[ AMIEL ]
- Monday, February 14, 6:27 pm
Pagkadilat na pagkadilat ko, ay agad ko ring isinara muli ang mga mata ko at mariin na pumikit. Ang sakit kasi sa mata ng liwanag na sumalubong sa akin.
Ilang beses muna akong kumurap upang masanay ang aking paningin sa paligid, bago ko sinuri kung nasaan ako kasi I don't know where the fuck I am, and it's scaring me.
Bumulaga sa akin ang isang hindi kalakihan na silid na nababalot ng puting pintura. May magkabilang bintana sa dalawang gilid ng kwarto at hinahawi naman ng hangin ang kurtina na nakatakip dito. May TV din sa loob ng kwarto at maliit na sofa sa tapat nito.
Sa una ay hindi ko talaga ma-recognize ang lugar na ito sapagkat wala naman akong naaalala na pinuntahang lugar na ganito ang itsura.
Then it hit me. Kung hindi ko pa napansin ang kama na hinihigaan ko at ang mesa slash cabinet na katabi nito, ay hindi ko mapagtatanto na nasa kwarto pala ako ng isang ospital.
What am I doing here though?
Napamura naman ako dahil sa pagkabigla nang makaramdam ako nang may bahagyang pumisil sa kanang kamay ko.
Para naman akong binuhusan ng malamig na tubig matapos ma-realize na noong kaninang sinisiyasat ko ang kwartong ito, ay wala naman akong nakitang ibang tao na kasama ko rito, so...
Who the fuck did that?
Sa kabila ng labis na takot na nararamdaman, ay inipon ko pa rin ang lahat ng lakas-loob ko upang lingunin ang nasa bandang kanan ko.
At napabuga na lang ako ng hangin matapos makita ang isang pamilyar na katawan. It's just him, so I'm fine.
Pero wait lang?! What is Kayden doing here?
Nagp-panic akong lumingon-lingon sa paligid, I'm not exactly sure why I did that, pero instinct I guess. I'm trying to wake him up, and not wake him up at the same time! Hindi ko na alam!
Now that I saw him, naalala ko na ang nangyari and how I ended up here.
Valentine's Day ngayon, may performance sila kanina, then in the middle of the performance, I made a scene and collapsed. Nakakahiya.
Pero bakit? Wala naman akong masamang nararamdaman bago ako dumalo doon, so bakit ako nawalan ng malay?
I just shrugged my shoulders, along with the questions in my head at muling tumingin kay Kayden.
Napakunot na lang ang noo ko sa pag-aalala nang makita ko ang kasalukuyang posisyon niya ngayon.
He's kneeling on the ground! Wala siyang inu-upuan at dahil medyo mataas ang kama, ay naka-diretso ang likod niya habang naka-unan naman ang ulo niya sa kaliwang braso niya, at ang kanang kamay niya...
I shyly looked away. Nakahawak ang kanang kamay niya sa kamay ko. Putangina!
I can feel goosebumps covering my arms and legs, hindi ko rin mapigilan ang ngiti na gumuguhit sa labi ko.
Bwiset! Bakit ako kinikilig?!
I hesitantly looked back at his direction, and sighed in relief matapos makita na napapikit pa rin siya. Baka kasi mahuli niya akong ninanakawan siya ng tingin eh!
I just stared at him, admiring his face. This is probably the first time I saw his face this close. Napangiti na lang ako. He's so beautiful.
I slowly extended my other arm, reaching out, before brushing the bangs away from his face. Napasinghap na lang ako ng hininga. He looks so breath-taking.
Ang peaceful niya tingnan habang natutulog, na para bang ang ganda-ganda ng panaginip niya at hindi mo gugustuhing gambalain ang mahimbing na tulog niya.
Mabilis ko namang ini-alis ang kamay ko mula sa buhok niya at tumingin sa kabilang gilid ng kwarto matapos siyang gumalaw nang bahagya. Nararamdaman ko rin ang pagbilis ng tibok ng puso ko sa sobrang kaba.
Nahuli niya ba akong nakatingin sa kaniya?!
Pagkalipas ng ilang minuto, wala pa rin akong nararamdaman na nagalaw o nagsasalita, kaya naman I took that as a hint at umingon ulit sa kaniya dahil baka ay tulog pa rin siya.
