"What is this again, Ms. Rodriguez!?” ang tinig ng kanilang punongguro ng umaga ding iyon ay tila kulog na dumadagundong sa kanyang pandinig. Ipinagdarasal na nga lang niya na sana’y kainin siya ng lupa nang mga oras na iyon dahil sa kahihiyan.
Napadako ang kanyang tingin sa isang police na pilit na nga niyang iniiwasan pero heto at natunton pa siya at nasa paaralan pa. Pinipilit lang nitong pigilan ang mga pilyong ngiti na unti-unting gumuguhit sa mga labi nito. Para sa kanya iyon ang isa sa mga nakakainis na gawain ng isang lalaki.Nasa harapan silang lahat ngayon ng kanilang punongguro. Nakaupo siya sa pang-isahang upuan samantalang ang dalawang pulis naman ay sa isang mahabang upuan nakaupo. Kalmado lang ang police na katabi ng police na aksidenteng nahalikan niya sa sementeryo. Mabuti pa nga ang katabi nito mukhang magalang at mabait samantalang iyong police na iniiwasan niya mistulang isang agila na handa na siyang dagitin anumang oras para dalhin sa alanganing sitwasyon.“M-Maam Principal, hindi ko po sinasadya," nakayuko niyang wika.“Hindi sinasadya? Pang-ilan na ba ito sa buwang ito, Ms. Rodriguez? Noong nakaraang linggo, nagawa mong patakbuhin sa school quadrangle ang mga estudyante mong nagsabunutan nang makailang ikot ba naman. Ayan tuloy, nagrereklamo ang mga magulang nila dahil inatake na ng asthma ang anak niya dahil sa kagagawan mo,”“Ipagpaumanhin po ninyo, Maam pero ginagawa ko lamang po ang aking tungkulin bilang isang guro. Unang-una po sa lahat di manlang nila ako nirespeto bilang guro nila. Ikalawa, hindi ko po dapat sinusuportahan ang mga maling gawain nila," she still managed her poise. Kailangan niyang ipakita sa mga police na ito na mali ang pananaw ng mga ito sa kanya nang dahil lang sa isa niyang pagkakamali nang gabing iyon.“Yes you got a point, there are some things that’s not really tolerable but at least be considerate and know the health background of your students," parang naging kalmado na rin ang kanilang principal. Itinaas muna nito ang suot nitong salamin at dumako naman ito sa mga police upang sila naman ang kausapin.“Anyway, police officers, maaari ko bang malaman kung ano ang dahilan kung bakit ninyo hinahanap si Ms. Rodriguez?”He clears his throat first before saying anything. Tumingin din muna ang police na iyon sa akin bago sumagot sa aming principal.“Akala po kasi namin Maam si Ms. Rodriguez na po ang magiging lead upang mahuli namin ang mga babaeng madalas na nambibiktima ng mga kalalakihan tuwing oras ng curfew na hindi po namin mahuli-huli.” panimula nito.Nagpanting ang taenga niya sa narinig. Mukha na ba talaga siyang babaeng nagbebenta ng aliw? Kapag pumupunta ba sa sementeryo nagbebenta na ng aliw? Nais niya sanang magsalita pero pinili niya nalang ang manahimik.Naningkit ang mga mata ng kanyang principal. Lihim niyang idinalangin na sana’y kahit na ngayong pagkakataon lang ay makampihan din siya nito kahit na matandang dalaga ito at madalas ay nagsusungit. “ Maaari mo ba munang isalaysay sa akin kung bakit ang isang guro na katulad ni Ms. Rodriguez ay maaaring maging lead ng mga hinahanap ninyong babae? May kinalaman ba siya sa mga sinasabi ninyong mga babaeng nagbebenta ng aliw?” pagtatanong ng aming principal sa kanya.“That’s what I thought, Maam. Nasa kanya kasi ang ilan sa mga clues namin para matagpuan ang mga babaeng nagbebenta ng aliw. Una, nasa sementeryo po siya at sa oras pa po ng curfew. Ikalawa, nakasuot pa po siya ng lingerie.” sabi ng pulis.Napapikit siya nang mariin habang nagsasalita ito at nakahinga ng maluwag nang hindi na ito nagsalita pa at hindi na nito naibunyag pa ang nakakahiyang nagawa niya.