Share

Chapter Seven

Author: moon_cloooud
last update Last Updated: 2021-09-19 12:14:00

 [ AMIEL ]

 - Friday, February 11, 6:30 pm -

"Kayden, aray naman!" daing ko habang pilit na tinatanggal ang mahigpit na pagkakahawak ni Kayden sa braso ko, subalit nabigo rin ako dahil mas malakas talaga siya sa akin.

Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko upang pigilan ang ungot na lumabas sa bibig ko. Nararandaman ko na rin ang mga luha na nagbabadyang lumabas mula sa mga mata ko.

Sobrang sakit na kasi!

Bago pa man ako muling makapagreklamo at paki-usapan si Kayden na pakawalan ako, ay marahas na niyang tinaggal ang pagkakahawak sa braso ko nang makarating kami sa tapat ng kotse niya na naka-park sa parking lot na nakapwesto lang sa gilid ng pinagt-trabahuhan niyang café.

Tahimik lang akong nakatayo sa harapan niya habang hinihimas ang braso ko na may bakas pa ng kamay niya, nagsasabi kung gaano kahigpit ang kapit niya sa akin.

Walang palitan ng salita sa pagitan naming dalawa, kahit na hindi ko makita kung ano ang ginagawa niya dahil nakatungo ako, ay nararamdaman kong nakatingin lang siya sa akin. Dismayadong nakatingin sa akin.

Dahil sa ilang pulgada naming pagitan pagdating sa tangkad, he's basically looking down at me, and it makes me feel so small. Para akong anak na pinapagalitan ng magulang niya matapos nitong gumawa ng maling bagay.

Agad naman akong napatingala sa kaniya nang abutin niya ang pinto ng kotse at tsaka ito binuksan. "Get in."

Napakurap ako. "Ha?" Tingala ko sa kaniya.

Bahagya naman akong napa-atras matapos niya akong titigan nang masama. "I said, get in, bingi ka ba?" paguulit niya.

Alam kong this is not the right time to laugh, pero matapos marinig ang sinabi niya ay pilit kong pinigilan ang pagtawa ko.

I sent him a small smile. "Bakit? May balak ka bang kidna-"

"I said, get in," muli niyang saad na siyang dahilan kung bakit hindi ko natapos ang sasabihin ko. It's the same sentence as earlier, but it's definitely more firm and stern.

Brr, ang cold naman. Team leader ako at ako ang kadalasang nagbibigay ng instructions, sa buong buhay ko bilang adult, ngayon lang ako nakaramdam ng takot matapos utusan ng isang tao. Kahit ang Director kasi namin ay bihira lang magalit sa amin.

Nakakakilabot.

Napalunok na lang ako at agad na sinunod ang sinabi niya, tahimik akong pumasok sa kotse at na-upo sa passenger seat at nanatili roon habang hinihintay na pumasok din siya.

Matapos ang ilang kalabog na narinig ko mula sa labas ng kotse, na sa totoo lang ay hindi ko alam kung saan nanggaling, ay pumasok na rin si Kayden at na-upo sa driver's seat.

Sa laking gulat ko, nag-iba na ang ekspresiyon ng mukha niya ngayon kumpara kanina. Poker face na lamang ito, mukhang masungit pa rin, pero mukhang hindi na siya galit.

Umihip siya ng malalim na hininga, tsaka niya rin ito ibinuga at lumingon sa direksiyon ko. "Amiel, why the fuck did you do that?"

Matapos lumabas sa bibig ni Kayden ang matigas at may diin na mga katagang iyon, ay hindi ko mapigilang mapa-ihip ng hininga dahil sa kung paano niya binitawan ang tanong na iyon.

Dahil gabi at madilim na, hindi rin naman nakabukas ang ilaw sa loob ng sasakyan, at kakaunting sinag lang mula sa streetlights ang nakakapasok sa loob ng sasakyan, ay hindi ko magawang makita o siyasatin man lang kung ano ang sinasabi ng mukha niya ngayon.