Pero putangina.
Paglingon na paglingon ko sa kaniya, ay nanigas na lang ako sa kasalukuyan kong posisyon matapos makita ang mga mata niya na diretsong nakatingin sa akin.
Fuckl Anong gagawin ko?! Shit!
"G-Gising ka na pala," mahinang saad ko bago marahan na tinanggal ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya. Hindi niya nga yata narinig 'yong sinabi ko dahil sa sobrang hina nito eh.
Muli naman akong napalingon sa kaniya nang maramdaman kong nawala na ang bigat sa bandang kanan ko, indikasyon na tumayo na siya.
Nag-unat-unat pa siya habang naghihikab. Heh.
"Kanina ka pa ba gising?" Nabigla naman ako nang tanungin niya ako bago tumungo sa mesa na nasa kabilang gilid ko.
Shit. "A-Ah, hindi naman, kakagising ko lang din," halos manlamig na ako dahil sa sobrang kaba. Hindi ko rin alam kung bakit, pero basta! I've always been this way naman whenever I'm around him, tsk.
"Then, do you want anything? Water? Fruits?" Napalingon naman ako sa kaniya at nakita ang pagkain na nilabas niya mula sa ibabang kabinet ng mesa.
"No thanks, hindi pa naman ako nagugutom eh."
"Kamusta ka naman? May masakit ba sa'yo? May masama ka bang nara-"
"Kayden." Napatigil siya sa pagsasalita at maging sa pagkilos nang tawagin ko ang pangalan niya, in a serious tone.
"What is it?" sagot niya bago ma-upo sa gilid ko.
I looked at him. "You don't have to... do all of this, you know?" panimula ko.
He tilted his head. Marahil ay nagtataka.
"Wag mo na ako masyadong isipin, I'm okay, at sasabihin ko na lang sa' yo kung sakali man na may masama akong nararamdaman," dugtong ko pa.
Nanatili pa rin siyang tahimik. And judging by his expression, parang hindi pa siya satisfied sa sinabi ko, hindi pa siya kumbinsado. Kaya naman napabuntong-hininga na lang ako.
"Tsaka, I 'm kinda uncomfortable sa attention na binibigay mo sa akin, hindi kasi ako sanay na may umaasimaso sa akin," pagtatapos ko bago umiwas ng tingin sa kaniya at sinimulang paglaruan ang mga daliri ko.
Nakumbinsi ko na ba siya?
"Okay then, thanks for letting me know." Naramdaman kong tumayo na siya mula sa pagkaka-upo sa gilid ko at bumalik sa pag-aasikaso ng mga gamit sa mesa.
"Pero, ikaw? May gusto ka bang itanong sa'kin? Sabihin?" Pang-ilang lingon ko na 'to sa kaniya at sa totoo lang ay nahihilo na ako.
"Ha?" I clearly understood what he said, pero gusto ko lang makasigurado kung tama ba 'yong narinig ko.
Nakita ko siyang ngumunguya sa ilang piraso ng hiniwang mansanas. "Ang sabi ko, kung may gusto ka bang itanong o sabihin sa akin."
"I-" pinutol ko ang sarili kong pangungusap at saglit na nag-isip kung ano ang pwedeng itanong.
"Mga kaibigan ko? Nandito ba sila?" Lingon ko sa kaniya.
Nilunok niya muna ang nginunguya bago sumagot. "Kinaka-usap nila 'yong doktor tungkol sa lagay mo."
Napa-"Ahh" na lang ako at hindi na sinundan ang mga tanong ko, kaya naman muling namagitan sa aming dalawa ang katahimikan.
Wait, may napansin lang ako, at hindi ko alam kung bakit hindi ko agad 'to napansin kanina.
Ang suot ni Kayden ngayon ay katulad lang ng suot niya kanina sa event. Does that mean..
"Kayden."
"Hm?"
"Ano.. Bakit ikaw ang nagbabantay sa akin dito? Hindi ba dapat... nandoon ka sa ev-" Hindi ko na nagawa pang tapusin ang aking tanong nang bigla niya akong subuan ng piraso ng mansanas.
"Amiel, mas importante ka naman at ang kondisyon mo kaysa doon sa event 'no," sagot niya at nagpatuloy lang sa pagnguya.