“And lastly, she kissed me,"Napamulagat ang mga mat ani Gabrielle sa narinig. Naasinghap siya at namula ang buong mukha. Hindi niya na rin alam kung ano ang kanyang ikikilos. Uunahin niya bang paliwanagan ang kanilang principal na ngayon ay gulat na gulat sa narinig nito o uunahin niyang sampalin ang police na ito na nasa harapan niya ngayon? Nilaro-laro ni Zierelle ang kanyang itim na wristwatch habang suot-suot niya iyon. Hindi niya malaman ang nais niyang maramdaman ng mga oras na iyon. Half of his mind tells him to throw his wristwatch away because of the guilt he’s feeling that time while the other half just wanna say it’s alright and that lady deserves what she got. Naalala niya ulit tuloy ang pangyayari kanina bago sila magkaharap-harap sa principal’s office. Who would have thought that the lady is a teacher? Sa pag-iimbestiga nila ni Julian kanina, may nakapagsabi sa kanilang may pagkakatulad ang deskripsyon ng babaeng hinahanap nila sa isang babaeng nakikita ng napagtanungan nila na palaging pumapasok sa paaralan di kalayuan sa tirahan nito. Hindi niya naman akalain na isang guro pala ang kanilang hinahanap. Pumasok sila sa itinurong paaralan at nagsimula na silang mag-ikot ni Brent pagkatapos nilang ipaalam sa principal ang kanilang layunin kung bakit sila naroon. Halatang hindi ito makapaniwala sa narinig at nagulat din siya nang malamang isang guro pala ang kanilang hinahanap. Gayunpaman, pinanindigan niya ang kanyang desisyon at hinanap niya ang naturang babae. Naghiwalay sila ni Julian sa paghahanap. Sa di-kalayuan sa may harap ng puno ng saging na nasa likuran ng isang silid-aralan ay nakita niya ito. Lalapit na sana siya ngunit narinig niya itong nagsalita.“Mga one whole sheet of paper! Mga packing tape kayo! Kayo na nga ang isa sa mga dahilan kung bakit nakakulong nalang ako sa apat na sulok ng silid-aralan! Isa kayo sa dahilan kung bakit hindi ko Makita si Mr. Right, tapos ni hindi manlang kayo marunong rumespeto?!” nanggagalaiti siya sag alit habang sinisipa at sinusuntok ang kaharap na saging. Nakauniporme pa siya nang mga oras na iyon. Halata sa kanya ang galit dahil nakakuyom angkanyang kamao habang minumura niya ang puno ng saging.Nahihinuha niyang ang galit siguro nito ay dahil sa mga estudyante nitong hindi manlang marunong rumerespeto rito bilang guro. Ang bagay na iyon ay sadyang mahirap sa mga guro. Minsan nauubusan din ang mga ito ng pasensya ngunit hindi nila kayang murahin ang mga bata kaya madalas nahihirapan silang palabasin ang kanilang galit.“Nakakaawa naman ang puno ng saging, Maam," panimula niyang wika sa babae nang maramdaman niyang unti-unti na itong kumalma.Halatang nagulat ito nang marinig ang tinig niya.“K-kanina ka pa ba riyan?” nagkandautal-utal na ito sa pagsasalita. Lumikot din ang mga mata nito na halatang hindi mapakali.“Sort of.”“So….nakita mo ang lahat ng..ng…..ginawa ko?” “Oo naman. Nais ko na sanang tulungan ang saging kawawa naman. Gawin mo ba naming shock absorber ang saging, Maam," “You sound sarcastic, Mr. policeman. At sino ka ba para makialam sa mga gagawin ko? Is freedom of speech and expression punishable by law too?”Pilit siyang ngumiti.“Freedom of speech and expression isn’t punishable by law but what you did to me last night, I believe it was," by saying that he realized that what he just said have a double meaning. He is a policeman. Through that thought, he managed his composure and meet the gaze of the lady in front of him.He can see questions in her eyes. Ano kayang iniisip niyang posibilidad sa sinabi ko? Is it about her violating the curfew hours or is it about kissing him last night?“Partner, ayos ka lang ba? Ano na naman ang malalim na iniisip mo sa gitna ng trabaho?” Si Brent ang Nakita niyang nagsalita.“Wala lang. Pagod lang ‘to.” Sagot niya na hindi manlang makatingin ng diretso sa mga mata ni Brent.“I see," tumango-tango ito. “anyway here!” sabay hagis nito ng folder sa table niya. “We have another case to solve.”Binuklat niya ang nasabing folder at pinasadahan niya ito ng tingin hanggang sa may mabasa siya tungkol sa report.“A student on her teenage life being raped and got killed?” paniniguro niya rito. Napatango ito.Binalik niya ulit ang kanyang mata sa binabasa at napakunot ang noo niya nang makitang nag-aaral sa Mataas na Paaralan ng Candelaria ang nasabing estudyante kung saan nagtuturo ang babaeng nagngangalang Gabrielle, the lady who kissed her, of all wonderful places, sa sementeryo pa.“Ms. Rodriguez, you must behave. As a teacher, kailangan mong maging isang mabuting halimbawa sa iyong mga estudyante. Never set the rules if you, yourself can’t follow. Mabuti na nga lang at hindi ka na gagawan ng report ng police na iyon about sa curfew rules na nilabag mo. I DON’T WANT YOU TO GET INVOLVED AGAIN TO SUCH SITUATIONS THAT CAN DEGRADE THE MORAL OF THE WHOLE TEACHING COMMUNITY," her principal emphasized every word she said.
