!"

Gago, are they talking about Kayden? Tsk.

"I know right! Ang gwapo 'di ba?"

"Oo nga! Tapos ang bango pa nung dumaan siya dito!"

I mean, yeah. I had to agree with that. Ang lapit niya sa'kin kanina nung nilapag niya sa harap ko yung plato eh, paanong hindi ko siya maaamoy?

I can't really tell how he smells dahil wala naman akong alam sa mga bagay na 'yon, but if I had to explain what I felt when I smelled him?

It's the exact balance of masculinity, the feeling of freedom, and the breeze of the ocean.

I don't know, my description doesn't even make sense. Basta ang bango niya.

"Pero alam mo ba kung ano pangalan niya?"

"Not sure, pero Kayden nakita ko sa name tag niya eh."

"Kayden? I think I heard that name somewhere."

Napataas ang kilay ko habang pasimpleng nakikinig sa usapan nila at kasalukuyang nainom ng tubig.

"Oh? Saan?"

"You know the band Marahuyo?"

Muntik ko na akong mabulunan dahil sa narinig ko. What does Marahuyo have to do with Kayden?

"Parang siya daw yung-"

Wait, bakit nga ba ako nakikinig sa usapan nila? It's not like I'm interested in him nor anything that is related to him. Tsk.

Ang malakas at pekeng pag-ubo ko, kasabay ng marahas na pagbaba ko ng hawak kong baso sa mesa, ang dahilan kung bakit napatigil sa pagdadaldalan ang dalawang babae sa kaliwa ko at sabay-sabay na napalingon sa direksiyon ko ang mga ka-trabaho ko.

Nanlaki naman ang mga mata ko nang ma-realize kung ano ang ginawa ko.

Shit, did I do that unconsciously? Para lang hindi ko na marinig ang susunod na sasabihin nila?

Dahan-dahan akong napatingin sa paligid ko at napatungo na lang dahil sa kahihiyan nang mapagtanto na maliban sa mga ka-trabaho ko, maging ang iba pang staff dito sa café, pati na ang iba pang costumers ay nakatingin din sa akin.

And fuck, hindi ko alam kung mahihiya ba ako o maiinis matapos makita na nakatingin din sa akin si Kayden. Hindi lang tingin! Nakangisi pa sa akin ang loko na para bang inaasar niya ako dahil sa nagawa ko.

"Ssob? Okay ka lang?" mabilis ko namang nilingon si Joelene nang tanungin niya ako.

Tumango lang ako at tsaka sinimulang himasin ang ulo ko, nagkukunwaring may masakit sa katawan ko. "Y-Yeah, medyo sumakit lang ang ulo ko."

Matapos marinig ang sagot ko, sa kabila ng tahimik at awkward na atmosphere, ay bumalik na sila sa pagkain kaya muli akong sumubo ng ulam at pilit na hindi makipagtitigan kahit kanino.

Tangina, self, kinakahiya kita.

But that man, Kayden. Despite of him getting on my nerves, matapos marinig ang mga bagay na iyon tungkol sa kaniya, na hindi ko rin naman masabi kung totoo ba o hindi, ay mukhang... magbabago na ang pananaw ko tungo sa kaniya.

I'm taking back what I said about you before, about me, trying not to interact with you in any way possible. I'm taking that back.

Ngayon, ako na mismo ang gagawa ng dahilan at paraan para lang mag-krus ang landas nating dalawa

Patago akong napangisi habang kalmadong nainom ng tubig. Excited to get to know you soonest. Kayden.

Related chapters

  • Familiar Stranger (Boys' Love)   Chapter Six

    [ AMIEL ]- Friday, February 11, 5:19 pm -"So, that's the Kayden you' re talking about?" Sinagot ko naman ng tango ang tanong ni Sammy sa akin."Hmm.""Hindi naman ako na-inform na diyan pala siya nagt-trabaho," bahagya akong napatawa dahil sa komento ni Rome."Hindi ko rin alam actually. Well, to be fair, I don't know much about him, just his name, ni hindi ko nga alam kung ano ang apelyido niya." Napa-iling na lang ako bago sumabay sa paglalakad nilang tatlo.It's 5 in the afternoon, uwian na namin, at ngayon, naglalakad na kami palabas ng building at didiretso na nang uwi.Sina Joelene at Sammy, ay sabay na magt-tricycle pauwi, dahil magkalapit lang naman sila ng tinutuluyan, habang si Rome naman ay dala ang kotse niya.At ako? Magc-commute. May kotse rin ako actually, pero nasira na nga ito dahil sa nangyaring aksi

