“Hindi mo ba alam na mahigpit na ipinapatipad ngayon sa buong bansa ang curfew?And that was the law you don’t abide. Kaya sa ayaw mo man at sa gusto, sasama ka sa akin sa presinto at doon ka nalang magpaliwanag,”
Tiningnan ni Gabrielle at tinantiya ang ekspresyon ng pulis habang sinasabi iyon. Kaseryusohan ang mababanaag niya sa mukha nito.Patay! Kaya naman pala wala manlang akong makitang ibang tao. May curfew pala. Ang eng-eng ko talaga ngayong gabing ito! Nakakahiya! Kapag nadampot siya para mapunta sa kulungan, ano nalang ang sasabihin ng mga kakilala niya lalo ng mga kasamahan niya sa pagtuturo pati ng mga estudyante niya? Nakakahiya iyon lalo pa’t isa siyang guro pero hindi siya marunong sumunod sa batas na ipinapatupad. Kahit sabihin man niya sa lalaking kaharap niya ngayon na dahil sa kalungkutan niya at sa dami ng iniisip nawala na sa isipan niya na may curfew. Police officers won’t believe that lame excuse. They are after of the laws to be implemented and they should never be swayed by emotions of the citizens. WHAT TO DO? Kaya mabilis pa sa alas kuwatro na tinawid niya ang distansya sa pagitan nila ng pulis at marahas siyang humawak sa leeg nito at idinampi niya ang labi niya sa labi nito. Napapikit siya. Hindi dahil may kakaiba siyang sensasyon na nararamdaman para sa lalaki, kundi dahil sa kahihiyan. Mas pipiliin nalang niyang maging kahiya-hiya sa harapan ng lalaking ito kaysa sa maging kahiya-hiya sa harapan ng mga kasamahan niyang guro at mga estudyante.“SHIT!!!!!!!!!!!!!!!!!!” he cursed. Nakamulagat ang mga mata ni Zierelle habang nakahalik sa kanya ang babae kaya kitang-kita niya kung paano tumatakas ang hinahabol na magnanakaw.
As a gentleman, masuyo niyang tinulak palayo sa kanya ang babae at mabilis pa sa alas kuwatrong hinabol ang magnanakaw. Isipin niya palang na mappaahiya siya sa mga kasamahan niyang pulis ay nailing na siya. Napakayabang pa naman niya na siya ang makahuhuli sa magnanakaw. Napahinto na siya sa pagtakbo. Saglit niyang dinama ang labi kung saan siya hinalikan ng naturang babae. Damn that woman… Sa kaytagal na niyang panahong iniwang tigang ang kanyang puso, ngayo’y tila may pumupukaw na naman sa kanyang pagkalalaki. Sa ganoong tagpo ay Nakita siya ng mga kasamahang pulis.“What now, Chief? Nasaanan na ang magnanakaw?” nailing na tila may pagdududang tanong ni Lemuel sa kanya.“Saka bakit mo hinahawakan ang labi mo? Anong nangyari diyan? Nakagat ba yan ng langgam?” tanong ni Brent.“Tse! Magsitahimik nga kayong dalawa diyan,” Nakasimangot niyang tugon.“Okay. Okay,” ani Lemuel na itinataas na ang dalawang kamay na tanda ng pagsuko. “Pero nasaan na ang magnanakaw, Chief? Diba sabi mo siguradong mahuhuli mo yun?” Sasagot n asana siya nang biglang sumulpot ang babaeng huhulihin niya sana kanina na lumabag sa curfew pero bigla nalang siyang hinalikan. Nakalimutan na niya tuloy ang magnanakaw.Napamulagat ang mga mata ng dalawang kasama niya nang Makita ng mga ito ang babae.“Violating the law of curfew. Hulihin mo ang babaeng yun,” utos ni Lemuel.Mabilis pa siya sa alas kuwatrong humarang sa daanan ni Brent.“No!” bigla niyang harang rito.Nagkatinginan ang dalawa at palipat lipat ang tingin ng mga ito sa kanila ng babae na ngayon ay nakahinto na at nakatayo malapit sa kanya.“Then, why?"“Huwag na nga kayong maraming tanong. Okay na ang babaeng yan. Pauwiin niyo na iyan sa bahay niya,.” direkta niyang wika.