Napapikit siya. Paulit-ulit niyang naririnig ang tinig ng kanyang principal habang sinasabi niya iyon kahit na nasa klase siya at nasa harap ng kanyang mga estudyante. Kasalanan kasi lahat ng ito ng police na iyon. Kung hindi lang ito masyadong arogante at sarkastiko tiyak na maiiwasan niya ang pagkapahiya niyang ito sa kanilang principal. Nagbigay nalang muna siya ng seatwork pagkatapos niyang talakayin ang isang aralin sa kanyang mga estudyante. Isang malaking himala ang pananahimik ng mga ito sa ngayon dahil siguro kahapon lang ay labis siyang nainis sa mga ito at lumabas ng silid-aralan na hindi niya dapat ginawa. Sino ba naman kasing guro ang matutuwa habang nagtuturo ka ay panay ang hagikhikan ng mga babaeng estudyante sa likuran, only to find out later na nanonood lang ang mga ito ng Kdrama? Nakakabawas naman iyon ng self-confidence niya bilang guro. Para kasing ipinapakita ng mga ito na ang boring ng Subject na itinuturo niya kaya manonood nalang ang mga ito ng Kdrama. Samantala, tila may kung anong nag-udyok sa kanya para titigan ang isa sa mga estudyante niya. Napatingin siya rito. Tulala lang ito habang nakatitig sa kawalan. Nakatingin ito sa pisara pero mapapansing lampas-lampasan ang tingin nito roon. Maayos naman itong tingnan sa suot nitong uniporme ng paaralan ngunit kataka-taka ang palagian nitong pagsusuot ng jacket na may hood. Iyon ang dahilan kung bakit hindi niya halos makita ang mukha nito. Tiningnan niya sa Seat Plan kung sino nga ba ang estudyanteng ito. Hindi niya pa matandaan isa-isa ang kanyang mga estudyante dahil mahina siya magmemorize ng mga mukha at pangalan. Tumango-tango siya nang mabasa na ito pala si Grechelle Yu. Ngunit nagtaka siya nang wala ang estudyante niyang si Grechene Yu na dapat sana ay katabi ni Grechelle. Naalala niya nga isang beses na may binanggit ang kaibigan niya na adviser ng section na ito. Mayroon daw itong kambal na estudyante kaya naisip niya na ang mga ito siguro ang tinutukoy ng co-teacher at kaibigan niyang si Stella. Kumibit-balikat nalang siya at itinuon ang atensyon sa mga estudyante na nagsusulat. Kakausapin niya nalang ito mamaya bago matapos ang klase niya. Hahayaan niya muna itong makapag-isip sa ngayon dahil baka mayroong pinagdadaanan ang bata. Afterall, hindi naman ito nakakaistorbo ng kanilang klase. Napabuntunghininga si Gabrielle nang marinig niya ang tunog ng bell hudyat na natapos na naman niya ang isang oras ng kanyang klase. Hinintay niya munang magsilabasan ang lahat ng kanyang mga estudyante maliban kay Grechelle Yu. Alam niya naman kasing palagi itong nagpapahuling lumabas sa klase at tanging ang kakambal lang nito ang kasa-kasama palagi. They are struggling to socialize with the other kids in school. Lalabas na sana ito ngunit tinawag niya upang mapigil ang pag-alis nito. “Grechelle, are you okay?” panimula niyang tanong rito. Napansin niyang napahigpit ang hawak nito sa hawakan ng bag na nakasabit sa balikat nito.“A-ayos lang po ako, Maam. Bakit po ninyo naitanong?” ang sagot nitong hindi manlang makatingin nang diretso sa kanyang mga mata. She seemed stange.“Good. Then, where is your twin sister?” wala sa loob ay naitanong niya. Napansin niya na hindi na mapakali ang kanyang estudyante nang marinig ang pangalan ng kanyang kakambal.“Maam….”nangatog ang tuhod nito at tila nanginig sa takot. “W-wala na po siya. Wala na po siya,” habang nanginginig ang katawan nito ay hindi na nito napigilang umiyak. Naalala niya rito ang kanyang kapatid. Hinimas niya ang likod nito habang yakap-yakap niya ito. Hindi na niya ginagawa iyon bilang isang guro, kundi bilang isang nakatatandang kapatid."Maam, ipagtatapat ko po sa inyo ang lahat," ikinagulat niya ang sinabi ni Grechelle.