    Last Updated : 2021-09-15
  • Familiar Stranger (Boys' Love)   Chapter Seven

    [ AMIEL ]- Friday, February 11, 6:30 pm -"Kayden, aray naman!" daing ko habang pilit na tinatanggal ang mahigpit na pagkakahawak ni Kayden sa braso ko, subalit nabigo rin ako dahil mas malakas talaga siya sa akin.Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko upang pigilan ang ungot na lumabas sa bibig ko. Nararandaman ko na rin ang mga luha na nagbabadyang lumabas mula sa mga mata ko.Sobrang sakit na kasi!Bago pa man ako muling makapagreklamo at paki-usapan si Kayden na pakawalan ako, ay marahas na niyang tinaggal ang pagkakahawak sa braso ko nang makarating kami sa tapat ng kotse niya na naka-park sa parking lot na nakapwesto lang sa gilid ng pinagt-trabahuhan niyang café.Tahimik lang akong nakatayo sa harapan niya habang hinihimas ang braso ko na may bakas pa ng kamay niya, nagsasabi kung gaano kahigpit ang kapit niya sa akin.Wal

    Last Updated : 2021-09-19
  • Familiar Stranger (Boys' Love)   Chapter Eight

    [ AMIEL ]- Saturday, February 12, 5:43 am// "Please introduce yourself in front of the class."Huh? Introduce? Class?Kunot-noo akong napadilat at napag tanto na nakatungo pala ako kaya hindi ko makita ang nangyayari sa paligid.Sa oras na itinaas ko ang ulo ko at ito 'y inilibot sa loob ng misteryosong kwarto na kinaroroonan ko, ay sinalubong ako ng bagay na hindi ko inaasahang makita.Malakas na hangin ang pumasok mula sa mga sira at maruming bintana, dahilan para tangayin kasabay nito ang mga punit-punit na kurtina na kinapitan na rin yata ng alikabok.Bumaba naman ang tingin ko sa kinauupuan ko, at napangiwi na lang matapos makarinig ng tunog mula rito. Bahagya ko pa nga itong ginalaw at muntik na akong mahulog.Tsk, sira at kinakalawang na rin ang upuang ito.At ang huling bagay na nakapukaw

    Last Updated : 2021-09-28
  • Familiar Stranger (Boys' Love)   Chapter Nine

    [ AMIEL ]- Saturday., February 12, 12:51 pm"Amiel."Mahina akong napa-ungot bilang pagsasaad na ayaw ko pang gumising. Tsk, istorbo naman kasi."Wake up, nandito na tayo."Hahampasin ko na sana ang kamay ng kung sinong umaalog sa balikat ko, nang makilala ko kung sino ang may-ari ng boses na iyon.Gayun pa man, hindi pa rin ako bumangon at natulog ulit. Joke lang, nagtulog-tulugan lang ako dahil curious ako sa kung ano ang gagawin ni Kayden kung hindi pa rin ako gumising.It's childish, I know, at pwede rin akong ma-late sa meeting namin ni Mr. Villano, but I couldn't care less, hahayaan ko muna ang sarili ko na magpaka-isip bata ngayon."Amiel, huwag mong hintayin na buhatin kita papasok sa café."Agad naman akong napadilat dahil sa bakas ng pagbabanta sa boses ni Kayden. What the f

    Last Updated : 2021-10-03
  • Familiar Stranger (Boys' Love)   Chapter Ten

    [ AMIEL ]- Sunday, February 13, 12:31 pmDahan-dahan akong tumayo mula sa pagkakahiga sa malamig at matigas na sahig habang nakaalalay ang aking kanang kamay sa ulo ko. Nakirot na naman kasi.Sa pangalawang pagkakataon, hindi ko na naman malaman kung nasaan ako. Ang paligid ay nababalot ng dilim at ang tanging pinagmumulan ng liwanag ay ang ilaw na mukhang mapupundi pa na nakapwesto sa tuktok ko.Matapos suriin amg paligid, ang sunod ko namang napansin ay ang suot ko.It's a... white uniform. Hindi lang ito basta kung anong uniporme, ito ang unipormeng naka-ugalian kong suotin noong nasa senior high pa ako.Everything is the same, ang kulay ng pantaas at pambaba ko, maging ang ID ko ay nakasabit din sa leeg ko.Looks like I'm back in high school, nostalgic.Subalit hindi nagtagal ang sayang nararamdaman