“P-pero…. Ang batas ay batas kahit na maganda at se—" hindi na natapos pa ni Brent ang sasabihin nito nang bigla na niyang tinakpan ang bunganga nito.“Just this once, Brent. Libre ko kayo mamaya ng midnight snack,” At kumindat pa siya rito. Bumaling naman siya sa babae. “Ano pang tinutunganga mo riyan Miss? Makakauwi ka na. Baka magbago pa ang isip ko, makulong pa kita,”Makulong pa kita.. sa puso ko.. Erase. Erase. Ipinilig niya ang ulo at iwinaksi ang ideyang pumasok sa kanyang isipan.Tumiim lang ng titig sa kanya ang babae na halatang sinusungitan siya at mabilis na itong sumakay ng bisikleta nito at maya-maya pa’y nawala na ito sa paningin nila.“Anong nangyayari sayo, Chief? Sabi mo mahuhuli mo ang magnanakaw, you’re very confident upon saying that and then… iba pala ang nahuli mo?” natatawang wika ni Lemuel nang makabalik na sila sa kanilang headquarters para magduty.
“Bakit anong nahuli niya, Pre?” natatawang tanong ni Brent. Kaswal nalang ang pag-uusap nilang iyon dahil silang tatlo nalang at magkakaibigan din naman sila.“Sino na nga ulit ang kakilala nating nagsabi na: ang batas ay batas. Ang mga magaganda at sexy ay hindi exempted kapag may nalabag na batas,” ginaya pa talaga ni Lemuel kung paano niya sabihin ang mga katagang iyon.“Well, a legend once said that… itago nalang natin siya sa pangalang Chief Zierelle,” pang-aasar ni Brent."Magsitigil nga kayong dalawa tatamaan talaga kayo sa akin! Okay. Okay. I admit na kasalanan ko kung bakit hindi ko nahuli ang magnanakaw sa sementeryo. But what on earth is that lady doing in the cemetery in the middle of the night? She disturbed me in concentrating to catch the robber,” nailing niyang wika.“Baka naman may ginawa sayo ang babae? Meron ba? Tell us,” pangungulit pa ni Lemuel.Biglang nag flashback sa kanya ang kiss. Medyo ilang Segundo din siyang natahimik dahil iniimagine niya ang nangyari kanina.“Confirmed pre may nangyari nga,” Brent concluded at nagtawanan ang dalawa.He finally came back to his senses. “Ano bang pinagsasabi ninyong dalawa diyan? Marangal akong pulis, alam niyo yan. Alam mo ba na huhulihin ko na sana siya dahil nga lumabag siya sa curfew pero things happened. She kissed me. And as a gentleman, naisip ko na ayaw niya talagang makulong nang kahit isang gabi lang. Maybe she has a reputation to protect. Kaya warning nalang muna. Sa susunod na mag violate pa siya sa curfew hours, then it’s the time na huhulihin na talaga natin siya, gaano man siya kaganda o kasexy," tuloy-tuloy niyang salaysay. Nawala na sa loob niya na nabanggit na niya pala lahat.“Pakiulit nga ng sinabi mo, Chief," may himig pang-aasar ni Lemuel.“Ano sa mga iyon? Sa dami ba naman ng sinabi ko?"“Yung sa part na merong.. She kissed me.” tumatawa-tawang wika ni Brent.Wala na siyang nasabi at naghabulan na silang tatlo. Ang dalawa ay tawang-tawa samantalang siya ay asar na asar.“Chief, ngunit paano kung ang babaeng palang iyon ang isa sa mga babaeng nirereklamo ng ibang matatanda at pulis na nagbebenta ng aliw na hindi mahuli-huli?” Natigilan sila sa sinabing iyon ni Brent,“We’ll find out," ang pinal na wika niya.NANG gabi ding iyon ay mas lalong hindi nakatulog si Gabrielle. She is thinking about the kiss. Ibinaon niya ang kanyang mukha sa unan at nagsisisigaw with matching suntok suntok pa sa higaan niya at ginalaw galaw niya rin ang kanyang mga paa dahil sa inis.