HINDI na niya malaman ang kanyang gagawin matapos ang pag-uusap nilang iyon ni Grechelle. Napakarami nitong sinabi sa kanya tungkol sa buhay nito at dahil sa mga nalaman niya dumiretso siya kaagad sa police station ng kanilang bayan. Wala na siyang pakialam kung magkikita na naman ulit sila doon ng aroganteng pulis. Ang importante ngayon sa kanya ay ang kinabukasan ng kanyang estudyante at hustisya para sa kakambal nito.Dumiretso siya sa main desk at sinabi niya ang mga nalalaman niya.“Maam, kamusta at napadalaw ka? Nais mo bang dalawin si Chief?” sarkastiko ang ngiti ngayon ng isang lalaki na nakaharap na niya sa paaralan.Napaangat ang isa niyang kilay. “Puwede ba, hindi ang arogante at sarkastiko ninyong Chief Zierelle ang ipinunta ko rito. Kundi narito ako upang magreport,” napalakas na ang kanyang pagkakasabi dahil sa inis.“I just heard my name, so I went out,” maya-maya pa’y nasa harapan na niya ang
KANINA pa nila hinahanap si Gabrielle at si Grechelle ngunit hindi nila ito makita. Wala na ring tao sa bahay ng mga ito. Kaya napagdesisyunan nilang taluntunin ang masukal na daan. Nagkikislapan ang mga dala nilang flashlights upang makita sa dilim ang mga hinahanap nila.Hanggang sa may marinig siyang isang sigaw sa di kalayuan. Nakilala niya kaagad na ang tinig ay nagmumula kay Gabrielle.“Move!” hindi na niya malaman kung pasigaw o pabulong ang sinabi niya basta’t ang alam niya lang ay naigalaw niya ang kanyang kamay upang magbigay hudyat sa kanyang mga kasamahan kung saan dapat pumwesto. Nagkukumahog siya ng mga panahong iyon at nag-aalala siya sa maaaring mangyari sa estudyante ni Gabrielle lalong-lalo na rito.Hindi nagtagal ay narating nila ang pinanggagalingan ng mga sigaw at nadatnan nila na hawak na si Gabrielle ng isang lalaking may hawak na patalim. Nakalagay sa may leeg ni Gabrielle ang patalim at segundo lamang o minuto ay maaari na it
NAPATDA si Gabrielle sa kanyang nakita kung sino ang nasa labas ng kanyang pintuan ngunit nanatili pa rin itong kumakatok kaya wala na siyang nagawa kundi pagbuksan ito ng pinto upang ganap na itong makapasok.“Ano bang ginagawa mo rito sa ganitong oras ng gabi?” pairita niyang tanong sa pulis na ayaw niyang makita ngunit paulit-ulit niyang nakikita.Hindi niya ipinahalata ang kinakababahan niyang mukha at halos nanginginig niyang tuhod. Kailangan niyang panindigan ang sinabi niyang hindi siya natatakot sa anumang panganib na maaari niyang harapin dahil sa pagiging pakialamera niya.Dire-diretso lang itong pumasok sa maliit niyang inuupahang bahay. Inilibot nito ang paningin sa buong bahay. Mula sa maliit niyang kusina kung saan naroon na ang lababo at lutuan pati na ang kanyang mini ref na pang isahang tao lang ang maaaring ilagay na supply. Ilang hakbang lang din mula sa kusina ay mararating na rin ang kanyang kama at sa gilid ng higaan
HINDI alam ni Julian kung anong klaseng espirito ang sumasapi sa mga ganitong uri ng babae. Pinag-utusan lang naman siya ng kanilang Chief na magmanman dito sa bar dahil baka dito niya makita ang isa sa mga crying ladies or else ang crying lady na pumatay kagabi para lang maisakatuparan lang nito ang plano nito.It's not his first time na may mag-aya sa kanya na ikama siya pero kakaiba ang babaing ito. Hindi niya rin alam kung bakit ganun. Pero siya kasi ang uri ng lalaking pinapahalagahan ang virginity niya. He wanted to be innocent until the time he gets married. Ganito man ang hitsura niya na parang playboy pero may prinsipyo siya sa buhay na pinanghahawakan."Kung ano man ang isyu mo sa buhay, I don't care. Wala akong pakialam kung sino man ang maging knight in shining armour ko basta’t ang alam ko lang sinira mo ang diskarte ko sa mga lalaking iyon at magbabayad ka." makikita ang galit sa kanyang mukha habang sinasabi iyon.Ang mga sinabing ito ng babae umu