Malay ko ba, sa kabila ng kalmado ngunit may bahid pa rin ng galit sa boses niya, baka ang mukha niya ay namumula na sa matinding pagpigil ng emosyon niya.

"Huh? Bakit mo ginawa yon?" muling tanong niya.nang lumipas na ang ilang minuto ay hindi pa rin ako nasagot at nanatiling naka-iwas ang tingin sa kaniya.

Fuck, kinakabahan na talaga ako pero, may parte rin sa loob ko na gusto siyang asarin at inisin.

Alam ko rin namang hindi ito ang tamang sitwasyon upang gawin iyon, but it wouldn't hurt to try, right? Tingnan natin kung hanggang gaano siya tatagal nang hindi ako ginagantihan o sisigawan dahil sa galit.

Let's see how much he will last staying calm like that.

Sa wakas ay lumingon na ako sa kaniya at nakita ang mga mata niya na para bang umiilaw sa kabila ng madilim na paligid. "Bakit? Are you that concerned for-"

"Amiel, tangina."

Tulad ng kanina, napakurap na lang ako nang putulin niya ang pangungusap ko at pinanood lang siya na tumungo sa manibela at hindi na muling nagsalita pa.

"T'm asking you, what the fuck did you do that?"

I'm literally holding back a laugh right now. "D-Do, what?"

Bahagya akong napatalon sa kinauupuan ko nang bumangon siya mula sa pagkakatungo bago malakas na hampasin ang manibela, tsaka niya mabilis na inilihis ang tingin niya papunta sa akin.

"That! 'Yong bigla ka na lang patakbong tumawid sa kalsada para lang puntahan ako doon sa sidewalk! Hindi mo pa nga tinitingnan 'yong paligid mo kung meron bang sasakyan na posibleng humaharurot papunta sa'yo, eh!"

Mukhang hindi na siya nakapagtimpi at sumabog na. Sinigawan niya na ako eh.

"Paano kung bigla kang nasagasaan, ha?" Napatungo na lang ako dahil sa sunod niyang sinabi.

Nasagasaan na nga ako eh, pero nasa loob ako ng sasakyan kaya buhay pa rin ako hanggang ngayon.

Tsk, it's not like he knows that.

"I'm sorry, wala naman kasing sasakyan nung tumawid ako eh," mahina kong sagot habang pinaglalaruan ang mga dulo ng suot kong polo.

"Kahit na! That's still dangerous," Nanlaki naman ang mga mata ko bilang reaksiyon nang sinimulan niya nang paandarin ang sasakyan matapos sabihin ang pangurgusap na iyon.

Gago, wait, nagp-panic ako.

Paulit-ulit ko siyang tinatampal sa balikat. "H-Hoy. saan mo 'ko dadalhin?!"

He gently removed my hand on his shoulder and patted my thigh, na siya namang nagpagulat sa akin. "Shush, 'wag ka mag-alala, hindi kita ki-kidnapin, we're just gonna eat dinner."

Eh? Dinner?

Matapos marinig ang paliwanag niya, pumirmi na ako ng upo at ihiniga na lang ang ulo ko sa headrest. "Dinner? Okay, hindi pa rin naman ako nagha-hapunan eh," sagot ko.

Mula sa gilid ng mga mata ko, nakita ko siyang tumango. "Yeah, hindi ka pa kasi nakaka-uwi eh, so I figured out that you didn't had your dinner yet."

'I figured out,' Mahina naman akong napatawa matapos muling marinig ang mga salitang iyon mula sa kaniya.

"Heh, you figured out, huh? You love figuring out things, don't you?" mapang-asar ang tono ko na saad sa kaniya. Lumingon naman ako sa direksiyon niya at nakitang nakakunot ang noo niya.

"Ha? What makes you say that?"

Umayos ako nang upo. "Nung gabi na pumunta ako sa tapat ng kwarto mo para i-reklamo 'yong ingay galing sa kwarto mo, sinabi mo rin 'yon, eh."

