Home / Romance / That Summer...the Rain Pours / Chapter 21 - Chapter 30

All Chapters of That Summer...the Rain Pours: Chapter 21 - Chapter 30

71 Chapters

Kabanata 20

"BESHY! Kamusta ang date ninyo ni Mr. Police Officer?” masiglang tanong ni Gabrielle sa kaibigan nang makasalubong niya ito sa hallway. Nagulat pa siya nang humarap ang kaibigan sa kanya dahil hindi niya maipaliwanag ang emosyon sa mukha nito. Galit naman ang nababanaag niya sa mga mata nito.“Puwede ba, huwag kang magkunwaring masaya ka para sa akin. Hindi na uso ngayon ang plastic,” galit na wika ng babae at itinulak pa siya.“A-anong ibig mong sabihin, Stella?” naitanong niya pa rin dito kahit na hindi na niya alam kung ano ang dapat na isagot sa kaibigan.“Naalala mon ang sabihin ko sayong gusto ko si Zierelle? Bukal ba talaga sa kalooban mon a iparaya siya sa akin?”“Gusto mo bang malaman kung ano talaga ang kasagutan sa katanungan mo?”Tumango si Stella at nakita pa niyang naikuyom nito ang kamao dahil sa tindi ng galit na nararamdaman.“Stella, bestfriend kita, kaya kahit na masaktan ako
Read more

Kabanata 21

HUMANTONG si Gabrielle sa sementeryo kung saan palagi siyang pumupunta doon upang maglabas ng hinanaing sa kanyang ina. Dulot na ring ng wala naman siyang kahit na isang tao na mapagsasabihan.Pinalis niya muna ang mga luhang nagsisimula nang pumatak sa kanyang pisngi. “Nay, bakit po ganoon? Ako na nga palagi ang nagpaparaya at nasasaktan pero sa huli ako pa rin po ang naging masama at ang palaging iniiwan,” napabuntunghininga siya. Sobrang sikip na ng dibdib niya dahil sa tindi ng sakit na nararamdaman niya.She felt betrayed and worthless. Iniiwan nalang siya palagi ng mga taong pinapahalagahan niya. Isa na roon si Stella na parang basahan nalang kung itapon ang kanilang ilang taon ding samahan bilang magkaibigan.Kahit na hindi niya ito pinapili ay malinaw na malinaw sa kanya na si Zierelle ang pinipili nito. Kahit na nasasaktan siya ay lihim niya nalang na idinadalangin na sana’y piliin din ni Zierelle si Stella upang mapatunayan din nito sa sari
Read more

Kabanata 22

“TULUNGAN mo ako, Stella..tulungan mo ako,” nakikiusap at pagmamakaawa ng lalaking kaharap ngayon ni Stella habang nakatayo siya sa pinto. Napansin niyang nakaupo ito sa isang silya habang nakatali ang mga kamay at paa nito.“P-Pasensya ka na Reynard, hindi kita maaaring tulungan,” ang naisagot niya sa kasamahang guro. Ito ang nawawalang MAPEH Teacher nila sa paaralan.“Bakit mo ginagawa ito Stella? Bakit ka sumali sa sindikato nila?” tanong nito habang pinipilit pa rin nitong igalaw ang mga kamay nagbabakasakaling makawala ang mga iyon sa pagkakagapos sa silya.“I felt betrayed by everyone. At ang organisasyong ito ang makatutulong sa akin upang makapaghiganti sa lahat ng taong nanakit sa akin,”“Stella, take note, ang gusot na pinasukan mo ay hindi isang organisasyon, kundi isang sindikato. Isa kang guro kung kaya’t alam na alam mo kung anong pagkakaiba ng organisasyon sa sindikato. The former sounds better,” may pang-uuyam sa tinig ng lalaki.“Nasasabi mo lang
Read more