Nanghihinang napaupo nalang si Gabrielle dahil sa kanyang nakita habang hawak hawak ang kuwintas. Hindi niya malaman kung maiiyak ba siya o matutuwa dahil sa nalaman niya. Ito ay ang kuwintas na ibinigay ng nanay niya kay Gwynette. Ang babae kanina ang nakatayo sa puwestong ito, kung kaya’t malaki ang posibilidad na ito ang nagmamay-ari ng kuwintas. Ngunit paano? Paano napunta sa babaeng iyon ang kuwintas ng kanyang kapatid? Posible kayang may alam ito sa pagkawala ng kanyang kapatid? Maaari ring ito ang kumuha sa kanyang kapatid ilang taon na ang nakararaan. Pinigilan niya ang mga luhang nais nang pumatak dahil sa bumalik na naman ang nakaraang ayaw na niya sanang balikan pa. Nasasaktan siya sa isiping naranasan na ng kanyang kapatid ang ganoong klaseng paghihirap sa napakabatang edad nito lalo pa nang mawalay ito sa kanila ng nanay niya. Gusto mo itong makita ngunit hindi mo pa mahanap. Iyon ang pinakamasakit sa lahat.Napasabunot siya sa kanyang buhok. Hanggang sa naramdaman n
NAPANGITI si Zierelle nang marinig ang mga sinabi ni Gabrielle bago siya umalis sa restaurant na iyon. Napangiti lamang siya siguro dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay magandang salita ang narinig niya rito. Puro nalang kasi pang-aasar at pagtataray ang umuukilkil sa isipan niya kapag naiisip niya si Gabrielle. Hindi na siya humarap sa babae pagkatapos niyang sabihin ang mga salitang iyon sa kanya at nag-wave lamang siya ng kamay hudyat ng pamamaalam niya rito dahil aalis na siya.Ilang minuto lamang ay nakarating na siya sa opisina ng Major nila. Agad siyang sumaludo pagkalapit na pagkalapit niya sa mesa nito. Alam niyang masesermonan na naman siya nito dahil sa nangyari sa bus kanina. Sabagay, sanay na rin naman siya na palagi siyang pinag-iinitan nito. Madilim pa sa nagbabantang bagyo ang mukha nito. Nanatili siyang nakatayo at hinintay niya itong magsalita.“Ano itong nabalitaan ko kanina? Bakit ganoon ang ginawa mo sa mga holdaper?! Diba sabi ko sayo, manghuli
Kabanata 10Napasigaw na si Glydel nang pilit siyang pinaghahalikan ng matandang lalaking kasama niyang lumabas ng bar. Silang dalawa lang naman ang nasa loob ng sasakyan nito kaya’t wala siyang kawala kung sakali mang ano ang gawin nito sa kanya. Grade 10 pa lamang siya sa paaralang pinapasukan ngunit malaking bulas na siya at inunahan na ng kanyang katawan ang kanyang totoong gulang kaya kung titingnan mo sa panlabas na kaanyuan ay isa na siyang ganap na dalaga. Ngunit hindi para sa kanya. Mistula lamang siyang isang bubot na pilit na pinitas dahil sa pangangailangan ng iba at dahil nangangailangan din siya.Kung mayroon lang sana siyang pagkakataon na ibahin ang kapalaran niya maaaring ginawa na niya.Napatulo nalang ang luha niya nang maramdaman niyang hinawakan ng matandang lalaki ang ulo niya at pwersahang inilapit ang mukha niya sa mukha nito upang mahalikan siya. Akala niya’y masisikmura niyang gawin ang ganoong bagay, lalo na’t unang gabi pa