Ang eng-eng ko talaga…Gusto na niya talagang sabunutan ang kanyang sarili nang mga oras na iyon. Nakakahiya ang ginawa niya. Ayaw niya na maheadline bilang isang guro na lumabag sa curfew at para lang hindi siya makulong nang pulis ay sinamantala niya ang kahinaan nito bilang isang lalaki at hinalikan niya ito. Parang ayaw na niya talaga sa Earth! Sana’y hindi na muling magtagpo ang kanilang landas ng pulis na iyon kahit pa aminin niyang napakagwapo nito. Ayaw na niyang dagdagan pa ang kanyang kahihiyan. Sabagay, hindi na siya muling lalabag pa sa curfew kaya alam niyang hindi na muling magkukrus ang mga landas nila.Nagtalukbong siya ng kumot at pinilit niya na makatulog.“TEAM, under surveillance natin ang babaeng iyon na natagpuan natin sa sementeryo. Baka kasi siya ang mag lead sa atin sa mga babaeng matagal na nating gustong mahuli," seryosong wika ni Zierelle sa tatlong kasamahan. Nadagdag si Julian sa grupo, may emergency kasi itong pinuntahan kagabi.
“Chief naman kasi kung hindi ka sana nagpadaig sa halik niya sayo eh di sana nahuli na natin yun.Dalawa na sana ang nahuli natin ngayon, isang magnanakaw at isang lead sa mga babaeng matagal na nating hinuhuli," may pagrereklamo na wika ni Lemuel. “Chief? Halik? Nino? Sinong hinalikan?” sunod-sunod na tanong ni Julian. Ito ang pinakabata sa grupo pero ito rin ang pinakamausisa.“Bunso.. mas maiging wala ka nang nalalaman pa.. kapag maraming alam, mas delikado,” tatawa-tawang wika niya rito.Naghalakhakan naman sina Lemuel at Brent.“So, heto ang plano, malamang na hindi naman dito lalayo ang babaeng iyon kasi dito rin naman natin siya nakita sa bayang ito. Kayong dalawa Lemuel at Brent, libutin ninyo ang interior barangays ng bayang ito at kami naman nitong si bunsoy lilibutin namin ang buong Poblacion.” tuloy-tuloy niyang wika.“Seryoso ka na diyan Chief sa sinasabi mo? Sa interior barangay talaga kami ni Lemuel?” paniniguro ni Brent. Sinamaan niya ito ng tingin kaya’t natahimik na ito.“Basta’t ang goal natin ngayong araw na ito ay mahanap ang babaeg iyon na natagpuan natin sa sementeryo? Okay? Malay natin at ang araw na ito ang maswerteng araw para sa atin. You can now say that promotion is waving,” nakangiti pa niyang wika pero inismiran lang siya ng mga ito at dali-dali na ang mga itong lumabas ng headquarters nila.Halos liparin na ni Gabrielle ang daan papuntang paaralan na pinapasukan. Paano kasi dahil sa kaiisip niya sa kahihiyan niya ay hindi na siya halos nakatulog nang gabing iyon. Patuloy niyang iniisip kung anong mangyayari kapag nagkrus ulit ang landas nila ng lalaking iyon. Pulis pa naman ito at nahihinuha niyang ditto iyon nadestino sa kanilang lugar. Ano nalang ang mukhang ihaharap niya rito?