    Last Updated : 2021-10-11
  • Familiar Stranger (Boys' Love)   Chapter Eleven

    [ AMIEL ] - Sunday, February 13, 7:09 pmFuck it, T'm gonna approach them.Mahigpit akong napahawak sa mga bitbit ko habang tahimik at dahan-dahan na naglalakad patungo sa kwarto ko, pakiramdam ko kasi ay baka bigla ko itong mabitawan dahil sa namumuong takot sa bawat hakbang na tinatahak ko papalapit sa anino.Inis naman akong napa-iling. Ano ba'ngkinakatakot ko?! Tsk, multo? Really? Hindi pa naman malalim ang gabi at February pa lang, imposible!"Amiel?""Ay kabayo!"Dahil sa pagkagulat matapos makarinig ng boses ng lalaki na tumawag sa akin, ay aksidente kong nabitawan ang mga bitbit ko.Napabuntong-hininga na lang ako bago sinimulang pulutin ang mga nagkalat na papel sa sahig. Shit naman, oh.Habang ang mga kamay ko ay abala sa paglilikom.ng mga nagkalat na papel, ang mga

    Last Updated : 2021-10-19
  • Familiar Stranger (Boys' Love)   Chapter Twelve

    [ AMIEL ]- Monday, February 14, 5:35 pm"Happy Valentine's Day!" aksidente ko namang nabagsak ang hawak kong ball pen matapos marinig ang sabay-sabay na sigaw ng mga kaibigan ko.Lumingon ako sa likuran ko at nakita sila na papalapit papunta dito habang bahagya pang patalon-talon.They look so excited, anong meron? I mean, aside sa Valentine's ngayon."Hmm, Happy Valentine's Day din," tugon ko sa kanila bago pulutin ang nahulog na ballpen at nagpatuloy sa pagsusulat.Subalit napakunot na lang ang noo ko nang may kumuha ng aking panulat mula sa akin, walang iba kung hindi si Rome.Mas lalo lang akong naguluhan nang sabay-sabay nila akong tiningnan, habang naka-cross arms pa, at medyo masama rin ang tingin na binabato nila sa akin."Bakit?" takang tanong ko."Don't tell me nakalimutan mo?" Tiningnan

    Last Updated : 2021-10-26
  • Familiar Stranger (Boys' Love)   Chapter Thirteen

    [ AMIEL ]- Monday, February 14, 6:27 pmPagkadilat na pagkadilat ko, ay agad ko ring isinara muli ang mga mata ko at mariin na pumikit. Ang sakit kasi sa mata ng liwanag na sumalubong sa akin.Ilang beses muna akong kumurap upang masanay ang aking paningin sa paligid, bago ko sinuri kung nasaan ako kasi I don't know where the fuck I am, and it's scaring me.Bumulaga sa akin ang isang hindi kalakihan na silid na nababalot ng puting pintura. May magkabilang bintana sa dalawang gilid ng kwarto at hinahawi naman ng hangin ang kurtina na nakatakip dito. May TV din sa loob ng kwarto at maliit na sofa sa tapat nito.Sa una ay hindi ko talaga ma-recognize ang lugar na ito sapagkat wala naman akong naaalala na pinuntahang lugar na ganito ang itsura.Then it hit me. Kung hindi ko pa napansin ang kama na hinihigaan ko at ang mesa slash cabinet na katabi nito, ay hindi ko

    Last Updated : 2021-10-31

Latest chapter

  • Familiar Stranger (Boys' Love)   Chapter Thirty Seven

    ( All of the events in this chapter are flashbacks, meaning it happened in the past and is not related with the current timeline. )---[ KAYDEN ] - August 11, 4:38 pm// While I was peacefully walking down the street, making my way to our band's meeting place dahil napag-isipan nila na mag-practice ngayong hapon, my ringtone started going off.Kunot-noo ko namang inabot ang aking phone mula sa likurang bulsa ng pantalon ko, at napataas na lang ang isa kong kilay matapos makita ang pangalan ni Helixir, isa sa malalapit kong mga kaibigan, sa caller's name.Why would he call me at this time?Regardless, I answered. "Hello? Bakit?""You need to come here. Quickly."I was definitely bewildered after hearing that. Just by listening to his quiet, whisper-like tone, it was enough to make me panic.