SUMASALIPADPAD na ang isipan ni Lemuel sa kung saan-saan dahil kay Stella. Nagsisimula pa nga lang siyang manligaw rito pero tila tinatapos na ng babae ang sinisimulan pa nga lang niya. Hindi niya ito madala sa pa-bouquet kahit pa na nag-effort siyang itanong kay Gabrielle kung anong paboritong bulaklak ni Stella. Hindi rin naman yata ito mahilig sa pagkain dahil tila nainis pa ito nang padalhan niya nang napakaraming pagkain na tila may piyesta na itong dinaluhan.Dulot ng mga isiping iyon ay nawala na sa kanyang isipan ang trabahong dapat ay kanyang pinagkakaabalahan. Hanggang sa tinawag siya ni Zierelle na nagpanumbalik sa kanya sa kasalukuyan. May babae raw na magpa-file ng reklamo kaya naman ay nagmamadali na siyang nagpunta sa complaint desk. Nakayuko siya kung kaya’t hindi niya na natingnan nang mabuti ang mukha ng babaeng kaharap.“Irereklamo ko sana rito ang kasamahan ninyong pulis na pagkatapos ko siyang iligtas ay bigla niya na lang akong iniwan sa e
abanata 70“ANONG ibig mong sabihin? Huwag kang magmataas sa akin sapagkat isa ka lang batang yagit dati na inampon ko! Subalit nag-alaga lamang pala ako ng isang ahas!” sagot ng Colonel.“Puwes ang yagit na ito ang tatalo sayo. Hindi mo ba matanggap? Ang oras na yatang ito ang tamang oras upang makapagpasalamat ako sa lahat ng pagsasanay na ginawa mo. Sinanay mo lang pala ako upang kalabanin ka at masugpo ang sindikatong dati ay nag-alaga sa akin sa marahas na pamamaraan,”“Kung nalaman ko lang ng mas maaga, sana’y hindi na kita pinapasok pa sa serbisyo,” nagtagis ang mga bagang nito nang mapagtantong tila siya ay naloko.“I pity you, Colonel. Hindi pa sana huli ang lahat para sa inyo ni Gary basta’t mangako kang sasama ka sa amin ng maayos,”“Naloloko ka na ba?! Hinding-hindi ko iyan magagawa dahil wala sa bokabularyo ko ang pagsuko sa kahit na sinuman! Lalong-lao na sayo! Kung gayon wala na akong magagawa kundi ang patayin ang kapatid mo!?”“Kuyaaaaa!!!!” nahintakutang sigaw sa kan
“Damn! Alam niya namang delikado rito! Ihahatid pa niya ang sarili niya kay kamatayan!” inis na inis na sabi ni Major Rosales nang marinig ang sinabi ni Gary na papunta na ang anak niya kung saan ang kinaroroonan nila ngayon. Kung kaya’t nagmamadali saying nag-dial ng numero ng kanyang anak upang ito’y matawagan niya at mapigilan ngunit hindi ito sumasagot. Kung kaya’t naibato niya nalang ang two way radio na hawak dahil sa tindi ng kanyang inis.Nag-concentrate nalang siya sa pagiging alerto sa paligid dahil baka anumang sandali ay matunton na siya ng mga kalaban.MABILIS na nakapasok ang anak ni Major Rosales sa loob ng mansiyon na walang manlang katakot-takot. Suot niya ang kanyang pulang mahabang bestida na tinernuhan niya ng itim na sombrero. Sinong mag-aakala na ang kanyang pakay pala sa islang iyon ay ang makitang mamatay si Zierelle at ang babae nitong pinili sa halip na siya? Ito palang ang unang lalaking tumanggi sa kanyang kagandahan at iyon ang pinakaayaw niya sa lahat—an