"That doesn't answer my questi-"
"Isa pa, noong nag-collapse ka ay patapos na rin naman ang kanta maging ang event, so it's okay, you don't have to worry about it," dugtong niya pa bago ako subuan ng panibagong piraso ng mansanas.
Nakanguso akong ngumuya. Wala na akong masabi, he answered my question na rin naman eh.
Parehas naman kaming napalingon sa pinto nang makarinig kami ng ilang ingay mula sa labas nito.
"Hello!" Napatawa na lang ako nang ang sigaw ni Sammy ang unang sumalubong sa amin pagkapasok nila rito. Kasunod naman niya si Joelene na hinahampas siya sa balikat na para bang sinasaway siya nito.
At si Rome..
"Kayden, can we talk outside?" Tumahimik ang paligid at nabalot ito ng seryosong tono ni Rome.
I looked at Kayden. I'm kinda nervous for him kasi... pakiramdam ko ay wala sa mood si Italy ngayon and I don't even have any idea what they're gonna talk about!
Hindi ito sumagot, sa halip, ay sinundan niya na lang si Rome papunta sa labas at tahimik na isinara ang pinto.
Sinundan ko naman ng tingin si Joelene na umupo sa tabi ko at si Sammy na dumiretso ng CR.
"Amiel."
"Hm?" Lingon ko kay Joelene at nakitang binabalatan niya ang orange na nakapatong sa mesa.
"Okay ka na ba? Do you think pwede ka nang umuwi?" tanong niya tsaka ako binigyan ng piraso ng orange.
Tumango naman ako. "Hmm, hindi naman na masama ang pakiramdam ko."
"That's good then," saad niya habang may malit na ngiti sa kaniyang labi. Hindi na lang ako sumagot.
"By the way, do you remember what happened ba bago ka mapunta dito sa ospital?" muling tanong niya.
My gosh ah, ang daming tanong. Para tuloy akong ini-interview dito.
"Ahh yeah, nasa kalagitnaan lang naman ako ng panonood ng performance ng Marahuyo, then nung patapos na ang kanta, bigla na lang sumakit yong ulo ko then ayon, nawalan na ako ng malay," mahabang paliwanag ko bago kumuha ng isa pang piraso ng orange at kinain ito.
Dahan-dahan naman siyang tumango. "Naka-usap kasi namin si Doc kanina, at sabi niya, exhaustion ang naging dahilan kung bakit ka nawalan ng malay. Pinilit mo daw kasing pumunta sa event kahit na alam mong pagod ka at kakagaling mo lang sa trabaho."
Napakurap naman ako at hindi na nakasagot. Gosh, 'yon talaga ang dahilan? Kailangan ko na palang mag-ingat mula ngayon.
Samantala, bigla ko namang naalala kung ano ang mga naramdaman ko habang pinapanood ang pagtugtog nila sa entablado. Sabihin ko kaya sa kaniya?
"Lene."
"Hm?" mabilis na lingon niya sa akin.
"You know, kanina noong pinakikinggan ko ang pagtugtog nila, there's a certain emotion I felt eh," panimula ko at dinala pa ang aking kanang kamay papunta sa aking dibdib. Naks naman.
She looks confused. She slightly tilted her head before responding. "What do you mean?"
"Nostalgia. Sa kantang ginamit nila bilang last song ng event, pakiramdam ko ay bumabalik ang lahat ng mga alaala sa isip ko, kahit na hindi ko malaman kung talaga bang naranasan ko ang mga pangyayaring iyon."
"Para bang, ano... there's a certain memory na pakiramdam ko ay kailangan na kailangan kong maalala, pero I can't eh. Gano'n?" Nakakunot ang noo ko habang gumagawa pa ng ilang hindi mo maintindihang hand gesture habang nagpapaliwanag.
I can't convert my thoughts into words, eh!
Nang lumingon ako sa kaniya upang makita ang reaksiyon niya, ay tsaka naman napunta ang atensiyon namin kay Sammy na kakalabas lang ng CR at nakatingin sa phone niya.
"Guys, baba na daw tayo sabi ni Rome, hintayin na lang daw niya tayo sa ground floor," anunsiyo niya habang may binabasa sa phone niya. Marahil ang text ni Italy.