  • Familiar Stranger (Boys' Love)   Chapter Thirty Six

    [ KAYDEN ] - Thursday, February 10, 11:30 pm"Vatriel, naka-mute ka.""Oh, sorry. Kaya pala walang nasagotsa'kin kanina?""Tsk, bakit naman kasi nagp-practice tayo virtually? Hindi ba kayo makapag-hintay bukas?""Felix naman. Sa 14 na performance natin 'no, kung ipagpapaliban pa natin ang practice, baka hindi pa maayos ang maging kalabasan noon.""Yeah, yeah. Whatever.""Bahala kayo diyan, as long as I'm making money. I'm completely okay with whatever we're doing.""Mukha ka talagang pera.""Uh-huh? Sino ba kasi ang aayaw sa pera?"Napa-iling na lang ako habang nagpipigil ng tawa habang pinapakinggan ang walang katuturan na pinag-uusapan ng mga band mates slash kaibigan ko.Hindi na ako nakikisama pa sa daldalan nila dahil sa totoo lang, kanina

  • Familiar Stranger (Boys' Love)   Chapter Thirty Five

    [ ROME ] - Monday, March 12, 7:39 am Kunot-noo kong idinilat ang aking mga mata matapos marinig ang paulit-ulit na vibration na nanggagaling sa kaliwang parte ng kama ko. Nakabusangot ko nanang inabot ang aking phone at nanliliit ang mga matang tiningnan kung ano' ng meron. "What the actual fuck?" Inis akong napakamot sa ulo ko habang tinititigan ang pangalan ni Amiel na siyang nakasulat sa caller's name. Ang aga-aga, nambubulabog 'tong putang 'to. "Hello? Putangina," sagot ko sa tawag na nasundan pa nga ng ilang ubo matapos kong maramdaman kung gaano katuyot ang lalamunan ko. Bwiset. Mas lalo naman akong nairita matapos marinig ang mahinang tawa sa kabilang linya. "Huwag mo sabihing humihimlay pa rin diyan?" "Yes bitch, not until you fucking called me." Nahiga naman ako sa b

  • Familiar Stranger (Boys' Love)   Chapter Thirty Four

    [ AMIEL ] - Sunday, March 11, 5:15 pmMatapos ang ilang minutong pakikipag-debate sa sarili ko kung itutuloy ko pa ba ang napakatangang plano ko, sa wakas ay naipon ko rin ang sapat na lakas ng loob upang kumatok sa pinto ng kwarto niya.After three continuous knocks, ilang segundo akong naghintay ng tugon mula sa kabilang banda ng pinto."May nakatok!""Ako na lang magbubukas! Pagpatuloy niyo lang 'yang laro niyo, baka matalo pa kayo.""Thank you! Kaya love kita, eh!""Pakyu!"Nasundan ang mga sigaw na iyon ng ilang mabibigat at mabilis na yapak patungo sa pinto. And the louder they get, the faster my heartbeats get.Narinig ko na ang ilang kaluskos ng doorknob kaya naman hindi na ako mapakali sa kinatatayuan ko.Then, it finally opened.And as soon as I s

  • Familiar Stranger (Boys' Love)   Chapter Thirty Three

    [ AMIEL ] - Sunday, March 10, 3:27 pmTahimik akong naka-upo sa isang bench habang sinusundan ng tingin ang mga tao rito sa park na tulad ko, ay nakatambay din.Sa isang gilid, may makikita kang mga pamilya na masayang nagsasalo-salo habang may nakalatag na picnic mat. Sa katapat naman nito, may mga mag-kasintahan din na abala sa pagkuha ng litrato ng isa't isa at paglalampungan. May mga bata ring paikot-ikot sa parke.Lahat sila may kasama, ako lang yata ang wala.Kasalukuyan naman akong nakatungo habang pinapanuod ang mga paa ko na gumuhit ng mga hindi mo maintindihang litrato sa lupa na kinatatayuan ng bench na inu-upuan ko.Ha? Ano yon? Bakit kamo ako nandito?Well, marami akong reasons.Una sa lahat, wala akong magawa sa bahay. Actually, meron, 'yong mga unfinished documents ko. Pero sinisipag ba akong gawin? Hind