Naiisip na niya ang sasabihin ng principal nila kapag nalaman ng mga ito ang ginawa niyang kabalastugan.What is this again, Ms. Gabrielle Rodriguez? Are you trying to embarrassed the whole teaching community? Nai-imagine na niya ang nakamulagat nitong mga mata na sa tingin mo’y kakainin ka. Napuno na rin ang imahinasyon niya ng mga estudyante niyang pinagtatawanan siya samantalang may ilan na kinikilig at tuwang-tuwa dahil ang guro nila ay nai-involve na ngayon sa isang lalaki na dati’y nakakulong lang sa apat na sulok ng silid-aralan habang palaging kaharap at kausap ang laptop, ang aklat o di kaya’y ang pisara."What is this again, Ms. Rodriguez!?” ang tinig ng kanilang punongguro ng umaga ding iyon ay tila kulog na dumadagundong sa kanyang pandinig. Ipinagdarasal na nga lang niya na sana’y kainin siya ng lupa nang mga oras na iyon dahil sa kahihiyan.Napadako ang kanyang tingin sa isang police na pilit na nga niyang iniiwasan pero heto at natunton pa siya at nasa paaralan pa. Pinipilit lang nitong pigilan ang mga pilyong ngiti na unti-unting gumuguhit sa mga labi nito. Para sa kanya iyon ang isa sa mga nakakainis na gawain ng isang lalaki.Nasa harapan silang lahat ngayon ng kanilang punongguro. Nakaupo siya sa pang-isahang upuan samantalang ang dalawang pulis naman ay sa isang mahabang upuan nakaupo. Kalmado lang ang police na katabi ng police na aksidenteng nahalikan niya sa sementeryo. Mabuti pa nga ang katabi nito mukhang magalang at mabait samantalang iyong police na iniiwasan niya mistulang isang agila na handa na siyang dagitin anumang oras para dalhin sa alan
HINDI na niya malaman ang kanyang gagawin matapos ang pag-uusap nilang iyon ni Grechelle. Napakarami nitong sinabi sa kanya tungkol sa buhay nito at dahil sa mga nalaman niya dumiretso siya kaagad sa police station ng kanilang bayan. Wala na siyang pakialam kung magkikita na naman ulit sila doon ng aroganteng pulis. Ang importante ngayon sa kanya ay ang kinabukasan ng kanyang estudyante at hustisya para sa kakambal nito.Dumiretso siya sa main desk at sinabi niya ang mga nalalaman niya.“Maam, kamusta at napadalaw ka? Nais mo bang dalawin si Chief?” sarkastiko ang ngiti ngayon ng isang lalaki na nakaharap na niya sa paaralan.Napaangat ang isa niyang kilay. “Puwede ba, hindi ang arogante at sarkastiko ninyong Chief Zierelle ang ipinunta ko rito. Kundi narito ako upang magreport,” napalakas na ang kanyang pagkakasabi dahil sa inis.“I just heard my name, so I went out,” maya-maya pa’y nasa harapan na niya ang
KANINA pa nila hinahanap si Gabrielle at si Grechelle ngunit hindi nila ito makita. Wala na ring tao sa bahay ng mga ito. Kaya napagdesisyunan nilang taluntunin ang masukal na daan. Nagkikislapan ang mga dala nilang flashlights upang makita sa dilim ang mga hinahanap nila.Hanggang sa may marinig siyang isang sigaw sa di kalayuan. Nakilala niya kaagad na ang tinig ay nagmumula kay Gabrielle.“Move!” hindi na niya malaman kung pasigaw o pabulong ang sinabi niya basta’t ang alam niya lang ay naigalaw niya ang kanyang kamay upang magbigay hudyat sa kanyang mga kasamahan kung saan dapat pumwesto. Nagkukumahog siya ng mga panahong iyon at nag-aalala siya sa maaaring mangyari sa estudyante ni Gabrielle lalong-lalo na rito.Hindi nagtagal ay narating nila ang pinanggagalingan ng mga sigaw at nadatnan nila na hawak na si Gabrielle ng isang lalaking may hawak na patalim. Nakalagay sa may leeg ni Gabrielle ang patalim at segundo lamang o minuto ay maaari na it