NAKITA na nilang lahat ang mansiyon na nakatayo sa gitna ng isla. Habang nasa laot sila ay nakita na nila sa kanilang largabista ang ilang mga tauhang nakabantay sa labas ng mansiyon. Kaya’t upang hindi kapansin-pansin ang kanilang pagdating sa islang iyon ay lumampas sila sa naturang mansiyon at dumaan sila sa malayo-layo at likurang bahagi ng isla. Kung bibilangin nasa bente rin silang lahat dahil dumagdag pa ang dalawang babaeng kasama nila-sina Zyph at Grechelle. Gabi na rin nang makarating sila sa islang iyon kung kaya’t ipinasya na lamang nila na mag bonfire muna habang nagpaplano kung paanong pagsugod ang gagawin.Nang makagawa na sila ng bonfire pumaikot sila doon. Nagustuhan ng lahat ang atmosphere lalo na ng dalawang babae habang nagbabatuhan silang dalawa ng mga buhangin. Nakita rin nila kung gaano ka-enjoy ang dalawa habang nagtatampisaw sa tubig-dagat.“Masaya sana kung narito lang tayo upang mag-relax,” napabuntunghiningng wika ni Brent.“Pero hindi, may misyon tayong d
Ang mga kaganapan ilang oras bago makipagkita si Detective Lee at ang mga tauhan nito kay Zierelle…WALANG inaksayang panahon si Zierelle dahil naalala niya dati ang usapan nila ni Gabrielle pagkatapos na maligtas ito mula sa mga kidnappers. Nagflashback ang lahat sa isipan niya.“Gab, palagi mong buksan ang location sa phone mo ha. Iyong GPS ba para kahit saan ka magpunta puwede kitang ma-track,” nakangiti niyang sabi sa babae.“Oo naman, sabi mo eh,” ngumiti rin sa kanya pabalik si Gabrielle habang sinunod nito ang utos niya. Dahil sa isiping iyon ay dali-dali siyang nagpunta sa kanilang headquarters upang humingi ng tulong sa dalawang kasamahan kung saan expert si Julian sa ganoong field. Mabuti na nga lamang at mabilis na naging maayos ang kalagayan ng dalawa matapos magtamo ng sugat na kagagawan ni Colonel Rolando Narciso. Nang makarating siya doon ay humahangos pa siya dahil sa sobrang pagmamadali niya kanina. “Julian!” biglang tawag niya at sigaw rito.“Napano ka chief?” nagm
NAKARAMDAM si Gabrielle nang sobrang pagkahilo habang lumalapag ang sinasakyan nilang chopper. Hindi kasi talaga siya sanay na sumakay sa mga ganitong uri ng sasakyan dahil tiyak na kung hindi siya mahihilo ay masusuko siya at iyon ay ayaw niyang mangyari noon ngunit gusto niyang mangyari ngayon upang masukahan niya si Gary upang kahit papaano ay makapaghiganti siya mula rito. Ngunit sa mga pagkakataong iyon ay tila kay damot ng tadhana. Ni hindi nga siya nasusuka kapag sa mga panahong nasusuka siya. Ba’t ba naman kasi ayaw makisama ngayon ng kanyang sikmura kung saan handa na siyang sukahan ang isang taong karapat-dapat naman talagang masukahan!“Gary, ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo sa amin ng Ate ko? Hindi ka ba marunong maawa? Sa lahat ba ng mga pagsubok na napagdaanan mo ay hindi mo pa rin kayang baguhin ang sarili mo?” pangongonsensya ni Gwyn kay Gary.“Manahimik ka!” sita ni Gary kay Gwyn sabay sampal dito. Hindi naman makapalag si Gwyn dahil hawak-hawak siya ng dalawang l
"GARY!!!!!!!!!!!!!!!!!! Ano ba! Saan mo ba kami dadalhin!?” reklamo ni Gwyn habang sapilitan silang pinapaakyat sa chopper. Nang pasadahan niya ng tingin ang mga lalaking kumakaladkad sa kanila kanina ay mga bagong mukha at tanging si Gary lang ang kakilala niya.Patunay lamang nito na dumarami na ang tauhan ni Colonel Rolando Narciso. Kahit na maraming nalalagas ay marami rin namang handang pumalit at dumagdag sa mga tauhan nito.“Walanghiya ka, Gwyn! Naturingan ka pa namang kanang kamay ni Colonel ngunit niloloko mo lang siya! Handa ka na palang isuplong kami pinatagal mo pa!” at pagkatapos sabihin iyon ni Gary ay ubod lakas niyang sinampal si Gwyn.Nakita naman ni Gabrielle ang ginawang iyon ni Gary sa kanyang kapatid kung kaya’t agad na nag-init ang kanyang ulo.“Hoy! Huwag na huwag mong padadantayin iyang kamay mo sa kapatid ko dahil nakasisiguro talaga ako na ako ang makakatapat mo!” sigaw ni Gabrielle habang pumapalag. Hindi naman siya makalapit nang ganoon kabilis dahil hindi na