  • Familiar Stranger (Boys' Love)   Chapter Thirty Two

    [ THIRD POV ] - Saturday. March 9, 11:52 pm// Slow, and intimate music started playing through the huge speakers around the hall, engulfing the place with a tune that fits just right with the theme.Batch xxxx-xxxx, they're currently holding their prom party right now.Most of the students are dancing with their partners, or with their friends. While some just decided to rest in the tables. Advisers and other school staff are also enjoying the party.While silently observing the place, Amiel took a sip from his cup.Sa loob-loob ni Amiel, ayaw niya talagang sumama sa mga tipon-tipon na ganito. Hindi kasi siya sanay sa mga maraming tao, at wala rin naman siyang gagawin dito, so bakit pa siya mag-aabalang dumalo 'di ba? It's not even necessary for every students to come.Pero wala siyang magawa kundi sumama, hindi kasi siya tatan-tanan ng m

  • Familiar Stranger (Boys' Love)   Chapter Thirty One

    [ AMIEL ] - Saturday, March 9, 8:32 pm"Amiel."Oh fuck. That's /really/ Kayden's voice!Matapos marinig ang boses na iyon, ay hindi ko naman maiwasang manigas sa kinau-upuan ko. Pakiramdam ko nga ay napatigil din ako sa paghinga.Ang utak ko naman ay mukhang tumigil din. Walang ibang laman ang utak ko ngayon maliban sa mga katagang, /'What the fuck am I gonna do?'/Naglabas naman ako ng mahinang ungot matapos maramdaman ang kamay niya sa balikat ko. Kasabay din nito ang bahagya kong pagtalon sa upuan ko.Tangina. Kumalma ka nga, Amiel! That person is not even gonna eat you alive or something!I felt a few taps on my shoulders, that's why I unconsciously looked back at Kayden, na ngayon ay naga-alalang nakatingin sa akin."Are you okay? Kanina ka pa hindi nagsasalita."Because

  • Familiar Stranger (Boys' Love)   Chapter Thirty

    [ AMIEL ] - Saturday, March 9, 8:12 pmAs I sat down on the table near the drinks and snacks station, I quietly observed everyone who are currently gathered at the center of the hall.Yes, iba na naman pong lugar.Matapos ang mahigit dalawang oras na kantahan at sigawan kanina sa performance ng Marahuyo, lumipat na kami ngayon sa hall kung saan din ginanap ang prom namin noong high school.And for tonight's last event, naisipan naming i-recreate ang 'masked prom party' namin noong high school.By the name itself, 'masked,' so we're all currently wearing maskaras, either it covers only the half of our face or kabuuan na ang natatakpan. Nagpalit na rin kami into some semi-formal clothes, para naman fit talaga sa theme namin.Tungkol naman sa itsura ng hall, it's kinda dark- dim, rather. Para na rin manatili ang 'mysterious' vibes na kasama n

  • Familiar Stranger (Boys' Love)   Chapter Twenty Nine

    [ AMIEL ] - Saturday, March 9, 6:21 pm"Hey."Napatingala naman ako mula sa ilang minutong pagkakatungo nang marinig ko ang boses ni Rome, kasabay ng dampi ng kamay niya sa balikat ko."Bakit?" tanong ko sa kaniya habang humihikab."Okay ka na ba?"Agad naman akong napatigil sa pagu-unat dahil sa tanong niyang iyon.Right. Okay na nga ba ako?For the past few hours, napaka-energetic at interactive ko, especially while we're playing games. Panay ang takbo ko roon at rito, nakikipag-sabayan din ako sa asaran at mga biro ng ilan kong kaklase.Sobrang na-distract ako, and my emotion definitely did a 180 degree turn, kaya nakaligtaan ko na I literally had an emotional breakdown earlier.All of that because of Kayd-Bahagya akong napailing. I don't even want to t

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status