"Ahh, okay," sagot niya at napatawa na lang din habang natango-tango.

Matapos ng tugon niyang iyon, ay namagitan na ang katahimikan sa aming dalawa. Walang nag-uusap walang nagsisimulanng panibagong topic, subalit wala ring awkwardness.

Upang maibsan ang pagkabagot na nararamdaman ko dahil sa tahimik na paligid, ay nagsimula nang libutin ng paningin ko ang paligid.

Si Kayden, na abalang nagmamaneho ay tahimik lang na pinapatakbo ang sasakyan sa normal na bilis. Angg kamay lang din ang gamit niya sa manibela, habang ang kanang kamay niya ay nakapatong lang sa hita niya.

Lumingon naman ako sa likuran at sinalubong ako ng mga unan at kumot na maayos na nakasalansan. Mayroon ding dalawang neck pillows na nakasabit sa upuan.

Samantalang ang kabuuan ng sasakyan niya ay nakapalinis, na para bang bagong bili lang ito.

"Ano? Ayos ba 'tong sasakyan ko?" Nagulat naman ako nang biglang magsalita si Kayden. Napangiti na lang ako at muling ihinilig ang ulo ko sa headrest.

"Oo, ang linis at ang ayos, parang bagong bili lang," sagot ko na naka-ani ng bungisngis sa kaniya.

"No, sadyang malinis lang akong tao."

"Edi sana ol, magmaneho ka na nga lang diyan" medyo bitter na sagot ko sa kaniya at tsaka tumingin sa labas ng bintana.

"Yes po, Sir!"

---

 - Friday, February 11, 7:41 pm -

"Welcome to Rex's Taurant!"

"Salamat, good evening na rin."

Hindi ko na nagawang batiin pa pabalik ang security guard na siyang nagbukas ng pinto para sa amin dahil abala ang mga mata ko sa paglingon sa paligid at hindí maiwasang mapanganga na lang sa kung gaano kaganda ang interior design ng restaurant na ito.

At my gosh, ang witty din ng name. Rex's Taurant.

Rex ba ang pangalan ng may-ari nito, or it's just for the sake of the rhyme?

"Uy, Amiel." Nakaramdam ako ng magaan na tapik sa bewang ko at mabilis kong nilingon si Kayden na parang concerned na concerned sa akin.

"Ayos ka lang? Kanina ka pa nakatunganga," tatawa-tawang tanong niya bago hawakan ang pulsuhan ko at hinila ako papunta sa isa sa mga bakanteng mesa.

"Ayos lang, sadyang nagandahan lang ako sa interior design ng restaurant na 'to," sagot ko at na-upo na sa pwesto sa tapat ng inupuan niya.

Tungkol sa interior design na kanina ko pa hindi mai-alis ang tingin ko, marami at iba't iba ang kulay na nakapintura sa loob at labas ng establisyemento, subalit different shades of brown ang nangingi babaw. Kaya naman may vibes ng restaurant na 'to na para bang nasa vintage house ka.

Speaking of vintage house, ang mga upuan at mesa na ginamit dito ay puro gawa sa kahoy, halos lahat nga ng bagay dito ay gawa sa kahoy. Mula sa sahig, sa hagdan na patungo yata sa second floor ng restaurant, hanggang sa counter.

Wow, napakaganda, ang sarap sa mata.

"Hoy!" Napapitlag naman ako nang tampalin ni Kayden ang kamay ko. "Parang sa design pa lang ng restaurant, busog na busog ka na," pangaasar niya.

Napatawa na lang ako.

"What do you want to eat?" tanong niya kaya naman inilipat ko ang aking tingin sa menu na nakalapag sa mesa namin.

Wow, they do have different kinds of recipes.

"I'I have this, tapos water na lang for the drink," sagot ko habang tinuturo ang panglima na nakalista sa menu, Tocilog.

"Okay then, wait here, ako na ang o-order." Tumango na lang ako tsaka siya tumayo at pumila na sa counter.