Nauna namang tumayo si Joelene para alalayan ako sa pagtayo, maging si Sammy ay lumapit din at umalalay sa akin mula sa bandang kanan ko.
Medyo nakakahiya 'to, ah.
"Let's go na? Wala ka namang dalang kahit ano 'di ba?" tanong ni Joelene habang lumilingon-lingon sa paligid.
Umiling ako. "Wala na, sarili ko lang naman dala ko dito, eh."
Natawa na lang sila sa sinabi ko, bago kami tuluyang lumabas ng kwarto at sumakay sa elavator pababa mula sa 4th floor.
We're going home na, but what about Kayden? Tapos na ba silang mag-usap? Did he to home already na?
Napa-iling na lang ako. Malaki na si Kayden, I'm sure he can take care of himself.
Sarili ko ang kailangan kong pagtuunan ng pansin at alaga, not other people. Hays.
[ AMIEL ] - Monday, February 14, 7:56 pm"Panay ka kwento tungkol sa girlfriend mo, 'di mo naman pinapakilala sa amin.""LDR nga kami eh! Alangan namang mag-teleport siya papunta dito 'di ba?""I mean, pwede-"Napa-iling na lang ako dahil sa pinagtatalunan nina Sammy at Joelene habang nauunang maglakad sa aming dalawa ni Rome.Habang sila ay gumagawa ng ingay na umaalingawngaw sa hallway na dinadaanan namin, tahimik lang kaming naglalakad ni Italy sa gilid ng isa't isa.Ugh, I want to start a conversation."Italy," mahinang tawag ko, subalit sapat ang lakas nito upang marinig niya."Hm?" Lingon niya sa akin."Matanong ko lang kung ano 'yong pinag-usapan niyo ni Kayden kanina?" tanong ko sa kaniya, and even slightly leaned closer to him, umaasa na sagutin niya nang
[ AMIEL ]- Tuesday, February 15, 7:24 amMabilis kong tinungga ang natitirang kape sa baso ko bago kumaripas ng takbo papunta sa sala upang ayusin ang mga gamit ko.Masyado yatang napasarap ang tulog ko kagabi at medyo late na akong nagising, kaya ngayon, nagmamadali akong matapos dito para makapasok agad.Napatingin ako sa orasan. 7:25.Ugh, baka ma-late nga ako, ma-traffic pa naman din kapag ganitong oras na!Matapos siguraduhing kumpleto na ang lahat ng dadalhin ko at wala na akong nakaligtaan, ay lumabas na ako ng kwarto ko tsaka ini-lock ang pinto."Uh-huh, I'll be there. No! Hindi, don't worry."Napatigil naman ako sa paggalaw nang marinig ang isang malalim na boses. Parang bagong gising pa nga lang ang nagmamay-ari nito.Paglingon ko sa bandang kaliwa, kung saan nanggaling ang boses, ay sina
[ AMIEL ] - Wednesday, February 16, 5:57 am// Nagtataka ko namang ini-angat ang aking ulo matapos marinig ang isang malakas at naka-iiritang batingting mula sa labas ng kwartong kinaroroonan ko.Agad na kumunot ang noo ko dahil sa pagtataka. Kwarto, at may batingting.Sinundan ko naman ng tingin ang mga estudyanteng sabay-sabay na lumalabas ng silid habang ang ilang guro ay sinisigawan ang mga nasabing estudyante."Magdahan-dahan! 'Wag magtulakan!"Teka lang. Estudyante? Guro?What-Saglit akong napatingin sa kinauupuan ko at maging sa suot kong damit, at tsaka ko lang na-realize kung nasaan ako.Sa huling panaginip ko, nasa loob din ako ng classroom, at naulit na naman iyon ngayon. Siguro kaya laging bumabalik sa high school ang mga panaginip ko dahil nandoon ang karamihan ng nga al
[ AMIEL ] - Wednesday, February 16, 8:31 amMalakas naman akong napa-ubo nang bigla akong masamid mula sa kape na iniinom ko. Ano ba 'yan, I can't even drink properly?!Ilang saglit ko pang tiningnan ang phone ko habang nahigop sa mug na hawak ko.Kakatapos ko lang kausapin si Italy through video call, at sabi niya, medyo mal-late pa raw sila ng.dating kasi mahaba pala ang pila sa restaurant na pinagbilhan nila ng kakainin namin for breakfast.Pero after I told him na kailangan nilang bilisan dahil may ik-kwento pa ako sa kanila, ay agad na nagbago ang isip niya. On the way na raw talaga sila, joke lang daw 'yong tungkol sa mahabang pila.Hindi ko maiwasang mapatawa dahil sa sinabi niyang iyon. Ang lalaking 'yon talaga, basta tungkol sa chismis, imposibleng hahayaan niya 'yong palagpasin. Laging updated, eh!Nilapag ko muna ang phone ko sa