NAPATDA si Gabrielle sa kanyang nakita kung sino ang nasa labas ng kanyang pintuan ngunit nanatili pa rin itong kumakatok kaya wala na siyang nagawa kundi pagbuksan ito ng pinto upang ganap na itong makapasok.“Ano bang ginagawa mo rito sa ganitong oras ng gabi?” pairita niyang tanong sa pulis na ayaw niyang makita ngunit paulit-ulit niyang nakikita.Hindi niya ipinahalata ang kinakababahan niyang mukha at halos nanginginig niyang tuhod. Kailangan niyang panindigan ang sinabi niyang hindi siya natatakot sa anumang panganib na maaari niyang harapin dahil sa pagiging pakialamera niya.Dire-diretso lang itong pumasok sa maliit niyang inuupahang bahay. Inilibot nito ang paningin sa buong bahay. Mula sa maliit niyang kusina kung saan naroon na ang lababo at lutuan pati na ang kanyang mini ref na pang isahang tao lang ang maaaring ilagay na supply. Ilang hakbang lang din mula sa kusina ay mararating na rin ang kanyang kama at sa gilid ng higaan
HINDI alam ni Julian kung anong klaseng espirito ang sumasapi sa mga ganitong uri ng babae. Pinag-utusan lang naman siya ng kanilang Chief na magmanman dito sa bar dahil baka dito niya makita ang isa sa mga crying ladies or else ang crying lady na pumatay kagabi para lang maisakatuparan lang nito ang plano nito.It's not his first time na may mag-aya sa kanya na ikama siya pero kakaiba ang babaing ito. Hindi niya rin alam kung bakit ganun. Pero siya kasi ang uri ng lalaking pinapahalagahan ang virginity niya. He wanted to be innocent until the time he gets married. Ganito man ang hitsura niya na parang playboy pero may prinsipyo siya sa buhay na pinanghahawakan."Kung ano man ang isyu mo sa buhay, I don't care. Wala akong pakialam kung sino man ang maging knight in shining armour ko basta’t ang alam ko lang sinira mo ang diskarte ko sa mga lalaking iyon at magbabayad ka." makikita ang galit sa kanyang mukha habang sinasabi iyon.Ang mga sinabing ito ng babae umu
Nanghihinang napaupo nalang si Gabrielle dahil sa kanyang nakita habang hawak hawak ang kuwintas. Hindi niya malaman kung maiiyak ba siya o matutuwa dahil sa nalaman niya. Ito ay ang kuwintas na ibinigay ng nanay niya kay Gwynette. Ang babae kanina ang nakatayo sa puwestong ito, kung kaya’t malaki ang posibilidad na ito ang nagmamay-ari ng kuwintas. Ngunit paano? Paano napunta sa babaeng iyon ang kuwintas ng kanyang kapatid? Posible kayang may alam ito sa pagkawala ng kanyang kapatid? Maaari ring ito ang kumuha sa kanyang kapatid ilang taon na ang nakararaan. Pinigilan niya ang mga luhang nais nang pumatak dahil sa bumalik na naman ang nakaraang ayaw na niya sanang balikan pa. Nasasaktan siya sa isiping naranasan na ng kanyang kapatid ang ganoong klaseng paghihirap sa napakabatang edad nito lalo pa nang mawalay ito sa kanila ng nanay niya. Gusto mo itong makita ngunit hindi mo pa mahanap. Iyon ang pinakamasakit sa lahat.Napasabunot siya sa kanyang buhok. Hanggang sa naramdaman n
NAPANGITI si Zierelle nang marinig ang mga sinabi ni Gabrielle bago siya umalis sa restaurant na iyon. Napangiti lamang siya siguro dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay magandang salita ang narinig niya rito. Puro nalang kasi pang-aasar at pagtataray ang umuukilkil sa isipan niya kapag naiisip niya si Gabrielle. Hindi na siya humarap sa babae pagkatapos niyang sabihin ang mga salitang iyon sa kanya at nag-wave lamang siya ng kamay hudyat ng pamamaalam niya rito dahil aalis na siya.Ilang minuto lamang ay nakarating na siya sa opisina ng Major nila. Agad siyang sumaludo pagkalapit na pagkalapit niya sa mesa nito. Alam niyang masesermonan na naman siya nito dahil sa nangyari sa bus kanina. Sabagay, sanay na rin naman siya na palagi siyang pinag-iinitan nito. Madilim pa sa nagbabantang bagyo ang mukha nito. Nanatili siyang nakatayo at hinintay niya itong magsalita.“Ano itong nabalitaan ko kanina? Bakit ganoon ang ginawa mo sa mga holdaper?! Diba sabi ko sayo, manghuli