Nagpakawala ako ng buntong-hininga at nangalumbaba habang bagot na sinusundan ng tingin si Kayden na kasalukuyan nang umo-order. Kakaunti lang kasi ang mga tao kaya hindi ganoon kahaba ang pila.

It's quiet, ang mga tunog lang ng kubyertos na gumagasgas sa plato ang maririnig mo, na sinamahan din ng mahinang buga ng malamig na hangin galing sa aircon.

Hanggang sa makuha ng isang matinis na boses na nagmula sa isang babae galing sa likod ng counter ang atensiyon ko.

"Gago, Kayden! Long time no see!"

Agad na nagkasalubong ang mga kilay ko matapos makitang nagyakapan silang dalawa at nagsimulang mag-usap, na nabigo kong marinig dahil sa distansiya at sa hina ng boses nila.

"Tsk." Irap ko bago tumungo at saglit na pumikit.

Why am I reacting this way?

It's not like I'm.. jealous-

"No?!" pabulong kong sigaw sa sarili at paulit-ulit na umiling. Bakit naman 'yon ang pumasok sa isip ko? We literaly just met last night?!

"Amiel? Ayos ka lang?" pagkalipas ng ilang minuto, ay nakaramdam ako ng tapik sa balikat ko. Pagkatingala ko ay bumulaga sa akin si Kayden na may bitbit na tubig.

Hindi ka alam kung bakit, pero agad kong inayos ang buhok ko kahit na maayos pa rin naman ito, at dumiretso rin ng upo. "A-Ayos lang! Bored lang talaga," sagot ko at kabadong tumawa.

Tumango lang siya bago muling ma-upo sa harapan ko. "Anyway, mga 5 minutes pa raw bago dumating yong order natin." Tumango lang din ako bilang sagot sa sinabi niya.

Tulad ng kanina, nanaig na ang katahinikan sa aming dalawa matapos noon at tahimik na lang kami na na-upo sa harap ng isa't isa.

I badly want to ask him about the girl earlier.

But something is holding me back.

I lightly shook my head. Ewan, I"Il probably ask him next time.

We'll meet each other again soon naman, 'di ba?

Related chapters

  • Familiar Stranger (Boys' Love)   Chapter Eight

    [ AMIEL ]- Saturday, February 12, 5:43 am// "Please introduce yourself in front of the class."Huh? Introduce? Class?Kunot-noo akong napadilat at napag tanto na nakatungo pala ako kaya hindi ko makita ang nangyayari sa paligid.Sa oras na itinaas ko ang ulo ko at ito 'y inilibot sa loob ng misteryosong kwarto na kinaroroonan ko, ay sinalubong ako ng bagay na hindi ko inaasahang makita.Malakas na hangin ang pumasok mula sa mga sira at maruming bintana, dahilan para tangayin kasabay nito ang mga punit-punit na kurtina na kinapitan na rin yata ng alikabok.Bumaba naman ang tingin ko sa kinauupuan ko, at napangiwi na lang matapos makarinig ng tunog mula rito. Bahagya ko pa nga itong ginalaw at muntik na akong mahulog.Tsk, sira at kinakalawang na rin ang upuang ito.At ang huling bagay na nakapukaw

    Last Updated : 2021-09-28
  • Familiar Stranger (Boys' Love)   Chapter Nine

    [ AMIEL ]- Saturday., February 12, 12:51 pm"Amiel."Mahina akong napa-ungot bilang pagsasaad na ayaw ko pang gumising. Tsk, istorbo naman kasi."Wake up, nandito na tayo."Hahampasin ko na sana ang kamay ng kung sinong umaalog sa balikat ko, nang makilala ko kung sino ang may-ari ng boses na iyon.Gayun pa man, hindi pa rin ako bumangon at natulog ulit. Joke lang, nagtulog-tulugan lang ako dahil curious ako sa kung ano ang gagawin ni Kayden kung hindi pa rin ako gumising.It's childish, I know, at pwede rin akong ma-late sa meeting namin ni Mr. Villano, but I couldn't care less, hahayaan ko muna ang sarili ko na magpaka-isip bata ngayon."Amiel, huwag mong hintayin na buhatin kita papasok sa café."Agad naman akong napadilat dahil sa bakas ng pagbabanta sa boses ni Kayden. What the f