Kabanata 64"MGA inutil na mga pulis iyan! Pinairal na naman nila Ang kanilang katangahan! Nasorpresa silang lahat nang malaman na ako ang founder at boss ng Crying Ladies!" Tumawa pa si Colonel Rolando habang sinasabi iyon.Nakitawa na rin si Gary dahil nagtagumpay na naman sila sa mga binabalak nila. Bumalik-tanaw sandali SI Colonel Rolando kung paano nila nalusutan at natakasan ang mga pulis. Pakiramdam niya talaga ay napakasuccessful niya dahil kahit na si General ay naisahan niya upang mailigtas si Major Rosales na siyang kanang kamay niya. Alam na niya agad na nahuli si Major Rosales at sasailalim na sa interrogation kung kaya't mabilis siyang napapunta sa interrogation and investigation room dahil may kutob siyang kailangan na niyang mailigtas SI Major Rosales . Syempre, dahil may posisyon siya sa kanilang departamento hindi na kwinestyun pa ng mga ito ang kanyang panghihimasok at pangingialam kahit na wala naman siyang Kaugnayan doon.Dati ay Isa na siyang miyembro ng Theatre
“GRECHELLE, dito talaga tayo matutulog?” nakangiwing wika ni Zypherine sa bagong kaibigang nakilala lang sa kalye.Pinasadahan niya ng tingin ang kinalalagyan nila ngayon na mistulang isang abandonadong bahay. Hindi pa naman siya sanay na hindi komportable ang pamumuhay. Lalo pa’t madilim ang lugar na iyon ngayon at tanging ang liwanag ng buwan ang tumatanglaw sa kanila.Narinig niyang napabuntunghininga ang kanyang kausap. “Magtiis nalang muna tayo sa ngayon, Zyph. Wala naman tayong mapuntahan, ayoko namang bumalik sa shelter dahil baka mahanap ako roon ng tatay ko,” simulang pagkukuwento nito sa kanya.Nagtaka siya sa mga binitawan nitong salita. Ngunit bago pa siya ulit makapagtanong ay agad na itong tumayo at may kung anong kinuha. Maya-maya pa’y lumiwanag na ang buong paligid. At doon na lamang niya nakita ang kabuuan ng lugar kung saan sila ngayon naroroon. Isa nga iyong abandonadong bahay na tila maliit na bungalow lang. Mayroon namang bubong na yero ngunit kitang-kita ang mada
GULAT silang lahat pagkatapos na makita ang ganoong ipinakitang ugali ni Colonel Rolando kung saan tinutukan nito ng baril si Major Rosales habang hindi pa rin ito nagsasalita. Hindi agad sila nakapagsalita lahat dahil sa sobrang bilis ng mga pangyayari. Makikita ang takot sa mukha ni Major Rosales dahil sa galit na ipinakita ni Colonel Rolando.“Madami na talagang sindikato ngayon ang nambibiktima ng mga kapwa nila tao. They are making other life miserable. At iyon ang hindi ko hahayaan. Ikaw Rosales, alam kong hindi ka nagsasalita at hindi mo manlang ipagkakanlulo ang iyong boss kasi alam mong ililigtas ka niya,” this time, nakangiti na si Major Rosales habang sinasabi iyon pagkatapos ay tinanggal na nito ang pagkakatutok ng baril kay Major at dumiretso na ito ng tayo. “At dahil hindi mo ipinagkanlulo ang boss mo, ililigtas ka niya,” wika ni Colonel Rolando sabay ngumiti ng nakaloloko. Ngunit bago pa makapag-react ang lahat ay mabilis nang kinalabit ni Colonel ang hawak nitong bari