Kabanata 10Napasigaw na si Glydel nang pilit siyang pinaghahalikan ng matandang lalaking kasama niyang lumabas ng bar. Silang dalawa lang naman ang nasa loob ng sasakyan nito kaya’t wala siyang kawala kung sakali mang ano ang gawin nito sa kanya. Grade 10 pa lamang siya sa paaralang pinapasukan ngunit malaking bulas na siya at inunahan na ng kanyang katawan ang kanyang totoong gulang kaya kung titingnan mo sa panlabas na kaanyuan ay isa na siyang ganap na dalaga. Ngunit hindi para sa kanya. Mistula lamang siyang isang bubot na pilit na pinitas dahil sa pangangailangan ng iba at dahil nangangailangan din siya.Kung mayroon lang sana siyang pagkakataon na ibahin ang kapalaran niya maaaring ginawa na niya.Napatulo nalang ang luha niya nang maramdaman niyang hinawakan ng matandang lalaki ang ulo niya at pwersahang inilapit ang mukha niya sa mukha nito upang mahalikan siya. Akala niya’y masisikmura niyang gawin ang ganoong bagay, lalo na’t unang gabi pa
abanata 70“ANONG ibig mong sabihin? Huwag kang magmataas sa akin sapagkat isa ka lang batang yagit dati na inampon ko! Subalit nag-alaga lamang pala ako ng isang ahas!” sagot ng Colonel.“Puwes ang yagit na ito ang tatalo sayo. Hindi mo ba matanggap? Ang oras na yatang ito ang tamang oras upang makapagpasalamat ako sa lahat ng pagsasanay na ginawa mo. Sinanay mo lang pala ako upang kalabanin ka at masugpo ang sindikatong dati ay nag-alaga sa akin sa marahas na pamamaraan,”“Kung nalaman ko lang ng mas maaga, sana’y hindi na kita pinapasok pa sa serbisyo,” nagtagis ang mga bagang nito nang mapagtantong tila siya ay naloko.“I pity you, Colonel. Hindi pa sana huli ang lahat para sa inyo ni Gary basta’t mangako kang sasama ka sa amin ng maayos,”“Naloloko ka na ba?! Hinding-hindi ko iyan magagawa dahil wala sa bokabularyo ko ang pagsuko sa kahit na sinuman! Lalong-lao na sayo! Kung gayon wala na akong magagawa kundi ang patayin ang kapatid mo!?”“Kuyaaaaa!!!!” nahintakutang sigaw sa kan
“Damn! Alam niya namang delikado rito! Ihahatid pa niya ang sarili niya kay kamatayan!” inis na inis na sabi ni Major Rosales nang marinig ang sinabi ni Gary na papunta na ang anak niya kung saan ang kinaroroonan nila ngayon. Kung kaya’t nagmamadali saying nag-dial ng numero ng kanyang anak upang ito’y matawagan niya at mapigilan ngunit hindi ito sumasagot. Kung kaya’t naibato niya nalang ang two way radio na hawak dahil sa tindi ng kanyang inis.Nag-concentrate nalang siya sa pagiging alerto sa paligid dahil baka anumang sandali ay matunton na siya ng mga kalaban.MABILIS na nakapasok ang anak ni Major Rosales sa loob ng mansiyon na walang manlang katakot-takot. Suot niya ang kanyang pulang mahabang bestida na tinernuhan niya ng itim na sombrero. Sinong mag-aakala na ang kanyang pakay pala sa islang iyon ay ang makitang mamatay si Zierelle at ang babae nitong pinili sa halip na siya? Ito palang ang unang lalaking tumanggi sa kanyang kagandahan at iyon ang pinakaayaw niya sa lahat—an