    Last Updated : 2021-10-03
  • Familiar Stranger (Boys' Love)   Chapter Ten

    [ AMIEL ]- Sunday, February 13, 12:31 pmDahan-dahan akong tumayo mula sa pagkakahiga sa malamig at matigas na sahig habang nakaalalay ang aking kanang kamay sa ulo ko. Nakirot na naman kasi.Sa pangalawang pagkakataon, hindi ko na naman malaman kung nasaan ako. Ang paligid ay nababalot ng dilim at ang tanging pinagmumulan ng liwanag ay ang ilaw na mukhang mapupundi pa na nakapwesto sa tuktok ko.Matapos suriin amg paligid, ang sunod ko namang napansin ay ang suot ko.It's a... white uniform. Hindi lang ito basta kung anong uniporme, ito ang unipormeng naka-ugalian kong suotin noong nasa senior high pa ako.Everything is the same, ang kulay ng pantaas at pambaba ko, maging ang ID ko ay nakasabit din sa leeg ko.Looks like I'm back in high school, nostalgic.Subalit hindi nagtagal ang sayang nararamdaman

    Last Updated : 2021-10-11
  • Familiar Stranger (Boys' Love)   Chapter Eleven

    [ AMIEL ] - Sunday, February 13, 7:09 pmFuck it, T'm gonna approach them.Mahigpit akong napahawak sa mga bitbit ko habang tahimik at dahan-dahan na naglalakad patungo sa kwarto ko, pakiramdam ko kasi ay baka bigla ko itong mabitawan dahil sa namumuong takot sa bawat hakbang na tinatahak ko papalapit sa anino.Inis naman akong napa-iling. Ano ba'ngkinakatakot ko?! Tsk, multo? Really? Hindi pa naman malalim ang gabi at February pa lang, imposible!"Amiel?""Ay kabayo!"Dahil sa pagkagulat matapos makarinig ng boses ng lalaki na tumawag sa akin, ay aksidente kong nabitawan ang mga bitbit ko.Napabuntong-hininga na lang ako bago sinimulang pulutin ang mga nagkalat na papel sa sahig. Shit naman, oh.Habang ang mga kamay ko ay abala sa paglilikom.ng mga nagkalat na papel, ang mga

    Last Updated : 2021-10-19
  • Familiar Stranger (Boys' Love)   Chapter Twelve

    [ AMIEL ]- Monday, February 14, 5:35 pm"Happy Valentine's Day!" aksidente ko namang nabagsak ang hawak kong ball pen matapos marinig ang sabay-sabay na sigaw ng mga kaibigan ko.Lumingon ako sa likuran ko at nakita sila na papalapit papunta dito habang bahagya pang patalon-talon.They look so excited, anong meron? I mean, aside sa Valentine's ngayon."Hmm, Happy Valentine's Day din," tugon ko sa kanila bago pulutin ang nahulog na ballpen at nagpatuloy sa pagsusulat.Subalit napakunot na lang ang noo ko nang may kumuha ng aking panulat mula sa akin, walang iba kung hindi si Rome.Mas lalo lang akong naguluhan nang sabay-sabay nila akong tiningnan, habang naka-cross arms pa, at medyo masama rin ang tingin na binabato nila sa akin."Bakit?" takang tanong ko."Don't tell me nakalimutan mo?" Tiningnan