Kabanata 23

Gabrielle! Please listen to me!” nilakasan na ni Zierelle ang kanyang tinig dahil mistulang bingi na si Gabrielle at wala tila wala manlang itong naririnig habang mabilis na naglalakad. Kung kaya’t mas binilisan rin niya ang paglalakad upang maabutan niya ang babae.Nang maabutan niya ito ay mabilis niya itong hinablot sa braso kung kaya’t napatigil ito sa paglalakad at hinarap na siya nito. Mailap ang mga mata nito at hindi niya mahuli-huli.“Gab, look at me,” utos niya sa babae. Masunurin naman ito para sundin kung anong sinabi niya. “Bakit hindi ka manlang lumilingon kahit na tinatawag kita?”“K-kasi may stiffneck ako,” nakayuko ito habang sinasabi iyon. Pinigilan ni Zierelle na matawa sa mga isinasagot ni Gabrielle sa kanya.“Nagsisinungaling ka,” panghuhuli niya rito.“P-paano mo nalaman?” natutop din nito ang sariling bibig nang marealize nito na may nasabi itong hindi nito dapat sinabi.“See? Alam ko kasi ganyan na ganyan ang isa sa mga ikinikilos ng i
Read more

Kabanata 24

“Gab, okay ka lang ba?” nag-aalala niyang tanong rito dahil nang makita niya ito ay kapansin-pansin ang panginginig nito at puno ng takot ang mga mata nito.Napabuntunghininga muna ito bago nagsalita. “N-natakot lang ako noong una nang buksan ko ang kahon at nakita ko ang isang teddy bear na maraming bahid ng dugo. Lalo na nang mabasa ko ang note na isinulat din gamit ang dugo na nagsasabing Mamamatay ka,” pinakalma pa nito ang sarili sabay inom ng maligamgam na tubig na ibinigay niya rito.“Calm down, Gab. Hindi kita pababayaan,” wika niya sa babae at niyakap niya ito upang mawala kahit papapano ang panginginig nito.“T-tila may kutob na ako kung sinuman ang nagpadala sa akin ng ganyan. Tinatakot na niya ako,” wika ni Gabrielle at kumalas na ito sa pagkakayakap niya.“Sino ang tinutukoy mo?”“Iisa lang naman ang nagbanta sa akin at sinabi niyang gagawin niyang miserable ang buhay ko. Naalala mo ang suspek sa pagpatay sa isa sa mga kambal? Siya iyon,” seryosong w
Read more

Kabanata 25

"JULIAN, saan ka galing?” takang-tanong ni Zierelle kay Julian nang makita na niya itong naupo sa pwesto nito at hinarap agad ang laptop nito.Hindi ito agad sumagot at napahawak ito sa sentido nito.“I think something’s bothering you,” ang naiwika nalang niya nang hindi siya sinagot ni Julian. Napansin niyang naging mailap ang mga mata nito ngunit hindi niya nalang binigyan ng kahulugan.“Pumunta lang ako kina Mommy, emergency kasi sumama ang pakiramdam niya, chief,” sagot nito.“Ganoon ba? Pakisabi nalang kay tita magpagaling siya. By the way, Julian, kamusta ka? Alam ko namang naging mahirap ang mga nangyayari ngayon sayo,” kaswal lang ang pakikipag-usap niya rito dahil gusto niyang ito mismo ang mag-confide sa kanya. “Im just stuck If I will be a police officer or to be a boyfriend of someone,” sa wakas ay nagbahagi rin ito sa kanya ng nararamdaman nito.“Bakit ka pa mamimili sa dalawa kung puwede mo namang pagsabayin?” tanong niya rito. Nagtataka lang k
Read more

Kabanata 26

"GAB, wala kang dapat na ipagselos dahil pareho ko kayong mahal. Nauna siya sa buhay ko bago ka dumating kung kaya’t wala kang dapat na ipag-alala. Gusto mo ba talagang malaman kung sino siya?” Wala na siyang magagawa kundi ang sabihin nalang kay Gabrielle ang lahat.“Kapag hindi ko ba nakita na nandito ka, sabihin mo pa kaya sa akin?” balik-tanong nito sa kanya.“Oo. Sasabihin ko naman kaso naghahanap lang ako ng tamang tiyempo,”“Iyan nga ang nais kong marinig sayo dahil habang minamahal kita mistulang isa ka pa ring estranghero para sa akin. Hindi mo manlang ba kayang sabihin sa akin ang lahat ng mga dapat kong malaman tungkol sayo at ang mga bagay na dapat mong ikuwento sa akin bilang girlfriend mo?”“I-I’m sorry, Gab. But I think this is the right time to tell you. Ang babaeng nakita mo kanina ay ang Mama ko,” tinapangan lang niya ang kanyang loob habang sinasabi iyon dahil kapag ang nanay na niya ang pinag-uusapan ay nanghihina na siya.Halatang hindi makap
Read more

