ANG mga taong mukhang pera ay madaling mauto, ito ang mariing sabi ni Blue sa kanyang sarili habang ibinababa niya ang mga groceries na ibibigay niya sa pamilya ni Mimi. Mayroon din siyang ilang mga laruan para sa mga kapatid ni Mimi. “Son in law,” wika ng ina ni Mimi. Malapad na malapad ang ngiti nito sa kanya kaya napuwersa rin siyang ngitian ito ng pagkatamis-tamis. “Magandang umaga po,” magalang na magalang niyang sabi. Talagang kailangan niyang maging mabait sa paningin nito para naman madali niyang mapaikot ito. Iyon nga lang may pagkakataon na nararamdaman niyang nawawalan na ng gana sa kanya si Mimi ngunit wala siyang pakialam sa damdamin nito. Ang mahalaga ay hindi niya ito pawawalan. Ngunit, kahit gustung-gusto na niyang luray-lurayin ang pagkababae nito, kailangan
Last Updated : 2021-11-26 Read more