    Last Updated : 2021-10-26
  • Familiar Stranger (Boys' Love)   Chapter Thirteen

    [ AMIEL ]- Monday, February 14, 6:27 pmPagkadilat na pagkadilat ko, ay agad ko ring isinara muli ang mga mata ko at mariin na pumikit. Ang sakit kasi sa mata ng liwanag na sumalubong sa akin.Ilang beses muna akong kumurap upang masanay ang aking paningin sa paligid, bago ko sinuri kung nasaan ako kasi I don't know where the fuck I am, and it's scaring me.Bumulaga sa akin ang isang hindi kalakihan na silid na nababalot ng puting pintura. May magkabilang bintana sa dalawang gilid ng kwarto at hinahawi naman ng hangin ang kurtina na nakatakip dito. May TV din sa loob ng kwarto at maliit na sofa sa tapat nito.Sa una ay hindi ko talaga ma-recognize ang lugar na ito sapagkat wala naman akong naaalala na pinuntahang lugar na ganito ang itsura.Then it hit me. Kung hindi ko pa napansin ang kama na hinihigaan ko at ang mesa slash cabinet na katabi nito, ay hindi ko

    Last Updated : 2021-10-31
  • Familiar Stranger (Boys' Love)   Chapter Fourteen

    [ AMIEL ] - Monday, February 14, 7:56 pm"Panay ka kwento tungkol sa girlfriend mo, 'di mo naman pinapakilala sa amin.""LDR nga kami eh! Alangan namang mag-teleport siya papunta dito 'di ba?""I mean, pwede-"Napa-iling na lang ako dahil sa pinagtatalunan nina Sammy at Joelene habang nauunang maglakad sa aming dalawa ni Rome.Habang sila ay gumagawa ng ingay na umaalingawngaw sa hallway na dinadaanan namin, tahimik lang kaming naglalakad ni Italy sa gilid ng isa't isa.Ugh, I want to start a conversation."Italy," mahinang tawag ko, subalit sapat ang lakas nito upang marinig niya."Hm?" Lingon niya sa akin."Matanong ko lang kung ano 'yong pinag-usapan niyo ni Kayden kanina?" tanong ko sa kaniya, and even slightly leaned closer to him, umaasa na sagutin niya nang

    Last Updated : 2021-11-03
  • Familiar Stranger (Boys' Love)   Chapter Fifteen

    [ AMIEL ]- Tuesday, February 15, 7:24 amMabilis kong tinungga ang natitirang kape sa baso ko bago kumaripas ng takbo papunta sa sala upang ayusin ang mga gamit ko.Masyado yatang napasarap ang tulog ko kagabi at medyo late na akong nagising, kaya ngayon, nagmamadali akong matapos dito para makapasok agad.Napatingin ako sa orasan. 7:25.Ugh, baka ma-late nga ako, ma-traffic pa naman din kapag ganitong oras na!Matapos siguraduhing kumpleto na ang lahat ng dadalhin ko at wala na akong nakaligtaan, ay lumabas na ako ng kwarto ko tsaka ini-lock ang pinto."Uh-huh, I'll be there. No! Hindi, don't worry."Napatigil naman ako sa paggalaw nang marinig ang isang malalim na boses. Parang bagong gising pa nga lang ang nagmamay-ari nito.Paglingon ko sa bandang kaliwa, kung saan nanggaling ang boses, ay sina

    Last Updated : 2021-11-06

Latest chapter

  • Familiar Stranger (Boys' Love)   Chapter Thirty Seven

    ( All of the events in this chapter are flashbacks, meaning it happened in the past and is not related with the current timeline. )---[ KAYDEN ] - August 11, 4:38 pm// While I was peacefully walking down the street, making my way to our band's meeting place dahil napag-isipan nila na mag-practice ngayong hapon, my ringtone started going off.Kunot-noo ko namang inabot ang aking phone mula sa likurang bulsa ng pantalon ko, at napataas na lang ang isa kong kilay matapos makita ang pangalan ni Helixir, isa sa malalapit kong mga kaibigan, sa caller's name.Why would he call me at this time?Regardless, I answered. "Hello? Bakit?""You need to come here. Quickly."I was definitely bewildered after hearing that. Just by listening to his quiet, whisper-like tone, it was enough to make me panic.

