HINDI na niya malaman ang kanyang gagawin matapos ang pag-uusap nilang iyon ni Grechelle. Napakarami nitong sinabi sa kanya tungkol sa buhay nito at dahil sa mga nalaman niya dumiretso siya kaagad sa police station ng kanilang bayan. Wala na siyang pakialam kung magkikita na naman ulit sila doon ng aroganteng pulis. Ang importante ngayon sa kanya ay ang kinabukasan ng kanyang estudyante at hustisya para sa kakambal nito. Dumiretso siya sa main desk at sinabi niya ang mga nalalaman niya.“Maam, kamusta at napadalaw ka? Nais mo bang dalawin si Chief?” sarkastiko ang ngiti ngayon ng isang lalaki na nakaharap na niya sa paaralan. Napaangat ang isa niyang kilay. “Puwede ba, hindi ang arogante at sarkastiko ninyong Chief Zierelle ang ipinunta ko rito. Kundi narito ako upang magreport,” napalakas na ang kanyang pagkakasabi dahil sa inis.“I just heard my name, so I went out,” maya-maya pa’y nasa harapan na niya ang
Читайте больше