NAKITA na nilang lahat ang mansiyon na nakatayo sa gitna ng isla. Habang nasa laot sila ay nakita na nila sa kanilang largabista ang ilang mga tauhang nakabantay sa labas ng mansiyon. Kaya’t upang hindi kapansin-pansin ang kanilang pagdating sa islang iyon ay lumampas sila sa naturang mansiyon at dumaan sila sa malayo-layo at likurang bahagi ng isla. Kung bibilangin nasa bente rin silang lahat dahil dumagdag pa ang dalawang babaeng kasama nila-sina Zyph at Grechelle. Gabi na rin nang makarating sila sa islang iyon kung kaya’t ipinasya na lamang nila na mag bonfire muna habang nagpaplano kung paanong pagsugod ang gagawin.Nang makagawa na sila ng bonfire pumaikot sila doon. Nagustuhan ng lahat ang atmosphere lalo na ng dalawang babae habang nagbabatuhan silang dalawa ng mga buhangin. Nakita rin nila kung gaano ka-enjoy ang dalawa habang nagtatampisaw sa tubig-dagat.“Masaya sana kung narito lang tayo upang mag-relax,” napabuntunghiningng wika ni Brent.“Pero hindi, may misyon tayong d
Ang mga kaganapan ilang oras bago makipagkita si Detective Lee at ang mga tauhan nito kay Zierelle…WALANG inaksayang panahon si Zierelle dahil naalala niya dati ang usapan nila ni Gabrielle pagkatapos na maligtas ito mula sa mga kidnappers. Nagflashback ang lahat sa isipan niya.“Gab, palagi mong buksan ang location sa phone mo ha. Iyong GPS ba para kahit saan ka magpunta puwede kitang ma-track,” nakangiti niyang sabi sa babae.“Oo naman, sabi mo eh,” ngumiti rin sa kanya pabalik si Gabrielle habang sinunod nito ang utos niya. Dahil sa isiping iyon ay dali-dali siyang nagpunta sa kanilang headquarters upang humingi ng tulong sa dalawang kasamahan kung saan expert si Julian sa ganoong field. Mabuti na nga lamang at mabilis na naging maayos ang kalagayan ng dalawa matapos magtamo ng sugat na kagagawan ni Colonel Rolando Narciso. Nang makarating siya doon ay humahangos pa siya dahil sa sobrang pagmamadali niya kanina. “Julian!” biglang tawag niya at sigaw rito.“Napano ka chief?” nagm
NAKARAMDAM si Gabrielle nang sobrang pagkahilo habang lumalapag ang sinasakyan nilang chopper. Hindi kasi talaga siya sanay na sumakay sa mga ganitong uri ng sasakyan dahil tiyak na kung hindi siya mahihilo ay masusuko siya at iyon ay ayaw niyang mangyari noon ngunit gusto niyang mangyari ngayon upang masukahan niya si Gary upang kahit papaano ay makapaghiganti siya mula rito. Ngunit sa mga pagkakataong iyon ay tila kay damot ng tadhana. Ni hindi nga siya nasusuka kapag sa mga panahong nasusuka siya. Ba’t ba naman kasi ayaw makisama ngayon ng kanyang sikmura kung saan handa na siyang sukahan ang isang taong karapat-dapat naman talagang masukahan!“Gary, ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo sa amin ng Ate ko? Hindi ka ba marunong maawa? Sa lahat ba ng mga pagsubok na napagdaanan mo ay hindi mo pa rin kayang baguhin ang sarili mo?” pangongonsensya ni Gwyn kay Gary.“Manahimik ka!” sita ni Gary kay Gwyn sabay sampal dito. Hindi naman makapalag si Gwyn dahil hawak-hawak siya ng dalawang l
"GARY!!!!!!!!!!!!!!!!!! Ano ba! Saan mo ba kami dadalhin!?” reklamo ni Gwyn habang sapilitan silang pinapaakyat sa chopper. Nang pasadahan niya ng tingin ang mga lalaking kumakaladkad sa kanila kanina ay mga bagong mukha at tanging si Gary lang ang kakilala niya.Patunay lamang nito na dumarami na ang tauhan ni Colonel Rolando Narciso. Kahit na maraming nalalagas ay marami rin namang handang pumalit at dumagdag sa mga tauhan nito.“Walanghiya ka, Gwyn! Naturingan ka pa namang kanang kamay ni Colonel ngunit niloloko mo lang siya! Handa ka na palang isuplong kami pinatagal mo pa!” at pagkatapos sabihin iyon ni Gary ay ubod lakas niyang sinampal si Gwyn.Nakita naman ni Gabrielle ang ginawang iyon ni Gary sa kanyang kapatid kung kaya’t agad na nag-init ang kanyang ulo.“Hoy! Huwag na huwag mong padadantayin iyang kamay mo sa kapatid ko dahil nakasisiguro talaga ako na ako ang makakatapat mo!” sigaw ni Gabrielle habang pumapalag. Hindi naman siya makalapit nang ganoon kabilis dahil hindi na