  • Familiar Stranger (Boys' Love)   Chapter Thirty Six

    [ KAYDEN ] - Thursday, February 10, 11:30 pm"Vatriel, naka-mute ka.""Oh, sorry. Kaya pala walang nasagotsa'kin kanina?""Tsk, bakit naman kasi nagp-practice tayo virtually? Hindi ba kayo makapag-hintay bukas?""Felix naman. Sa 14 na performance natin 'no, kung ipagpapaliban pa natin ang practice, baka hindi pa maayos ang maging kalabasan noon.""Yeah, yeah. Whatever.""Bahala kayo diyan, as long as I'm making money. I'm completely okay with whatever we're doing.""Mukha ka talagang pera.""Uh-huh? Sino ba kasi ang aayaw sa pera?"Napa-iling na lang ako habang nagpipigil ng tawa habang pinapakinggan ang walang katuturan na pinag-uusapan ng mga band mates slash kaibigan ko.Hindi na ako nakikisama pa sa daldalan nila dahil sa totoo lang, kanina

  • Familiar Stranger (Boys' Love)   Chapter Thirty Five

    [ ROME ] - Monday, March 12, 7:39 am Kunot-noo kong idinilat ang aking mga mata matapos marinig ang paulit-ulit na vibration na nanggagaling sa kaliwang parte ng kama ko. Nakabusangot ko nanang inabot ang aking phone at nanliliit ang mga matang tiningnan kung ano' ng meron. "What the actual fuck?" Inis akong napakamot sa ulo ko habang tinititigan ang pangalan ni Amiel na siyang nakasulat sa caller's name. Ang aga-aga, nambubulabog 'tong putang 'to. "Hello? Putangina," sagot ko sa tawag na nasundan pa nga ng ilang ubo matapos kong maramdaman kung gaano katuyot ang lalamunan ko. Bwiset. Mas lalo naman akong nairita matapos marinig ang mahinang tawa sa kabilang linya. "Huwag mo sabihing humihimlay pa rin diyan?" "Yes bitch, not until you fucking called me." Nahiga naman ako sa b

  • Familiar Stranger (Boys' Love)   Chapter Thirty Four

    [ AMIEL ] - Sunday, March 11, 5:15 pmMatapos ang ilang minutong pakikipag-debate sa sarili ko kung itutuloy ko pa ba ang napakatangang plano ko, sa wakas ay naipon ko rin ang sapat na lakas ng loob upang kumatok sa pinto ng kwarto niya.After three continuous knocks, ilang segundo akong naghintay ng tugon mula sa kabilang banda ng pinto."May nakatok!""Ako na lang magbubukas! Pagpatuloy niyo lang 'yang laro niyo, baka matalo pa kayo.""Thank you! Kaya love kita, eh!""Pakyu!"Nasundan ang mga sigaw na iyon ng ilang mabibigat at mabilis na yapak patungo sa pinto. And the louder they get, the faster my heartbeats get.Narinig ko na ang ilang kaluskos ng doorknob kaya naman hindi na ako mapakali sa kinatatayuan ko.Then, it finally opened.And as soon as I s

  • Familiar Stranger (Boys' Love)   Chapter Thirty Three

    [ AMIEL ] - Sunday, March 10, 3:27 pmTahimik akong naka-upo sa isang bench habang sinusundan ng tingin ang mga tao rito sa park na tulad ko, ay nakatambay din.Sa isang gilid, may makikita kang mga pamilya na masayang nagsasalo-salo habang may nakalatag na picnic mat. Sa katapat naman nito, may mga mag-kasintahan din na abala sa pagkuha ng litrato ng isa't isa at paglalampungan. May mga bata ring paikot-ikot sa parke.Lahat sila may kasama, ako lang yata ang wala.Kasalukuyan naman akong nakatungo habang pinapanuod ang mga paa ko na gumuhit ng mga hindi mo maintindihang litrato sa lupa na kinatatayuan ng bench na inu-upuan ko.Ha? Ano yon? Bakit kamo ako nandito?Well, marami akong reasons.Una sa lahat, wala akong magawa sa bahay. Actually, meron, 'yong mga unfinished documents ko. Pero sinisipag ba akong gawin? Hind