Kabanata 27

Malalim na napabuntunghininga si Stella bago pindutin ang fire alarm na dati na rin niyang napindot. Hindi na rin iyon ang unang beses na ginawa niyang pumindot ng fire alarm kahit na walang sunog ngunit parang hindi pa rin siya nasasanay. Siguro iyon ay dahil may mangyayari kay Gabrielle ngayong araw na ito at ang mas malala pa ay may partisipasyon pa siya.Katulad ng dapat asahan, nakita niyang nag-panic ang mga estudyanteng naroroon pati na rin ang mga guro ngunit kinakalma lang ng mga guro ang kanilang sarili upang maunang mailigtas ang mga bata dahil kasama na rin iyon sa sinumpaan nilang tungkulin.Siya naman ay kalma lang dahil alam naman. niyang hindi naman totoong may sunog. Abala ang kanyang mga mata sa paghahanap kay Gabrielle.Nagulat na naman siya nang may nagsalita sa device na nakakonekta sa tainga niya "Stella, hanapin mo na si Gabrielle at isakatuparan mo na ang plano natin," narinig niyang wika ni Gwyn sa kabilang linya."Sa
Read more

Kabanata 28

“MGA walanghiya kayo! Pakawalan ninyo ako rito!” sigaw ni Gabrielle habang pinipilit na maalis ang kanyang sarili sa mahigpit na pagkakatali sa upuan.Ngumisi naman ang isa sa mga lalaking kumidnap sa kanya. Hindi niya matandaan ang hitsura ng bawat isa kanina dahil nakasuot ang mga ito ng bonnet at tanging mga mata at bibig lang ang nakikita mula sa mga ito.“Natatandaan mo pa ba ako, Gabrielle?” tanong ng isa sa mga lalaking naka-bonnet. Pinakinggan ni Gabrielle ang boses nito at alam niya sa sarili niyang pamilyar ang naturang boses dahil matagal na niya iyong narinig mula sa kung saan. Ngunit nanatili muna siyang tahimik. “Hindi mo na ba talaga ako matandaan? Kahit saan naman naroon ako, hindi mo lang alam. Sa mga panahong nandoon ka sa loob ng bahay ninyo, naroon ako at hinatiran ka pa ng regalo. Noong araw na magselos ka at muntik na kayong mag-away ng boyfriend mo, naroon din ako at pinaputukan ko kayo ng baril. Alam mo, hindi naman sa pasmado ang kamay ko, nguni
Read more

Kabanata 29

BIGLA silang napahinto lahat nang magsalita ang lalaking naka-tatoo. Slow motion silang lahat na napalingon sa lalaki. Kinakabahan man ay nanindigan sila sa kanilang pagpapanggap.“Bakit? Kilala mo ba ako?” ang malambing na tanong ni Julian sa lalaki. Sinikap nitong maging hawig sa boses ng babae ang ginamit na boses nito. Tinitigan siya nito ng maigi mula ulo hanggang paa.“Ay, hindi pala. Nagkakamali lang pala ako. Akala ko kasi ikaw ang first love ko dati,” ngingiti-ngiti nitong wika.Nakahinga silang lahat nang maluwag dahil sa sinabi nito. Akala kasi nila namumukhaan sila nito bilang mga police. Kapag may nakahalata na nagpapanggap lang sila, doon na magiging komplikado ang lahat. Nagsenyasan silang lahat kung saang palapag at kuwarto sila papasok nang hindi nakakahalata ang mga bantay doon sa loob ng malaking bahay.“O, mga binibini, bakit nandito pa kayo? Nandoon na ang iba ninyong kasama sa opisina ni boss. Kailangan niya munang mag-attend ng orientation
Read more
PREV
1234568
DMCA.com Protection Status