[ AMIEL ] - Thursday, February 17, 5:36 am// Don't fucking tell me."Amiel! Sabay-sabay na tayong umuwi!" saad ni Sammy na kasabay maglakad nina Joelene at Rome habang kinakawayan ako.Isa na naman 'tong panaginip?! At parang connected pa nga yata 'to sa naging panaginip ko kahapon.Patago akong napangiwi. Ewan, makikisabay na lang ako, I'll treat them as if they're my friends para hindi ganoon ka-awkward.Technically, they /are/ my friends, pero iba pa rin yong nakasanayan ko eh."Hintayin niyo ako!" tatawa-tawang sigaw ko at patakbo silang nilapitan. Whatever.Tumabi ako kay Rome at sinabayan na sila sa paglalakad palabas ng school, nang bigla naman akong akbayan ni Rome."Amiel, magtapat ka nga."Kabado ko siyang tiningnan, subalit agad akong napapikit at kumapit sa braso niya na
[ AMIEL ] - Friday, February 18, 6:21 am// As soon as I opened my eyes, the first thing I did was to look at my surroundings, trying to figure out where I ended up this time.Alam kong isa na naman itong panaginip, and I'm kinda getting sick of it kasi tatlong araw na sunod-sunod ko nang nararanasan ito.Matapos makakita ng ilang pares ng mga estudyante na naglalakad papasok ng campus, ay agad kong nalaman na nandito pa rin ako, sa paaralan ko noong high school.Napapikit naman ako at hinayaan ang malamig na hangin na tangayin ang buhok ko maging ang suot kong damit. Ang ganda ng panahon ngayon.Speaking of damit, napuno na lang ng pagtataka ang mukha ko matapos makita na ang suot kong damit ngayon ay ayon sa pagkakaalala ko, ang siya ring suot ko bago ako matulog.What the fuck? Pero ang mahalaga ay walang lumilingon sa direksiyon ko. Pa
[ AMIEL ] - Friday. February 18, 3:49 pmHingal akong nahiga sa sofa bago magpakawala ng buntong-hininga at saglit na ipinikit ang aking mga mata.Kakatapos ko lang maligo, tagaktak kasi ang pawis ko kanina dahil nilinis ko ang buong dorm ko. And when I said 'buong dorm,' literal na buong dorm.Mula dito sa sala, papunta sa kusina, hanggang sa kwarto at CR. Ni-rearrange ko na rin ang mga damit ko sa cabinet at mga bagay-bagay na nakatambak sa mesa ko.Kaya grabe na lang ang pagod ko. Ugh.Inabot naman ng kamay ko ang aking phone na nakapatong sa mesa na katapat lang ng sofa na hinihigaan ko.I want to message my friends, may gusto kasi akong sabihin, but they' re most likely busy right now.Bagot akong nagb-back read sa group chat na binubuo naming tatlo. Mag-chat na lang kaya ako? Tapos bahala na kung mag-reply sila o
[ AMIEL ] - Saturday., February 19, 8:07 am"Doon nga raw sa pinakababang cabinet 'di ba?!""Malay ko ba! Ang tagal na kaya nating hindi nakapunta dito!""Shh! Natutulog pa 'yong may-ari ng bahay, 'wag kayong maingay diyan!"Matapos marinig ang ilang sigawan at pananaway, ay agad na kumunot ang noo ko at unti-unting idinilat ang aking mga mata.Sumalubong sa akin ang sahig ng sala ko, na nilatagan ng ilang comforter at may mga nakakalat pang unan at kumot sa gitna nito.Napakurap na lang ako nang mapagtanto na sa sofa pala ako nakatulog kagabi at hindi na nagawa pang makabalik sa kwarto ko.Hinihintay ko kasi 'yong tatlo na maka-uwi para matuloy 'yong pinag-usapan namin ni Rome, but I guess I'm already asleep even before they could arrive.Inilibot ko ang aking paningin sa paligid at nakita ang tatlo kon
( All of the events in this chapter are flashbacks, meaning it happened in the past and is not related with the current timeline. )---[ KAYDEN ] - August 11, 4:38 pm// While I was peacefully walking down the street, making my way to our band's meeting place dahil napag-isipan nila na mag-practice ngayong hapon, my ringtone started going off.Kunot-noo ko namang inabot ang aking phone mula sa likurang bulsa ng pantalon ko, at napataas na lang ang isa kong kilay matapos makita ang pangalan ni Helixir, isa sa malalapit kong mga kaibigan, sa caller's name.Why would he call me at this time?Regardless, I answered. "Hello? Bakit?""You need to come here. Quickly."I was definitely bewildered after hearing that. Just by listening to his quiet, whisper-like tone, it was enough to make me panic.