Kabanata 64"MGA inutil na mga pulis iyan! Pinairal na naman nila Ang kanilang katangahan! Nasorpresa silang lahat nang malaman na ako ang founder at boss ng Crying Ladies!" Tumawa pa si Colonel Rolando habang sinasabi iyon.Nakitawa na rin si Gary dahil nagtagumpay na naman sila sa mga binabalak nila. Bumalik-tanaw sandali SI Colonel Rolando kung paano nila nalusutan at natakasan ang mga pulis. Pakiramdam niya talaga ay napakasuccessful niya dahil kahit na si General ay naisahan niya upang mailigtas si Major Rosales na siyang kanang kamay niya. Alam na niya agad na nahuli si Major Rosales at sasailalim na sa interrogation kung kaya't mabilis siyang napapunta sa interrogation and investigation room dahil may kutob siyang kailangan na niyang mailigtas SI Major Rosales . Syempre, dahil may posisyon siya sa kanilang departamento hindi na kwinestyun pa ng mga ito ang kanyang panghihimasok at pangingialam kahit na wala naman siyang Kaugnayan doon.Dati ay Isa na siyang miyembro ng Theatre
“GRECHELLE, dito talaga tayo matutulog?” nakangiwing wika ni Zypherine sa bagong kaibigang nakilala lang sa kalye.Pinasadahan niya ng tingin ang kinalalagyan nila ngayon na mistulang isang abandonadong bahay. Hindi pa naman siya sanay na hindi komportable ang pamumuhay. Lalo pa’t madilim ang lugar na iyon ngayon at tanging ang liwanag ng buwan ang tumatanglaw sa kanila.Narinig niyang napabuntunghininga ang kanyang kausap. “Magtiis nalang muna tayo sa ngayon, Zyph. Wala naman tayong mapuntahan, ayoko namang bumalik sa shelter dahil baka mahanap ako roon ng tatay ko,” simulang pagkukuwento nito sa kanya.Nagtaka siya sa mga binitawan nitong salita. Ngunit bago pa siya ulit makapagtanong ay agad na itong tumayo at may kung anong kinuha. Maya-maya pa’y lumiwanag na ang buong paligid. At doon na lamang niya nakita ang kabuuan ng lugar kung saan sila ngayon naroroon. Isa nga iyong abandonadong bahay na tila maliit na bungalow lang. Mayroon namang bubong na yero ngunit kitang-kita ang mada
GULAT silang lahat pagkatapos na makita ang ganoong ipinakitang ugali ni Colonel Rolando kung saan tinutukan nito ng baril si Major Rosales habang hindi pa rin ito nagsasalita. Hindi agad sila nakapagsalita lahat dahil sa sobrang bilis ng mga pangyayari. Makikita ang takot sa mukha ni Major Rosales dahil sa galit na ipinakita ni Colonel Rolando.“Madami na talagang sindikato ngayon ang nambibiktima ng mga kapwa nila tao. They are making other life miserable. At iyon ang hindi ko hahayaan. Ikaw Rosales, alam kong hindi ka nagsasalita at hindi mo manlang ipagkakanlulo ang iyong boss kasi alam mong ililigtas ka niya,” this time, nakangiti na si Major Rosales habang sinasabi iyon pagkatapos ay tinanggal na nito ang pagkakatutok ng baril kay Major at dumiretso na ito ng tayo. “At dahil hindi mo ipinagkanlulo ang boss mo, ililigtas ka niya,” wika ni Colonel Rolando sabay ngumiti ng nakaloloko. Ngunit bago pa makapag-react ang lahat ay mabilis nang kinalabit ni Colonel ang hawak nitong bari