  • Familiar Stranger (Boys' Love)   Chapter Thirty Two

    [ THIRD POV ] - Saturday. March 9, 11:52 pm// Slow, and intimate music started playing through the huge speakers around the hall, engulfing the place with a tune that fits just right with the theme.Batch xxxx-xxxx, they're currently holding their prom party right now.Most of the students are dancing with their partners, or with their friends. While some just decided to rest in the tables. Advisers and other school staff are also enjoying the party.While silently observing the place, Amiel took a sip from his cup.Sa loob-loob ni Amiel, ayaw niya talagang sumama sa mga tipon-tipon na ganito. Hindi kasi siya sanay sa mga maraming tao, at wala rin naman siyang gagawin dito, so bakit pa siya mag-aabalang dumalo 'di ba? It's not even necessary for every students to come.Pero wala siyang magawa kundi sumama, hindi kasi siya tatan-tanan ng m

  • Familiar Stranger (Boys' Love)   Chapter Thirty One

    [ AMIEL ] - Saturday, March 9, 8:32 pm"Amiel."Oh fuck. That's /really/ Kayden's voice!Matapos marinig ang boses na iyon, ay hindi ko naman maiwasang manigas sa kinau-upuan ko. Pakiramdam ko nga ay napatigil din ako sa paghinga.Ang utak ko naman ay mukhang tumigil din. Walang ibang laman ang utak ko ngayon maliban sa mga katagang, /'What the fuck am I gonna do?'/Naglabas naman ako ng mahinang ungot matapos maramdaman ang kamay niya sa balikat ko. Kasabay din nito ang bahagya kong pagtalon sa upuan ko.Tangina. Kumalma ka nga, Amiel! That person is not even gonna eat you alive or something!I felt a few taps on my shoulders, that's why I unconsciously looked back at Kayden, na ngayon ay naga-alalang nakatingin sa akin."Are you okay? Kanina ka pa hindi nagsasalita."Because

  • Familiar Stranger (Boys' Love)   Chapter Thirty

    [ AMIEL ] - Saturday, March 9, 8:12 pmAs I sat down on the table near the drinks and snacks station, I quietly observed everyone who are currently gathered at the center of the hall.Yes, iba na naman pong lugar.Matapos ang mahigit dalawang oras na kantahan at sigawan kanina sa performance ng Marahuyo, lumipat na kami ngayon sa hall kung saan din ginanap ang prom namin noong high school.And for tonight's last event, naisipan naming i-recreate ang 'masked prom party' namin noong high school.By the name itself, 'masked,' so we're all currently wearing maskaras, either it covers only the half of our face or kabuuan na ang natatakpan. Nagpalit na rin kami into some semi-formal clothes, para naman fit talaga sa theme namin.Tungkol naman sa itsura ng hall, it's kinda dark- dim, rather. Para na rin manatili ang 'mysterious' vibes na kasama n

  • Familiar Stranger (Boys' Love)   Chapter Twenty Nine

    [ AMIEL ] - Saturday, March 9, 6:21 pm"Hey."Napatingala naman ako mula sa ilang minutong pagkakatungo nang marinig ko ang boses ni Rome, kasabay ng dampi ng kamay niya sa balikat ko."Bakit?" tanong ko sa kaniya habang humihikab."Okay ka na ba?"Agad naman akong napatigil sa pagu-unat dahil sa tanong niyang iyon.Right. Okay na nga ba ako?For the past few hours, napaka-energetic at interactive ko, especially while we're playing games. Panay ang takbo ko roon at rito, nakikipag-sabayan din ako sa asaran at mga biro ng ilan kong kaklase.Sobrang na-distract ako, and my emotion definitely did a 180 degree turn, kaya nakaligtaan ko na I literally had an emotional breakdown earlier.All of that because of Kayd-Bahagya akong napailing. I don't even want to t

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status