[ KAYDEN ] - Thursday, February 10, 11:30 pm"Vatriel, naka-mute ka.""Oh, sorry. Kaya pala walang nasagotsa'kin kanina?""Tsk, bakit naman kasi nagp-practice tayo virtually? Hindi ba kayo makapag-hintay bukas?""Felix naman. Sa 14 na performance natin 'no, kung ipagpapaliban pa natin ang practice, baka hindi pa maayos ang maging kalabasan noon.""Yeah, yeah. Whatever.""Bahala kayo diyan, as long as I'm making money. I'm completely okay with whatever we're doing.""Mukha ka talagang pera.""Uh-huh? Sino ba kasi ang aayaw sa pera?"Napa-iling na lang ako habang nagpipigil ng tawa habang pinapakinggan ang walang katuturan na pinag-uusapan ng mga band mates slash kaibigan ko.Hindi na ako nakikisama pa sa daldalan nila dahil sa totoo lang, kanina
[ ROME ] - Monday, March 12, 7:39 am Kunot-noo kong idinilat ang aking mga mata matapos marinig ang paulit-ulit na vibration na nanggagaling sa kaliwang parte ng kama ko. Nakabusangot ko nanang inabot ang aking phone at nanliliit ang mga matang tiningnan kung ano' ng meron. "What the actual fuck?" Inis akong napakamot sa ulo ko habang tinititigan ang pangalan ni Amiel na siyang nakasulat sa caller's name. Ang aga-aga, nambubulabog 'tong putang 'to. "Hello? Putangina," sagot ko sa tawag na nasundan pa nga ng ilang ubo matapos kong maramdaman kung gaano katuyot ang lalamunan ko. Bwiset. Mas lalo naman akong nairita matapos marinig ang mahinang tawa sa kabilang linya. "Huwag mo sabihing humihimlay pa rin diyan?" "Yes bitch, not until you fucking called me." Nahiga naman ako sa b
[ AMIEL ] - Sunday, March 11, 5:15 pmMatapos ang ilang minutong pakikipag-debate sa sarili ko kung itutuloy ko pa ba ang napakatangang plano ko, sa wakas ay naipon ko rin ang sapat na lakas ng loob upang kumatok sa pinto ng kwarto niya.After three continuous knocks, ilang segundo akong naghintay ng tugon mula sa kabilang banda ng pinto."May nakatok!""Ako na lang magbubukas! Pagpatuloy niyo lang 'yang laro niyo, baka matalo pa kayo.""Thank you! Kaya love kita, eh!""Pakyu!"Nasundan ang mga sigaw na iyon ng ilang mabibigat at mabilis na yapak patungo sa pinto. And the louder they get, the faster my heartbeats get.Narinig ko na ang ilang kaluskos ng doorknob kaya naman hindi na ako mapakali sa kinatatayuan ko.Then, it finally opened.And as soon as I s
[ AMIEL ] - Sunday, March 10, 3:27 pmTahimik akong naka-upo sa isang bench habang sinusundan ng tingin ang mga tao rito sa park na tulad ko, ay nakatambay din.Sa isang gilid, may makikita kang mga pamilya na masayang nagsasalo-salo habang may nakalatag na picnic mat. Sa katapat naman nito, may mga mag-kasintahan din na abala sa pagkuha ng litrato ng isa't isa at paglalampungan. May mga bata ring paikot-ikot sa parke.Lahat sila may kasama, ako lang yata ang wala.Kasalukuyan naman akong nakatungo habang pinapanuod ang mga paa ko na gumuhit ng mga hindi mo maintindihang litrato sa lupa na kinatatayuan ng bench na inu-upuan ko.Ha? Ano yon? Bakit kamo ako nandito?Well, marami akong reasons.Una sa lahat, wala akong magawa sa bahay. Actually, meron, 'yong mga unfinished documents ko. Pero sinisipag ba akong gawin? Hind
[ THIRD POV ] - Saturday. March 9, 11:52 pm// Slow, and intimate music started playing through the huge speakers around the hall, engulfing the place with a tune that fits just right with the theme.Batch xxxx-xxxx, they're currently holding their prom party right now.Most of the students are dancing with their partners, or with their friends. While some just decided to rest in the tables. Advisers and other school staff are also enjoying the party.While silently observing the place, Amiel took a sip from his cup.Sa loob-loob ni Amiel, ayaw niya talagang sumama sa mga tipon-tipon na ganito. Hindi kasi siya sanay sa mga maraming tao, at wala rin naman siyang gagawin dito, so bakit pa siya mag-aabalang dumalo 'di ba? It's not even necessary for every students to come.Pero wala siyang magawa kundi sumama, hindi kasi siya tatan-tanan ng m
[ AMIEL ] - Saturday, March 9, 8:32 pm"Amiel."Oh fuck. That's /really/ Kayden's voice!Matapos marinig ang boses na iyon, ay hindi ko naman maiwasang manigas sa kinau-upuan ko. Pakiramdam ko nga ay napatigil din ako sa paghinga.Ang utak ko naman ay mukhang tumigil din. Walang ibang laman ang utak ko ngayon maliban sa mga katagang, /'What the fuck am I gonna do?'/Naglabas naman ako ng mahinang ungot matapos maramdaman ang kamay niya sa balikat ko. Kasabay din nito ang bahagya kong pagtalon sa upuan ko.Tangina. Kumalma ka nga, Amiel! That person is not even gonna eat you alive or something!I felt a few taps on my shoulders, that's why I unconsciously looked back at Kayden, na ngayon ay naga-alalang nakatingin sa akin."Are you okay? Kanina ka pa hindi nagsasalita."Because
[ AMIEL ] - Saturday, March 9, 8:12 pmAs I sat down on the table near the drinks and snacks station, I quietly observed everyone who are currently gathered at the center of the hall.Yes, iba na naman pong lugar.Matapos ang mahigit dalawang oras na kantahan at sigawan kanina sa performance ng Marahuyo, lumipat na kami ngayon sa hall kung saan din ginanap ang prom namin noong high school.And for tonight's last event, naisipan naming i-recreate ang 'masked prom party' namin noong high school.By the name itself, 'masked,' so we're all currently wearing maskaras, either it covers only the half of our face or kabuuan na ang natatakpan. Nagpalit na rin kami into some semi-formal clothes, para naman fit talaga sa theme namin.Tungkol naman sa itsura ng hall, it's kinda dark- dim, rather. Para na rin manatili ang 'mysterious' vibes na kasama n
[ AMIEL ] - Saturday, March 9, 6:21 pm"Hey."Napatingala naman ako mula sa ilang minutong pagkakatungo nang marinig ko ang boses ni Rome, kasabay ng dampi ng kamay niya sa balikat ko."Bakit?" tanong ko sa kaniya habang humihikab."Okay ka na ba?"Agad naman akong napatigil sa pagu-unat dahil sa tanong niyang iyon.Right. Okay na nga ba ako?For the past few hours, napaka-energetic at interactive ko, especially while we're playing games. Panay ang takbo ko roon at rito, nakikipag-sabayan din ako sa asaran at mga biro ng ilan kong kaklase.Sobrang na-distract ako, and my emotion definitely did a 180 degree turn, kaya nakaligtaan ko na I literally had an emotional breakdown earlier.All of that because of Kayd-Bahagya akong napailing. I don't even want to t